David Guetta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
David Guetta
David Guetta sa 2011 MuchMusic Video Awards
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Pierre David Guetta
Kapanganakan 7 Nobyembre 1967 (1967-11-07) (46 taong gulang)
Paris, Pransiya
Genre House, electro house, hip house
Mga Gawain DJ, record prodyuser, manunulat ng awit
Taong aktibo 1994–kasalukuyan
Mga tatak EMI Music France, Virgin, Positiva, Astralwerks
Sityo davidguetta.com

Si Pierre David Guetta (ipinanganak noong 7 Nobyembre 1967), higit na kilala bilang David Guetta (Pagbigkas sa Pranses: [daˌviːd gɛˈta]), ay isang Pranses na prodyuser ng house music at DJ.[1] Orihinal na isang DJ sa mga nightclub noong dekada 1980 at 1990, isa siya sa mga nagtatag ng Gum Productions at naglabas ng kanyang unang album na Just a Little More Love, noong 2002. Lumaon, inilabas niya ang Guetta Blaster noong 2004 at ang Pop Life noong 2007. Ang kanyang album noong 2009 na may pamagat na One Love na kinapapalooban ng mga sikat na single na "When Love Takes Over" (featuring Kelly Rowland), "Gettin' Over You" (featuring Chris Willis, Fergie at LMFAO) at "Sexy Bitch" (featuring Akon), kung saan ang huli ay pumasok sa isa sa limang mga sikat na awit sa Estados Unidos at ang tatlo naman ay umabot sa ika-1 puwesto sa Nagkakaisang Kaharian, at gaya din ng iba pang kilalang mga single ay umabot din sa limang pinakasikat na awit sa ibang mga bansa gaya ng "Memories" featuring Kid Cudi. Nakabenta si Guetta ng mahigit sa tatlong milyong mga albim at 15 milyong single sa buong daigdig.[2] Isa siya sa mga kasalukuyang hinahangad na prodyuser ng musika.[3]

Mga Talasanggunian[baguhin]


Mga kawing na panlabas[baguhin]

Padron:David Guetta