Turkmenistan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Turkmenistan
Türkmenistan
Pambansang Awit: Garaşsyz, Bitarap Türkmenistanyň Döwlet Gimni‎ (Pambansang Awit ng Malaya at Walang-kinikilingang Turkmenistan)
Kabisera Ashgabat
37°58′N 58°20′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Turkmen
Kinikilalang rehiyonal na wika Ruso, Uzbek, Dari
Pangalang-
turing
Turkmen
Pamahalaan Parliamentary republic
 -  Pangulo Gurbanguly Berdimuhammedow
Kalayaan mula sa Unyong Sobyet 
 -  Ipinahayag Oktubre 27, 1991 
 -  Kinilala Disyembre 8, 1991 
Lawak
 -  Kabuuan 488,100 km2 (ika-52)
188,456 sq mi 
 -  Katubigan (%) 4.9
Populasyon
 -  Pagtataya ng Disyembre 2006 5,110,023 (ika-113)
 -  Kakapalan 9.9/km2 (ika-208)
25.6/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $26.822 bilyon[1] 
 -  Per capita $5,171[1] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $26.201 bilyon[1] 
 -  Per capita $5,052[1] 
TKT (2007) Decrease 0.712 (medium) (ika-109)
Salipi Turkmen Manat (TMM)
Pook ng oras TMT (UTC+5)
 -  Tag-araw (DST) — (UTC+5)
Internet TLD .tm
Kodigong pantawag 993

Ang Republika ng Turkmenistan (Turkmen: Turkmenistan Respublikasy), na nakilala rin bilang Turkmenia (Russian: Туркмения) ay isa sa mga bansang Turko sa Gitnang Asya. Ang mga katabing-bansa nito ay ang Afghanistan sa timog-silangan, Iran sa timog at timog-kanluran, Uzbekistan sa silangan at hilagang-silangan, Kazakhstan sa hilaga at hilagang-kanluran at ang Dagat ng Kaspiy sa kanluran.

Noong 2012, umabot ng 11% ang GDP growth rate ng Turkmenistan pagkatapos ng patuloy na paglago ng ekonomiya nito sa mga naunang taon, ngunit ito ay nakadepende lamang sa pagkalakal ng iisang produkto. Ang Turkmenistan ang may hawak sa ikaapat sa pinakamalalaking pagkukunan ng natural gas. Kahit na mayaman ito sa ilang likas na yaman, ang karamihan ng bansa ay bahagi ng tinatawag na Karakum Desert.

Ang lupain na sakop ng makabagong-panahong Turkmenistan ay naging bahagi ng Imperyo ng Rusya noong 1881. Naging sentro ito ng oposisyon sa Himagsikang Bolshevik sa Gitnang Asya. Naging bahagi ito ng Unyong Sovyet noong 1924, at naging isang malayang bansa noong bumagsak ang Unyong Sovyet noong 1991. Pinamunuan ni Saparmurat Niyazov (tinawag na "Türkmenbaşy", Pinuno ng mga Turkmen") ang Turkmenistan hangang sa kanyang biglaang kamatayan noong Disyembre 21, 2006. Pumalit sa kaniya si Gurbanguly Berdimuhamedow noong Pebrero 11, 2007.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Turkmenistan Ang lathalaing ito na tungkol sa Turkmenistan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.