Pangulo ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pangulo ng
Pilipinas
PhilippinePresidentialSeal.png
Noynoy Aquino.jpg
Kasalukuyan
Benigno S. Aquino III

mula 30 Hunyo 2010
Opisyal na tirahan Palasyo ng Malakanyang
Tagal ng panunungkulan Anim na taon
Nagsimula Emilio Aguinaldo
Pagkakatatag 22 Marso 1897 (de facto)
20 Enero 1899 (de jure)
Websayt http://www.op.gov.ph

Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong Komandanto o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sang-ayon sa kasalukuyang saligang-batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatira sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan. Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may pinakamalaking bilang ng boto. Magsisilbi ang pangulo ng isang termino sa loob ng anim na taon at hindi na makakatakbo muli para sa re-eleksiyon, maliban kung siya ay naging pangulo sa pamamagitan ng konstitusyon succession at nagsilbi ng hindi hihigit sa apat na taon bilang pangulo.

Panunumpa[baguhin]

Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksiyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

"Ako si__________________, ay taimtim kong pinanunumpaan (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo) ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihari nawa ako ng Diyos."
[Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.]

Ang mga pangulo[baguhin]

Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-limang pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Benigno Simeon Aquino, ay itinuturing na panglabing-limang pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampolitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

Talaan ng mga pangulo ng Pilipinas[baguhin]

Bilang Pangalan Larawan Tunay na Pangalan Buhay Termino Pangalawang Pangulo Era Partido
1. Emilio Aguinaldo Emilio Aguinaldo (ca. 1898).jpg Emilio Aguinaldo y Famy 1869-1964 24 Mayo 1899-1 Abril 1901 Mariano Trias Unang Diktadurya Independyente
Unang Republika ng Pilipinas
walang pangulo
Dahil sa pamumuno ng mga gobernador-heneral na Amerikano mula 1 Abril 1901 hanggang 15 Nobyembre 1935.
2. Manuel L. Quezon Quezon.jpg Manuel Luis Quezon y Molina 1878-1944 15 Nobyembre 1935-24 Disyembre 1941[1] Sergio Osmeña Komonwelt Nasyonalista
24 Disyembre 1941-1 Agosto 1944[2]
3. José P. Laurel Laurel.jpg José Paciano Laurel y Garcia 1881-1959 14 Oktubre 1943-2 Pebrero 1944 Ramon Avanceña Ikalawang Republika ng Pilipinas KALIBAPI
2 Pebrero 1944-17 Agosto 1945 Benigno S. Aquino
4. Sergio Osmeña Ph pres osmena.jpg Sergio Osmeña y Suico 1878-1961 1 Agosto 1944-28 Marso 1946 bakante Pinanumbalik na Komonwelt Nasyonalista
5. Manuel Roxas Ph pres roxas.jpg Manuel Acuña Roxas 1892-1948 28 Marso 1946-15 Abril 1948 Elpidio Quirino Liberal
Ikatlong Republika ng Pilipinas
6. Elpidio Quirino Ph pres quirino.jpg Elpidio Rivera Quirino 1890-1956 17 Abril 1948-20 Disyembre 1949 bakante
20 Disyembre 1949-20 Disyembre 1953 Fernando Lopez
7. Ramon Magsaysay Ph pres magsaysay.jpg Ramon del Fierro Magsaysay 1907-1957 30 Disyembre 1953-17 Marso 1957 Carlos P. Garcia Nasyonalista
8. Carlos P. Garcia Ph pres garcia.jpg Carlos Polistico Garcia 1896-1971 18 Marso 1957-30 Disyembre 1957 bakante
30 Disyembre 1957-30 Disyembre 1961 Diosdado Macapagal
9. Diosdado Macapagal Diosdado Macapagal USS Oklahoma City 1962 cropped.jpg Diosdado Pangan Macapagal 1910-1997 30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965 Emmanuel Pelaez Liberal
10. Ferdinand E. Marcos Ferdinand Marcos.JPEG Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos 1917-1989 30 Disyembre 1965-17 Enero 1973 Fernando Lopez Nasyonalista
17 Enero 1973-16 Pebrero 1986 bakante Ikalawang Diktadurya Kilusang Bagong Lipunan
16 Pebrero 1986-25 Pebrero 1986 Arturo Tolentino Ikaapat na Republika ng Pilipinas
11. Corazon C. Aquino Ph pres aquino.jpg María Corazón Cojuangco-Aquino 1933-2009 25 Pebrero 1986-30 Hunyo 1992 Salvador H. Laurel Estados Nasyonalistang Demokratikong Organisasyon
Ikalimang Republika ng Pilipinas
12. Fidel V. Ramos Ramos Pentagon.jpg Fidel Valdez Ramos 1928- 30 Hunyo 1992-30 Hunyo 1998 Joseph Ejercito Estrada Lakas-Nasyonal Unyon ng Kristiyano Demokrato
13. Joseph Ejercito Estrada Joseph Estrada 1998.jpg Jose Marcelo Ejercito 1937- 30 Hunyo 1998-20 Enero 2001 Gloria Macapagal-Arroyo Pwersa ng Masang Pilipino
14. Gloria Macapagal-Arroyo Ph pres arroyo.jpg Maria Gloria Macapagal-Arroyo 1947- 20 Enero 2001-7 Pebrero 2001 bakante Lakas Kampi CMD
7 Pebrero 2001-30 Hunyo 2004 Teofisto Guingona
30 Hunyo 2004-30 Hunyo 2010 Noli de Castro
15. Benigno Aquino III Noynoy Aquino.jpg Benigno Simeon Cojuangco Aquino III 1960- 30 Hunyo 2010-Kasalukuyan Jejomar Binay Liberal

Tingnan din[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]

Referensyon[baguhin]

  1. Tingnan ang halalan ng 1935
  2. Tingnan ang halalan ng 1941

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ReferenceA); $2
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ReferenceB); $2