Luzon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Luzon
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng tatlong pangunahing grupo ng pulo sa bansa: ang Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng tatlong pangunahing grupo ng pulo sa bansa: ang Luzon, Kabisayaan at Mindanao.
Heograpiya
Lokasyon Timog-silangang Asya
Kapuluan Kapuluan ng Pilipinas
Buong bilang ng mga pulo 7,107
Pangunahing mga pulo Luzon, Mindanao, Mindoro, Palawan
Sakop 109,965 km²
Pinakamataas na pook Pulag (2,922 m)
Administrasyon
Flag of the Philippines  Philippines
Regions National Capital Region, Bicol, Cagayan Valley, CALABARZON, Central Luzon, Cordillera, Ilocos

 (9,932,560)

Demograpiya
Populasyon 39,500,000 (as of 2000)
Densidad/Kapal 359.2
Katutubong mga tao Aeta, Agta, Bicolano, Ibanag, Igorot, Ilokano, Kapampangan, Pangasinanse, Tagalog

Ang Luzon ay tumutukoy sa ang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).

Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 na lalawigan.

Heograpiya[baguhin]

Silipin din: Heograpiya ng Pilipinas

Ang kabuuang sukat ng Luzon ay 76,969,315.9 square kilometres (29,718,019.0 sq mi),[1], ang ika-17 pinakamalaking pulo sa buong daigdig. Matatagpuan sa Luzon ang punong lungsod ng Pilipinas, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Quezon. Mabundok ang pulo na kung saan matatagpuan ng Bundok Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, at ang mga Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, ay ilan sa mga tanyag na mga bulkan sa Luzon. Matatagpuan sa kanluran ng Luzon ang Dagat Kanlurang Pilipinas, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Halos parihaba ang sukat ng pulo ng Luzon at may mahabang tangway sa timog silangan na tinatawag na Tangway ng Bikol. Ang hilagang bahagi ng pulo ay kinapalolooban ng malalaking bulubundukin, ang Cordillera Central.

Sa silangan ng Cordillera Central ay ang malaking Lambak ng Cagayan, na nagsisilbing tagasalo, ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Sa silangan ng lambay ay matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.

Sa timog silangan ng Look ng Maynila matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa bansa, at ang pinakamalaking lawa sa loob ng kalupaan sa Timog Silangang Asya, ang Lawa ng Bay.

Pagkakahating Administratibo[baguhin]

Ang pulo ng Luzon ay kinapalolooban ng 8 sa 17 rehiyon ng Pilipinas. Ang mga rehiyong ito ay hindi mga pampolitika na entidad, subalit nagsisilbing pagkakahating administratibong pangkat ng mga lalawigan. Ito ay ang mga sumusunod:

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Islands by Land Area". Island Directory Tables. United Nations Environment Programme. http://islands.unep.ch/Tiarea.htm. Hinango noong 4 Marso 2013. 



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.