Laos (bansa)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Demokratikong Republikang Popular ng Laos
ສາທາລະນະລັດ ປະຊາທິປະໄຕ ປະຊາຊົນລາວ
Sathalanalat Paxathipatai Paxaxon Lao
Lao People's Democratic Republic
Pambansang Kasabihan: ສັນຕິພາບ ເອກະລາດ ປະຊາທິປະໄຕ ເອກະພາບ ວັດທະນາຖາວອນ
"Peace, Independence, Democracy, Unity and Prosperity"
Pambansang Awit: Pheng Xat Lao
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Vientiane
17°58′N 102°36′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Lao
Pangalang-
turing
Laotian, Lao
Pamahalaan Sosyalistang Republika,
Isahang Partidong Estado estadong komunistacommunist state
 -  Pangulo Lt. Gen. Choummaly Sayasone
 -  Pangalawang Pangulo Bounnhang Vorachith
 -  Punong ministro Bouasone Bouphavanh
kalayaan mula sa Pransiya 
 -  Date 19 Hulyo 1949 
Lawak
 -  Kabuuan 236,800 km2 (Ika-83)
91,429 sq mi 
 -  Tubig (%) 2
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2007 6,521,998 (Ika-106)
 -  Senso ng 1995 4,574,848 
 -  Kakapalan 25/km2 (Ika-177)
65/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $13.865 bilyon[1] (125th)
 -  Bawat kapita $2,215.942[1] (Ika-130)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $5.187 bilyon[1] 
 -  Bawat kapita $828.978[1] 
Gini (2002) 34.6 (medium
TKT (2007) Green Arrow Up Darker.svg 0.601 (medium) (Ika-130th)
Pananalapi Kip (LAK)
Pook ng oras (UTC+7)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .la
Kodigong pantawag 856

Ang Laos (bigkas: /ˈlɑː.oʊs/, /ˈlaʊs/, or /ˈleɪ.ɒs/), opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic Republic o Demokratikong Repuklika ng mga Lao, ay isang walang daga na bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.

Pagkatapos ng panahong ng pagiging protectorate o kolonya ng Pransiya, nakamtan nito ang kalayaan noong 1949. Isang mahabang digmaang sibil ang nagwakas nang ang makuha ng Kilusang Komunistang Pathet Lao ang kapangyarihan noong 1975, subalit ang protesta sa pagitan ng dalawang magkatunggaling paksiyon ay nagpatuloy parin sa mga sumunod na taon.

Etimolohiya[baguhin]

Sa Wikang Lao, ang pangalan ng bansa ay "Meuang Lao". Ang Imperyong Pranses, na gumawa sa bansa bilang bahagi ng Pranses na Indotsina noong 1893, ay binaybay ito ng walang tunog na "s", halimbawa ang "Laos" (ang wikang Lao ay wala tunong 's' sa kanilang mga salita, kaya ang mga taga-Lao ay hindi binibigkas ang salitang Laos).

Ang Laos (opisyal: Lao People’s Democratic Republic) ay isang bansang walang pampang sa Timog-silangang Asya, pinapaligiran ng Myanmar at ng Tsina sa hilaga-kanluran, Vietnam sa silangan, Cambodia sa timog, at Thailand sa kanluran. Mula noong ika-14 hanggang ika-18 siglo, tinatawag Lan Xang o Lupain ng Isang Milyong Elepante ang bansa.

Kasaysayan[baguhin]


Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang, na naitatag noong ikalabingapat na dantaon ni Fa Ngum, na mula sa mga henerasyon ng mga Haring Lao, na nagsimula pa noong kay Khoun Boulom. Ang Lan-Xang ay naging maunlad hanggang noong ikalabingwalong dantaon, nang ang kaharin ay hinati sa tatlong prinsipalidad, na lumaon ay sumailim sa pamamahalang ng mga taga-Siam. Noong ika-19 na dantaon, Ang Luang Prabang ay isinama sa mga 'Protectorate' o kolonya ng Pranses na Indotsina, at saglit pagkatapos noon, ang Kaharia ng Champasak at ang teritoryo ng Vientiane ay dinagdag na rin sa protectorate. Sa ilalim ng mga Pranses, ang Vientiane ay muling naging kabisera ng pinag-isang estadong Lao. Pagkatapos ng pananakop ng mga Hapones noong Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bansa ay naghayag ng kalayaan noong 1945, subalit ang Pransiya, sa ilalim ng pamununo ni De Gaulle ay muling inihayag ang pagkontrol sa bansa at noong 1950 lamang binigyang ng semi-autonomiya bilang kasamang estado (Associate State) sa loob ng Unyong Pranses. Ang Pransiya ay nanatiling de facto na namumuno sa bansa hanggang 1954, nang matamasa na ang buong kalayaan bilang isang monarkiyang konstitusyunal. Sa ilalim ngisang natatanging eksepyon sa Kumbensiyon sa Geneva, isang misyong pagsasanay pansandatahan ang itinuloy upang suportahan ang Sandatahang Royal ng Laos. Noong 1955, ang Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos ay binuo ang isang natatanging Tanggapang ng Pagsusuri Programs Evaluation Office upang palitang ang ang suportang Pranses sa Sandatahang Royal ng Lao laban sa komunistang Pathet Lao bilang bahagi ng polisiyang containment ng Estados Unidos.

