Maynila

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wikipedia:Mga napiling artikuloNapiling Artikulo
Ang lathaing ito ay tungkol sa lungsod ng Maynila, para sa Kalakhang pook o rehiyon, tingnan Kalakhang Maynila. Para naman sa makalumang lungsod, tingnan ang Napapaderang Lungsod. Para naman sa iba't ibang gamit sa salita, tingnan ang Maynila (paglilinaw).
City of Manila
Lungsod ng Maynila
Manila
Maynila
Ang Lungsod ng Maynila sa pagkakakita sa Harbour Square
Ang Lungsod ng Maynila sa pagkakakita sa Harbour Square
Watawat ng City of Manila
Watawat
Official seal of City of Manila
Selyo
Nickname: "Perla del Oriente"; "The City of Our Affections"; "City by the Bay"; "La Insigne y Siempre Leal Ciudad"
Motto: Linisin Ikarangal ang Maynila
Mapa ng Kalakhang Maynila na nag-papakita ng lokasyon ng Maynila.
Mapa ng Kalakhang Maynila na nag-papakita ng lokasyon ng Maynila.
Coordinates: 14°35′N 120°58′E / 14.583, 120.967
Bansa Flag of the Philippines Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Pangunahing Wika Tagalog
Mga Distrito Mga Pambatas na Distrito ng Maynila
Mga Barangay 897
Pagka-Inkorporado (lungsod) Hulyo 10, 1574
Pamahalaan
 - Alkalde Alfredo Lim
 - Bise-Alkalde Isko Moreno
Lawak
 - Lungsod 38.55 km² (14.9 mi²)
Elebasyon 16.0 m (52 Pye)
Populasyon (2007)
 - Lungsod 1,660,714
 - Densidad 43,079/km² (26,774/sq mi)
 - Metro 11,553,427
Sona ng oras Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+8)
Kodigong ZIP 0900 hanggang 1096
Kodigong pantawag 2
Hentilisyo Filipino:"Manileño (minsan: "Manilenyo")" at sa Ingles ay: "Manilans"
Awit Manila
Awit ng Maynila
Tala-sipian
Website: Websayt ng Lungsod ng Maynila

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao.[1][2]

Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro,[3] ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.[1]

Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong kapanahunan ng mga Hispano, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang pader ng Intramuros (napapaderan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros ay isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na pader sa Gitnang Silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.

Ang Maynila ay tinatabihan ng ilang lungsod sa Kalakhang Maynila katulad ng Lungsod ng Navotas at Lungsod ng Kalookan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, Lungsod ng San Juan at Lungsod ng Mandaluyong sa silangan, Lungsod ng Makati sa timog-silangan at Lungsod ng Pasay sa timog.

Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at opisinang tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng Ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay ay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang kabisera ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay pwedeng Sanskrit na nila "punong indigo").[4] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[5][6] Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946.[7] Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008. [8]

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Silipin din: Kasaysayan ng Pilipinas

[baguhin] Sinaunang kasaysayan at katutubo sa kabihasnan

Nakilala bilang Gintu(Lupain/Isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina.[9] Ang kaharian ng Tondo nakagawian na bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno dito ay kasing kapangyarihan ng mga hari, at tinatawag sila sa panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula na nangangahuligang "diyos ng kahariang pinamumunuan".

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang imperyong Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo.[10][11] Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo.[12] Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga komunidad ng Muslim na matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog ng ilog. Ang dalawang komunidad ng Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita sa wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at Ternate.

[baguhin] Pananakop ng Mga Espanyol (1581-1898)

Ang Kalye Cabildo sa Intramuros
Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros

Si Gobernador-Heneral Miguel López de Legazpi, na naghahanap ng isang maayos na lugar para itaguyod ang kanyang kabiserang pook matapos makipagsagupaan at napilitang lumipat dahil sa pagkatalo sa mga piratang Portugese sa Cebu at Panay, ay nalaman na mayroong maunlad na sultanado sa pulo ng Luzon. Dahil doon, nagpadala siya ng ekspedisyon na pinamamahalaan ni Marshall Martin de Goiti at ni kapitan Juan de Salcedo para alamin ang lokasyon nito at ang kahalagahan. Si De Goiti ay dumuong sa Kabite, at sinubukan itaguyod ang sariling pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipagbati sa Maynilad. Si Rajah Sulayman, na namumuno sa Maynila, ay maluwag na tinangap ang pakikipagkaibigan na ipinamamahagi ng mga Hispano, pero hindi niya gustong ibigay ang kataas-taasang kapangyarihan sa mga Hispano at nakipaglaban.[13] noong 1570 ng Hunyo, inatake ni De Goiti at ng kanyang mga tauhan ang Maynilad bilang kapalit ng pakikipaglaban ni Sulayman. Pagkatapos ng mapusok na labanan, napasailalim sa kanya ang lungsod at bumalik sa Panay.

Noong 1571, ang pagkakaisa ng imperyong Luzon ay binabantaan na ng alyansa ni Rajah Matanda ng Sapa, ang Lakandula ng Tondo, Rajah Sulayman III, ang rajah muda o "Prinsipeng Nakoronahan" ng Maynila at laxamana o "Gran Admiral" ng Macabebe Armada. Ang mga makapangyarihang estado katulad ng Lubao, Betis at Macabebe ay hinamon ang tradisyonal na pamumuno ng Tondo at Maynila.[14] Sa taong din iyon, bumalik ang mga Hispano, na pinamumunuan ni Legazpi kasama ang kanyang buong hukbo (binubuo ng 280 na mga Hispano at 600 na mga katutubo). Nung nakita silang paparating, ang mga katutubo ay sinunog ang lungsod at nagtungo sa Kaharian ng Tondo at mga kalapit na baryo. Sinakop ng mga Hispano ang mga lugar na nasira at itinaguyod ang kapayapaan at kaayusan doon. Noong ika-3 ng Hunyo, 1571, binigay na ni Legazpi ang titulong lungsod sa kolonya ng Maynila.[15] Ginawang sertipikado ang titulo noong ika-19 ng Hunyo, 1572.[15] Sa pamamahala ng Espanya, ang Maynila ang naging kolonyal na lagusan sa Kalayoang Silangan. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya na pinamamahalaan ng Birreynato ng Bagong Espanya at ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas na namuno sa Maynila na naging kawil ng Birreynato sa lungsod ng Mehiko.[16] Ang kalakalang Galyong Maynila-Acapulco na nakaruta sa Pilipinas at Mehiko ay nanatili simula ng 1571 hanggang 1815.[17]

Ang mga Tsino na nakikipagkalakalan ng libre sa mga hukbo ay napilitan sumuko nang naglabas ng batas ang mga Hispano na ipinagbabawal na kalakalan. Napilitan din silang magbigay karangalan sa mga awtoridad na Hispano. Ang naging bunga nito, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano noong 1574. Ang pwersa ng mga Tsino ay may humigit-kumulang na 3,000 mga sundalo at 62 na barkong panlabanan na pinamumunuan ni Limahong. Nilusob nila ang lungsod. Sa kanilang paglusob, ang mga Intsik ang natalo. Para mailigtas ang lungsod sa mga susunod pang mga araw, ang mga awtoridad ng Espanya ay ikinulong ang mga residente at mangangalakal na Tsino. ito ay tinaguriang Parian de Alcaceria.[18]

Noong ika-19 ng Hunyo, pagkatapos ng kunstraksyon ng kuta, inalok ni Legazpi si Rajah Lakandula ng Tondo ng pakikipagkaibigan, na maluwag namang tinanggap ni Lakandula. Pero si Rajah Sulayman ay tumanggi sa mga Hispano at nagtipon ng pwersa na binubuo ng mga mandirigmang Tagalog pagkatapos makuha ang suporta ni Lakandula at ng mga namumumuno sa Hagonoy at Macabebe. Noong ika-3 ng Hunyo, 1571[19], si Sulayman at ang kanyang hukbo ay lumusob sa baryo ng Bangkusay, kung saan ang mga Hispano ay naninirahan. Si Sulayman ang natalo at napatay. Dahil sa pagkatalo ng hukbo ni Sulayman at ang pakikipagkaibigan ng Hispano kay Rajah Lakandula, ang mga Hispano ay malayang nakapagtaguyod ng kuta sa lungsod at mga kalapit na bayan. Si Rajah Matanda ay nagbigay ng lupain sa mga Hispano para sa kanilang pagsasaayos ng mga bayan bago pumunta sa Maynilad. Dahil sa pagtatangkilik ni Matanda sa awtoridad ng Hispano, si Matanda at ang kanyang mga kaanak ay naging kristyano. Nang mamatay si Matanda noong 1572, si Legazpi at ilang matataas na opisyales ay pinadala ang kanyang bangkay sa harap ng altar ng Katedral ng Maynila, ang pook kung saan ang mga taon ay binibigyan ng dangal. Tulad ni Lakandula na nabinyagan bilang Don Carlos Lacadola, pati ang iba pang namumuno, ay nadismaya sa kadakilaan pinakita ng Espanya kay Matanda. Ayon sa dalubhasa na si John Foreman, "Lakandula appears to have been regarded more as a servant by the Spaniards, rather than a free ally." Para siguraduhin ang pagiging tapat nila sa mga Hispano, binigyan sila ng karangalan at titulo. Nagkataon naman, ang mga Agostiyano ay dumating para ituro ang pananampalatayang Romanong Katolisismo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga paaralan at simbahan. Sinundan sila ng mga Pransiskano, Heswita, Dominikano at iba pang mga pananampalataya na dumating sa mga sumunod na siglo.

