Carassius auratus auratus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Goldpis
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Actinopterygii
Orden: Cypriniformes
Pamilya: Cyprinidae
Sari: Carassius
Espesye: C. auratus
Subespesye: C. a. auratus/C. a. gibelio
Pangalang trinomyal
Carassius auratus auratus
(Linnaeus, 1758)

Ang goldpis[1] (Ingles: goldfish o "gintong isda", "isdang may gintong kulay"), o Carassius auratus (Carassius auratus auratus), (tinatawag ding karpita[2] at tawes[3]) ang pinakakilalang isda sa buong daigdig. Ito ay nagmula sa Europa at Asya, ngayon ito ay inaalagaan sa mga akwaryum sa lahat ng bahagi ng mundo. Ito ay kasapi ng pamilyang Cyprinidae. Sila ay maaring iba't ibang kulay. Sila ay inamo na ng mga Tsino ng ilang taon na ang nakalilipas.

Sukat[baguhin | baguhin ang batayan]

Sila ay may 59 na sentimetro at 4.5 na kilo. Ang isang goldfish ay maaring tumanda hanggan 25 na taong gulang. Ang talang pangdaigdig para sa pinakamatandang goldfish ay 49 na taong gulang.

Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Mararaming uri ng mga goldfish ang makikita sa daigdig. Ang karamihan sa kanila ay ang morong itim (black moor), matang-bula (bubble eye), bulalakaw o kometa (comet), buntot-pamaypay (fantail), oranda, kaliskis-perlas (pearlscale), ranchu, matang-teleskopyo (telescope eye), at buntot-belo (veiltail).

Iba pang mga goldpis.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]