Biyetnam

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

(Idinirekta mula sa Vietnam)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sosyalistang Republika ng Biyetnam
Cộng hòa xã hội chủ nghĩa Việt Nam
Socialist Republic of Việtnam
MottoĐộc lập - Tự do - Hạnh phúc
"Kasarinlan - Kalayaan - Kaligayahan"
Pambansang awitTiến Quân Ca
"Army March" (first verse)
Mapa ng Biyetnam, tingnan din; Atlas of Biyetnam
Kabisera Hanoi
21°2′N 105°51′E / 21.033, 105.85
Pinakamalaking lungsod Ho Chi Minh City
Opisyal na wika Vietnamese
Demonym Vietnamese
Pamahalaan Sosyalistang republika,1
Single-party komunistang estado
 -  Pangulo Nguyễn Minh Triết
 -  Punong Ministro Nguyễn Tấn Dũng
 -  Pangkalahatang Kalihim Nông Đức Mạnh
Pagbuo
 -  Đại Việt 1054 
 -  Proclamation Setyembre 2, 1945 
 -  Muling pagsasama-sama Abril 30, 1975 
 -  Current constitution Disyembre 19, 1980 
Lawak
 -  Kabuuan 331,690 km2 (Ika-65)
128,527 sq mi 
 -  Tubig (%) 1.3
Populasyon
 -  kalagitnaan ng 2008 estimate 86,116,559 (Ika-13)
 -  1999 census 76,323,173 
 -  Densidad 253/km2 (Ika-46)
655/sq mi
GDP (PPP) 2007 estimate
 -  Total $221.614 billion[1] (46th)
 -  Per capita $2,589[1] (128th)
GDP (nominal) 2007 estimate
 -  Total $70.943 billion[1] (Ika-60)
 -  Per capita $828[1] (140th)
Gini (2002) 37 (medium) (Ika-59)
HDI (2008) Red Arrow Down.svg 0.718 (medium) (Ika-114)
Pananalapi đồng (₫) (VND)
Sona ng oras UTC+7 (UTC+7)
 -  Summer (DST) No DST (UTC+7)
Drives on the right
Internet TLD .vn
Kodigong pantawag 84
1 According to the official name and 1992 Constitution.

Ang Vietnam o Biyetnam[2], opisyal na tinatawag na Sosyalistang Republika ng Biyetnam (Ingles: Socialist Republic of Việtnam) ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina sa Timog-silangang Asya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Lao sa hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13 pinakamataong bansa sa buong daigdig.

Ang mga tao ng Biyetnam ay natamasang muli ang kanilang kasarinlan mula sa Tsina noong 933 AD pagkatapos ng kanilang tagumpay sa Labanan sa Ilog Bạch Đằng (938). Sunod sunod na mga dinastiya ang umusbong at umunlad at kasama na ang pagpapalawak ng sakop nito sa timog-silangang Asya, hanggan sa ito ay gawing kolonya ng Pransya noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon. Ang mga paglaban sa mga Pranses ay lumaon naging dahilan sa pagpapatalsik sa mga Pranses sa bansa noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon, at iniwan ang bansa na pulitikal na magkahati sa dalawang bansa. Ang mga labanan sa pagitan ng dalawang panig noong Digmaang Biyetnam, ay nagtapos sa pagkapanalo ng mga komunista noong 1975.

Mga nilalaman

[baguhin] Etimolohiya

Sa mga lumipas na dantaon, ang Biyetnam ay nagkaroon ng iba't ibang pangalan: tinawag itong Văn Lang noong panahon ng dinastiyang Hùng Vương, Âu Lạc naman noong pahanong ng dinastiyang An Dương Vương, Van Xuan noong dinastiyang Anterior Lý, Đại Cồ Việt noong panahon ng dinastiyang Dinastiyang Đinh at Anterior Lê Dynasty. Simula noong 1054, ang Vietnam ay tinawag na Đại Việt (Dakilang Viet). Noong panahon ng Dinastiyang Hồ, tinawag ang Vietnam na Đại Ngu (Hán tự: ). At noong 1804, plinano ni Haring Gia Long na ang pangalan ng Nam Việt para sa Biyetnam at ginawa itong Việt Nam. Sa Wikang Tagalog, iisang salita lamanng ito: Biyetnam. Mula 1839 hanggang 1945, ginamit ni Emperador Minh Mạng ang Đại Nam mula sa Việt Nam ("Dakilang Timog").

