Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ASEAN)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Motto: "Isang Pananaw, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan"
"10 Bansa, 1 Pagkakakilanlan"
Awit: "Ang Paraan ng ASEAN" (The ASEAN Way)
Luklukan ng Kalihiman Flag of Indonesya Jakarta
Pinakamalaking lungsod Flag of Indonesya Jakarta
Wikang panggawain
Pangalang-
turing
Timog-Silangang Asyano
Bansang-kasapi
Pamahalaan Organisasyong panrehiyon
 -  Kalihim Flag of Thailand Surin Pitsuwan
Talatag
 -  Deklarasyon ng Bangkok 8 Agosto 1967 
 -  Karta 16 Disyembre 2008 
Lawak
 -  Kabuuan 4,464,322 km2 
2,772,344 sq mi 
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2008 577 milyon 
 -  Kakapalan 129/km2 
208/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan US$ 3,431.2 bilyon 
 -  Bawat kapita US$ 5,962 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan US$ 1,505.7 bilyon 
 -  Bawat kapita $2,609 
TKT (2007) Green Arrow Up Darker.svg 0.742 (medyum) (ika-100¹)
Pananalapi
Pook ng oras Asean (UTC+9 hanggang +6:30)
Internet TLD
Website
www.asean.org
Kodigong pantawag
1 Kung isinaalang-alang bilang isahang entitad.
2 Napiling susi ng mga batayang tagaturol ng ASEAN
3 Taunang paglaki 1.6%

Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (Inggles: Association of Southeast Asian Nations), na kadalasang dinadaglat bilang ASEAN o Asean,[1][2] ay isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967 at binubuo ng Indonesya, Malasya, Pilipinas, Singgapur, at Taylandiya . Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.

Mga nilalaman

Kasaysayan [baguhin]

Deklarasyon ng Bangkok: Ang pagkatatag ng Asean noong Agosto 8, 1967.

Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Kapisanan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malasya at Taylandiya na itinatag noong taong 1961, at ang Mapilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesya at Malasya.

Ang Asean ay itinatag noong Agosto 8, 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas – Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Abdul Razak ng Malasya, S. Rajaratnam ng Singgapur, at Thanat Khoman ng Taylandiya – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.

Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong Enero 8, 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunay ay unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong Hulyo 28, 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Biyetnam bilang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bilang kasapi ng Asean noong Hulyo 23, 1997. Kasabay dapat ang Cambodia sa araw ng pagsanib na iyon, nguni't ipinagpaliban muna sapagka't lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa pulitika. Noong Abril 30, 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Kambodya at nakabuo ng isang matatag na samahan ang Asean.

Mga Pangunahing layunin ng Asean [baguhin]

Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):

  • Paggalang sa magkabilang-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
  • Karapatan ng bawat Estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
  • Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
  • Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
  • Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
  • Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.

Mga kasapi ng Asean [baguhin]

Ang himpilan ng Asean sa Jakarta, Indonesya.
Mga watawat ng 10 kasapi ng Asean
Ang mapa ng Asean na binubuo ng mga bansang-kasapi

Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:

Mga kasaping nagtatag [baguhin]

Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyong Bangkok noong Agosto 8, 1967.

Mga estadong sumapi sa kalaunan [baguhin]

Silangang Timor [baguhin]

Noong Hulyo 23, 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Silangang Timor, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.

Papwa Bagong Gineya [baguhin]

Ang bansang Papwa Bagong Gineya ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.

Pagtitipon ng Asean [baguhin]

██ Mga likas na kasapi ng Asean
██ Mga tagamasid sa Asean
██ Mga kandidatong-kasapi ng Asean
Asean Dagdag Tatlo
Pagtitipon ng Silangang Asya
Porong Panrehiyon ng Asean

Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga puno ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, ganundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasama ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.

