Mga lalawigan ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pilipinas

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas



Mga iba pang bansa · Atlas
 Portal ng Pamahalaan ng Pilipinas

Ang lalawigan (Filipino: probinsiya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, may walumpung (80) lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa mga lungsod at mga bayan. Ang Pambansang Punong Rehiyon, pati ang mga Malayang Bahaging Lungsod, ay may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan at ng isang halal na gobernador.

Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa katangiang pang heograpiya, kultura, at etnolohiya. May nakatakdang bilang ang bawat isa sa labing-apat na rehiyon ng bansa kung saan nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa sa katimugan. Walang itinakdang bilang ang Kalakhang Maynila o Pambansang Punong Rehiyon, ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR) at ang Nagsasariling Rehiyon sa Muslim na Mindanao (ARMM).

Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura, bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong mga halal na kinatawan o congressman ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas. Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan (tingnan ang sumusunod na seksiyon tugkol sa pamahalaang lalawigan).

Noong 30 Oktubre 2006, inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang Shariff Kabunsuan, sa isang plebesito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan. Inaprubahan din noong 2 Disyembre 2006, nabuo din ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebesito. Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.

Pamahalaang lalawigan[baguhin]

Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Kagawaran ng tagapagpaganap[baguhin]

Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman.

Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal. Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.

Kagawaran ng tagapagbatas[baguhin]

Pinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad (Filipino: bokal, Ingles: board members) mula sa bawat distrito. Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.

Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ex-officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains, Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League (PCL), at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.

Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan. Hinahalal naman ang mga kasaping ex-officio sa loob ng kanilang organisasyon.

Mapa[baguhin]


Tala ng mga lalawigan[baguhin]