Ang pangalang Việt Nam ay ginamit na ng bansang ito bago pa man ito maging opisyal na pangalan. Ito ay ginamit sa "Dư địa chí" ng Nguyễn Trãi na sinulat noong 1435 at baka ginamit na bago pa man ito maisulat doon. Ang "Việt" ay ang pangalan ng pinakamalaking pangkat etniko sa Biyetnam: ang Kinh (người Kinh) at ang "Nam" ay nangangahulugang "ang timog", na nagpapatunay ng pagsasarili ng Vietnam mula sa Tsina (na kadalasang tinatawag ng mga Biyetnames na "Hilagang Bansa").

[baguhin] Kasaysayan

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Biyetnam

[baguhin] Bago ang panahon ng mga Dinastiya

Ang lupain na ngayon ay kilala bilang Vietnam ay tinitirahan na simula pa noong panahong ng Paleolitiko, at ilang mga pook arkeolohikal sa Lalawigan ng Thanh Hoa ay sinasabing nabuo mga ilang libong taong na ang nakalipas. Ang mga arkeolohista ay naidugtong ang simula ng kabihasnang Vietnam noong huling bahagi ng panahong Neolitiko, Panahon ng Lumang Tanso, kulturang Phung-nguyen, na nabuo sa Lalawigan ng Vinh Phuc noong 2000 hanggang 1400 BCE. Noong 1200 BCE ang pagkatuklas sa pagtatanim ng palay at pagmimina ng tanso sa kapatagan ng paligid ng Ilog Ma at Ilog Pula ang naging dahilan sa pagkabuo ng Kulturang Dong Son, na tanyag sa marangyang tambol na taso nito. Ang mga armas na tanso, mga kagamitan, at ang mga tambol ng Dong Son sa mga pook nito ay nagpapakita ng mga impluwensya sa teknolohiya ng pagkuha ng tanso mula sa Timog Silangang Asya. Ang ilang pagkakahalintulad sa pagitan ng kulturang Dong Son sa Timog Silangang Asya ay ang pagkakaroon ng mga kabaong na hugis bangka at ang paglilibing sa mga banga, at kinakitaan ng katunayan ng paggamit ng nganga.

[baguhin] Panahong ng mga Dinastiya

Ang Libingan ng Emperador sa Hue

Ang maalamat na Dinastiyang Hồng Bàng ng mga haring Hùng ay sinasabi ng maraming taga-Vietnam na pinakaunang estadong Vietnames, na kilala bilang Văn Lang. noong 257 BCE, Ang huling haring Hùng ay natalo ni Thục Phán, na sinama ang mga tribong Lạc Việt sa kanyang tribong Âu Việt, upang mabuo ang Âu Lạc at inihayag niya ang kanyang sarili bilang An Dương Vương. Noong 207 BCE, iasng heneral na Intsik na nagngangalang Zhao Tuo ang tumalo kay An Dương Vương at pinag-isa ang Âu Lạc sa Nanyue. Noong 111 BCE, ang Dinastiyang Han ay isinama ang Nanyue sa emperyo nito.

Sa mga sumunod na mga libong taon, ang Vietnam ay pinamunuan ng mga Tsino.[3] Ang mga Sinaunang mga kilusang pangkalayaan gaya ng sa magkapatid na Magkapatid na Trưng at kay Lady Triệu ay panandalian lamang ang naging tagumpay. Ito ay naging malaya at naging Vạn Xuân sa ilalim ng Dinastiyang Anterior Ly sa pagitan ng panahon ng 544 at 602. Sa simula ng ika-10 dantaon, natamasa ng Vietnam ang pagsasarili, subalit hindi ang kalayaan, sa ilalim ng pamilyang Khúc.

