Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Pilipinas)
|
Department of the Interior and Local Government |
|
|---|---|
| Pagkakatatag | Marso 22, 1897 |
| Kalihim | Jesse Robredo[1] |
| Salaping Gugulin | P1.863 bilyon (2008)[2] |
| Websayt | www.dilg.gov.ph |
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas (Ingles: Department of the Interior and Local Government o DILG) pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Mga nilalaman |
Kasaysayan[baguhin]
Noong ika-22 ng Marso taong 1897, ang mga pinuno ng Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio ay nagpulong sa Tejeros, Kavite na kilala sa Kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na Acta de Tejeros of Tejeros Convention. Noong mga panahong yaon natatag ang pamahalaang rebolusyonaryo at ang bagong pamahalaan ay inihalal sina Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo at Andres Bonifacio bilang direktor ng Interyor. Ngunit hindi tinanggap ni Bonifacio ang posisyon kaya inilagay ng Pangulo si Pascual Alvarez bilang direktor.
Taong 1950, ang kagawaran ng interyor ay tiniwalag at inilipat ang mga tuntunin nito sa Civil Affairs Office sa ilalim ng opisina ng Pangulo. Ika-6 ng Enero, 1956, nalikha ang Presidential Assistant on Community Development (PACD). Naibalik ang kagawaran noong ika-7 ng Nobyembre taong 1972, sa pagkakatatag ng Pagawaran ng Pamahalaang Lokal at Pagpapaunlad ng Komunidad (KPLPK). Taong 1978, ang KPLPK ay isinaayos at pinalitan ng pangalan na Ministry of Local Government (MLG) at kalaunan bilang Kagawaran ng Pamahalaang Lokal.
Ika-13 ng Disyembre taong 1990, Naisabatas ang Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 na nagtatag Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Penology at ng Kolehiyo ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas sa ilalim ng isinaayos na Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Pinagsama ng bagong Kagawaran ang Pambansang Komisyong ng Pulisya at lahat ng Opisina ng naunang kagawaran sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 262. Ang pagkapasa ng Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 ang nagbigay daan sa pagkakasama-sama ng mga pamahalaang lokal at ng pulisya matapos ang 40 taong pagkakahiwalay.
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Interyor at Pamahalaang Lokal[baguhin]
(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo
| Bilang | Pangalan | Buwang nagsimula | Buwang nagtapos | Pangulong pinaglingkuran | |
|---|---|---|---|---|---|
| Ministro ng Interyor | |||||
| 1 | Teodoro Sandico | Enero 21, 1899 | Mayo 7, 1899 | Emilio Aguinaldo | |
| 2 | Severino de las Alas | Mayo 7, 1899 | Nobyembre 13, 1899 | ||
| Kalihim ng Interyor | |||||
| 3 | Elpidio Quirino | 1935 | 1938 | Manuel Quezon | |
| 4 | Rafael Alunan | 1938 | 1940 | ||
| 5 | Tomas Confesor | 1945 | 1945 | Sergio Osmena | |
| Kalihim ng Tanggulang Pambansa at Interyor | |||||
| 6 | Alfredo Montelibano, Sr. | 1945 | 1946 | Sergio Osmena | |
| Kalihim ng Interyor | |||||
| 7 | Jose Zulueta | 1946 | 1948 | Manuel Roxas | |
| 8 | Sotero Baluyut | 1948 | 1953 | Elpidio Quirino | |
| Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal | |||||
| 9 | Aquilino Pimentel, Jr. | 1986 | 1987 | Corazon C. Aquino | |
| 10 | Cesar Sarino | 1987 | 1992 | ||
| 11 | Raul Alunan III | 1992 | 1998 | Fidel Ramos | |
| 12 | Ronaldo V. Puno | 1998 | 1998 | ||
| 13 | Epimaco Velasco | 1998 | 1998 | ||
| 14 | Alfredo Lim | 1998 | 2001 | Joseph Estrada | |
| 15 | Jose Lina, Jr. | 2001 | 2004 | Gloria M. Arroyo | |
| 16 | Angelo Reyes | 2004 | 2006 | ||
| (12) | Ronaldo V. Puno | 2006 | Hunyo 30, 2010 | ||
| */** | Benigno S. Aquino III | Hunyo 30, 2010 | Hulyo 9, 2010 | Benigno S. Aquino III | |
| 17 | Jesse Robredo | Hulyo 9, 2010 | Agosto 18, 2012 | ||
| * | Paquito Ochoa, Jr. | Agosto 21, 2012 | Agosto 31, 2012 | ||
| 18 | Jesse Robredo | enero 3 2013 | Kasakuluyan | ||
Mga kaugnayang palabas[baguhin]
Mga sanggunian[baguhin]
|
||||||||||
