Disenyong grapiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang disenyong grapiko (Ingles: graphic design) ay isang pangkalahatang tawag sa mga drowing at iba pang teknik na ginagamit sa pagpaparami ng mga salita at litrato. Ang mga teknik na nakapaloob dito ay ang paguukit, litograpiya, block printing, etching, at silk-screen printing. Ang pagpipinta ay dating kabilang na isa sa mga kasama sa disenyong grapiko, ngunit ngayon ito ay hiniwalay at tinanggap na hiwalay at iba sa pagiging isang sariling uri ng sining. Ang disenyong grapiko ay ginagamit na kapareho sa patalastas (commercial) at fine arts. Pagdating sa pampatalastas (commercial) na pagamit, ang disenyong grapiko ay ginagamit sa pagpapakilala ng bagong produkto, at minsan ay pabalat ng diyaryo at ng magasin, poster, brochure, at mga pamplet. Ang iba pang pang komersyong gumaamit nito ay ang reproduksiyon at pang-fashion design. Kung sa fine arts, maraming artista na ang nakagawa ng mga obra sa pamamagitan ng paguukit, litographiya, at iba pang uri ng paraan ng pagdidisenyong grapiko. Ang ilan sa mga batikan sa ganitong larangan ay sina Giambattista Bodoni, Neville Brody, David Carson, William Caslon, at Milton Glaser.

Hanggang 1400, ang mga manuskript and mga illustrasyon ay kailangang gawin sa kamay kung nais itong kopyahin at paramihin. Misnsan ito ay hindi kopyang kopya at napakatagal at hirap gawin. Pagkatapos maimbento ni Johannes Gutenberg ang movable type noong 1440, naging posible at madali na ang pagkokopya ng mga libro. Nang bumilis ang pagpaparami ng libro, kasabay na rin umusbong ng mabilis ang dami ng nag-aaral. Dito ay lalong lumaki ang bilang ng mga taong may interes sa sining, literatura, at siyensiya noong panahon ng Renaissance. Noong patapos na ang panahon ng Middle Ages, ang block printing at ang paguukit ay naging kilala sa buong Europa. At ang iba sa mga obra ay nagsimulang gawan ng reproduksiyon lalung lalo na bago dumating ang potograpiya.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]