Vietnam

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Biyetnam)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Sosyalista ng Vietnam
Cộng hòa Xã hội chủ nghĩa Việt Nam
Socialist Republic of Việtnam
Pambansang Kasabihan: Độc lập - Tự do - Hạnh phúc
"Kasarinlan - Kalayaan - Kaligayahan"
Pambansang Awit: Tiến Quân Ca
"Army March" (first verse)
Mapa ng Vietnam, tingnan din; Atlas of Vietnam
Kabisera Hanoi
21°2′N 105°51′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Ho Chi Minh City
Opisyal na wika Vietnamese
Pangalang-
turing
Vietnamese
Pamahalaan Sosyalistang republika,1
Single-party komunistang estado
 -  Pangulo Trương Tấn Sang
 -  Punong Ministro Nguyễn Tấn Dũng
 -  Pangkalahatang Kalihim Nguyễn Phú Trọng
Pagbuo
 -  Đại Việt 1054 
 -  Proclamation 2 Setyembre 1945 
 -  Muling pagsasama-sama 30 Abril 1975 
 -  Current constitution 19 Disyembre 1980 
Lawak
 -  Kabuuan 331,690 km2 (Ika-65)
128,527 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.3
Populasyon
 -  Pagtataya ng kalagitnaan ng 2008 86,116,559 (Ika-13)
 -  Senso ng 1999 76,323,173 
 -  Kakapalan 253/km2 (Ika-46)
655/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $221.614 billion[1] (46th)
 -  Per capita $2,589[1] (128th)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $70.943 billion[1] (Ika-60)
 -  Per capita $828[1] (140th)
Gini (2002) 37 (medium) (Ika-59)
TKT (2008) Decrease 0.718 (medium) (Ika-114)
Salipi đồng (₫) (VND)
Pook ng oras UTC+7 (UTC+7)
 -  Tag-araw (DST) No DST (UTC+7)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .vn
Kodigong pantawag 84
1 According to the official name and 1992 Constitution.

Ang Vietnam (Vietnamese: Cộng hòa Xã hội chủ nghĩa Việt Nam), opisyal na tinatawag na Sosyalistang Republika ng Vietnam (Ingles: Socialist Republic of Việtnam) ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina sa Timog-silangang Asya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Laos sa hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13 pinakamataong bansa sa buong daigdig.

Ang mga mamamayan ng Vietnam ay nagkamit muli ng kalayaan at tumiwalag sa Tsina noong AD 938 pagkatapos ng pagkapanalo nila sa Labanan sa Bạch Đằng River. Sunod-sunod na dinatiya ang umusbong kasabay ng pagpapalawak nito sa pampolitika at heograpiyang aspeto hanggang nasakop ito ng mga Pranses noong ika-19 daantaon. May mga pag-aaklas laban sa mga Pranses na nagbunga ng pagpapaalis o pagpapalayas sa mga ito(Pranses) sa bansa. Bunga nito ay ang pagkahati ng bansa sa dalawa. Ang labanan na ito ay nagtagal hanggang Vietnam War. Nagtapos ito sa pagkapanalo ng Hilagang Vietnamese noong 1975. Nakabukod mula sa ibang bansa ang Vietnam habang ito bumabangon mula sa matinding pagkasira o pagkasawak dahil giyera. Ang ekonomiya at politika ng Vietnam ay isinaayos upang makiisa muli sa mundo. Noong taong 2000, ang Vietnam ay nagtatag ng diplomatikong relasyon sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Ang paglago ng ekonomiya ng Vietnam ay isa sa pinakamataas sa buong dekada. Itong pagkilos na ito ay nagbunga ng pagsali ng Vietnam sa World Trade Organization noong 2007.