Noong 938 CE, isang panginoong taga-Vietnam na nagngangalang Ngô Quyền ang tumalo sa hukbong Intsik sa Ilog Bạch Đằng at natamasa ang kalayaan pagkatapos ng 10 dantaon pamumuno ng mga Tsino.[4] Ang pangalan ay binago bilang Đại Việt, ang bansa ay naging maunlad noong panahon ng Dinastiyang Ly at ng Dinastiyang Trần. Noong panahon ng pamamahalang Tran, ang Đại Việt ay tatlong beses na lumaban sa pananakop ng mga Mongol sa Vietnam.ref>The Tran Dynasty and the Defeat of the Mongols</ref> Ang Budhismo sa Vietnam ay lumaganap at naging relihiyon ng estado. Pagkatapos ng sandaling Dinastiyang Hồ, panandaliang nahinto ang kalayaan ng Vietnam ng mga Tsino, subalit naibalik din ni Lê Lợi, ang pinuno ng Dinastiyang Le. Naabot ng Vietnam ang antas ng tugatog sa Dinastiyang Le noong ika-15 dantaon, lalo na nang mamuno si Emperador Lê Thánh Tông (1460–1497). Sa pagitan ng ika-11 at 18-dantaon, pinalawak ng mga taga-Vietnam ang kanilang sakop patimog bilang nam tiến (Patimog na pagkapapalawak).[5] Doon ay nagapi nila ang Kaharian ng Champa at ilang bahagi ng Imperyong Khmer.[6][7]

Hanggang sa huling bahagi ng Dinastiyang Lê, Ang mga kaguluhang sibil ay lumaganap sa kalakhang bahagi ng Vietnam. Una, ang sinusuportan ng mga Tsinong Dinastiyang Mạc ay hinamon ang kapangyarihan ng Dinastiyang Lê, Pagkatapos matalo ng Dinastiyang Mạc, muling nanumbalik ang Dinastiyang Lê, subalit wala nang aktuwal na kapangyarihan. Ang kapangyarihan ay nahati sa pagitan ng mga Panginoong Trịnh na kasali sa [[[Digmaang Trịnh-Nguyễn|digmaang sibil]] nang mahigit sa apat na dekada. Sa mga panahong ito, ang mga Nguyễn ay nagpalawak sa katimugang Vietnam hanggang sa Mekong Delta, at isinama ang Champa sa gitnang kabundukan at mg lupain ng Khmer sa Mekong. Ang digmaang sibil ay nagwakas nang ang magkapatid na Tây Sơn ay magapi ang dalawang naglalaban partido at sila ay nagtayo ng kanilang bagong dinastiya. Subalit, ang kanilang pamumuno ay hindi nagtagal nang ganun kahaba nang sila ay matalo ng mga natitirang paksyon ng mga Panginoong Nguyễn na pinamunuan ni Nguyen Anh sa tulong ng mga Pranses. Pinag-isa ni Nguyen Anh ang Vietnam, at nagtatag ng Dinastiyang Nguyễn, na namuno sa pangalang Gia Long.

[baguhin] Panahon ng Kolonyang Kanluranin

Pangunahing lathalain: Digmaang Sino-Pranses

Ang kalayaan ng Vietnam ay unti unting sinira ng mga Pranses sa mga sunod sunod na pagsakop ng mga sandatahan nito mula 1859 hanggang 1885 nang ang buong bansa ay naging bahagi ng Pranses na Indotsina. Ang administrasyong Pranses ay nagpatupad ng mga mahahalagang pagbabagong pulitikal at kultural sa lipunang Vietnam. Isang sistemang kanluranin ng makabagong edukasyon ang binuo, at ang Kristiyanismo ay pinalawak sa lipunan. Sa pagbubuo ng ekonomiyang plantasyon upang mapalakas ang eksport ng tobako, indigo, tsaa at kape, hindi gaano binigyang pansin ang mga panawagan ng mga lokal sa pagkakaroon ng sariling pamahalaan at sa mga karapatang pantao. Isang kilusang nasyunalistang pulitikal ang lumaong nabuo, na may mga pinunong gaya nina Phan Boi Chau, Phan Chu Trinh, Phan Dinh Phung, Emperador Ham Nghi at Ho Chi Minh na nananawagan ng kanilang kalayaan. Subalit, pinanatili ng mga Pranses ang kanilang pamumuno sa kaniyang mga kolonya hanggang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ang mga Hapones ay nagpasimula nang pananakop sa [[Pranses na Indotsina noong 1941. Ang kaganapang ito ay sinundan ng pagkakabuo ng administrasyong Vichy France, isang estadong papet ng Alemang Nazi at alyado ng Emperyong Hapon. Ang mga likas na yaman ng Vietnam ay labis na naabuso para sa kapakanan ng kampanyang militar ng Emperyong Hapones sa mga kolonyang Briton na Indotsina na Burma, ang Tangway ng Malay at ang India.

