Gitnang Kabisayaan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyong VII
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng kinaroroonan ng  Rehiyong VII
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Cebu
Populasyon

 – Densidad

6800180
{{{density_km2}}} bawat km²
Lawak 15875 km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pambatas


4
16
116
3,003
15
Wika Cebuano (Diyalektong Boholano), Porohanon, Tagalog, Ingles, Kastila

Ang Gitnang Kabisayaan (Ingles:Central Visayas) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan. Binubuo ito ng apat na lalawiganBohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor— at ng mga lungsod ng Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Lapu-Lapu, at Lungsod ng Mandaue. Katutubong sinasalita ang wikang Cebuano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.

Ang kabuuang sukat ng rehiyon ay 15,875 km². Noong senso ng 2007, may 6,398,628 katao ang naninirahan sa rehiyon, ang ika-5 pinakamataong rehiyon sa 17 rehiyon ng Pilipinas.[1]

Mga Lalawigan at mga Lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang rehiyon ng Gitnang Kabisayaan ay binubuo ng apat na mga lalawigan at 3 malalayang lungsod:

Talaksan:Ph central visayas.png
Mapang pampolitika ng Gitnang Kabisayaan
Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2010)[2]
Area
(km²)
Pop. density
(per km²)
Bohol Lungsod ng Tagbilaran 1,255,128 4,117.3 304.8
Cebu Lungsod ng Cebu 2,619,362 4,800.11 545.7
Negros Oriental Lungsod ng Dumaguete 1,286,666 5,402.3 238.2
Siquijor Siquijor 91,066 343.5 265.1
Lungsod ng Cebu¹ 866,171 280.2 3,091.3
Lungsod ng Lapu-Lapu¹ 350,467 64.22 5,457.3
Lungsod ng Mandaue¹ 331,320 34.87 9,501.6

Bagaman ang Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Mandaue, at Lungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ng Cebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang isang Mataas na Urbanisadong Lungsod, ang mga ito ay may kalayaan mula sa pamamahala ng lalawigan ng Cebu.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Senso ng Populasyon ng Gitnang Kabisayaan
Senso Populasyon +/-
1990 4,594,124
2000 5,706,953
2010 6,800,180
Source: National Statistics Office[3]

Ayon sa senso noong 2010, may populasyon ang Gitnang Kabisayaan na 6,800,180 katao, ang ika-5 pinakamataong rehiyon sa 17 rehiyon ng Pilipinas.

Ang Cebuano ang pinakasinasalitang wika sa rehiyon. Sinasalita rin sa rehiyon ang wikang Tagalog, Ingles at Kastila.

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pandagat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Fastcraft terminal para sa mga pasaherong mula Cebu patungong Negros.

Ang Pantalan ng Lungsod ng Cebu ay ang pangunahing daungan sa rehiyon. Mayroon din mga daungan sa Lungsod ng Dumaguete sa Negros Oriental, Tagbilaran sa Bohol at sa Larena sa Siquijor.

Panghimpapawid[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu, na matatagpuan sa Lungsod ng Lapu-Lapu, ay ang ikalawang pinakaabalang paliparan sa Pilipinas (pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino) sa Kalakhang Maynila at ang tanging paliparan sa Kabisayaan na may mga pandaigdigang paglipad (maliban sa Paliparang Pandaigdig ng Kalibo)

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]




Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.