Ngalan[baguhin]

Sa mga lumipas na dantaon, ang Vietnam ay nagkaroon ng iba't ibang pangalan: tinawag itong Văn Lang noong panahon ng dinastiyang Hùng Vương, Âu Lạc naman noong panahon ng dinastiyang An Dương Vương, Van Xuan noong dinastiyang Anterior Lý, Đại Cồ Việt noong panahon ng dinastiyang Dinastiyang Đinh at Anterior Lê Dynasty. Simula noong 1054, ang Vietnam ay tinawag na Đại Việt (Dakilang Viet). Noong panahon ng Dinastiyang Hồ, tinawag ang Vietnam na Đại Ngu (Hán tự: ). At noong 1804, plinano ni Haring Gia Long na ang pangalan ng Nam Việt para sa Vietnam at ginawa itong Việt Nam. Sa Wikang Tagalog, iisang salita lamang ito: Vietnam. Mula 1839 hanggang 1945, ginamit ni Emperador Minh Mạng ang Đại Nam mula sa Việt Nam ("Dakilang Timog").

Ang pangalang Việt Nam ay ginamit na ng bansang ito bago pa man ito maging opisyal na pangalan. Ito ay ginamit sa "Dư địa chí" ng Nguyễn Trãi na sinulat noong 1435 at baka ginamit na bago pa man ito maisulat doon. Ang "Việt" ay ang pangalan ng pinakamalaking pangkat etniko sa Vietnam: ang Kinh (người Kinh) at ang "Nam" ay nangangahulugang "ang timog", na nagpapatunay ng pagsasarili ng Vietnam mula sa Tsina (na kadalasang tinatawag ng mga Vietnamese na "Hilagang Bansa").

Kasaysayan[baguhin]


Bago ang panahon ng mga Dinastiya[baguhin]

Ang lupain na ngayon ay kilala bilang Vietnam ay tinitirahan na simula pa noong panahong ng Paleolitiko, at ilang mga pook arkeolohikal sa Lalawigan ng Thanh Hoa ay sinasabing nabuo mga ilang libong taong na ang nakalipas. Ang mga arkeolohista ay naidugtong ang simula ng kabihasnang Vietnam noong huling bahagi ng panahong Neolitiko, Panahon ng Lumang Tanso, kulturang Phung-nguyen, na nabuo sa Lalawigan ng Vinh Phuc noong 2000 hanggang 1400 BCE. Noong 1200 BCE ang pagkatuklas sa pagtatanim ng palay at pagmimina ng tanso sa kapatagan ng paligid ng Ilog Ma at Ilog Pula ang naging dahilan sa pagkabuo ng Kulturang Dong Son, na tanyag sa marangyang tambol na taso nito. Ang mga armas na tanso, mga kagamitan, at ang mga tambol ng Dong Son sa mga pook nito ay nagpapakita ng mga impluwensiya sa teknolohiya ng pagkuha ng tanso mula sa Timog Silangang Asya. Ang ilang pagkakahalintulad sa pagitan ng kulturang Dong Son sa Timog Silangang Asya ay ang pagkakaroon ng mga kabaong na hugis bangka at ang paglilibing sa mga banga, at kinakitaan ng katunayan ng paggamit ng banga.

Panahon ng mga Dinastiya[baguhin]

Ang Libingan ng Emperador sa Hue

Ang maalamat na Dinastiyang Hồng Bàng ng mga haring Hùng ay sinasabi ng maraming taga-Vietnam na pinakaunang estadong Vietnames, na kilala bilang Văn Lang. noong 257 BCE, Ang huling haring Hùng ay natalo ni Thục Phán, na sinama ang mga tribong Lạc Việt sa kanyang tribong Âu Việt, upang mabuo ang Âu Lạc at inihayag niya ang kanyang sarili bilang An Dương Vương. Noong 207 BCE, iasng heneral na Intsik na nagngangalang Zhao Tuo ang tumalo kay An Dương Vương at pinag-isa ang Âu Lạc sa Nanyue. Noong 111 BCE, ang Dinastiyang Han ay isinama ang Nanyue sa emperyo nito.

