Tsina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Bayan ng Tsina
  • 中华人民共和国
  • Zhōnghuá Rénmín Gònghéguó
Pambansang Kasabihan: (wala)
Pambansang Awit: 义勇军进行曲
(Salin: March of the Volunteers)
Teritoryo ng Republikang Bayan ng Tsina ay naka-pula; mga teritoryong inaangkin ay naka-kulay-rosas
Kabisera Beijing
39°55′N 116°23′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Shanghai
Opisyal na wika Pamantayang Mandarin1 (Putonghua, 普通话)
Wikang Mandarin[1] (binibigkas)
Simplified Chinese (sinusulat)
Pamahalaan Sosyalistang republika2
 -  Pangulo Xi Jinping
 -  Premier Wen Jiabao
Pagkatatag
 -  Dinastiyang Xia 2205 BC 
 -  Imperyong Tsina 221 BC 
 -  Republika ng Tsina 10 Oktubre 1911 
 -  Pagpapahayag ng PRC 1 Oktubre 1949 
Lawak
 -  Kabuuan 9,640,821 km2 (ikatlo3
ika-apat
)
3,704,427 sq mi 
 -  Katubigan (%) 2.8%2
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2007 1,321,851,888 (una)
 -  Senso ng 2000 1,242,612,226 
 -  Kakapalan 1402/km2 (ika-72)
3632/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $8.859 trilyon2 (ikalawa)
 -  Per capita $7,2042 (ika-84)
TKT (2003) 0.755 (medium) (ika-85)
Salipi Renminbi Yuan (RMB¥)2 (CNY)
Pook ng oras (UTC+8)
 -  Tag-araw (DST)  (UTC+8)
Internet TLD .cn2
Kodigong pantawag 862
1 Bilang karagdagan sa Pamantayang Mandarin, isang ko-opisyal na wika ang Ingles sa Hong Kong (SAR); at ang Portuges sa Macau (SAR). Kahalintulad nito, ilang minoryang wika ay ko-opisyal kasama ang Pamantayang Mandarin sa ilang autonomous areas, kagaya ng Uyghur sa Xinjiang, Mongolian (Alpabetong Mongolian) sa Inner Mongolia, Tibetan sa Tibet, at Koreano sa Yanbian, Jilin.

2 Impormasyon para sa Mainland China lamang. Hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at teritoryo sa ilalim ng administrasyon ng Republika ng Tsina (Taiwan, Quemoy, atbp.)

3 Ang ranggo ng lawak ay pinagtatalunan ng PRC at ng Estados Unidos. Ang ranggo ay minsan ikatlo o ikaapat.

Ang Tsina, opisyal na Republikang Bayan ng Tsina[2][3][4] (Intsik: 中华人民共和国, Zhōnghuá Rénmín Gònghéguó; Ingles/internasyonal: People’s Republic of China[5]) ay ang pinakamalaking bansa (ayon sa lawak at populasyon) na matatagpuan sa Asya.

Ang Republikang Bayan ng Tsina ang ika-3 o ika-4 na pinakamalawak na bansa sa mundo dahil sa sukat nito na umaabot ng 9.6 milyong kilometro parisukat (km2)[6]

Ang kahalagan ng Tsina[7][8] sa mundo ngayon ay mapapansin dahil sa kaniang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominally (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o PPP) at isang permanenteng kasapi ng UN, United Nations Security Council atsaka din miyembro sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng WTO, APEC, East Asia Summit, at Shanghai Cooperation Organization.

Ang mga pinakamahahalagang lungsod (ayon sa populasyon) ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong at Inner Mongolia. Ang Beijing ang kasalukuyang kabisera ng bansa.

Kasaysayan[baguhin]


Ayon sa mga arkeologo, sa isang lugar malapit sa Peking, Tsina natagpuan ang Unang taong nakatindig o (Homo Erectus), ang isang uri na ayon sa teorya ng ebolusyon, ay pinanggalingan ng unang tao. Tinawag nila na Taong Peking ang mga labi ng Unang taong nakatindig na kanilang nakita doon.

