Wikang Tsino
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang wikang Tsino o Sinitiko (汉语/漢語, pinyin: Hànyǔ; 中文, pinyin: Zhōngwén) ay maaaring ituring bilang isang wika o pamilya ng wika at orihinal na katutubong wika ng mga Han sa Tsina. Binubuo nito ang isa sa dalawang sangay ng Sino-Tibetan na pamilyang wika.[1]. Isa sa anim ng populasyon ng mundo, o higit sa isang bilyong katao, ang nagsasalita ng ilang anyo ng Tsino bilang kanilang katutubong wika. Kontrobersyal ang pagkakakilala ng mga iba't ibang uri ng Tsino bilang wika o diyalekto. [2]. Bilang isang pamilya ng wikang Tsino na may tinatayang 1.2 bilyong tagapagsalita; may 850 milyon katutubong tagapagsalita ang Mandarin pa lamang, na siyang pinakamaraming mananalita sa buong mundo.
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ *David Crystal, The Cambridge Encyclopedia of Language (Cambridge: Cambridge University Press, 1987) , p. 312. “The mutual unintelligibility of the varieties is the main ground for referring to them as separate languages.”
- Charles N. Li, Sandra A. Thompson. Mandarin Chinese: A Functional Reference Grammar (1989), p 2. “The Chinese language family is genetically classified as an independent branch of the Sino-Tibetan language family.”
- Jerry Norman. Chinese (1988), p.1. “The modern Chinese dialects are really more like a family of language.
- ↑ Mair, Victor H. (1991). "What Is a Chinese "Dialect/Topolect"? Reflections on Some Key Sino-English Linguistic Terms". Sino-Platonic Papers.

