Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Infobox collage for WWII.PNG
Paikot mula sa kanang taas: mga sundalong Intsik sa Labanan sa Wuhan, mga kanyon ng mga Briton at Awstralyano sa panahon ng Unang Labanan sa Al-Alamayn sa Ehipto 1943, mga eruplanong pambomba ng Alemanya sa Silangang Teatro (taglamig 1943-1944), hukbong pandagat ng Estados Unidos sa Golpo ng Lingayen, paglalagda ni Wilhelm Keitel sa Kasulatan ng Pagsuko ng Alemanya, mga sundalong Sobyet sa Labanan sa Stalingrad
Petsa Ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya, ika-3 ng Setyembre 1939 sa Europa
Lokasyon Europa, Pasipiko, Atlantiko, Timog-Silangang Asya, Tsina, Gitnang Silangan, Mediteranyo at Aprika, Hilaga at Timog sa panandaliang panaho
Resulta Pangwakas na tagumpay ng mga Alyadong Bansa
Mga Nakikidigma
Mga Bansang Alyado


Flag of the Soviet Union.svg Unyong Sobyet
Flag of the United Kingdom.svg Nagkaisang Kaharian
Flag of the United States.svg Estados Unidos
Flag of the Republic of China.svg Flag of the People's Republic of China.svg Tsina
Flag of France.svg Pransya
Flag of Poland.svg Polonya
Canadian Red Ensign 1921-1957.svg Kanada
Flag of Australia (converted).svg Awstralya
Flag of the Kingdom of Yugoslavia.svgYugoslabya
Flag of the Philippines (navy blue).svg Pilipinas
State Flag of Greece (1863-1924 and 1935-1970).svg Gresya
Flag of the Netherlands.svg Olanda
Flag of Belgium.svg Belhika
Flag of South Africa 1928-1994.svg Timog Aprika
Flag of New Zealand.svg Bagong Selanda
Flag of Norway.svg Noruwega
Flag of Czechoslovakia.svg Tsekoslobakya
Flag of Ethiopia (1897-1936; 1941-1974).svg Etiyopiya
Flag of Brazil (1889-1960).svg Brasil
Flag of Luxembourg.svg Luksemburgo
Flag of Cuba.svg Kuba
Flag of Mexico.svg Mehiko
British Raj Red Ensign.svg Indiya
Flag of the People's Republic of Mongolia (1940-1992).svg Mongolia

Mga Bansang Axis


Flag of German Reich (1935–1945).svg Alemanya
Flag of Japan.svg Hapon
Flag of Italy (1861-1946).svg Italya
Flag of Hungary (1920–1946).svg Unggarya
Flag of Romania.svg Rumanya
Flag of Bulgaria.svg Bulgarya
Flag of Finland.svg Pinlandiya
Flag of Thailand.svg Taylandya
Flag of Iraq (1921–1959).svg Irak
Flag of the Philippines (1943-1945).svg Pilipinas
Flag of Independent State of Croatia.svg Kroasya
Flag of the State of Burma (1943-45).svg Burma
Flag of First Slovak Republic 1939-1945.svg Slobakya
Flag of Manchukuo.svg Manchukuo
Flag of the Mengjiang.svg Mengjiang
Flag of the Republic of China-Nanjing (Peace, Anti-Communism, National Construction).svg Bagong Tsina
1931 Flag of India.svg Azad Hind
Flag of Albania (1939-1943).svg Albanya