Ang Tsina ay pinamumunuhan ng mga dinastiya bago dumating ang mga Europeong kanluranin, pagtatag ng Republika ng Tsina at ang pagsiklab nang Krusada para sa Kommunismo.

Noong kapanahunan ng Dinastiyang Qing (16-18 siglo) nagtatag ng pakikitungo sa mga may kapangyarihang Intsik ang mga Europeo.

1557, pinayagan ang mga Portuges na gamitin ang Macau para maging daungan. Noong 1575 naman dumating sina Padre Martin de Rada at Padre Geronimo Mavin mula sa Manila bilang sugo ni Gobernador - Heneral Guido Levezarez ng Pilipinas. Ngunit hindi sila pinayagang mangaral ng Katolisismo doon.

Noong 1635, dumating ang mga Ingles sa Canton at noong 1698 naman dumating ang mga Pranses sa Canton. Marami pa ang dumating sa Canton : 1731 - mga Danes, 1732 - mga Swedes, 1753 - mga Ruso, 1784 mga Amerikano. Noong 1644, itinatag ang Dinastiyang Qing.

Noong 1840 hanggang 1842 nangyari ang digmaang Opyo o Unang Digmaang Opyo. Isinuko ng Tsina ang Hong Kong sa mga Inggles, nagbukas ng higit pang mga daungan, nagbayad ng indemnisasyon ng $ 121 M. 1850 na wasakin ni Hung Hsiu Chuan ang mga templo sa Kwansi. Dahil sa patuloy na pagiging di-epektibo ng Dinastiyang Qing, isang malawakang rebolusyon ang naganap sa Tsina mula 1850 hanggang 1864, sa pangunguna ni Hong Xiuquan. Itinatag niya ang Taiping Heavenly Kingdom (traditional Chinese: 太平天囯 (tandaan na ang 囯 ay ginagamit, kaysa 國 o 国); pinyin: Tàipíng Tiān Guó), pinangalang Heavenly Kingdom of Great Peace o Sumasalangit na Kaharian ng Dakilang Kapayapaan.

1853 hanggang 1863 ng himagsikan ni Nieu ang Hilagang Tsina. 1856 hanggang 1860 nangyari ang Ikalawang Digmaang Opyo. Higit na pinairal ang karapatan ng mga dayuhan sa kalakalan at sa pangangaral ng Kristiyanismo sa Tsina, at isinuko rin ang tangway ng Kow Loon.

Noong 1860, binigay ang Silanganing Siberia at nagyo'y lungsod ng Vladivotok sa Rusya. Noong 19 Hulyo 1864 bumagsak ang Nanking, ang kabisera ng Taiping na itinatag ni Hung Hsiu Chuan. 1866 nang ipinanganak si Sun Yat Sen.

Sa simula ng ika-20 siglo, ang Rebelyong Boxer ay naging isang pangamba sa Hilagang Tsina. Si Reyna Dowager (Empress Dowager), na gustong maging sigurado na hindi mawawala ang kapangyarihan niya, ay nakipag-sundo sa mga Boxer nang sumugod sila sa Beijing. Nagsimula naging tanyag si Sun Yat Sen.

Nagkaroon ng isang rebolusyon, ang Rebolusyong Wuchang, na nagsimula noong 10 Oktubre 1911 sa Wuhan (武漢,武汉). Dito tuluyang bumagsak ang huling dinastiya sa Tsina, ang Dinastiyang Qing.

Ang pansamantalang pamahalaan ng Republika ng Tsina (中華民國,中华民国) ay binuo sa Nanjing noong 12 Marso 1912 kasama si Sun Yat Sen bilang unang pangulo, pero napilitan siya ibigay ang puwesto kay Yuan Shikai (袁世凱), na ang lider ng militar at Pinunong Minisro ng dating Qing. Ito ay kasama sa kasunduan upang ang huling emperador ay bumaba sa pwesto.

