Tsokolateng burol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Chocolate Hills

Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas.[1] Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi).[2] Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.

Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.[3]

Sanggunian[baguhin]

  1. Eye on the Philippines Global Eye Retrieved 22 Disyembre 2006.
  2. Chocolate Hills Seven Natural Wonders. Retrieved 10 Disyembre 2011.
  3. The Bohol Flag and Seal www.bohol.gov.ph Retrieved 15 Nobyembre 2006.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.