Tarlac

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa lungsod, tingnan Lungsod ng Tarlac. Para sa ilog, tingnan Ilog Tarlac.

Ang Tarlac ay isang walang pampang na lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Lungsod ng Tarlac ang kapital nito. Napapaligiran ang Tarlac ng Pangasinan sa hilaga, Nueva Ecija sa silangan, Pampanga sa timog, at Zambales sa kanluran.

Lalawigan ng Tarlac
—  Lalawigan  —

Sagisag
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Luzon (Rehiyon III)
Pagkatatag 1872
Kabisera Lungsod ng Tarlac
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—0,
Lungsod (bahagi)—1,
Bayan—17,
Barangay—510,
Distrito—3
Pamahalaan
 • Gobernador Jose V. Yap
Lawak(ika-46 na pinakamalaki)
 • Kabuuan 3,053.4 km2 (1,178.9 sq mi)
Wika Tagalog, Kapampangan, Ilokano

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Matatagpuan ang lalawigan sa gitna ng gitnang kapatagan ng Luzon, at napalilubutan ng mga lalawigan ng Pampanga sa timog, Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa hiliaga, at Zambales sa kanluran. Tinatayang 75% ng lalawigan ay patag samantalang ang nalalabing bahagdan ay maburol hanggang sa mabundok.

Tulad ng karamihan ng Gitnang Luzon, ang lalawigan ay may dalawang uri ng panahon: tag-araw mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan sa nalalabing mga buwan. Ito ang pinakamalamig na lalawigan sa rehiyon, na may karaniwang temperatura na 24 °C (75 °F).

Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati ang Tarlac sa 17 munisipalidad at 1 lungsod.

Lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga munisipalidad[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]