Ang kommunismo sa Tsina ay nagsimula pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nakuha ng partidong kommunismo ang kapuluaang Tsina noong 1 Oktubre 1949 pagkatapos ng Digamaang Sibil ng Tsina. Si Mao Zedong ang nag-proklama ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC) sa Tiananmen.[9] Ang mga pinunong maka-republika ay tumakas sa Taywan at doon nila itinatag ang Republika ng Tsina.

Si Pangulong Jiang Zemin at si Premiero Zhu Rongji, mga dating mayor ng Shanghai ang namuno sa bagong-Tiananmen PRC noong 1990s. Sa samupung taon ng pamamahala ni Jiang Zemin's, ang ekonomiya ng PRC ay nakahila ng 150 milyon na mahihirap sa bingit ng kahirapan at nakasusta ng katamtamang rate ng paglaki ng GDP na the PRC's economic performance pulled an estimated 150 million peasants out of poverty and sustained an average annual GDP growth rate of 11.2%.[10][11] Opisyal na sumali ang bansa sa World Trade Organization noong 2001.

Pagkakahating Pampolitika[baguhin]


Ang Republikang Bayan ng Tsina ay may kapangyarihang pampangasiwaan sa lahat ng dalawampu't dalawang mga lalawigan (省) at kinokonsidera ang Taiwan bilang ang kanyang ika-dalawampu't tatlong lalawigan.[12] Maliban sa mga lalawigan, may limang mga nagsasariling mga rehiyon ng Tsina (自治区), na ang bawat isa ay may nakatalagang mga pangkat na minoridad; apat na bayan (直辖市); at dalawang Espesyal na rehiyong administratibo (特别行政区). ang dalawampu't dalawang lalawigan, limang mga nagsasariling mga rehiyon at apat na bayan ay maaaring sabihin bilang "Punong Kapuluan ng Tsina", isang kataga na kadalasang hindi kasama ang Hong Kong At Macau. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng pagkakahating pampangasiwaan ng lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Republikang Bayan ng Tsina.

Bukod sa Taiwan, ilan sa mga teritoryong inaangkin ng Tsina ay ang kabuuan ng Silangan at Timog Dagat Tsina at ang mga kapuluan nito (Paracel at Spratlys sa Timog at Senkaku sa Silangan) at ang estado ng Arunachal Pradesh sa Republika ng India.

Mga lalawigan(省)[baguhin]

Ang Tsina sa isang globo.

Inaangking Lalawigan[baguhin]

Mga Rehiyong Nagsasarili(自治区)[baguhin]

Mga Bayan (直辖市)[baguhin]

Rehiyong Pampangasiwaan (特别行政区)[baguhin]

  • Hong Kong (Xiānggǎng) (香港特别行政区)
  • Macau (Àomén) (澳门特别行政区)
Pagkakahating panlalawigan ng Republikang Bayan ng Tsina.

Relihiyon[baguhin]


Isang guhit na ang tatlong tao ay sumisimbolo sa paniniwala na ang Confucianismo, Taoismo at Budismo ay iisa lamang. (Panahon: Dinastiyang Song)

Ang 59% ng populasyon ng Tsina, o tinatayang nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay walang relihiyon.[14] Subalit, ang mga ritwal at relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang kaugalian ng Confucianismo at Taoismo - ay may malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan. Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay sumusunod sa magkahalong paniniwala na kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na "Tradisyunal na Paniniwala" o bilang "Iba".

Politika[baguhin]

Ang Great Hall of the People, kung saan ang Nasyonal na Kongreso ng Tao nagkikitakita.

