Dinastiyang Tang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

The Dinastiyang Tang (Intsik: 唐朝pinyin: Táng Cháo; IPA: [tʰɑ̌ŋ tʂʰɑ̌ʊ]; Gitnang Tsina: dhɑng) (Hunyo 18, 618 – Hunyo 1, 907)o(618 AD-907 AD) ay isang imperyong dinastiya sa Tsina.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang mga manggagawa sa mga proyekto ng Sui. Kung kaya kalaunan, nagkaroon ng mga pag-aalsa ang mga magsasaka. Isa sa mga pinuno ng mga pag-aalsa ay si Li Yuan. Itinatag niya ang T'ang noong 618 C.E. at tinawag siyang Emperador Tai Cong. Pangalawa sa dakilang dinastiya ng Tsina ang dinastiyang T'ang. Nanumbalik ang kasiglahan at kasaganaan ng lipunan at kulturang Tsino. Bumalik ang matatag at mahusay na pamamahala sa tulong ng mga iskolar na Confucian. Sumigla ang agrikultura dahil sa mga bagong uri ng palay at bagong paraan ng pagtatanim. Sumigla rin ang kalakalan dahil sa mga bagong kalsada na naging daan para sa lalo pang masiglang palitan ng produkto at ideya. Lubos na kumalat ang Buddhism habang unti-unting umaangkop sa kabihasnang Tsino. Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing na nagpabilis sa pagawa ng kopya ng anumang sulatin. tinagurian din itong "ginintuang panahon ng literatura at sining." Dahil na rin sa lawak ng nasakop ng T'ang, kaya malawak na rin ang impluwensiya nito sa mga karatig bansa.