Noong 1595, ang Maynila ang naging kabisera ng Pilipinas, bagama't sa katunayan, ang lungsod ay sumeserbisyo na bilang kabisera simula pa noong 1571 noong itinaguyod ang lungsod. Ipinautos ni Legazpi ang pagtataguyod ng pamahalaang munisipal o cabildo na ang mga tirahan, monasteryo, kumbento ng mga madre o mongha, pook-pananampalataya o simbahan at paaralan ay may istilong pang-Hispano. Dito nagmula ang Intramuros.

Sa ilang pagkakataon sa iba't ibang siglo, ang mga Tsino ay naghimagsik laban sa mga Hispano. Noong 1602, sinunog nila ang Quiapo at Tondo, at pinagbataang lusubin ang Intramuros. Noong 1662, ang mga Tsino ay muling naghimagsik. Noong 1686, ang pangkat na pinamumunuan ni Tingco ang nagpasyang paslangin lahat ng Hispano. Ang mga pangyayaring ito ang naging hudyat ng pagtitiwalag ng mga Tsino sa Maynila at sa buong bansa dahil sa mga pagpapasyang ginagawa ng mga awtoridad ng Espanya. Sa muling pagkakasundo ng dalawang kampo, nagpatuloy pa rin ang mga komunidad ng mga Tsino sa lungsod.

[baguhin] Pananakop ng Britanya (1762-1764)

Pangunahing lathalain: Pananakop ng mga Ingles sa Pilipinas

May panandaliang pananakop sa Maynila ang mga Ingles simula noong 1762 hanggang 1764 dahil sa Pitong Taong Digmaan ng Pransya at ng Britanya. Ang bansang Espanya ay naging kalaban ng bansang Britanya nang tumiwalag ito at kumampi sa Pransya. Ang mga rekord, makasaysayang dokyumento, at ang lungsod ay winasak ng mga Hispanong paalis ng lungsod. Ang mga gamit at tahanang iyon ay mula sa mga arkibos.

Kung tutuusin ang mga Britanya ay namamahala lamang sa Maynila at Kabite. Pero ang Maynila ang kabisera, at ang susi ng mga Hispano at ng Pilipinas. Tinanggap ng mga Ingles ang pagsuko ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas galing kay Arsobispo Rojo at ng Real Audiencia noong ika 30 ng Oktubre, 1762.[20]

Tuluyang nasakop ng Britanya ang Pilipinas. Sinangayunan ng mga Briton ang plano ng Real Audencia para sa kanilang pagsuko. Kahit paano, nagpatuloy pa rin ang pananampalatayang Romanong Katolisismo. Ang mga mamamayang Hispano at Pilipino ay pinayagang kumalakal sa iba't ibang dayuhan bilang "British Subjects". Nagpatuloy ang Pilipinas sa pamamahala ng Real Audencia dahil sa pananakop ng Britanya at ang mga gastusin ay babayaran ng Espanya.[20]

May isang grupo ng mga rebelde sa Pampanga sa pamumuno ni Oidor Don Simón de Anda y Salazar ay nagplaplanong lumusob sa Maynila. Nagtatag sila ng dalawang punong-himpilan, isa sa Bulacan at isa sa Bacoor.

Noong ika-29 ng Oktubre 1762, nilagdaan ni arsobispo Rojo at ng Real Audencia ang kasunduan sa pagsuko. Ito ay inaprubahan ng Espanya. Dahil dito, pinamahalaan muna ng Britanya ang buong Pilipinas.[20] Ang Pitong Taong Digmaan ay winakasan ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris na nilagdaan noong ika-10 ng Pebrero 1763. Noong nilagdaan ang kasunduan, ang mga lalagda ay walang kamalay-malay na ang Pilipinas ay sinakop ng Britanya at pinapatakbo bilang kolonya ng Britanya. Bagkus, napagpasyahan na ang mga natitirang lupain sa bansa ay ibibigay sa Espanya.

May ilang sundalong Indiyano kilala bilang mga Sepoy, na sumama sa mga Ingles ay tumiwalag at pumalagi sa Cainta, Rizal. Dahil dito, nagkaroon ng Indyano sa Cainta at dito nanirahan hanggang sa mga sumunod na henerasyon.

[baguhin] Pananakop ng Espanya noong ika-19 na siglo

Pangunahing lathalain: Himagsikang Pilipino
Isang mangingisda sa Maynila

Ang Maynila ay mayaman sa mga propagandang laban sa mga Hispano dahil ito ang pook sa Pilipinas kung saan buhay ang diwa ng kaisipang liberal. Dahil sa nobelang Noli Me Tangere (Hawakan mo ako; bawal) na inilibas noong 1886, maraming Pinoy ang naghimagsik laban sa mga Hispano. Nilalaman ng nobela kung paano pinamamahalaan ng Espanya ang Pilipinas. Dahil dito, pinatapon si Rizal sa Dapitan. Noong 1892, bumalik si Rizal sa Maynila at itinaguyod ang La Liga Filipina, isang nasyonalismong organisasyon. Sa taong din iyon sa Tondo, itinaguyod ni Andres Bonifacio ang Katipunan, isang palihim na organisasyon na ang layunin ay patalsikin ang mga Hispanong namumuno sa bansa.

Tuwing nagsasagupaan ang mga Pilipino at Hispano, laging natatalo ang mga Pilipino. Lumaki ang kilusan hanggang nagkaroon ng rebelyon noong Agosto 1896 noong natuklasan ng mga Hispano ang tungkol sa Katipunan. Noong natuklasan ang Katipunan, nagpatawag si Bonifacio ng pagtitipon at nabuo ang rebolusyonaryong Konbensyon Tejeros, na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ang pamahalaan ng Tejeros ay hindi nagtagumpay para ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino. Si Heneral Aguinaldo ay nagtungong Hongkong dahil sa kasunduang Biak-na-Bato. Si Dr. Rizal ay naging martir noong panahon ng rebolusyon laban sa Hispano nang barilin siya noong ika-30 ng Disyembre 1896. Ito ang naging hudyat ng malawakang rebelyon.

[baguhin] Kapanahunan ng mga Amerikano (1898-1946)

Para sa karagdagang impormasyon: Komonwelt ng Pilipinas
Daang Escolta, Maynila. Steryoptikal na pananaw, 1899

Sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano at sagupaang Hispano-Amerikano, sinakop ng Estados Unidos ang Maynila noong 1898, na nagbunga ng iba't ibang labanan. Natalo ang mga Hispano at pinamahalaan ng Estados Unidos ang buong Pilipinas. Dito tumindi ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Noong ika-1 ng Mayo, 1898, sa look ng Maynila naganap ang isang labanan sa pagitan ng mga Hispano at Amerikano sa pamumuno ni George Dewey. Natalo ang mga Hispano. Naging saksi si Dewey sa pagsuko ng Hispano na humingi ng paumanhin sa mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.[21]

Nakamit na ang kalayaan mula sa mga Hispano at naitaguyod ni Emilio Aguinaldo ang Unang Republika ng Pilipinas na lumilikha na ng pundasyon para sa isang malayang bansa. Bagkus, nangangambang masasakop muli ang Pilipinas. Ang Unang Republika ng Pilipinas ay hindi gaanong nabigyan pansin at dahil hindi maayos ang pamahalaan. Nagsagupaan muli ang mga Amerikano at Pilipino noong ika-4 ng Pebrero, 1899, nang binaril ng isang Amerikano ang isang Pilipino dito sa Maynila. Lumusob ang mga Amerikano at napasuko ang mga Pilipino na nakikipaglaban. Napasuko rin si Heneral Emilio Aguinaldo, and pangulo ng republika sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso, 1901.

Ang mga awtoridad ng mga Amerikano na pinamumunuan ni Heneral Otis noong mga panahong iyon ay nagkampanya para sakupin ang Pilipinas. Gumawa ng pandepensa ang mga hukbong Pilipino palibot sa Maynila nang nalaman nila ang paglusob ng mga Amerikano. Dahil mahina ang pwersa ng mga Pilipino, sila ay natalo; masyadong brutal ang naging labanan at ang ibang sundalo, ginawang pandepensa ang sariling kakampi.

Naglunsad ng kampanya ang mga Pilipino (tinatawag bilang guerilla) para labanan ang mga manlulupig. Minsan lang manalo sa mga labanan ang grupo at tuluyan nang nasakop ang Maynila. Si Arthur MacArthur, Jr. na pumalit kay heneral Otis ang naglunsad ng kampanya laban sa lokal na pamahalaan ng mga Pilipino.