Ang pamahalaan ng PRC ay tinuturing na komunismo at socialismo na tinuturing din authoritarian, dahil sa mahigpit na mga batas at cencorship, lalo na sa internet, balita, rali, kalayaang magka-anak, at kalayaan sa pananampalataya. Ngunit, mas maluwag na ang mga batas sa PRC kumpara noong dekada '70 pero ang sistema ng kalayaan sa isang republika ay mas higit pa sa kanilang sistema. Ang inkumbentong presidente ng PRC ay si Hu Jintao at ang Punong Ministro ng Republikang Popular ng Tsina ay si Wen Jiabao. Ang bansa ay pinamumunuan ng Lapiang Komunista ng Tsina (CPC), sila din ang nagpapatupad ng Saligang Batas.[15]

Ugnayan sa ibang bansa[baguhin]

Si Hu Jintao kasama ang dating Pangulo na si George W. Bush

ng Estados Unidos

Ang Republikang Bayan ng Tsina ay may tatlong kasalukuyang diplomatikang ugnayan sa maraming mahinang bansa. Ang bansang Sweden ay ang unang kanluraning bansa na-nakipagugnayan sa PRC noong 9 Mayo 1950.[16] Noong 1971, ang PRC ay pinalitan ang Republika ng Tsina bilang kinatawan sa Nagkakaisang Bansa bilang isa sa limang permanenteng kasapi ng Nagkakaisang Bansa: Security Council.[17] Ipinapasaisip (considered) na ang PRC ay isa sa mga pangunahing kasapi ng Nagkakaisang Bansa, kahit man hindi pa kontrolado ng PRC ang Tsina noong panahong iyon.

Demograpiya[baguhin]

Ang densidad ng populasyon ng PRC at Taiwan. Ang mga lalawigan na nasa silangan ay mas mataas ang densidad kaysa sa kanlurang bahagi.

Noong Hulyo 2006, mayroon nang 1,313,973,713 katao sa PRC. Halos 20.8% (lalaki 145,461,833; babae 128,445,739) ay mga bata na ang edad ay 14 pababa , 71.4% (lalaki 482,439,115; babae 455,960,489) ay nasa edad 15 hanggang 64 taon, at 7.7% (lalaki 48,562,635; babae 53,103,902) ay ang edad ay mahigit pa sa 65 taong gulang. Ang porsiyento ng pagtaas ng populasyon noong 2006 ay 0.59%.[18]

Mayroong 56 na mga pangkat-etniko sa PRC, na ang pinakamarami ay ang Tsinong Han, na bumubuo ng 91.9% ng populasyon. Ang ibang minoridad na pangkat-etniko ay binubo ng Zhuang (16 milyon), Manchu (10 milyon), Hui (9 milyon), Miao (8 milyon), Uyghur (7 milyon), Yi (7 milyon), Tujia (5.75 milyon), Mongols (5 milyon), Tibetans (5 milyon), en:Buyei (3 milyon), at Koreano (2 milyon).[19]

Sa kasalukuyan, ang PRC ay may mga dozena ng mga malalaking lungsod na may halos 1 milyon na residenteng matagal nang tumitira doon, yun angBeijing, Hong Kong, at Shanghai. Ang mga malalaking lungsod sa Tsina ay may mahalagang gampaning sa nasyonal at rehiyonal na identidad, kultura at ekonomiya.

Demograpiya[baguhin]

Ang grap ng populasyon ng Tsina.

Patakarang Pampopulasyon[baguhin]

Noong 11 Marso 2008, ipinahayag ng Republikang Bayan ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang "isang-anak lamang" para sa bawat mag-asawa sa loob ng isa pang dekada. Dahil ito sa pagpakabalisa ng Komisyon ng Populasyong Pang-estado at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sapagkat ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan at sa ekonomiya ng bansa.[20]

Pinakamalaking Urban Lungsod ng Republikang Bayan ng Tsina


Shanghai

Guangzhou
Hong Kong
Hong Kong

Nanjing
Dalian
Dalian

Antas Pangunahing Lungsod Dibisyon Urban Pop. Admin. Antas Admin. Pop. Rehiyon tingnan · usapan · baguhin