Sa mga sumunod na mga libong taon, ang Vietnam ay pinamunuan ng mga Tsino.[2] Ang mga Sinaunang mga kilusang pangkalayaan gaya ng sa magkapatid na Magkapatid na Trưng at kay Lady Triệu ay panandalian lamang ang naging tagumpay. Ito ay naging malaya at naging Vạn Xuân sa ilalim ng Dinastiyang Anterior Ly sa pagitan ng panahon ng 544 at 602. Sa simula ng ika-10 dantaon, natamasa ng Vietnam ang pagsasarili, subalit hindi ang kalayaan, sa ilalim ng pamilyang Khúc.

Noong 938 CE, isang panginoong taga-Vietnam na nagngangalang Ngô Quyền ang tumalo sa hukbong Intsik sa Ilog Bạch Đằng at natamasa ang kalayaan pagkatapos ng 10 dantaon pamumuno ng mga Tsino.[3] Ang pangalan ay binago bilang Đại Việt, ang bansa ay naging maunlad noong panahon ng Dinastiyang Ly at ng Dinastiyang Trần. Noong panahon ng pamamahalang Tran, ang Đại Việt ay tatlong beses na lumaban sa pananakop ng mga Mongol sa Vietnam.[4] Ang Budhismo sa Vietnam ay lumaganap at naging relihiyon ng estado. Pagkatapos ng sandaling Dinastiyang Hồ, panandaliang nahinto ang kalayaan ng Vietnam ng mga Tsino, subalit naibalik din ni Lê Lợi, ang pinuno ng Dinastiyang Le. Naabot ng Vietnam ang antas ng tugatog sa Dinastiyang Le noong ika-15 dantaon, lalo na nang mamuno si Emperador Lê Thánh Tông (1460–1497). Sa pagitan ng ika-11 at 18-dantaon, pinalawak ng mga taga-Vietnam ang kanilang sakop patimog bilang nam tiến (Patimog na pagkapapalawak).[5] Doon ay nagapi nila ang Kaharian ng Champa at ilang bahagi ng Imperyong Khmer.[6][7]

Hanggang sa huling bahagi ng Dinastiyang Lê, Ang mga kaguluhang sibil ay lumaganap sa kalakhang bahagi ng Vietnam. Una, ang sinusuportan ng mga Tsinong Dinastiyang Mạc ay hinamon ang kapangyarihan ng Dinastiyang Lê, Pagkatapos matalo ng Dinastiyang Mạc, muling nanumbalik ang Dinastiyang Lê, subalit wala nang aktuwal na kapangyarihan. Ang kapangyarihan ay nahati sa pagitan ng mga Panginoong Trịnh na kasali sa digmaang sibil nang mahigit sa apat na dekada. Sa mga panahong ito, ang mga Nguyễn ay nagpalawak sa katimugang Vietnam hanggang sa Mekong Delta, at isinama ang Champa sa gitnang kabundukan at mg lupain ng Khmer sa Mekong. Ang digmaang sibil ay nagwakas nang ang magkapatid na Tây Sơn ay magapi ang dalawang naglalaban partido at sila ay nagtayo ng kanilang bagong dinastiya. Subalit, ang kanilang pamumuno ay hindi nagtagal nang ganun kahaba nang sila ay matalo ng mga natitirang paksiyon ng mga Panginoong Nguyễn na pinamunuan ni Nguyen Anh sa tulong ng mga Pranses. Pinag-isa ni Nguyen Anh ang Vietnam, at nagtatag ng Dinastiyang Nguyễn, na namuno sa pangalang Gia Long.