Nadamay sa Digmaang Biyetnam ang Laos, at ang silangang bahagi ng bansa ay nilusob at sinakop ng Sandatahan ng Hilagang Biyetnam (NVA), kung saan ang mga teritoryong Lao ay ginamit bilang ruta ng mga suplay para sa digmaan laban sa Timog Biyetnam. Bilang pagtugon, ang Estados Unidos ay nagsimula sa kampanyang bombahin ang mga Taga-HilagangBiyetnam, at sinuportahan ang mga regular at iregular na pwersang laban sa komunista sa Laos, at sinuportahan ang paglusob sa Laos ng mga taga-Timog Vietnam. Ang resulta ng mga aksiyong ito ay ang mga serye ng kudeta at, ang pinakamalala ay ang Digmaang Sibil ng mga Lao sa pagitan ng Pamahalaang Royal ng mga Lao at sa komunistang Pathet Lao.

Mga Lalawigan at mga Distrito[baguhin]

Mga Lalawigan ng Laos


Ang Laos ay nahahati sa 16 na mga lalawigan (qwang) at Kabiserang Vientiane (Na Kone Luang Vientiane):

1. Attapu
2. Bokeo
3. Bolikhamxai
4. Champasak
5. Houaphan
6. Khammouan
7. Loung Namtha
8. Louangphabang
9. Oudomxai
10. Phongsali
11. Salavan
12. Savannakhet
13. Kabiserang Vientiane
14. Lalawigan ng Vientiane
15. Xaignabouli
16. Xaisomboun (Natatanging sonang administratibo, pinawalang bisa noong 2006)
17. Xekong
18. Xiangkhoang

Ang bansa ay hinahati pa sa mga distrito (muang).

Heograpiya[baguhin]

Mapa ng Laos


Ang Laos ay isang walang baybaying bansa sa Timog Silangang Asya at ang magubat na lupain nito ay halos binubuo ng matatarik na kabundukan, ang pinakamataas sa mga ito ay ang Phou Bia sa taas na 2,817 m (9,242 talampakan), at mga kapatagan at talampas. Ang Ilog Mekong ay bumubuo sa malaking bahagi ng kanlurang hangganan nito sa Thailand, gayundin ang mga bulubundukin ng Annamite Chain na bumubuo sa silangang hangganan sa Vietnam.

Tanawin sa Vang Vieng

Ang klima ay tropikal at maulan. Mayroong itong dalawang uri ng panahon ang tag-ulan mula Mayo hanggang Nobyembre, na sinundan ng tag-init na panahon mula Disyembre hanggang Abril. Ang mga lokal na tradisyon ay nagsasabi na may tatlong uri ng panahon (tag-ulan, tag-lamig, at tag-init) dahil ang dalawang huling mga buwan ayon sa klimatolohiya ay kapansin pansin na mas mainit kaysa sa mga naunang apat na buwan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Laos ay ang Vientiane, at ang iba pang mahahalang lungsod ay kinabibilangan ng Luang Prabang, Savannakhet at Pakxe.

Noong 1993, ang pamahalaan ay nagtakda ng 21% ng lupa ng bansa bilang National Biodiversity Conservation Areas (NBCA), na maaaring paunlaring bilang isang sistemang pambansang liwasan.

Ang Laos ay tahanan ng Tigreng Indotsino, ang higanteng gaur, at ang elepanteng Asyano. May ilang specie ng mga hayop ang natuklasan o muling natuklasan sa Laos noong mga nakalipas na taon. Ito ay kinabibilangan ng Annamite rabbit, ang saola, at ang pinakahuli ang ang Batong daga ng Lao o Kha-nyou.