Lalawigan[fn 1] Kapital Rehiyon Populasyon Lawak (km²) Densidad ng
Populasyon
(bawat km²)
Ph seal abra.png Abra Bangued CAR 209,491 3,975.6 52.7
Ph seal agusan del norte.png Agusan del Norte
Hilagang Agusan
Lungsod ng Cabadbaran[1] XIII 552,849 2,590.0 213.5
Ph seal agusan del sur.png Agusan del Sur
Timog Agusan
Prosperidad XIII 559,294 8,966.0 62.4
Ph seal aklan.png Aklan Kalibo VI 451,314 1,817.9 248.3
Ph seal albay.png Albay Lungsod ng Legazpi V 1,090,907 2,552.6 427.4
Ph seal antique.png Antique
Antike
San Jose De Buenavista VI 471,088 2,522.0 186.8
Ph seal apayao.png Apayao
Apayaw
Kabugao CAR 97,129 3,927.9 24.7
Ph seal aurora.png Aurora Baler III 173,797 3,239.5 53.6
Ph seal basilan.png Basilan Lungsod ng Isabela ARMM 259,796 1,234.2 210.5
Ph seal bataan.png Bataan Lungsod ng Balanga III 557,659 1,373.0 406.2
Ph seal batanes.png Batanes Basco II 16,467 209.3 78.7
Ph seal batangas.png Batangas Lungsod ng Batangas IV-A 1,905,348 3,165.8 601.9
Ph seal benguet.png Benguet La Trinidad CAR 582,515 2,655.4 219.4
Ph seal biliran.png Biliran Naval VIII 140,274 555.5 252.5
Ph seal bohol.png Bohol Lungsod ng Tagbilaran VII 1,137,268 4,117.3 276.2
Ph seal bukidnon.png Bukidnon Lungsod ng Malaybalay X 1,060,265 8,293.8 127.8
Ph seal bulacan.png Bulacan
Bulakan
Malolos III 2,234,088 2,625.0 851.1
Ph seal cagayan.png Cagayan
Kagayan
Lungsod ng Tuguegarao II 993,580 9,002.7 110.4
Ph seal camarines norte.png Camarines Norte
Hilagang Kamerines
Daet V 458,840 2,112.5 217.2
Ph seal camarines sur.png Camarines Sur
Timog Kamarines
Pili V 1,551,549 5,266.8 294.6
Ph seal camiguin.png Camiguin
Kamigin
Mambajao X 74,232 229.8 323.0
Ph seal capiz.png Capiz
Kapis
Lungsod Roxas VI 654,156 2,633.2 248.4
Ph seal catanduanes.png Catanduanes
Katandwanes
Virac V 215,356 1,511.5 142.5
Ph seal cavite.png Kabite
Kabite
Lungsod ng Trece Martires IV-A 2,063,161 1,287.6 1,602.3
Ph seal cebu.png Cebu
Sebu
Lungsod ng Cebu VII 3,356,137 5,088.4 659.6
Ph seal compostela valley.png Compostela Valley
Lambak ng Kompostela
Nabunturan XI 580,244 4,667.0 124.3
Ph seal cotabato.png Cotabato
Kotabato
Lungsod ng Kidapawan XII 958,643 6,569.9 145.9
Ph seal davao del norte.png Davao del Norte
Hilagang Dabaw
Lungsod ng Tagum XI 743,811 3,463.0 214.8
Ph seal davao del sur.png Davao del Sur
Timog Dabaw
Lungsod ng Digos XI 1,905,917 6,377.6 298.8
30px Davao Occidiental
Timog Dabaw
Malita XI 905,917 6,377.6 298.8
Ph seal davao oriental.png Davao Oriental
Silangang Dabaw
Mati XI 446,191 5,164.5 86.4
Ph seal eastern samar.png Eastern Samar
Silangang Samar
Borongan VIII 375,822 4,339.6 86.6
Ph seal guimaras.png Guimaras
Gimaras
Jordan VI 141,450 604.7 233.9
Ph seal ifugao.png Ifugao
Ipugaw
Lagawe CAR 161,623 2,517.8 64.2
Ph seal ilocos norte.png Ilocos Norte
Hilagang Iloko
Lungsod ng Laoag I 514,241 3,399.3 151.3
Ph seal ilocos sur.png Ilocos Sur
Timog Iloko
Lungsod ng Vigan I 594,206 2,579.6 230.3
Ph seal iloilo.png Iloilo Lungsod ng Iloilo VI 1,925,002 4,719.4 407.9
Ph seal isabela.png Isabela[fn 2] Ilagan II 1,287,575 10,664.6 120.7
Ph seal kalinga.png Kalinga Tabuk CAR 174,023 3,119.7 55.8
Ph seal la union.png La Union
La Unyon
Lungsod ng San Fernando I 657,945 1,493.1 440.7
Ph seal laguna.png Laguna Santa Cruz IV-A 1,965,872 1,759.7 1,117.2
Ph seal lanao del norte.png Lanao del Norte
Hilagang Lanaw
Tubod X 758,123 3,092.0 245.2
Ph seal lanao del sur.png Lanao del Sur
Timog Lanaw
Lungsod ng Marawi ARMM 800,162 3,872.9 206.6
Ph seal leyte.png Leyte Lungsod ng Tacloban VIII 1,592,336 5,712.8 278.7
Ph seal maguindanao.png Maguindanao
Magindanaw
Cotabato City ARMM 801,102 4,900.1 163.5
Ph seal marinduque.png Marinduque
Marindukue
Boac IV-B 217,392 959.3 226.6
Ph seal masbate.png Masbate Lungsod ng Masbate V 707,668 4,047.7 174.8