Panahon ng Kolonyang Kanluranin[baguhin]


Ang kalayaan ng Vietnam ay unti unting sinira ng mga Pranses sa mga sunod sunod na pagsakop ng mga sandatahan nito mula 1859 hanggang 1885 nang ang buong bansa ay naging bahagi ng Pranses na Indotsina. Ang administrasyong Pranses ay nagpatupad ng mga mahahalagang pagbabagong pampolitika at kultural sa lipunang Vietnam. Isang sistemang kanluranin ng makabagong edukasyon ang binuo, at ang Kristiyanismo ay pinalawak sa lipunan. Sa pagbubuo ng ekonomiyang plantasyon upang mapalakas ang eksport ng tobako, indigo, tsaa at kape, hindi gaano binigyang pansin ang mga panawagan ng mga lokal sa pagkakaroon ng sariling pamahalaan at sa mga karapatang pantao. Isang kilusang nasyunalistang pampolitika ang lumaong nabuo, na may mga pinunong gaya nina Phan Boi Chau, Phan Chu Trinh, Phan Dinh Phung, Emperador Ham Nghi at Ho Chi Minh na nananawagan ng kanilang kalayaan. Subalit, pinanatili ng mga Pranses ang kanilang pamumuno sa kaniyang mga kolonya hanggang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ang mga Hapones ay nagpasimula nang pananakop sa Pranses na Indotsina noong 1941. Ang kaganapang ito ay sinundan ng pagkakabuo ng administrasyong Vichy France, isang estadong papet ng Alemang Nazi at alyado ng Emperyong Hapon. Ang mga likas na yaman ng Vietnam ay labis na naabuso para sa kapakanan ng kampanyang militar ng Emperyong Hapones sa mga kolonyang Briton na Indotsina na Burma, ang Tangway ng Malay at ang India.

Pagkakahating Administratibo[baguhin]


Ang kabisera ng Vietnamay Hanoi (na nagsilbi rin bilang kabisera ng French Indochina at ng Hilagang Vietnam), at ang pinakamalaking at pinakamataong lungsod ay ang Lungsod ng Ho Chi Minh (na dating kilala bilang Saigon). Ang Vietnamay nahahati sa 59 na mga lalawigan at limang lungsod na kasing-antas ng lalawigan, na hinati pa sa mga distrito at mga munisipalidad. Ang pamahalaang panlalawigan ay nasa ilalim ng pamahalaang sentral. Kadalasan, ang pamahalaang Vietnamese ay pinapangkat ang mga lalawigan na ito sa walong mga rehiyon: ang Hilagang Kanluran, Hilagang Silangang, Red River Delta, Ang Baybayin ng Gitnang Hilaga, Gitnang Kabundukan, Timog Silangan, at ang Mekong River Delta. Ang mga rehiyon na ito ay hindi kadalasang ginagamit.

Transportasyon[baguhin]

faf Ang makabagong transportasyon sa Vietnam ay orihinal na binuo sa ilalim ng pamumunong Pranses upang makakuha ng mga materyales sa pag-aani, at inayos at ginawang makabago pagkatapos ng Digmaang Vietnam. Ang sistema ng kalsada ang pinakatanyag sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa. Ang sistema ng mga kalsada sa Vietnam ay kinabibilangang ng Pambansang daanan na pinamamahalaan ng Sentral na Pamahalaan; mga daang panlalawigan na pinamamahalaan ng panglalawigang pamahalaan; at ang mga daang pangdistrito na pinamamahalaan ng pangdistritong pamahahalaan; ang mga daang urban ay pinamamahalaan ng mga lungsod at mga bayan; ang mga daan sa mga barangay ay pinamamahalaan ng mga barangay.

Ang bisikleta at mga motorsiklo ay nananatiling pinakasikat na uri ng transportasyon sa mga lungsod, bayan at mga barangay sa Vietnam. Ang mga pampublikong mga bus na pinapatakbo ng mga pribadong mga kompanya ay ang pangunahing transportasyong pangmalayuan ng mga tao. Ang labis na trapiko ay isang malalang suliranin sa Hanoi at sa Ho Chi Minh dahil na rin sa mabilis na paglaki ng bilang ng mga sasakyan sa mga daanan. Mayroon ding 17,000 kilometrong layong daang tubig, na isang mahalagang bahagi ng mga buhay sa mga nayon.

Sanggunian[baguhin]