Beijing

Shenzhen

Tianjin

Chongqing

Wuhan

1 Shanghai Shanghai Municipality 14,460,000 2 18,542,200 East
2 Beijing Beijing Municipality 12,770,000 3 17,430,000 Hilaga
3 Guangzhou Guangdong Province 11,810,000 4 15,000,000 Timog
4 Shenzhen Guangdong Province 11,710,000 5 13,300,000 Timog
5 Dongguan Guangdong Province 7,650,000 34 7,650,000 Timog
6 Tianjin Tianjin Municipality 7,200,000 6 11,500,000 Hilaga
7 Hong Kong Hong Kong SAR 6,985,200 30 6,985,200 Timog
8 Wuhan Hubei Province 5,240,000 15 9,400,000 Gitna
9 Shenyang Liaoning Province 4,560,000 22 7,500,000 Silangnang Hilaga
10 Nanjing Jiangsu Province 4,150,000 27 7,100,000 Silangan
11 Chongqing Chongqing Municipality 4,150,000 1 31,442,300 Timog-Kanluran
12 Chengdu Sichuan Province 3,860,000 8 11,300,000 Timog-Kanluran
13 Hangzhou Zhejiang Province 3,410,000 29 7,000,000 Silangan
14 Xi'an Shaanxi Province 3,340,000 11 10,500,000 Northwest
15 Qingdao Shandong Province 3,330,000 18 8,000,000 Silangan
16 Harbin Heilongjiang Province 2,980,000 12 8,499,000 Hilagang Silangan
17 Changchun Jilin Province 2,440,000 25 7,400,000 Northeast
18 Changsha Hunan Province 2,390,000 38 6,103,000 Gitna
18 Nanchang Jiangxi Province 2,310,000 50 4,507,000 Silangan
19 Shijiazhuang Hebei Province 2,270,000 14 9,500,000 Hilaga
Dalian Liaoning Province 2,270,000 36 6,200,000 Hilagang Silangan
20 Jinan Shandong Province 2,230,000 35 6,300,000 Silangan
2008 Sensus


ttyty

Ekonomiya[baguhin]

Ang gusali Shanghai Stock Exchange na matatagpuan sa Pudong Distitong Pinansial ng Shanghai.

Mula ng itatag ang PRC noong 1949 hanggang sa mga huling buwan ng 1978, ang Republikang Bayan ng Tsina ay may ekonomiya na katulad ng Unyong Sobyet. Ang mga negosyong pribado at capitalismo ay pinigilan. Para umunlad at maging industrializado ang ekonomiya, sinimulan ni Mao Zedong ang Great Leap Forward na ngayon ay naging kilala sa bansa nila at sa mundo bilang isang malaking pagkakamali at isang makataong sakuna. Sa pagkamatay niya, si Deng Xiaoping at ang bagong Tsinong pinunoan (leadership) at pinatigil ang Rebolusyong Kultural at gawin na maging market-oriented ang ekonomiya sa pamumuno ng isang partido lamang. Ginawang pribado ang taniman upang dumami ang aanihin; maramihang maliliit na negosyo ay pinayagan dumami habang ang pamahalaan ay binawasan ang "sapilitang presyohan"; at nagtawag sila ng mga ibang bansa upang mag-invest. Ang pakikipag-kalakalan sa ibang bansa ay ang pokus upang maging pamamaraan sa paglago ng ekonomiya, kaya ginawa nila ang Special Economic Zones (SEZs) na matatagpuan sa Shenzhen (malapit sa Hong Kong) at sa iba pang lungsod. Ang mga negosyo na pag-aari ng pamahalaan ay binago sa pamamagitan ng pag-gamit ng pamamaraan ng mga kanluranin habang ang mga malapit na maluging negosyo ay pinasara na, kaya nagkaroon ng pagkawala ng trabaho.

Gumaganda ang ekonomiya ng PRC, at ang kanilang pamilihang pagtingi (retail market) ay may halagang RMB8921 bilyon (US$1302 bilyon)noong 2007 at lumalaki sa porsyentong 16.8% annually.