Mga Pagtitipong Pormal ng Asean
Petsa Bansa Punung-abala
Ika-1 Pebrero 23–24, 1976 Flag of Indonesya Indonesya Jakarta
Ika-2 Agosto 4–5, 1977 Flag of Malaysia Malasya Kuala Lumpur
Ika-3 Disyembre 14–15, 1987 Flag of the Philippines Pilipinas Maynila
Ika-4 Enero 27–29, 1992 Flag of Singapore Singapura Singapura
Ika-5 Disyembre 14–15, 1995 Flag of Thailand Taylandya Bangkok
Ika-6 Disyembre 15–16, 1998 Flag of Vietnam Biyetnam Hanoi
Ika-7 Nobyembre 5–6, 2001 Flag of Brunay Brunay Bandar Seri Begawan
Ika-8 Nobyembre 4–5, 2002 Flag of Cambodia Kambodya Phnom Penh
Ika-9 Oktubre 7–8, 2003 Flag of Indonesya Indonesya Bali
Ika-10 Nobyembre 29–30, 2004 Flag of Laos Laos Vientiane
Ika-11 Disyembre 12–14, 2005 Flag of Malaysia Malaysiya Kuala Lumpur
Ika-12 Enero 11–14, 20071 Flag of the Philippines Pilipinas Maynila
Ika-13 Nobyembre 18–22, 2007 Flag of Singapore Singapura Singapura
Ika-143 Pebrero 27– Marso 1, 2009
Abril 10-11, 2009
Flag of Thailand Taylandya Cha Am, Hua Hin
Pattaya
Ika-15 Oktubre 23, 2009 Flag of Thailand Taylandya Cha Am, Hua Hin
Ika-16 Abril 8-9, 2010 Flag of Vietnam Biyetnam Hanoi
Ika-17 2010 Flag of Indonesya Indonesya4 Manado
1 Lumiban mula Disyembre 10–14, 2006 dahil sa Bagyong Seniang.
2 Nagpunung-abala ng pagtitipon nang umatras ang Myanmar dahil sa matinding panghihimasok ng Mga Nagkakaisang Estado at EU.
3 Ang pagtitipon ay binubuo ng dalawang bahagi.
Ang unang bahagi ay nalipat mula Disyembre 12-17, 2008 dahil sa krisis pampulitika ng Taylandya 2008.
Ang ikalawang bahagi ay napigil noong Abril 11 dahil sa pagpasok ng mga demonstrador sa lugar ng pagdaraos ng pagtitipon.
4 Nagmungkahi ang bansang Flag of Indonesya Indonesya sa bansang Flag of Brunay Brunay ng palitan na magpupunong-abala sila sa APEC (at malamang ang pagpupulong ng G20) sa 2013.

Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinuno na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:

Mga Pagtitipong Di-pormal ng Asean
Petsa Bansa Punung-abala
Ika-1 Nobyembre 30, 1996 Flag of Indonesya Indonesia Jakarta
Ika-2 Disyembre 14-16, 1997 Flag of Malaysia Malaysia Kuala Lumpur
Ika-3 Nobyembre 27-28, 1999 Flag of the Philippines Pilipinas Maynila
Ika-4 Nobyembre 22-25, 2000 Flag of Singapore Singapura Singapura

Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa [baguhin]

Organisasyon Lawak
km²
Populasyon GDP (PPP)
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita

sa EU$
Mga bansang-
kasapi
UE 3.977.487 456,285,839 11,064,752 24,249 25
Asean 4,400,000 553,900,000 2,172,000 4,044 10
CSN 17,715,335 366,669,975 2,635,349 7,187 12
NAFTA 21,588,638 430,495,039 12,889,900 29,942 3
AU 29,797,500 850,000,000 1,515,000 1,896 53
Malalaking
bansa
Hati ng
pulitika
India 3,287,590 1,102,600,000 3,433,000 3,100 35
Tsina 9,596,960 1,306,847,624 7,249,000 5,200 33
EU1 9,631,418 296,900,571 11,190,000 39,100 50
Kanada1 9,984,670 32,507,874 958,700 29,800 13
Rusya 17,075,200 143,782,338 1,282,000 8,900 89

Sa taong 2003. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.
Pinagkunan: CIA World Factbook 2004, IMF WEO Database
1 Mga kasapi ng NAFTA

Katayuan ng ekonomiya [baguhin]

Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na pinagkunan ng IMF noong Setyembre 2004.

Bansa GDP (PPP)
angaw
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita
sa EU$
Flag of Indonesya Indonesya 820,543 3,661 (6)
Flag of Thailand Taylandya 514,236 7,851 (4)
Flag of the Philippines Pilipinas 191.849 24,652
Flag of Malaysia Malaysiya 271,167 10,449 (3)
Flag of Vietnam Biyetnam 222,345 2,685 (7)
Flag of Singapore Singapura 111,507 25,384 (1)
Flag of Myanmar Myanmar 81,283 1,466 (10)
Flag of Cambodia Kambodya 25,648 1,775 (9)
Flag of Laos Laos 11,832 1,972 (8)
Flag of Brunay Brunay 5.658 15.171 (2)

Tingnan din [baguhin]

Mga palabas na kawing [baguhin]