Pamahalaan at Politika[baguhin]


Ang Laos ay isang solong partidong sosyalistang republika. Ang nag-iisang legal na partidong pampolitika ay ang Partidong Rebolusyunaryo ng mga Mamamayang Lao (LPRP). Ang pinuno ng estado ay si Pangulong Choummaly Sayasone, na siya ring kalihim-panglahat (pinuno) ng LPRP. Ang pinuno ng pamahalaan ay si Punong ministro Bouasone Bouphavanh. Ang mga alituntunin ng mga pamahalaan ay ginagawa ng partido sa pamamagitan ng makapangyarihang siyam na kasapi ng Politburo at ang 49 kasapi ng Kumiteng Sentral. Ang mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan ay sinusuri ng Konseho ng mga Ministro.

Ang kauna-unahan, at nasa wikang pranses na konstitusyong pangmonarkiya ay inihayag noong 11 Mayo 1947 at naghayag ito bilang isang malayang estado sa loob ng Unyong Pranses. Ang binagong saligang batas ng 11 Mayo 1957 ang nagtanggal sa pagiging bahagi ng Unyong Pranses, subalit ang edukasyunal, pangkalusugan at mga teknikal na pakikiisa sa dating kapangyarihang kolonyal ay patuloy pa rin. Ang dokumento ng 1957 ay ibinasura noong 3 Disyembre 1975, nang ihayag Republikang Komunista ng Mamamayan. Isang bagong saligang batas ang ginamit noong 1991 at nagpanatili sa pamumuno ng LPRP. Sa sumunod na taon, isang halalan ang ginanap para sa bagong 85 pwesto para sa Pambansang Asambleya ng Laos na ihahalal sa pamamagitan ng isang lihim na balota para sa limang taong panunungkulan.

Ekonomiya[baguhin]

Isang talipapa sa Luang Prabang.

Ang ekonomiya ng Laos ay labis na nakabatay sa mga pamumuhunan at kalakalan ng mga kalapit bansa nito gaya ng Thailand, Vietnam, at higit na sa hilaga, ang Tsina. Ang Pakxe ay nakaranas din ng mabilisna pag-unald bayat sa mga palitan ng kalakal sa hangganan ng Thailand at Vietnam.Karamihan sa bansa, ganunpaman, ay may labis na kakulangan imprastruktura. Ang Laos ay walang tren, maliban na lamang sa isang koneksiyong mula Vientiane patunong Thailand na nasa Tulay ng Pagkakaibagang Lao at Thai. Ang mga pangunahing lansangan na nagdudugtong sa mga pangunahing sentrong urban, partikular ang Ruta 13 Timog, ay kinakitaan ng pagpapaunlad noong mga nakalipas na mga taon, subalit ang mga barangay na malayo sa pangunahing mga lansangan ay mararating lamang sa daang lubak lubak. Mayroong limitadong panlabas at panloob na telekomunikasyon, partikuarl na ang mga linya ng telepono, subalit ang paggamit ng mga cellular phone ay laganap sa kalunsuran. Karamihan sa mga kanayunan ay hindi pa rin naaabot ng elektrisidad o kaya naman ay mayroon lamang limitadong panahon ng paggamit. Ang Songthaew o isang trak na may mga upuan ay ang ginagamit sa bansa para sa mga malalayong paglalakbay sa lalawigan at ito rin ang nagsisilbing pampublikong transportasyon ng bansa.

Ang mga ilog ay isa sa pinakamahalagang daanan pantransportasyon ng bansa.
Ang mga bus ang nagdudugtong sa mga pangunahing mga lungsod.

Relihiyon[baguhin]

67 % ng mga tao sa Laos ay nananalig sa Budhismo, 1.5% ay mga Kristiyano, at 31.5% ay nananalig sa ibang relihiyon o hindi nabanggit ayon sa 2005 sensus.[2]

Posisyong Pang-Internasyunal[baguhin]

Organisasyon Survey Ranggo
Heritage Foundation/The Wall Street Journal Index of Economic Freedom 149 out of 157
Reporters Without Borders Worldwide Press Freedom Index 156 out of 167
Transparency International Corruption Perceptions Index 163 out of 179
United Nations Development Programme Human Development Index 130 out of 177

Mga sanggunian[baguhin]