Pumunta sa nilalaman

Edel Quinn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Edel Quinn
Kagalang-galang
Legado ng Lehiyon ni Maria sa Silangang Aprika
Ipinanganak14 Setyembre 1907(1907-09-14)
Kanturk, Kondado ng Cork, Irlanda
Namatay12 Mayo 1944(1944-05-12) (edad 36)
Nairobi, Kenya
Benerasyon saSimbahang Katolika Romana, lalo na ang mga kasapi ng Lehiyon ni Maria
Kapistahan12 Mayo

Si Kagalang-galang na Edel Quinn ay isang misyonaryong laykong Irlandes.

Ipinanganak sa Kanturk, Kondado ng Cork, Si Edel ay panganay na anak ng opisyal ng bangko na si Charles Quinn at ni Louisa Burke Browne ng Kondado ng Clare. Siya ay apo sa tuhod na babae ni William Quinn, isang taga-Tyrone na nanirahan sa Tuam upang itayo ang Katedral ni Sta. Maria.

Noong kabataan niya, ang karera ng kanyang ama ang nagdala sa kanyang pamilya sa iba't ibang mga bayan sa Irlanda, kabilang ang Tralee, Co. Kerry, kung saan ang isang plakang ay inalisan ng belo noong Mayo 2009 sa Bangko ng Ireland House sa Denny Street upang alalahanin ang kanyang paninirahan doon sa pagitan ng 1921 at 1924.

Nakadama ng tawag ng buhay reliyoso si Edel Quinn noong kabataan niya. Ninais niyang sumali sa Poor Clares ngunit napigil ito ng biglaang pagkakasakit ng tuberculosis.[1] Pagkatapos ng pamamalagi sa sanatorium ng labing walong buwan, ang kanyang kalagayan ay hindi nagbabago, siya ay nagpasya na maging aktibo sa Lehiyon ni Maria, na sinalihan niya sa Dublin sa edad na 20. Ibinigay niya ang kanyang buong sarili sa gawain sa anyo ng pagtulong sa mahihirap sa mga pook ng Dublin.

Noong 1936, sa edad na 29 at siya’y nakatakdang mamatay sa sakit na tuberculosis, siya’y naging lingkod ng Legion ni Maria, siya’y naging napaka-aktibong misyonero sa Silangan at Gitnang Aprika, at lumisan noong Disyembre 1936 patungong Mombasa. Noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay nagtrabaho sa malalayo gaya ng Dar es Salaam at Mauritius.Noong 1941, siya ay sinugod sa isang sanatorium malapit sa Johannesberg.[1] Habang nilalabanan niya ang kanyang sakit, sa loob ng pitong at kalahating taon, itinatag niya ang mga daandang sanga at konseho ng Legion sa kasalukuyang Tanzania, Kenya, Uganda, Malawi, at Mauritius, Isinulat ni Fr. McCarthy, at ngayo’y Obispo ng Zanzibar kay Edel Quinn ang pahayag na ito:

  • "Si Bb. Quinn ay hindi pangkaraniwang tao; malakas ang kanyang loob, masigasig at positibo. Nalilibot niya ang buong naglansa-lansang ilog, upang makasama sa isang Aprikanong tsuper. Kapag siya’y bumalik, siya ay may kakayahang makipag-usap tungkol sa mga misyon at pagmimisyon, nagkakaroon talaga siya nang higit pang karanasan kaysa sinumang misyonerong kilala ko."

Sa lahat ng kanyang panahon, hindi napabuti ang kanyang kalusugan at lumala pa noong 1943, namatay siya sa Nairobi, Kenya sa sakit na tuberculosis noong Mayo 1944. Siya ay inilibing doon sa Missioneries’ Cemetery.

Ang kaso ng kanyang beatipikasyon ay itinakda noong 1956. Siya ay itinakdang maging kagalang-galang (venerable) ni Papa Juan Pablo II noong Disyembre 15, 1994, noong kasagsagan ng kampanya para sa kanyang beatipikasyon ay patuloy na ginaganap.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 [http:/www.catholicireland.net/the-last-days-of-edel-quinn/ Peel OP, Henry. "The last days of Edel Quinn", Catholic Ireland, November 30, 1999.]