Ang kampanyang ito ng Estados Unidos at madugo at may mga ulat na nagsasabing ang mga Amerikano ay pumapaslang ng mga tao sa gulang 10-taon pataas. May mga libro na sinulat tungkol sa digmaang ito at ang mga kinalaman ng kinauukulan sa pwesto ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos kung bakit napaslang ang libo-libong sibilyan. Ang mga librong ito ay ipinagbawal sa Estados Unidos:[22]

Sa Kasunduan sa Paris noong 1898, binenta ng Espanya ang Pilipinas sa halagang $20,000,000 at tumapos sa 333 taong pananakop ng Espanya.[23]

Ang gobernador militar ang nagpatuloy mamahala sa Maynila hanggang ang posisyon na ito ay inilipat sa gobernador sibil noong ika-31 ng Hulyo, 1901. Nagpatuloy ang digmaang Pilipino-Amerikano at natapos lamang noong 1903 kung saan marami ang nasawi. Noong 1935, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nangako na bibigyang kalayaan ang Pilipinas. Pero, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Daigdig.

[baguhin] Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pananakop ng Hapon

Ang Maynila sa pagbasak ng Pamahalaan ng mga Maka-Hapon noong ika-9 ng Mayo, 1945
Ang pagkawasak ng Maynila, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang pangharang pintuang daanan ng Muog Santiago noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Maynila ay ginawang "Open City"

Noong ika-30 ng Disyembre, 1941, ang mga base militar at mga hukbong pang-labanan ng mga Amerikano ay tinangal para tuluyan nang mapalaya ang Pilipinas. Bagkus sumiklab na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Maynila ay ginawang "Open City" ni pangulong Manuel L. Quezon, para iligtas ang lungsod sa kapahamakan pero binomba pa rin ito ng mga Hapones gamit ang kanilang mga eroplano at sa unang pagkakataon, naranasan ng mga Manilenyo ang unang pagsasalakay. Si Quezon ay nag-inisyu ng bagong batas na lawakan ang ligtas na pook para pati ang kalapit na pook ng Maynila ay maligtas. Dahil dito, itinatatag ang bagong administratibong hurisdiksiyon, ang Malawakang Maynila.

Si Jorge B. Vargas na kalihim ni Quezon ang naging alkalde ng Malawakang Maynila. Pagsapit ng gabi ng bagong taon noong 1942, nagpahatid ang mga hapones ng mensahe na ang pwersa at hukbong mga Hapones ay nasa Parañaque at tutuloy sa Malawakang Maynila sa susunod na araw. Noong alas 9 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi, ang pwersang imperyal ng mga Hapones ay nagtungo sa lungsod ng Maynila at kalapit na bayan.

Si Vargas ay inutusang ihanda ang lahat ng pinunong Pilipino at mga awtoridad ng Malawakang Maynila sa pamamahala ng Hapon. Noong natunton sila ng mga Hapones,


Si Vargas at ang mga pinuno ng hukbong Pilipino ay binigyan ng tatlong pagpipilian; (1) isang buong administrasyong Hapon, (2) isang diktatoryal na pamahalaan na pinapatakbo ng isang Pilipino na si Artemio Ricarte na nagpakasariling pagka-patapon sa Hapon pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, o (3) gobyerno sa pamamagitan ng komisyon na pipiliin ng mga Pilipino. Si Vargas at ang mga lokal na pinuno ay pinili ang ikatlong pag-pipilian at itinatag Philippine Executive Commission para pamahalaan sa simula ang Malawakang Maynila, at mamaya ay pinalawak para takpan ang kabuuan ng Pilipinas.

Gagampanan na ni Vargas ang paggiging pangulo ng Philippine Executive Commission kaya itinanghal niya si Leon G. Guinto Sr., sa pwesto ng paggiging alkalde ng Malawakang Maynila, ang kalihim ng mga Kagawaran ng Manggagawa sa ilalim ng administasyon ng Komonwelt ng Pilipinas ni Pangulong Manuel L. Quezon. Nakuha ni Guinto ang posisyon ng pagiging alkalde ng Malawakang Maynila hanggang sa mapalaya ng lungsod.

Noong ika-20 ng Oktubre, 1944 ang Amerikanong Heneral na si Douglas MacArthur ay isinakatuparan ang isang pangako na babalik sa Pilipinas (tignan: Labanan sa Leyte). Simula ika-3 ng Pebrero hanggang ika-3 ng Marso 1945, nang matapos ang digmaan sa Intramuros, ang wasak na lungsod ng Maynila ay opisyal na napalaya ng magkasanib na mga hukbong Pilipino at Amerikano laban sa Hapones. Ang magkakamping hukbong Pilipino at Amerikano ay hindi na umabot sa oras para pigilan ang paslangan sa Maynila. Tapos, ang Malawakang Maynila ay isinawalang-bisa, at ang mga nasyon nito ay may pre-digmaang katayuan. Noong ika-4 ng Hulyo, 1946, ang bandila ng Pilipinas ay itinaas sa unang pagkakataon sa Liwasang Rizal.

[baguhin] Pagkamit ng kalayaan (1946-kasalukuyan)

Nang makamit ang kalayaan, nagumpisang mag-bago ang estado ng lungsod. Nagkaroon na ng matataas na gusaling tukudlangit at lokal na pamahalaan. Nag-iiba rin ang kalagayan ng ekonomiya; kumikita ang lungsod ng $28,853 GDP, sunod sa Lungsod ng Makati at di-hamak na mas malaki sa Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Pasig at Lungsod Quezon.[24]

[baguhin] Kapanahunan ni Marcos at ng batas militar (1965-1986)

Sa pagitan ng 1972 at 1981, ang Maynila at ang kabuuan ng bansa ay inilagay sa Batas Militar ni pangulong Ferdinand Marcos. Noong mga panahong iyon, ang lokal na ekonomiya ay patuloy na bumabagsak dahil sa korupsyon ni Marcos at ng kanyang mga kabinete. [25]

Sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, nagdeklara siya ng Batas Militar bago ang eleksyon ng 1972 at sinuspinde ang writ of habeas corpus. Simula 1972 hanggang sa rebolusyon sa EDSA noong 1986, si Marcos at ang kanyang mga heneral ay nagdulot ng pagkakulong at pagkawala ng sampu ng libo libo ng mga aktibistang panlipunan na kontra sa kanyang batas militar na pamamahala at pinipilit siyang magbago sa pamamagitan ng malayang eleksyon. Pagkatapos siyang mapatalsik noong 1986, ang 1081 na biktima ng batas militar ay nanalo sa desisyon ng korte ng U.S. sa Haway laban sa Marcos at sila ay nabiyayaan pa ng mas marami sa nauukol na bayad US$500 milyong dolyar para sa mga danyos.

Noong 1963, si alkaldeng Antonio Villegas ay nagtrabahong mabuti para itatag ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, na unang pamantasan sa bansa na ang kabuuan ay ginawa at pinapatakbo ng isang lokal na pamahalaan. Dalawang taon ang kailangan para sa mga bayarin ng pamantasan at para maipasa sa Kongreso ng Pilipinas, at bago nilagdaan ni pangulong Diosdado Macapagal.

Noong ika-21 ng Agosto, 1983, ang pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino ay bumalik sa Maynila galing ng Estados Unidos at pinatay nang lumabas sa eroplano sa Maynila. Ang populasyon na tumiwalag kay Marcos ay dumami.

[baguhin] Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)

Ang lungsod ng Maynila sa gabi.

Pagkatapos ng Rebolusyong EDSA, ang baong babae ni Aquino, Corazon Aquino, ay iniluklok bilang presidente noong 1986. Sa pagkapangulo ni Aquino, saksi ang Maynila sa anim na pagpapatalsik sa naluklok na bigo, ang pinaka-seryoso nangyari noong Disyembre 1989.

Noong 1992, si Alfredo Lim ay naluklok bilang alkalde ng Maynila, na tumalo ng anim na kalaban. Naluklok mula siya noong 1995 na may 250,000 na boto, pinakamataas na boto ng karamihan sa kasaysayang pulitikal ng lungsod. [26] Sa unang dalawang termino niya sa opisina, binansagan siyang "Dirty Harry" dahil sa kanyang krusada laban sa krimen. [27] Dahil sa kagustuhan niyang makapagbigay ng libreng edukasyon, itinatag niya ang City College of Manila na magseserbisyo sa kapupunan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Noong, 1998, si Lito Atienza ay naluklok bilang alkalde, at nakumpleto ang dalawa pang kasunod na termino nang binoto ulit noong 2001 at 2004. Ang administrasyon niya ay nakatuon sa kapakanang panlipunan at pagpapaunlad pati na rin ang pagbabago ng proyektong pang lungsod.