[baguhin] Pagkakahating Administratibo

Pangunahing lathalain: Mga lalawigan ng Biyetnam

Ang kabisera ng Biyetnam ay Hanoi (na nagsilbi rin bilang kabisera ng French Indochina at ng Hilagang Biyetnam), at ang pinakamalaking at pinakamataong lungsod ay ang Lungsod ng Ho Chi Minh (na dating kilala bilang Saigon). Ang Biyetnam ay nahahati sa 59 na mga lalawigan at limang lungsod na kasing-antas ng lalawigan, na hinati pa sa mga distrito at mga munisipalidad. Ang pamahalaang panlalawigan ay nasa ilalim ng pamahalaang sentral. Kadalasan, ang pamahalaang Biyetnamese ay pinapangkat ang mga lalawigan na ito sa walong mga rehiyon: ang Hilagang Kanluran, Hilagang Silangang, Red River Delta, Ang Baybayin ng Gitnang Hilaga, Gitnang Kabundukan, Timog Silangan, at ang Mekong River Delta. Ang mga rehiyon na ito ay hindi kadalasang ginagamit.

[baguhin] Transportasyon

Pangunahing lathalain: Transportasyon sa Biyetnam

Ang makabagong transportasyon sa Biyetnam ay orihinal na binuo sa ilalim ng pamumunong Pranses upang makakuha ng mga materyales sa pag-aani, at inayos at ginawang makabago pagkatapos ng Digmaang Biyetnam. Ang sistema ng kalsada ang pinakatanyag sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa. Ang sistema ng mga kalsada sa Biyetnam ay kinabibilangang ng Pambansang daanan na pinamamahalaan ng Sentral na Pamahalaan; mga daang panlalawigan na pinamamahalaan ng panglalawigang pamahalaan; at ang mga daang pangdistrito na pinamamahalaan ng pangdistritong pamahahalaan; ang mga daang urban ay pinamamahalaan ng mga lungsod at mga bayan; ang mga daan sa mga barangay ay pinamamahalaan ng mga barangay.

Ang bisikleta at mga motorsiklo ay nananatiling pinakasikat na uri ng transportasyon sa mga lungsod, bayan at mga barangay sa Biyetnam. Ang mga pampublikong mga bus na pinapatakbo ng mga pribadong mga kumpanya ay ang pangunahing transportasyong pangmalayuan ng mga tao. Ang labis na trapiko ay isang malalang suliranin sa Hanoi at sa Ho Chi Minh dahil na rin sa mabilis na paglaki ng bilang ng mga sasakyan sa mga daanan. Mayroon ding 17,000 kilometrong layong daang tubig, na isang mahalagang bahagi ng mga buhay sa mga nayon.

[baguhin] Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Vietnam. International Monetary Fund. Hinango noong Oktubre 9, 2008.
  2. De Dios, Reynaldo [Tagalog] at Afenir [Ilokano]. (2005). "Biyetnam". English-Tagalog-Ilokano Vocabulary.
  3. Kolonisasyong Tsino (200BC - 938AD)
  4. Spears offer insight into early military strategy, Viet Nam News
  5. The Le Dynasty and Southward Expansion
  6. The Kingdom of Champa
  7. The Chams: Survivors of a Lost Civilisation
Mga pansariling kagamitan
Sa ibang wika