Dimos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa Sinaunang Ellada, ang dimos (δῆμος, Ingles: deme) ay isang lokal na bahagi ng Attiki, ang rehiyon ng Ellada na nasa palibot ng Athina. Mukhang mayroon nang mga dimos noong ika-6 na dantaon B.K. at mas maaga pa pero ito ay simpleng pagbabahagi lamang ng lupain sa kanayunan. Wala itong gaanong kahalagahan hanggang sa magreporma si Kleisthenis noong ika 508 B.K. Sa repormang iyon naging rekisitos sa pagkamamamayan ang pagkakatala sa listahan ng mga mamamayan ng isang dimos. Bago nilikha ang patakarang ito ang pagkamamamayan ay nakabatay sa pagiging kasapi ng isang fatria (φατρία), o pangkat ng pamilya.

Sa panahong ito ang mga dimos ay itinatag mismo sa lungsod ng Athina bagama't noong una ay wala nito roon. Sa pagtatapos ng mga reporma ni Kleisthenis ang buong Attiki ay nahati sa 139 na dimos. Pinahina ng pagkakatatag ng mga dimos, bilang pundamental na yunit ng estado, ang genos (γένος), o mga aristokratang pangkat ng pamilya na siyang naghahari sa mga fatria. (Fine 1983)

Gumagana ang isang dimos na parang maliit na polis. Sa katunayan ang ilang dimos tulad ng Elefsina at Acharnes ay mahahalagang bayan. Ang bawat dimos ay may dimarchos (δήμαρχοσ) na siyang namamahala dito. May iba't-iba pang sibil, panrelihiyon, at pangmilitar na opisyales ang iba-ibang dimos. Nagtatanghal ng kaniya-kaniyang pistang panrelihiyon ang mga dimos. Nangongolekta ito ng buwis at nagagastos ang nabanggit na koleksiyon.(Whitehead sa Hornblower & Spawforth 2003)

Ang mga dimos ay isinasanib sa iba pang kalapit nitong dimos upang makabuo ng trittya (τριττύα ), na may mas malaking populasyon, na siya namang bumubuo sa sampung tribo, o fyli ng Athina. Ang bawat tribo ay mayroong isang trittya mula sa isa sa tatlong rehiyon: ang lungsod, ang baybayin, at ang kaloobang bahagi ng estado.

Listahan ng dimos ng Athina ayon sa tribo/fyli (φυλή)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod na pangalan ay nasa transliterasyong Ingles:

Erechthides (Ἑρεχθηΐδαι, Erekhthidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Itaas na Agryle
Ibabang Agryle
Anagyrous
Euonymon
Themakos
Kedoi
Kephisia
Itaas na Lamptrai
Ibabang Lamptrai
Pambotadai
Itaas na Pergase
Ibabang Pergase
Phegous

Aegides (Ἁιγείδαι, Aigeidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Itaas na Ankyle
Ibabang Ankyle
Araphen
Halai Araphenides
Bate
Gargettos
Diomeia
Hestiaia
Erikeia
Erchia
Ikarion
Ionidai
Kollytos
Kolonus
Kydantidai
Myrrhinoutta
Otryne
Plotheia
Teithras
Phegaia
Philaidai

Pandionides (Πανδιονίδαι, Pandionidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Angele
Konthyle
Kydathenaion
Kytheros
Myrrhinous
Oa
Prasiai
Probalinthos
Itaas na Paiania
Ibabang Paiania
Steiria

Leontides (Λεοντίδαι, Leontidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Aithalidai
Halimous (Alimos)
Deiradiotai
Hecale
Eupyridai
Kettos
Kolonai
Kropidai
Leukonion
Oion Kerameikon
Paionidai
Pelekes
Itaas na Potamos
Ibabang Potamos
Potamioi-Deiradiotai
Skambonidai
Sounion
Hybadai
Phrearrhioi
Cholleidai

Acamantides (Ἀκαμαντίδαι, Akamantidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Hagnous
Eiresidai
Eitea
Hermos
Iphistiadai
Thorikos
Kerameis
Kephale
Kikynna
Kyrteidai
Poros
Prospalta
Sphettos
Cholargos

Oenides (Οἰνείδαι, Oineidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Acharnai (Acharnes)
Boutadai
Epikephisia
Thria
Hippotomadai
Kothokidai
Lakiadai
Lousia
Oe
Perithoidai
Ptelea
Tyrmeidai
Phyle

Cecropides (Κεκροπίδαι, Kekropidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Athmonon
Aixone
Halai
Daidalidai
Epieikidai
Melite
Xypete
Pithos
Sypalettos
Trinemeia
Phlya

Hippothoontides (Ἱπποθοωντίδαι, Ippothoontidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Azenia
Hamaxanteia
Anakaia
Auridai
Acherdous
Dekeleia
Elaious
Eleusis (Elefsina)
Eroiadai
Thymaitadai
Keiriadai
Koile
Kopros
Korydallos
Oenoe (sa kanluran)
Oion Dekeleikon
Peiraeus

Æantides (Ἀιαντίδαι, Aiantidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Aphidna
Marathon
Oenoe (sa silangan)
Rhamnous
Trikorynthos
Phaleron

Antiochides (Ἁντιοχίδαι, Antiokhidai)[baguhin | baguhin ang batayan]

Aigilia
Alopeke
Amphitrope
Anaphlystos
Atene
Besa
Eitea
Eroidai
Ergadeis
Thorai
Kolonai
Krioa
Leukopyra
Pallene
Semachidai
Phyrrhinesioi

Makabagong gamit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang terminong dimos ay ginamit din noong panahong Ellineko at Romano. Noong dumating ang Emperyong Vyzantio, ang termino ay tumutungkol na sa isa sa apat na paksiyon ng nagkakarera ng chariot, ang mga Pula, Bughaw, Luntian at Puti.

Sa modernong Ellada ang terminong dimos ay nangangahulugan na mga munisipalidad.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Deme ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Fine, J.V.A. (1983). The Ancient Greeks: A critical history. Harvard University Press. ISBN 0-674-03314-0
  2. Hornblower, S., & Spawforth, A. (ed.). (2003). The Oxford classical dictionary. Oxford University Press. ISBN 0-19-866172-X
  3. Suzanne, B. (1998). Plato-dialogues.org, "Attic Tribes and Demes". Accessed August 1, 2006, from http://plato-dialogues.org/tools/attica.htm#demoi.
  4. Tribes (Ancient Greece). Mababasa sa http://www.speedylook.com/Tribes_(ancient_Greece).html.
  5. Traill, J.S. The Political Organization of Attica: A Study of the Demes, Trittyes, and Phylai, and Their Representation in the Athenian Council. New Jersey: American School of Classical Studies at Athens, pp. 35–55. ISBN 0876615140. Mababasa sa Google Books.