[baguhin] Kasaysayan ng heograpiya

Ang tunay plano ni Daniel Burnham sa Maynila.
Ang plano ng mga Espanyol sa Maynila o "Walled City"

Bago at noong kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas, ang Maynila ay ang kabisera ng probinsya na ang teritoryo noon ay halos kabuuan ng Luzon, at kinabibilangan ng modernong teritoryal subdivision ng Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Masbate at Marinduque. Maya-maya, ang mga subdibisyon na ito ay ginawang mga probinsya, na umiwan sa Maynila na may territoryong katumbas ng Lungsod ng Maynila ngayon (maliban na lamang sa Intramuros, ang lokasyon ng tunay na kabisera), at mula sa hilagang-kanluran na kabuuan ng probinsya ng Rizal. Ang hangganan ng Maynila ay pumunta mula sa hilagang-silangan hanggang sa sa timog-kanluran, kabilang ang mga Antipolo, Cainta, Taytay at Taguig, at lahat ng bayan at nasyon sa hilaga at kanluran nila, sa probinsya ng Maynila; at Angono, Teresa, Morong, at lahat ng nasyon at bayan sa timog at silangan nila, sa probinsya ng Laguna. Sa simula ng kasaysayan ng probinsya, ang unang panggalan ng probinsya ay Probinsya ng Tondo, na kilala sa kapanahunan ng Espanyol.

Noong mga 1853, apat na Pueblo o bayan sa probinsya ng Tondo ay sinalo sa hilagang silangan ng probinsya ng Laguna para buuin ang politiko-militar na Distrito de los Montes de San Mateo, o ang Distrito ng mga bundok ng San Mateo. Ang probinsya ng Tondo ay isinalo ang mga bagong distrito sa mga bagong bayan ng Cainta, Taytay, Antipolo at Boso-boso, habang ang Laguna ay umambag sa mga bayan ng Angono, Binangonan, Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla at Jalajala. Pero ang pangalan ng bagong distrito ay nagpatunay na di nararapat, masyadong mahaba, at nilito ang marami sa pag-iisip na ang bayan ng San Mateo (sa probinsya ng Tondo) ay ang kabisera ng Distrito ng mga bundok ng San Mateo, na sa totoo ang kabisera ng distrito ay Morong. Kaya noong 1859, sumusunod sa pang-araw araw na gawain, ang distrito ay pinangalanan ng parehong pangalan ng kabisera; Distrito ng Morong. Sa parehong panahon, ang probinsya ng Tondo ay pinangalanang Probinsya ng Maynila.

Noong isinuko ng mga Kastilla ang Pilipinas sa mga Amerikano, may gobyernong sibil ang naitatag. Sa parehong panahon, ang Probinsya ng Maynila ay pinalaya ng Komisyon ng Pilipinas, at ang mga bayan na kalapit nito ay ininkorporado sa mga distrito na iyon ng Morong, at bumuo sa Probinsya ng Rizal. Ilang linggo ang nakalipas, ang bagong anyo ng Lungsod ng Maynila, na may bagong hangganan at isinalo ang ilang bayan ng Probinsya ng Rizal sa kanyang distrito. Ang mga hangganan na ito ay binago at isinaayos noong ika-29 ng Enero, 1902 nang ang mga lugar sa labas ng bayan ng Gagalangin ay isinalo sa Lungsod ng Distrito ng Tondo, na dating bayan ng Santa Ana ay ginawang Distrito ng Lungsod ng Maynila. Noong ika-30 ng Hulyo ng parehong taon, ang bayan ng Pandacan ay isinalo bilang distrito ng lungsod. Simula noon ang hangganan ng distrito ng lungsod ng Maynila ay nanatiling ganoon.

Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang lungsod ng Maynila ay ginawang bukas na siyudad at ang mga administratibong hangganan nito ay pinalawak hanggang sa mga kalapit na lungsod at bayan. Ito ay tinawag na Malawakang Maynila at sinalo dito ang mga distrito ng Bagumbayan na nangangahulugang "New Town" (Timog ng Maynila), Bagumpanahon na nangangahulugang "New Era" (Sampaloc, Quiapo, San Miguel at Santa Cruz), Bagumbuhay na nangangahulugang "New Life" (Tondo), Bagong Diwa na nangangahulugang "New Order" (Binondo at San Nicholas), at ang bagong kakatatag na Lungsod ng Quezon ay hinati sa dalawang distrito, habang ang mga munisipalidad ng Kalookan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Navotas, Parañaque, Pasay at San Juan ay naging distrito ng Maynila.

Noong 1948, ang Lungsod ng Quezon ay ginawang kabisera ng Pilipinas. Pero noong ika-29 ng Mayo, 1976, binalik ni pangulong Ferdinand E. Marcos ang titulong kabisera ng Pilipinas ang Maynila sa kautusang Presidential Decree No. 940 na nagpapahayag na ang lugar na inireseta bilang Kalakhang Maynila sa kautusang Presidential Decree 824 ay ang dapat uupuan ng pambansang gobyerno".


Buwan Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Taon
Katamtamang Mataas na Temperatura°C 30 31 32 33 33 32 31 30 31 30 30 30 31
Katamtaman Kababaan ng Temperatura°C (°F) 21 22 22 24 25 25 24 23 23 23 23 22 23
Ulan (cm) 2 1 1 3 12 26 40 36 34 19 13 6 197
Sanggunian: Weatherbase (2007)

[baguhin] Pamahalaan

Katulad ng mga lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Maynila ay pinamamalaan ng isang alkalde na pinuno ng mga exclusibong departamento ng lungsod. Ang kasalukuyang alkalde para sa terminong 2007-2010 ay si Alfredo Lim, na gumawa ng pagbabalik sa City Hall na kasunod ang 3 taong termino bilang senador. Ang alkalde ng lungsod ay may tatlong termino (siyam na taon), pero pwedeng iboto ulit pagkatapos ng isang pagitan sa termino.

Si Isko Moreno ay ang kasalukuyang bise-alkalde ng lungsod ay pinamumunuan ang pambatasang braso na binubuo ng mga nahalal na mga konsehal, anim sa bawat anim na kongressong pang-distrito ng lungsod.

Ang lungsod ay hinahati sa sa 897 na mga barangay, na ang pinakamaliit na yunit ng lokal na pamahalaan ng Pilipinas. Ang bawat barangay ay may sariling kagawad at konsehal. Para sa kaginhawaan ng administratibo, lahat ng barangay sa Maynila ay grinupo sa 100 na zone at grinupo uli sa 16 na distritong pang-administratibo. Ang mga zone at mga distritong ito ay walang anumang uri ng lokal na pamahalaan.

Ang lungsod ay may anim na mga kinatawan na hinahalal para sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, ang mas mababang pambatasan na isa sa mga sanga ng Pilipinas. Bawat kinatawan ay kumakatawan sa isa sa anim na Tagapagbatas na distrito ng Maynila.

[baguhin] Selyo ng lungsod

Ang selyo ng lungsod ay mayroon mga salitang Lungsod ng Maynila at Pilipinas sa loob ng isang bilog pa-ikot sa isang kalasag. Ang pabilog ay mayroon anim na dilaw na bituwin na sumisimbolo sa anim na pakongresong distrito ng Maynila. Ang kalasag, sa hugis ng pre-kolonyal na kalasag ng tao, ay inilarawan ang palayaw na Pearl of the Orient sa itaas; dagat leon sa gitna, sanggunian sa impluwensya ng Espanyol; at ang agos ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila sa ibabang parte. Ang mga kulay ng selyo ay sumasalamin sa kulay ng bandila ng Pilipinas. Ang dagat leon sa selyo ng Maynila ay hiniram ng Singgapur para sa merlion.

[baguhin] Heograpiyang pang-distrito

Ang mapa ng Maynila

Ang lungsod ay hinahati sa labing-anim (16) na heograpiyang pang-distrito. Isa lang ang distritong hindi orihinal na nayon - Port Area. Walong (8) distrito ay matatagpuan sa hilaga ng Ilog Pasig at walo (8) sa timog. Ang San Andres Bukid ay dating parte ng Santa Ana, habang ang Santa Mesa ay dating parte ng Sampaloc. Ang mga distritong ito ay di dapat ika-lito sa anim na pakongresong distrito ng Maynila.

Heograpiyang pang-distrito Mga Barangay Populasyon
(2007 census)
Lugar
(has.)
Kapal ng populasyon
(per km²)
Binondo 10 12,100 66.11 18,304.1
Ermita 13 6,205 158.91 3,904.8
Intramuros 5 5,015 67.26 7,455.7
Malate 57 78,132 259.58 30,099.8
Paco 43 69,300 278.69 24,866.7
Pandacan 38 76,134 166.00 45,862.9
Lugar ng Daungan 5 48,684 315.28 15,441.4
Quiapo 16 23,138 84.69 27,322.0
Sampaloc 192 255,613 513.71 49,758.5
San Andres 65 116,585 168.02 69,386.2
San Miguel 12 16,115 91.37 17,636.9
San Nicolas 15 43,225 163.85 26,380.5
Santa Ana 34 62,184 169.42 36,703.5
Santa Cruz 82 118,779 309.01 38,438.1
Santa Mesa 51 98,901 261.01 37,892.2
Tondo 259 630,604 865.13 72,891.6

Lahat ng distritong ito, na hindi kinabibilangan ng Port Area, ay may sariling mga simbahan, at ilan sa mga distritong ito ay nakamit ang pag-kilala sa sariling paninindigan. Ang Intramuros bilang pinaka-matanda at orihinal na Maynila ay isang makasaysayang lokasyon. Ang distrito ng Binondo ay ang Chinatown ng lungsod. Tondo ay ang may pinaka-malaking kapal ng populasyon, pinaka-malawak na nasasakupan at nangunguna pagdating sa kahirapan. Ang Nasyonal na Bayani na si Jose Rizal ay tinatangkilik sa Paco Park. Ang mga distrito ng Ermita at Malate ay kilala at sikat sa mga turista, na mayroong maraming bar, kainan, limang-bituing otel, at liwasan habang ang mga distrito ng San Miguel at Pandacan ay nagho-host ng opisyal na residente ng Pangulo ng bansa, ang Palasyo ng Malacañang.