Ph seal misamis occidental.png Misamis Occidental
Silangang Misamis
Lungsod ng Oroquieta X 486,723 1,939.3 251.0
Ph seal misamis oriental.png Misamis Oriental
Kanlurang Misamis
Lungsod ng Cagayan de Oro X 1,126,215 3,570.0 315.5
Ph seal mountain province.png Mountain Province
Lalawigang Bulubundukin
Bontoc CAR 140,439 2,097.3 67.0
Ph seal negros occidental.png Negros Occidental[fn 3]
Silangang Negros
Lungsod ng Bacolod VI 2,565,723 7,926.1 323.7
Ph seal negros oriental.png Negros Oriental
Kanlurang Negros
Lungsod ng Dumaguete VII 1,126,061 5,402.3 208.4
Ph seal northern samar.png Northern Samar
Hilagang Samar
Catarman VIII 500,639 3,498.0 143.1
Ph seal nueva ecija.png Nueva Ecija
Nuweva Esiha
Lungsod ng Palayan III 1,659,883 5,284.3 314.1
Ph seal nueva vizcaya.png Nueva Vizcaya
Nuweva Biskaya
Bayombong II 366,962 3,903.9 94.0
Ph seal occidental mindoro.png Occidental Mindoro
Silangang Mindoro
Mamburao IV-B 380,250 5,879.9 64.7
Ph seal oriental mindoro.png Oriental Mindoro
Kanlurang Mindoro
Lungsod ng Calapan IV-B 681,818 4,364.7 156.2
Ph seal palawan.png Palawan Lungsod ng Puerto Princesa VI 755,412 14,896.3 50.7
Ph seal pampanga.png Pampanga Lungsod ng San Fernando III 1,882,730 2,180.7 863.4
Ph seal pangasinan.png Pangasinan Lingayen I 2,434,086 5,368.2 453.4
Ph seal quezon.png Quezon
Keson
Lungsod ng Lucena IV-A 1,679,030 8,706.6 192.8
Ph seal quirino.svg Quirino
Kirino
Cabarroguis II 148,575 3,057.2 48.6
Ph seal rizal.png Rizal
Risal
Lungsod ng Antipolo IV-A 1,707,218 1,308.9 1,304.3
Ph seal romblon.png Romblon Romblon IV-B 264,357 1,355.9 195.0
Ph seal samar.png Samar Catbalogan VIII 641,124 5,591.0 114.7
Ph seal sarangani.png Sarangani Alabel XII 410,622 2,980.0 137.8
Ph seal siquijor.png Siquijor
Sikihor
Siquijor VII 81,598 343.5 237.5
Ph seal sorsogon.png Sorsogon Lungsod ng Sorsogon V 650,535 2,141.4 303.8
Ph seal south cotabato.png South Cotabato
Timog Kotabato
Lungsod ng Koronadal XII 1,102,550 4,489.0 245.6
Ph seal southern leyte.png Southern Leyte
Katimogang Leyte
Lungsod ng Maasin VIII 360,160 1,734.8 207.6
Ph seal sultan kudarat.png Sultan Kudarat Isulan XII 586,505 4,714.8 124.4
Ph seal sulu.png Sulu Jolo ARMM 619,668 1,600.4 387.2
Ph seal surigao del norte.png Surigao del Norte
Hilagang Surigaw
Lungsod ng Surigao XIII 374,465 1,936.9 193.3
Ph seal surigao del sur.png Surigao del Sur
Timog Surigaw
Tandag XIII 501,808 4,552.2 110.2
Ph seal tarlac.png Tarlac
Tarlak
Lungsod ng Tarlac III 1,068,783 3,053.4 350.0
Ph seal tawi-tawi.png Tawi-Tawi Bongao ARMM 322,317 1,087.4 296.4
Ph seal zambales.png Zambales
Sambales
Iba III 627,802 3,714.4 169.0
Ph seal zamboanga del norte.png Zamboanga del Norte
Hilagang Sambuwangga
Lungsod ng Dipolog IX 823,130 6,618.0 124.4
Ph seal zamboanga del sur.png Zamboanga del Sur
Timog Sambuwangga
Lungsod ng Pagadian IX 1,437,941 4,964.1 289.7
Ph seal zamboanga sibugay.png Zamboanga Sibugay
Sambuwangga Sibugay
Ipil IX 497,239 3,087.9 161.0

Talababa:

  1. Opisyal na pangalan at baryant sa Tagalog mula sa ISO 3166-2 Newsletter II-2 (2010-06-30)
  2. Noong 20 Pebrero 1995, pinagtibay ang panukalang batas sa paghahati ng Isabela sa Isabela del Norte at Isabela del Sur. Hindi natuloy ang paghahati.
  3. Nabuo ang Negros Oriental mula sa Negros Occidental noong 3 Enero 1986. Ipinahayag na ang pagkakabuo nito ay hindi sang-ayon sa saligang batas noong 11 Hulyo 1986, at ito ay nabuwag noong 18 Agosto 1986.

Panlabas na kawing[baguhin]

  1. Cabadbaran has been made the official capital of the province, as per Republic Act No. 8811. However, the seat of the provincial government is still in the process of being transferred from Butuan, where the provincial government still holds office.