Pinuno
Flag of the Soviet Union.svg Joseph Stalin
Flag of the Soviet Union.svg Georgy Zhukov
Flag of the Soviet Union.svg Vasily Chuikov
Flag of the United Kingdom.svg Winston Churchill
Flag of the United Kingdom.svg George VI
Flag of the United Kingdom.svg Bernard Montgomery
Flag of the United Kingdom.svg Hugh Dowding
Flag of France.svg Maurice Gamelin (hanggang 1940)
Flag of France.svg Maxime Weygand (hanggang 1940)
Flag of France.svg Charles De Gaulle
Flag of the United States.svg Franklin Roosevelt
Flag of the United States.svg Dwight D. Eisenhower
Flag of the United States.svg Douglas MacArthur
Flag of the United States.svg Omar Bradley
Flag of the United States.svg George Patton
Flag of the United States.svg Chester W. Nimitz
Flag of the United States.svg Husband E. Kimmel
Flag of the Republic of China.svg Chiang Kai-shek
Flag of the Republic of China.svg He Yingqin
Flag of the Republic of China.svg Chen Cheng
Flag of the Philippines (navy blue).svg Manuel L. Quezon (1941-1942)
State Flag of Greece (1863-1924 and 1935-1970).svg Ioannis Mataxas
State Flag of Greece (1863-1924 and 1935-1970).svg Alexander Papagos
Flag of the Kingdom of Yugoslavia.svg Milorad Petrović
Flag of the Netherlands Henri Winkelman
Watawat ng Belgium Leopold III
Watawat ng Norway Otto Ruge
,at iba pang mga kasapi
Flag of German Reich (1935–1945).svg Adolf Hitler
Flag of German Reich (1935–1945).svg Hermann Göring
Flag of German Reich (1935–1945).svg Wilhelm Keitel
Flag of German Reich (1935–1945).svg Walther von Brauchitsch
Flag of German Reich (1935–1945).svg Erwin Rommel
Flag of German Reich (1935–1945).svg Gerd von Runstedt
Flag of German Reich (1935–1945).svg Franz Halder
Flag of German Reich (1935–1945).svg Fedor von Bock
Flag of German Reich (1935–1945).svg Erich von Manstein
Flag of German Reich (1935–1945).svg Friedrich Paulus
Flag of German Reich (1935–1945).svg Wilhelm Ritter von Leeb
Flag of German Reich (1935–1945).svg Wilhelm List
Flag of German Reich (1935–1945).svg Hugo Sperrle
Flag of German Reich (1935–1945).svg Albert Kesselring
Flag of German Reich (1935–1945).svg Heinz Guderian
Flag of Japan.svg Hirohito (Emperador Showa)
Flag of Japan.svg Hideki Tōjō
Flag of Japan.svg Hajime Sugiyama
Flag of Japan.svg Tomoyuki Yamashita
Flag of Japan.svg Isoroku Yamamoto
Flag of Japan.svg Chuichi Nagumo
Flag of Japan.svg Osami Nagano
Flag of Japan.svg Masaharu Homma
Flag of Japan.svg Yoshijirō Umezu
Flag of Japan.svg Korechika Anami
Flag of Italy (1861-1946).svg Benito Mussolini
Flag of Italy (1861-1946).svg Victor Emmanuel III
Flag of Italy (1861-1946).svg Umberto II ng Italya
Flag of Italy (1861-1946).svg Pietro Badoglio (1940-1943)
Flag of Italy (1861-1946).svg Rodolfo Graziani
Flag of Italy (1861-1946).svg Ugo Cavallero
Flag of Romania.svg Ion Antonescu
Flag of Romania.svg Constantin Constantinescu
Flag of Romania.svg Ioan Dumitrache
Flag of Hungary (1920–1946).svgMiklós Horthy
Flag of Hungary (1920–1946).svg Gusztáv Vitéz Jány
Flag of Finland.svg Carl Gustaf Emil Mannerheim
Flag of Independent State of Croatia.svg Marko Mesić
Flag of Independent State of Croatia.svg Viktor Pavičić
Flag of First Slovak Republic 1939-1945.svg Ferdinand Čatloš
Flag of First Slovak Republic 1939-1945.svg Augustín Malár
Flag of Thailand.svg Ananda Mahidol
Flag of Thailand.svg Plaek Pibulsonggram
,at iba pang mga kasapi
Lakas
~100,000,000


Flag of the Soviet Union.svg 35,000,000
Flag of the United States.svg 16,000,000
Flag of the Republic of China.svg 12,000,000
Flag of France.svg 5,000,000
Flag of the United Kingdom.svg 4,700,000
Flag of Poland.svg 1,000,000
Flag of the Kingdom of Yugoslavia.svg 900,000
Canadian Red Ensign 1921-1957.svg 800,000+
Flag of Australia (converted).svg 680,000, at marami pang iba

~40,000,000


Flag of German Reich (1935–1945).svg 22,000,000
Flag of Japan.svg 10,000,000
Flag of Italy (1861-1946).svg 4,500,000
Flag of Romania.svg 1,300,000
Flag of Hungary (1920–1946).svg 1,200,000
Flag of Bulgaria.svg 1,200,000
Flag of Finland.svg 500,000, at marami pang iba

Nawala
80,000,000; 60% ay mula sa Unyong Sobyet 12,000,000

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya at unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.