[baguhin] Pambansang mga opisina ng pamahalaan

Ang Lungsod ng Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas at ang upuan ng mga pulitiko sa bansa. Noong kapanahunan ng gobyernong kolonyal ng Amerikano, nagpahayag sila ng maggiging mukha ng lungsod sa labas ng dingding ng Intramuros. Sa kalapit na "Bagumbayan" o sa kasalukuyan ay ang Rizal Park, ang piniling sentro ng pamahalaan at ang komisyon ng disenyo ay pinaubaya kay Daniel Burnham para gumawa ng plano para sa lungsod na katulad ng sa Washington D.C.. Ang plano ay pinabayaan at natigil ang konstruksyon dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Dahil sa Pamahalaang Commonwealth ni Manuel L. Quezon, ang bagong sentro ng pamahalaan ay ginawa sa mga bundok sa hilagang silangan ng Maynila, na ngayon ay Lungsod ng Quezon. Ilang mga ahensiya ng pamahalaan ay gumawa ng base sa Lungsod ng Quezon pero ilang mga importanteng opisina ay nasa Maynila tulad ng Opisina ng Pangulo, ang Korte Suprema, Hukuman ng Apela, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kagawaran ng Badyet, Pananalapi, Kalusugan, Katarungan, Paggawa at Empleyo, at Turismo.Ang Maynila din ang ostiya ng iba't ibang importanteng nasyonal na institusyon tulad ng National Library, National Archives, National Museum at ng Philippine General Hospital.

[baguhin] Ekonomiya

Pangunahing lathalain: Poblasyon ng Maynila
Ang Maynila sa pagkakakita sa Harbour Sqaure, ito ang poblasyon ng Maynila[28]

Ang ekonomiya ng Maynila ay kakaiba at maraming pinagkukunan. Dahil sa kanyang magaling at pinoprotektahan na daungan, ang Maynila ay naging "National Chief Port". Ang maynila rin ang medyor na naglalathala ng Pilipinas. [29]

Ang magkakaiba nitong mga paninda ay ang mga kemikal, tela, damit, at mga elektronikong paninda. Relo, bakal, gamit na gawa sa katad, at sapatos ay ilan rin sa mga paninda ng lungsod. Mga pagkain at inumin at ang mga produktong tabako ay nagbibigay trabaho sa karamihan ng residente. Sa kabuuan, ang mga lokal na negosyante ay patuloy na gumagawa ng mga pangunahing mga kalakal para i-export, na kinabibilangan ng tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog. [29]

Turismo ay isa rin na maunlad na industriya. Dahil sa pagiging isa sa meydor na destinasyon sa bansa, ang lungsod ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong bisita [29] na galing sa iba't ibang panig ng mundo. Maraming destinasyong panturismo ang Maynila na matatagpuan sa Binondo, Intramuros at Malate.

Lahat ng distrito sa lungsod maliban lang sa Daungan ng Maynila ay may sariling pamilihan ng bayan o palenke. Ang pamilihan ng bayan ay hinahati sa dalawa, ang mga seksyon tuyong pagkain at mga sekyon ng gulay. Ang mga masagana ang mga pamilihan ng bayan na mga ito, lalo na kapad sa umaga. Sa pamamahala ng pagpapabago ng mga pook-urban na programma ng kasalukuyang administrasyon, ilan sa mga pamilihan ng bayan ay naisaayos at nabigyan ng bagong hitsura, katulad ng Santa Ana Public Market at Pritil Public Market. Ang mga kagamitan na binebenta ng murang mura ay matatagpuan sa mga pamilihan ng bayan sa Divisoria at Quiapo, kung saan ang paglilinay ay isang pangunahing kaugalian sa pamimili.

Ang mga modernong liwasan ay nakapalibot sa lungsod lalo na sa mga lugar sa Malate at Ermita. Ang SM City Manila, parte ng malawakang na kadena ng mga liwasan sa bansa, ay nakatayo katabi ng Manila City Hall, habang ang orihinal na Liwasan ng SM ay napapairal pa rin sa Carriedo sa Santa Cruz. Isa sa mga popular na liwasan na matatagpuan sa puso ng Maynila ay ang Robinson's Place Ermita. Sa timog na parte ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang Harrison Plaza, isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod.

[baguhin] Demograpiya

[baguhin] Kapal ng populasyon

Mayroong populasyon na 1,660,714 at may lawak ng lupain na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon sa kahit anong meydor na lungsod sa mundo na may 43,079 kada tao/km² (Ang distrito 6 ang may pinakamalaking kapal na may 68,266, at sinundan ng naunang dalawa pang distrito (Tondo) na may 64,936 at 64,710, at distrito 5 na may pinakamaliit na may 19,235). [30]

Ang populasyon ng Maynila ay namamaliit ang populasyon ng Paris (20,164 katao bawat km²), Shanghai (16,364 katao/km², na may pinakamalaking kapal ng populasyon sa distrito ng Nanshi na 56,785 ang densidad) Lungsod ng Buenos Aires (2,179 katao/km², na may pinakamaliking densidad sa labasan ng loob ng Lanus na may 10,444), Tokyo (10,087 katao/km²) Lungsod ng Mehiko (11,700 katao/km²), at Istanbul (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad sa distritong Fatih na may 48,173). [30]

Pagdating naman sa kabuuan ng urban, ang Kalakhang Maynila ay pumasok sa pang-85 na pwesto na may 12,550 katao/km² na may lawak ng lupain na 1,334 km², at naunahan pa ng Lungsod ng Cebu na pumasok sa pang-80 na pwesto. [30]

[baguhin] Wika

Ang sariling wika ay Pilipino na tinaguriang Tagalog, habang ang Ingles ay malawakang ginagamit sa edukasyon at trabaho sa buong rehiyon ng Kalakhang Maynila. Ang Hokkieng Intsik ay madalas ginagamit ng malaking komunidad ng Intsik-Pinoy. Ilang bilang ng matatandang naninirahan ay gumagamit pa rin pangunahing Kastila, na sapilitang paksa sa kurikulum ng mga unibersidad at pamantasan sa Pilipinas hanggang 1987, at maraming batang European, Arabo, Indyan, Latinong Amerikano o ibang migrante o expatriates ay sinasalita pa rin ang wikang ginamit ng kanilang magulang sa bahay, maliban sa Ingles at Tagalog para sa araw-araw.

[baguhin] Pananampalataya

Ang kosmopolitanong kaurian at ang iba't ibang kultura ay sumasalamin sa Maynila dahil sa dami ng mga pook para manampalataya sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas, na umiiral pa simula ng nilikha ang republika, ay pinapayagan ang pagkakaiba ng populasyon na gumawa ng kanilang sagradong pook na walang takot sa pagkakausig. Ang mga tao na may iba't ibang sekta ay nirerepresenta ng may gabay ng mga Kristyanong simbahan, mga templo ng Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga Islamiko.

[baguhin] Romanong Katolisismo

Ang Simbahan ng San Sebastian sa Quiapo
Ang Katedral ng Maynila

Ang Maynila ang kabisera ng Arkidiyosesis ng Maynila, ang pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa, at ang Primado ng Pilipinas.[31] Ang mga tanggapan ng arkidiyosesis ay matatagpuan sa Katedral ng Maynila (Basilica Minore de la Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion) na nasa loob ng Intramuros. Ang lungsod ay nasa pamamahala ng Patronage of San Andres (San Andres).

Sa pagiging luklukan ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa mga nagdaang siglo, ginamit ito bilang base ng mga misyong Katoliko sa Pilipinas. Kabilang sa mga orden na nasa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga Dominikano, ang mga Heswita, ang mga Pransiskano, mga Agustino (na kinabibilangan ng mga Augustinian Recollects), ang mga Benediktino, ang mga Sisters of St. Paul of Chartres, ang mga padre ng Vincentian, ang Kongregasyon ng mga Immaculati Cordis Mariae, at ang De La Salle Christian Brothers.

Ilang kilalang mga simbahan at katedral sa lungsod ay kinabibilangan ng Simbahan ng San Agustin sa Intramuros, ang dambana ng kinorunahang imahe ng Nuestra Señora de Consolación y Correa, isang UNESCO World Heritage Site[31], at isang paboritong lugar pangkasalan ng mga kilalang tao at isa sa dalawang de-erkon na simbahan sa lungsod; Simbahan ng Quiapo, kilala rin bilang Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno, lugar kung saan ginaganap ang taunang prosesyon ng Itim na Nazareno; Simbahan ng Binondo, kilala rin bilang Minore de San Lorenzo Ruiz; Simbahan ng Malate, ang dambana ng Nuestra Señora de Remedios; Simbahan ng Ermita, ang tahanan ng pinakalumang imaheng Marian sa Pilipinas, uestra Señora de Guia; Simbahan ng Tondo, tahanan ng daang taong kulay-garing na imahe ng Sto. Niño (Batang Hesus); Simbahan ng Sta. Ana, dambana ng kinoronahang imahe ng Nuestra Senora de los Desamparados; at Simbahan ng San Sebastian o Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging may estilong Gotika sa Asya.

