Lungsod ng Ho Chi Minh

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Ho Chi Minh
Itaas: Panoramang urbano ng Lungsod ng Ho Chi Minh; Bahay Pamahalaan ng Lungsod ng Ho Chi Minh
Gitna: Basilikang Notre-Dame ng Saigon; Pantalan ng Saigon; Bitexco Financial Tower
Ibaba: Pamilihang Bến Thành; Tanghalang Bayan
Lokasyon sa Biyetnam at Timog Biyetnam
Coordinates: 10°46′10″N 106°40′55″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Watawat ng Vietnam Vietnam
Itinatag 1698
Binago ang pangalan 1976
Demonym Saigonese
Pamahalaan
 • Kalihim ng Partido Lê Thanh Hải
 • Kalihim ng Komiteng Popular Nguyễn Trung Hiếu
 • Tagapangulo ng Sangguniang Popular Nguyễn Thị Quyết Tâm
Laki
 • Kabuuan 809.23 sq mi (2,095 km2)
Taas 63 ft (19 m)
Populasyon (2011)[2]
 • Kabuuan 7,521,138[1]
Area code(s) +84 (8)
Websayt Official website

Ang Lungsod ng Ho Chi Minh (Biyetnames: Thành phố Hồ Chí Minh; listen ), na dating tinatawag na Saigon (Sài Gòn; listen ), ay ang pinakamalaking lungsod sa Biyetnam. Sa ilalim ng pangalang "Saigon", nagsilbi ito bilang kabisera ng kolonyang Pranses ng Cochinchina, at pagkatapos ng Timog Biyetnam mula 1955 hanggang 1975. Noong 30 Abril 1975, bumagsak ang Saigon sa huling bahagi ng Digmaang Biyetnam laban sa Hilagang Biyetnam, kung saan nagwagi ang mga Komunistang taga-hilagang nasa ilalim ni Ho Chi Minh, at ang kanilang puwersang pang-militar, ang Viet Cong. Noong 2 Hulyo 1976, ipinagsama ang Saigon sa karatig-lalawigan ng Gia Định, at pinangalanani ito kay Ho. Gayunpaman, karaniwan pa ring ginagamit ang lumang pangalan.[3]

May halos 9,000,000 katao ang kalakhan ng Lungsod ng Ho Chi Minh, na binubuo ng lungsod mismo at ang mga karatig-pook ng Thủ Dầu Một, Dĩ An, Biên Hòa at mga bayang nakapaligid.[4] Ito ang kalakhang may pinakamalaking populasyon sa buong bansa.[5] Inaasahang lalaki ang populasyon ng lungsod sa 13.9 million pagsapit ng 2025.[6] Kung kasama ang mga lalawigan ng Tiền Giang at Long An, na inihayag sa ilalim ng bagong planong panrehiyon ng kalakhan, sakop ng kalakhan ang lupaing may lawak na halos 30,000 kilometro kwadrado (12,000 sq mi), at may populasyon na halos 20 milyong katao pagsapit ng 2020.[7]

Ayon sa Mercer Human Resource Consulting, Economist Intelligence Unit at ECA International, pang-132 sa pinakamamahaling lungsod para sa mga manggagawang dayuhan ang Lungsod ng Ho Chi Minh.

Talasanggunian[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]