Mga dahilan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng kanyang mga kasapi noong 1918. Nabago ang mapa ng Europa, at bilang resulta nito, nagsipagsulutan ang mga bagong bansa, kasama na ang bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing bansa, dulot nito. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan; sila ay ginamit bilang pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang naunang nasabing bansa ng mga pagbabawal at sangksyon, kabilang na rito ang Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong katihan na umabot sa mahigit sa sandaang libong kawal, para maiwas ang karagdagang gulo sa Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang dulot ng nasabing digmaan.

Mga pangyayari bago ang digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pagbabago sa mga bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng Munich sa Alemanya kasama ng kanyang mga kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang kanilang kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito ay pumalpak, at marami sa kanyang mga kasamahan ay nabihag ng mga awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila ang magiging pinuno ng bansa.

Pagkatapos ng mga tagumpay laban sa iba't ibang imperyo kamakailan bago at pagkatapos ng digmaan, naramdaman ng mga Hapon ang ginigiit nilang karapatang magpalawak ng kanilang kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila ito, noong taong 1931, sa pamamagitan ng paglusob ng Manchuria na sakop ng Tsina noon. Sapagkat nasa digmaang sibil ang bansa roon, mga nasyunalistang Kuomintang na lumalaban sa mga Komunista na dati nilang kapanalig, lubos na mahina ang Tsina upang ipagtanggol nito ang mga teritoryong sakop nito; ang kinalabasan ay ang mabilisang pagkaagaw ng mga territoryo sa kamay ng mga Hapon. Nang malaman ito ng League of Nations at kinondena pagkatapos, umalis ang Hapon sa samahan at pinalawak nito ang imperyo sa iba't ibang ibayo ng Tsina.

Pagsikat ng mga diktador[baguhin | baguhin ang batayan]

Adolf Hitler, ang Führer, o pinuno, ng Alemanya mula 1933 hanggang 1945.

Ganap na naitatag ang Unyong Sobyet noong 1922 mula sa mga lupaing dating sakop ng mga Ruso at nawala nila pagkatapos ng mga himagsikan sa bansa noong taong 1917. Humalili si Joseph Stalin bilang pinuno ng bagong bansa pagkatapos ng pagpanaw ni Vladimir Lenin noong 1924. Sinimulan niya ang malawakang industriyalisasyon at pagpapalakas ng pambansang hukbong katihan, tinawag na "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at Magsasaka" o kilala lamang bilang Hukbong Pula, habang kumikitil ng buhay ng mga pinagkakamalang mga traydor at rebisyonista sa Partido at ng bansa.

Sa Italya naman, naglunsad ng kudeta si Benito Mussolini kasama ang mga kanyang mga kapartidong pasista sa Roma. Bilang resulta, ibinigay ng haring si Vittorio Emanuele III ang mga ehekutibo at mga pangmilitar na kapangyarihan kay Mussolini. Ganap na siyang naging diktador ng bansa.

Samantala, sa Alemanya, napasakamay na rin ng Partidong Nazi sa pamumuno ni Adolf Hitler sa wakas ang pamumuno ng bansa noong 1933. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Hudyo. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular na ang bansang Italya na naging unang bansang yumayakap sa ideolohiyang pasismo.

Sanhi ng Masidhing Panlulumo na nagsimula noong 1929 na sumira sa mga ekonomiya ng iba't ibang bansang industriyalisado sa daigdig, ipinangatwiran ng mga ibang diktador na kailangan nilang palakasin at palawakin ang kani-kanilang mga bansa. Lumusob ang mga Italyano sa Etiyopiya na matagal na nilang balak gawing kolonya nila noong 1936, at naging matagumpay sila.

Bilang paghihiganti sa pakikipagdigma laban sa Tsina, tinigilan ng Estados Unidos ang pagsusuplay ng langis sa mga Hapon. Dahil dito, nalilimita ang mga militar na kapabilidad ng mga Hapon, at ito rin ang dahilan kung bakit pagulat na inataki nila ang base militar ng Pearl Harbor noong 1941.

Digmaan sa Europa[baguhin | baguhin ang batayan]

Watawat ng Alemanyang Nazi

Simula ng pananakop[baguhin | baguhin ang batayan]

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar na pinamumugaran ng mga Tseka. Nakipagsunduan rin siya sa pinuno ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong 1 Setyembre 1939, dahilan upang magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan. Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o digmaang kidlat na malugod na ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong panahong yaon. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransiya ay mabilis na napabagsak ng blitzkrieg, habang dumadanas ng mga maliliit na mga kawalan sa tauhan at materyales.