[baguhin] Protestantismo

Ang Maynila ang tahanan ng ilang luma at malalaking mga simbahan ng mga Protestante sa Pilipinas. Ang karamihan sa mga matatandang simbahan na itinatag ng mga misyonaryong Amerikano ay matatagpuan sa hangganan ng lungsod ng Maynila, mas mararaming simbahan ay matatagpuan sa mga katabing lungsod at mga probinsya.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga saksa ng mga banyagang mga misyonaryong Protestante ay pumunta sa isla kasama ang mga Baptist, mga Nazarene, mga Pentecostals, mga taga-Christian and Missionary Alliance at nagtatag ng mga simbahan at iskwelahan at ang Maynila ay naging sentro ng lahat.

[baguhin] Iglesia ni Cristo

Ang pinakamalaking sinaunang simbahan ng Kristyano sa Pilipinas. Ang Iglesia ay may mga kapilya at simbahan sa lungsod, kilala sa mga makitid at nakaumang mga taluktok. Ang sentro ng mga kapilya ay matatagpuan sa Abenida Komonwelt sa Lungsod Quezon.

[baguhin] Islam, Budismo at iba pang paniniwala

Maraming itinatag na templo ng mga Budismo at Taoist ang komunidad ng Intsik sa Maynila. Ang distrito ng Quiapo ay ang tahanan ng malaking populasyon ng Muslim sa Maynila, at ang Masjid Al-Dahab ay matatagpuan doon. Sa Ermita, may malaking templo ng Hindu para sa mga Indyano, habang sa Abenidang U.N. matatagpuan ang templo ng Sikh. Mayroong ding templo ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Sa Malate, sa may Abenida Quirino, minsay nagkaroon na ng sinanog para sa maliit na komunidad ng mga Hudyo sa Pilipinas; nagkaroon ng bagong sinanog simula noon sa kalapit-bahay na Makati, sa kalye ng Tordesillas.

[baguhin] Edukasyon

Pangunahing lathalain: Tala ng mga unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang kauna-unahang unibersidad sa Pilipinas na pinatatakbo ng pamahalaang lokal.

Ang Maynila ang tahanan ng mga unibersidad, dalubhasaan at pamantasan sa Kalakhang Maynila. Ang tinaguriang Sinturon ng mga Pamantasan, ay nasa sinasakupan ng Malate, Ermita, Intramuros, Paco, San Miguel, Quiapo, at Sampaloc na tinaguriang may magandang edukasyong maihahandog. Ilan sa kanila ay ang mga pamantasang pang-estado katulad ng Unibersidad ng Pilipinas sa Ermita at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas, Philippine Christian University, Philippine Women's University, Pamantasang De La Salle-Maynila, at De La Salle-College of Saint Benilde sa Abenidang Taft; katolikong iskwelahan katulad ng San Beda College sa San Miguel, at Pamantasan ng Santo Tomas sa Sampaloc, at Saint Paul University sa Ermita; pribadong iskwelahan katulad ng University of the East, Far Eastern University, at Pamantasang Centro Escolar sa Recto; at ang katolikong iskwelahan na Colegio de San Juan de Letran, Mapúa Institute of Technology at ang Lyceum of the Philippines University, at ang pag-aari ng lungsod na unibersidad na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa loob ng Intramuros.

Ang Dibisyon ng mga pamantasan ng lungsod-Maynila, isang sangay ng Kagawaran ng Edukasyon, ay tumutukoy sa tatlong pampublikong sistema ng edukasyon. Namamahala ito ng 71 elementaryang pampublikong iskwelahan, 32 pampublikong mataas na paaralan, at 2 pampublikong unibersidad.

Ang lungsod din ang namamahala sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang pilotong pang-agham na iswkelahan sa Pilipinas; ang National Museum of the Philippines, kung saan ang Spoliarium ni Juan Luna ay matatagpuan, ang Kalakhang Museo, ang pangunahin museo na moderno at dalubhasa sa mga sining na ukol sa paningin; ang Museong Pambata, lugar kung saan masaya ang pagdiskubre at pagkatuto; at, ang National Library of the Philippines na nasa Liwasang Rizal.

[baguhin] Transportasyon

[baguhin] Pampublikong transportasyon

Ang Estasyon ng LRT sa Tayuman.

Ang Maynila, bilang pangunahing lungsod, ay nakakuha ng iba't ibang pagpipilian ng transportasyon. Ang pinakasikat sa lahat ng uri nito ay ang dyipni, na inupisahan gamitin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga bus, de-erkon na de-metrong taksi at Tamaraw FX mini-vans ay popular din na uri ng transportasyon. Ang mga Motorsiklo at Pedicab ay ginagamit sa mga bumabiyahe ng maiikling distansya. Sa ilang lugar, lalo na sa Divisoria, ang mga Two-Stroke Motors ay pinagkakasya sa Pedicab para mahatid ang mga paninda. Pinagpapaliban ang modernong kapanahunan, mga de-kabayong Kalesa ay ginagamit pa rin sa mga lansangan ng Binondo at Intramuros.

Bukod sa mga uri ng ganitong tramsportasyon, ang lungsod ay pinagsisilbihan ng Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila (hiwalay sa Manila Metro Rail Transit System), isa sa mga prioridad ng proyekto ng nasyonalismo na nakatoon sa pagpapaluwag ng masikip na daloy ng trapiko.

Ang pagpapaunlad ng sistema ng riles ay nag-umpisa kasabay ng pagkabuo nito noong mga 1970s sa pamamahala ng administrasyon ni Marcos, na kauna-unahang transportasyon ng riles sa Timog-Silangang Asya. Kailan lamang, ang sistema ay nakaranas ng pagpalawak na bilyong bilyong dolyar ang halaga kasabay ng paglaki ng populasyon ng lungsod; ang layunin: para magkaroon ng alternatibong uri ng transportasyon para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking "mobile workforce". Dalawang linya ang nagsisilbi sa mga naninirahan sa lungsod, ang Linyang Dilaw na tumatakbo sa pahabang sukat ng Avenidang Taft (R-2) at Avenidang Rizal (R-2), at ang Linyang Murado na matatagpuan sa haba ng Ramon Magsaysay Boulevard (R-6) simula Santa Cruz, patungong Lungsod ng Quezon, hanggang sa Santolan sa Lungsod ng Pasig.

Kung idadagdag pa, ang lungsod ang sentro ng pamahalaan ng riles sa Luzon. Ang pangunahing terminal ng Philippine National Railways ay nasa distrito ng Tondo. Ang mga daanang riles na pinalawak pa galing sa terminal na ito sa hilaga ng Lungsod ng San Fernando sa Pampanga at sa timog patungong Lungsod ng Legazpi sa Albay, pero ang katimogang riles lang ang gumagana.

Ito ang mga pangunahing sistema ng riles, na ang mga istasyon ay nasa Maynila:

[baguhin] Himpapawid

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) ang nagsisilbi sa Maynila, Kalakhang Maynila at sa mga kalapit probinsya. May ikalawang terminal, o Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong Oktubre 1999. Ang nagbubuhat ng titulo ng bandila ng Pilipinas na Philippine Airlines, ay ginagamit ang terminal na ito para sa lokal at pandaigdigan na serbisyo, habang ang ibang pandaigdigan na lipad ay ginagamit ang orihinal na terminal ng NAIA. May ikatlong terminal (NAIA-3) na binuksan noong Ogosto 2008. Binabahayan nito ang Cebu Pacific, Air Philippines at PAL Express at nakalugar para mag-opera ng mga pandaigdigan na lipad sa taong iyon. Ang pangunahing serbisyo na nagpapaunlad ng NAIA ay ang Philippine Airlines.

[baguhin] Mga daanan

Pangunahing lathalain: Mga lansangan sa Kalakhang Maynila

Ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila ay naayos sa grupo ng radyal at mga bahagyang o paikot na kalye na pumapalibot sa Maynila. Ang Roxas Boulevard, ang pinakakilalang kalye ng Maynila, ay matatagpuan sa mga pampang ng Look ng Maynila sa Maynila. Ang kalyeng iyon ay parte ng Radial Road 1 na patungo ng timog papunta sa probinsya ng Cavite. Isa pang kilalang daanan ay ang España Boulevard (parte ng Radial Road 7) na nag-uumpisa sa Quiapo hanggang Welcome Rotonda na nasa hangganan ng Lungsod ng Quezon. Ang Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway, parte ng South Luzon Expressway o Radial Road 3 ay ang pinaka-impurtanteng daanan na dinudugtong ang Maynila sa mga timog na probinsya ng Luzon.