Heograpiya[baguhin]

Mga taniman sa Silangang tsina

Ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Asya kasunod ng Rusya[21] kasama na ang lawak ng tubig na sakop. Ang pag-aalinlangan sa laki ng Tsina ay dahil sa (a): pag-aangkin ng Tsina sa mga territoryo katulad ng sa Aksai Chin at sa Trans-Karakoram Tract (na ina-angkin din ng Indiya), at (b) kung paano kinakalkula ang laki ng Estados Unidos: ayon sa World Factbook, ang sukat ng Estados Unidos ay 9,826,630 km²,[22] habang ang bigay na sukat ng Encyclopedia Britannica ay 9,522,055 km².[23] Ito rin ay dahil sa bagong sistema ng kompyutasyon ng Estados Unidos kung paano sinusukat ang kabuuang sakop ng kanilang lupain[24]

Ang Tsina ay may hangganan sa mga bansang: Vietnam, Laos, Burma, India, Bhutan, Nepal, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Russia, Mongolia and North Korea. Ang hangganan ng Tsina sa Pakistan ay nasa probinsiyang Kashmir, na ina-angkin din ng India.

Ang territoryo ng Tsina ay may malawak na lupainng-scape (landscape). Sa silangan matatagpuan ang Dapat na Madilaw at ang Silangang Dagat Tsina, maraming matataong lugar na matatagpuan sa alluvial plains, habang may mga damuhan sa Inner Mongolia. Ang Timog Tsina ay mabundok. Sa gitnang-silangan naman ng Tsina matatagpuan ang mga pangunahing ilog ng bansa, ang Yellow River at Yangtze River (Chang Jiang) na malapit sa Beijing.

Ang Tibetan Plateau in Timog-Kanlurang Tsina

Talasanggunian[baguhin]

  1. General Information of the People's Republic of China
  2. China ABC. Hinango 2014-08-11].
  3. "Tsina". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  4. Mula sa República Popular da China sa Portuges, isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
  5. Ang Inggles ay opisyal sa Hong Kong.
  6. Pinagaawayan ang tunay na sukat ng Tsina laban sa United States and is either ranked third. See Mga Sukat ng Territoryo for more information.
  7. Gordon, Peter. "Review of "Ang Papel Balanse ng Tsina -- Ang kailangan malaman ng mundo tungkol sa paglakas na Tsina"". The Asia Review of Books. http://www.asianreviewofbooks.com/arb/article.php?article=693. Hinango noong 2007-12-24. 
  8. Miller, Lyman. "Tsina magiging Makapangyarihan?". Stanford Journal of International Relations. http://www.stanford.edu/group/sjir/6.1.03_miller.html. Hinango noong 2007-12-24. 
  9. Kasaysayan ng Republikang Bayan ng Tsina mula kay P.M. Calabrese
  10. Nation bucks trend of global poverty (11 Hulyo 2003). China Daily
  11. China's Average Economic Growth in 90s Ranked 1st in World (1 Marso 2000). People's Daily Online.
  12. Gwillim Law (2 Abril 2005). Provinces of China. Retrieved 15 Abril 2006.
  13. Ang RPT ay kinikilala ng ang Táiwān (台湾) ang magiging ika-23 na lalawigan ng bansa.
  14. World Desk Reference. D K Publishing. ISBN 0-7566-1099-0
  15. Saligang Batas ng Republikang Bayan ng Tsina
  16. China and Sweden
  17. Eddy Chang (22 Agosto 2004). Perseverance will pay off at the UN The Taipei Times.
  18. CIA factbook (29 Marso 2006). Retrieved 16 Abril 2006.
  19. Stein, Justin J (Tagsibol 2003). Pagkuha ng Deliberative sa China. Retrieved 16 Abril 2006.
  20. Tran, Tini. " China To Keep One-Child Policy", Time.com, 11 Marso 2008
  21. "The People's Republic of China" (7 Setyembre 2005). Foreign & Commonwealth Office
  22. "Population by Sex, Rate of Population Increase, Surface Area and Density" (PDF). Demographic Yearbook 2005. UN Statistics Division. http://unstats.un.org/unsd/demographic/products/dyb/DYB2005/Table03.pdf. Hinango noong 2008-03-25. 
  23. "United States". Encyclopedia Britannica. http://archive.is/20120729115512/http://www.britannica.com/eb/article-9111233/United-States. Hinango noong 2008-03-25. 
  24. "Rank Order — Area" (29 Marso 2006). CIA World Factbook.