Sa kabila ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang nanatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong 12 Agosto 1940, binomba ng Alemanya ang katimugang baybayin ng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensiyon, ang radar, na ginamit para malaman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa, at sa tulong nito natablahan ng mga eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya. Ipinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi ng malaking kawalan sa mga eroplano, at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.

Paglawak ng digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hunyo 1941, sinimulan na ni Hitler at ng kanyang mga heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at iskolar, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa kanyang lahi at makontrol ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal niya na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Dahil dito, nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Aleman, pero sa kabila nito, walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa. Muntikan nang naagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa, ngunit sa pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang malawakang pag-atake laban sa kanila, at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa mga tarangkahan ng lungsod.

Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa unang bahagi ng taong 1942, naging matagumpay ang mga hukbong Axis sa Europa sa iba't ibang larangan sa digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at Italyano ang kuta ng mga Briton sa Tobruk sa Libya, at pagkatapos ng pagpapangkatang-muli ng mga Aleman mula sa pagkatalo nila sa Moscow mga ilang linggo ang lumipas ay bumalik sila sa paglulusob. Naagaw nila ang tangway ng Kerch at ang lungsod ng Kharkov, at ipinagpatuloy nila ang pangunahing misyon nila -- ang maagaw ang mga masaganang kalangisan sa Caucasus at ang lungsod ng Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong Labanan sa Stalingrad. Isang malaking insulto at kawalan para kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalu't lalo na't pangalan niya ang nakaukit sa lungsod, kaya ang utos niya sa kanyang mga kasundaluhan na tumatanggol sa lungsod ay bawal umatras nang walang utos sa kataas-taasan o kundi'y sila ay patayin. Habang nahihirapan ang hukbong Axis sa pag-agaw sa lungsod dahil sa mga mamamaril na nakatago sa mga gusaling nasira ng mga kanyon at eroplano at kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan, lumusob naman ang mga Sobyet sa mga giliran ng hanay ng hukbo at napakaraming yunit ng hukbo, kabilang na yaong mga Rumaniyano, Italiyano, Unggaryano at iba pang kaalyado ng Alemanya, ang nawasak; napaligiran ang mahigit 300,000 Aleman sa lungsod. Pebrero 1943, sanhi ng pagkaubos ng kanilang tauhan, materyales at pagkain kasama na ang napakamapinsalang taglamigang Ruso, napilitan silang sumuko sa mga Sobyet; ito ang hudyat ng simula ng pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang Wehrmacht sa labanan, hindi na nito naibawing muli ang dati nitong sigla; pagkatapos ng Labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking labanan ng mga tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan nang wala nang kakayahan ang Alemanya na magsagawa pa ng mga panlulusob sa mga teritoryo ng Rusya.

Pagkawagi ng mga Alyado[baguhin | baguhin ang batayan]

Sina Joseph Stalin ng Unyong Sobyet, Franklin Roosevelt ng Estados Unidos, at Winston Churchill ng Britanya, sa pagpupulong sa Tehran, Iran, taong 1943.

Noong ika-6 ng Hunyo 1944, naglunsad ang mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ng pagsakalay sa mga baybaying-dagat ng Normandy, Pransiya na sakop noon ng mga sundalong Aleman. Ito ay bahagi ng operasyong itinawag na D-Day o Operasyong Overlord na siyang pinakamalaking paglusob mula dagat sa kasaysayan; mahigit 175,000 Alyadong sundalo ang lumapag sa mga baybaying-dagat ng Normandy sa mga unang araw nito, at lumagpas sa mahigit sa isang milyon pagkatapos ng ilang araw. Makalipas ang mga ilang buwan, sa tulong ng mga Pranses, matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado ang Pransya. Makalipas ang ilang buwan, nagsagawa ang mga Aleman ng isang paglusob laban sa mga hukbong Alyado sa mga kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya ito at dahil nito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.

Noong 16 Abril 1945, pumasok ang Hukbong Pula ng Unyong Sobyet sa lungsod ng Berlin, ang kabisera ng Nasyunalistang Alemanya, at nilabanan nito ang mga kahuli-hulihang mga yunit ng mga sundalong Aleman. Nawasak ang kabiserang lungsod at may hihigit sa 700,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay, nasugatan at nabihag sa kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945, sumuko ang Alemanya at nagwagi ang mga puwersang Alyado at ang Unyong Sobyet sa digmaan.

Digmaan sa Asya[baguhin | baguhin ang batayan]

Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong 3 Disyembre 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos. Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright.

Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas.

Noong 20 Oktubre 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang 3 Marso 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones. Noong 2 Setyembre 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong 6 Agosto 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.