[baguhin] Mga tulay

Mayroong walong pangunahin na tulay sa Maynila, mas marami sa kalahati ng bilang ng tulay ay pinagdudugtong ang hilaga at timog na parte na hinahati Ilog Pasig sa Kalakhang Maynila. Mayroong dalawang tulay na riles na tumatawid sa ilog, ang Light Rail Transit 1 at ang daanan ng Philippine National Railways. Ang mga tulay na nakalista sa ibaba ay nakasaayos ng kanluran hanggang silangan, na ang nauunang tulay ay ang Del Pan, na pinakamalapit sa bukana ng Ilog Pasig hanggang sa Look ng Maynila.

[baguhin] Puerto at daungan

Isa sa mga puerto ng lungsod

Ang puerto ng Maynila, na matatagpuan sa bunganga ng Look ng Maynila, ay ang National Chief Port of the Philippines. Pinagsisilbihan nito ang pangunahing pangangailangan ng lungsod. Ang hilaga at timog na daungan ay nakakaranas ng pagka-abala twing bakasyon tulad ng Mahal na Araw, Araw ng Kalululuwa at Kapaskohan.

[baguhin] Pasig River Ferry Service

Ang bunganga ng Ilog Pasig ay matatagpuan sa lungsod na ito. Ang Pasig River Ferry Service ay nagpapatakbo ng 17 istasyon na matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig simula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang sa Lungsod ng Pasig. Pitong istasyon lang ang matatagpuan sa dito.

[baguhin] Komunikasyon

[baguhin] Serbisyong pang-koreo

Ang Philippine Postal Service Agency, kilala bilang Korporasyong Koreo ng Pilipinas, ay nakabahay sa Post Office Building na matatagpuan sa talampakan ng Tulay ng Jones. Ang gusali ay binabahayan din ang Philippine Postal Bank at ang pangunahing na nagpapatakbo ng tagahatid ng mga koreo sa bansa.

[baguhin] Tagalathala at publikasyon

Ang Maynila ang bahay ng mga pangunahing ma tagalathala sa Pilipinas na mayroong maraming opisina at mga tagalathalang palimbagan na matatagpuan sa Port Area. Ang industriyang tagabalita ay isa sa mga legasiya ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, na gumawa ng daan para kalayaan ng mga tagapagbalita. Ilan sa mga medyor na publikasyon sa Maynila ay kinabibilangan ng ilang pinakamatandang tagalathala sa bansa, ang Manila Times, ang Manila Bulletin, ang Philippine Star, ang Manila Standard Today, The Daily Tribune at iba pa.

[baguhin] Ahensiya ng mga balita

Ang Maynila ang host ng ilang pambalita at pang-impormasyong opisina, ahensiya o serbisyo na kinabibilangan ng Office of the Press Secretary at Radio-TV Malacañang o RTVM (ang close-in na tagapagbalita ng Mga Presidente ng Pilipinas) na matatagpuan sa ibaba ng Palasyo ng Malacañang.

Ang lungsod din ang tirahan ng prestihiyoso at eksklusibong organisasyon ng mga manunulat na tinawag na, Samahang Plaridel, na ang mga miyembro ay kinabibilangan ng ilang kilalang publisher, editor, at taga-pagbalita ng bansa.

[baguhin] TV at radyo

Ang punong himpilan ng mga pangunahing TV Networks ay matatagpuan sa Lungsod Quezon at hindi lahat ng studyo ng Mega Manila ay matatagpuan sa lungsod na ito.

[baguhin] Mga medikal na pasilidad

Ang Maynila ang tahanan ng World Health Organization sa Pilipinas, ang pangunahing opisina ng Kagawaran ng Kalusugan, at ilang opsital at medikal na pasilidad. Ang Manila Health Department, na responsable sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programmang pangkalusugan sa pamahalaan ng lungsod, ay nagpapatakbo ng 44 na medikal na pasilidad at mga pasilidad na nakapwesto sa mga looban[32] na matatagpuan na nakakalat sa lungsod. Ilan sa mga kilalang ospital ng lungsod ay ang mga Manila Doctors' Hospital at Philippine General Hospital sa Abenidang Taft; Chinese General Hospital and Medical Center, Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at San Lazaro Hospital sa Santa Cruz; University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc; at ang pagmamay-ari ng lungsod na ospital na Ospital ng Maynila Medical Center sa Malate. [31]

[baguhin] Mga pook na interesante

Ang Daungan sa Maynila at ang poblasyon ng Maynila sa Manila Baywalk, isa sa mga lugar na interesante ng lungsod

Sa timog ng Intramuros Matatagpuan ang Liwasang Rizal, ang pinaka-kilalang parke ng bansa. Kilala rin bilang Luneta (Para sa mga Espanyol ay gasuklay ang hugis) at dati bilang Bagumbayan, ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay sitwasado sa lokasyon kung saan si José Rizal, ang nasyonal na bayani ng bansa, ay pinatay ng mga Kastilla sa kasong pagkawasak. Ang monumento ay itinayo sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng bandila sa kanluran ng Monumento ni Rizal ay ang kilometro zero para sa distansya sa mga kalye sa pulo ng Luzon at sa buong bansa.

Iba pang magagandang lugar sa Liwasang Rizal ay kinabibilangan ng mga hardin ng Intsik at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas, Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, ang planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion, isang bukas na oditoryum na lugar para sa mga gawaing pang-kultura, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang lugar na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang presentasyon na makulay, at ang Quirino Grandstand.

Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang lugar pampubliko. Parke ng Rajah Sulayman, Manila Boardwalk, Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda, Mehan Garden, Paco Park, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plaza Balagtas at ang Malacañang Garden ay ilan sa mga parke ng lungsod. Noong 2005, ang dating alkaldeng si Lito Atienza ay binuksan ang Pandacan Linear Park, isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisan at mga pantahan-komersyal na pag-aari na matatagpuan sa bingit ng Ilog Pasig. Sa pinakahilagang parte ng lungsod matatagpuan ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng Kalakhang Maynila. Isang bagong kabubukas na Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga dagat hayop.

Ang lungsod ay nag-aalok ng mga akomodasyon na umaabot hanggang sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Manila Hotel na kilala sa mundo, ay matatagpuan sa Roxas Boulevard na nakaharap sa Look ng Maynila o kaya sa mga distrito ng Ermita at Malate.

Ang mga sikat na distrito ng Ermita at Malate ay may malawakang pagpipilian ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, sining at antigong tindahan. Ang panggabing buhay ay binibigay ang lahat simula sa mga pelikulang pang-kultura hanggang sa discothèques, mga kasino, mga panlibangan na pahingahan at nasa modang kapihan. Sa puso ng lungsod matatagpuan ang Intramuros, at ang mga lugar ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na bahay, at mga kabayo-diwang mga tagahatid. Ibang makasaysayang lugar at pook-palatandaan, mga parke at bukas na lugar, mga museo, mga liwasan, at mga pasilidad ng palakasang palaro na matatagpuan sa buong lungsod.

[baguhin] Pook-palatandaan

Ang Simbahan ng Quiapo sa Quiapo, Maynila.
Ang loob ng Manila Hotel, ang una sa kanyang mga uri na ginawa sa Timog-silangang Asya.
Ang tarangkahan ng Kutang Santiago
Ang tarangkahan papasok sa Liwasang Paco
Ang Palasyo ng Malakanyang, ang opisyal na tahanan ng Pangulo
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa Bulebard ng Roxas

[baguhin] Sementeryo

  • Sementeryo Manila Chinese
  • Sementeryo ng La Loma
  • Sementeryo del Norte (websayt)
  • Katimugang Sementeryo ng Maynila (websayt)
  • Liwasang Paco

[baguhin] Otel

Ang Lungsod ng Maynila ay nag-aalok ng malawakang hanay na pag-rerekomenda sa mga engrandeng otel hanggang sa mga abot kayang dormitoryo. Marami sa mga ito ay matatagpuan sa Bulebard ng Roxas na nakaharap sa Look ng Maynila, o sa mga distrito ng Ermita at Malate.

[baguhin] Museo

  • Bahay Tsinoy
  • Intramuros Light and Sound Museum, Intramuros
  • Main National Museum, Kalye ng Padre Burgos
  • Museo ng Maynila, dating gusali ng Pre-War Army-Navy Club, Rizal Park
  • Museo Pambata, dating gusali ng Pre-War Elk's Club, Rizal Park
  • National Museum of the Filipino People, Rizal Park
  • Parish of the Our Lady of the Abandoned - Sta. Ana (artepakto noong kapanahunan ng Hispano)
  • Plaza San Luis, Intramuros
  • San Agustin Church Museum, Intramuros
  • The Museum - De La Salle University-Manila, Abenidang Taft, Malate
  • UST Museum of Arts and Sciences

[baguhin] Mga pook-palakasan

  • Rizal Memorial Sports Complex, Kalye ng Vito Cruz, Malate
    • Rizal Memorial Coliseum
    • Rizal Memorial Track and Football Stadium
    • Rizal Memorial Baseball Stadium
    • Ninoy Aquino Stadium
  • San Andres Gym (dating ang Mail and More Arena), ang nagsilbing tahanan ng hindi na aktibong Manila Metrostars)

[baguhin] Kapatid na lungsod

Lungsod Bansa o Estado Taon Talababa
Lungsod ng Ho Chi Minh Biyetnam n/a
Madrid Espanya 1987 [33]
Yokohama Hapon 1965 [34]
Osaka Hapon n/a
Maui County Haway 1994 [35]
Bagong Delhi Indya n/a
Haifa Israel n/a
Santa Barbara Kalipornya n/a [36]
Sacramento Kalipornya 1965 [37]
San Francisco Kalipornya 1961 [38]
Montreal Kanada 2005 [39]
Winnipeg Kanada 1979 [40]
Cartagena Kolombiya n/a
Lungsod ng Panama Panama n/a
Moscow Rasya n/a
Bangkok Taylandya n/a
Taipei Taywan 1966 [41]
Busan Timog Korea 2008 [42]
Incheon Timog Korea n/a
Beijing Tsina 2002 [43]
Guangzhou Tsina 1982 [44]
Shanghai Tsina 1983 [45]

[baguhin] Silipin din

[baguhin] Kawil panlabas

Tuklasin ang iba pa hinggil sa Manila mula sa mga kapatid na proyekto ng Wikipedia:
Kahulugang pangtalahuluganan
Mga araling-aklat
Mga siping pambanggit
Mga tekstong sanggunian
Mga larawan at midya
Mga salaysaying pambalita
Mga sangguniang pampagkatuto


[baguhin] Sipian

[baguhin] Talababa

  1. 1.0 1.1 Demographia. [http://www.demographia.com/db-world-metro2000.ht 50 Largest World Metropolitan Areas Ranked: 2000 Estimates]. US Census Bureau. Hinango noong Hunyo 5, 2009.
  2. City Population. The Principal Agglomerations of the World. Hinango noong Hunyo 5, 2009.
  3. Kagawaran ng Turismo. Manila City - Cosmopolitan Capital Of The Philippines. Wow Philippines. Hinango noong Hunyo 5, 2009.
  4. E.M. Pospelov, Geograficheskie nazvanie mira (Moscow 1998).
  5. Ambeth Ocampo (Hunyo 25, 2008). Looking Back : Pre-Spanish Manila. Philippine Daily Inquirer. Hinango noong Hunyo 10, 2009.
  6. World: metropolitan areas. World Gazetteer. Hinango noong Hunyo 10, 2009.
  7. Manila, Philippines. U.N.. Hinango noong Hunyo 10, 2009.
  8. The World According to GaWC 2008. GaWC. GaWC. Hinango noong Hunyo 10, 2009.
  9. San Agustin, Gaspar de, Conquistas de las Islas Philipinas 1565-1615, Translated by Luis Antonio Mañeru, 1st bilingual ed (Kastilla at Ingles), published by Pedro Galende, OSA: Intramuros, Manila, 1998
  10. Scott, William Henry, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History, Quezon City: New Day Publishers, 1984
  11. Dikemaskini (Agosto 2006). Pusat Sejarah Brunei. Government of Brunei Darussalam. Hinango noong Hunyo 12, 2009.
  12. Henson, Mariano A. 1965. The Province of Pampanga and Its Towns: A.D. 1300-1965. 4th ed. revised. Angeles City: By the author.
  13. Filipiniana: Act of Taking Possession of Luzon by Martin de Goiti. History. Filipiniana. Hinango noong Hunyo 21, 2009.
  14. San Agustin, Gaspar de, Conquistas de las Islas Philipinas 1565-1615, Isinalin ni Luis Antonio Mañeru, unang edisyon (Katilla at Ingles), inilathala ni Pedro Galende, OSA: Intramuros, Maynila, 1998
  15. 15.0 15.1 Blair 1911
  16. Viceroyalty of New Spain. Brittanica. Hinango noong Hunyo 21, 2009.
  17. Johanna Hecht (Oktubre 2003). The Manila Galleon Trade (1565–1815). European History. Department of European Sculpture and Decorative Arts. Hinango noong Hunyo 21, 2009.
  18. Dr. Antonio de Morga (1907). HISTORY OF THE PHILIPPINE ISLANDS VOL I AND II. Nalanda. Hinango noong Hunyo 23, 2009.
  19. History of Manila. LonelyPlanet. Hinango noong Mayo 9, 2002.
  20. 20.0 20.1 20.2 Tracy, Nicholas (1995). Manila Ransomed: The British Assault on Manila in the Seven Years War. University of Michigan: University of Exeter Press. ISBN 0859894266, 9780859894265. http://books.google.com/books?id=AoNxAAAAMAAJ&pgis=1. Retrieved on 06-25-09. 
  21. Battle of Manila Bay, 1 May 1898. DEPARTMENT OF THE NAVY -- NAVAL HISTORICAL CENTER. DEPARTMENT OF THE NAVY: (5 ng Agosto, 2005). Hinango noong Hunyo 28, 2009.
  22. Boot"2002, p. 125, "As many as 200,000 civilians also died, victims of disease and famine and the cruelties of both sides.";
    ^ Kumar 2000, p. 
    [Pahina'y kailangan], "In the fifteen years that followed the defeat of the Spanish in Manila Bay in 1898, more Filipinos were killed by U.S. forces than by the Spanish in 300 years of colonization. Over 1.5 million died out of a total population of 6 million.";

    ^ Painter 1989, p. 154, "Hundreds of thousands of Filipinos died in battle, of disease, or of other war-related causes.";
    ^ Bayor 2004, p. 335, "Some seven thousand Americans and twenty thousand Filipinos were killed or wounded in the war, and hundreds of thousands of Filipinos – some estimates are as high as 1 million – died of war-related disease or famine.";
    ^ Guillermo, Emil (February 8, 2004), "A first taste of empire", Milwaukee Journal Sentinel: 03J  "The Philippines: 20,000 military dead; 200,000 civilian dead. Some historians, however, put the toll higher – closer to 1 million Filipinos because of the disease and starvation that ensued.", ([The Philippines: 20,000 military dead; 200,000 civilian dead. (paid archive search);

    ^ The Editors (November 1, 2003), "Kipling, the 'White Man's Burden,' and U.S. Imperialism", Monthly Review 55 (6): 1, http://www.monthlyreview.org/1103editors.htm, retrieved on 2009-05-14 , "Although a quarter of the million is the “consensual” figure of historians, estimates of Filipino deaths from the war have ranged as high as one million, which would have meant depopulation of the islands by around one-sixth.".
  23. Pinas. Philippines. Pinas. Hinango noong Hunyo 29, 2009.
  24. GDP ng Maynila
  25. Ang Kasaysayan ng Maynila
  26. Ang 100 araw ng kagalang galang na alkede Alfredo Lim
  27. Tinignan, ika-25 ng Enero, 2009 I wont help my son
  28. Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, ito ang pangunahing pinagmumulan ng GDP ng lungsod. Nahahatak nito ang ekonomiya ng lungsod at marami ditong mga gusaling tukudlangit. Lahat naman ng lugar sa Maynila ay pang-negosyo, sadya lamang ito ang karapat dapat na Poblasyon (Ang ibig sabihin kasi ng Ibabang Maynila ay ang mga lugar sa katimugang Maynila).
  29. 29.0 29.1 29.2 Ang naglalathala sa Pilipinas
  30. 30.0 30.1 30.2 Ang populasyon ng Maynila
  31. 31.0 31.1 31.2 WOW Philippines
  32. Libreng paggamot sa Lungsod ng Maynila
  33. Ang kapatid na lungsod ng Madrid
    Flag of Spain Espanya
  34. isyu noong 2005
  35. Ang mga kapatid na lungsod ng Maui County
  36. Sister Cities, the City of Santa Barbara, California, November 17, 2006, http://www.santabarbaraca.gov/Government/Boards_and_Commissions_N-Z/Sister_Cities_Board/, retrieved on 2008-09-09 
  37. Maynila-Sacramento
  38. Ang mga Kapatid na Lungsod ng San Francisco
  39. Manila-Montreal Sister City Agreement Holds Potential for Better Cooperation : Philippines : Gov.Ph : News
  40. Sister Cities, New Winnipeg, http://web.archive.org/web/20051228134139/http://newwinnipeg.com/news/info/sister-cities.htm, retrieved on 2008-09-09  (archived from the original on 2005-12-28)
  41. The 45 Sister Cities of taipei, taipei.gov, http://www.protocol.taipei.gov.tw/sister/esister.htm, retrieved on 2008-09-09 
  42. Mga Kapatid na Lungsod ng Busan
  43. Allison Lopez (August 7, 2008), Manila mayor flies to ‘sister city’ for Beijing Olympics, Philippine Daily Inquirer, http://sports.inquirer.net/breakingnews/breakingnews/view/20080807-153276/Manila-mayor-flies-to-sister-city-for-Beijing-Olympics, retrieved on 2008-09-09 
  44. Guangzhou
  45. Talaan ng mga kapatid ng lungsod ng Shanghai

[baguhin] Biblyograpya

Mga pansariling kagamitan