Dinastiyang Yuan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
大元
Dai Ön Ulus
Great Yuan
Dakilang Yuan
Imperyo

 

1279–1368
 

Location of Yuan Dynasty  Dinastiyang Yuan
Yuan Dynasty China, circa 1294
Kabisera Dadu (modern Beijing), Shangdu
(Mga) wika Mongolian
Instik
Relihiyon Budhismo (Chinese & Tibetan), Taoismo, Confucianismo, Iba pang Relihiyong Instik
Pamahalaan Monarkiya
Emperador
 - 1260-1294 Kublai Khan
 - 1333-1370 (Cont.) Ukhaatu Khan
Kasaysayan
 - Pagsalakay sa Timog Song Marso 19, 1276
 - Pagbagsak ng Dadu Septyembre 14, 1368
Salapi Predominantly Paper Currency (Chao), at kaunting Perang Instik na ginamit
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
SINAUNA
3 Naghahari at 5 Emperador (mitikal)
Neolitikong Tsina Before 2100 BCE
Dinastiyang Xia 2100–1600 BCE
Dinastiyang Shang 1600–1046 BCE
Dinastiyang Zhou 1122–256 BCE
  Kanluraning Zhou
  Silanganing Zhou
    Panahon ng Tagsibol at Taglagas
    Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado
IMPERIYAL
Dinastiyang Qin 221 BCE–206 BCE
Dinastiyang Han 206 BCE–220 CE
  Kanluraning Han
  Dinastiyang Xin
  Silanganing Han
Tatlong Kaharian 220–280
  Wei, Shu & Wu
Dinastiyang Jin 265–420
  Kanluraning Jin 16 Kaharian 304–439
  Silanganing Jin
Katimugan & Hilagaing mga Dinastiya 420–589
Dinastiyang Sui 581–618
Dinastiyang Tang 618–907
  ( Ikalawang Zhou 690–705 )
5 Dynastiya &
10 Kaharian

907–960
Dinastiyang Liao
907–1125
Dinastiyang Song
960–1279
  Hilagaing Song Kanluraning Xia
  Katimugang Song Jin
Dinastiyang Yuan 1271–1368
Dinastiyang Ming 1368–1644
Dinastiyang Qing 1644–1911
MAKABAGO
Republika ng Tsina 1912–present
Republikang Popular
ng Tsina
(Punong Lupain ng Tsina) 1949–present

Republika ng Tsina
(Taiwan)

Ang Dinastiyang Yuan (Yuan Dynasty) ay isa sa mga dinastiya na naghari sa Tsina. Sila ang sumundo sa bumagsak ng Dinastiyang Sung. Itinatag ito ng mga mongol sa pangunguna ni [[Kublai Khan]

Noong 1204, Pinag-isa ni ng pinunong Mongol na si Tiemuzhin ang mga tribo. Makalipas ang dalawang taon, nakilala si Tiemuzhin bilang Genghis Khan o mananakop o pinuno ng daigdig) at itinatag ang imperyong Mongol at nahalal bilang pinuno nito.

Noong 1227, Tinalo nila ang mga Xixia at noong 1234 naman ay ang Dinastiyang Jin. Nagpadala sila ng mga hukbo sa Gitnang Asya at maging sa Europa.

Noong 1260, pagkamatay ni Genghis Khan, ang kanyang apo na si Kublai Khan ang humalili sa kanya at itinatag ang dinastiyang Yuan noong 1271 at ginawang kabisera ang Yuandadu o ang kasalukuyang Beijing. Noong 1276, Hindi katagalan matapos itatag ang dinastiya, tinalo ni Kublai Khan ang mga timog Song at napasakamay nila ang Hangzhou, ang kabisera ng timog Song noong 1279. Nadakip ang emperador ng Song na si Emperador Gong kasama ang inang emperatris na si emperatris Xie. Makalipas ang tatlong taon, nagkarpon ng digmaang pandagat sa Yashan at natalo ang bagong Song na itinatag ng mga ipinatapong opisyal na nakaligtas sa timog Song. Nang panahon ding yaon, pinag-isa ang buong China at lumawak ang imperyo hanggang Mongolia at Siberia sa hilaga, Timog Dagat sa timog, mga probinsya ng Yunnan at Tibet sa timog kanluran, silangang bahagi ng Xinjiang sa hilagang kanluran at kabundukang Stanovoi sa hilagang silangan.

Dahil sa matatag nang naitatag ang kanilang dinastiya sa imperyo ng China, natanto nila na sila'y mga pinuno ng isang masalimuot na grupo ng tao na naninirahan sa pinakamalaking imperyo sa katihan na nakalahad mula sa kasalukuyang Korea at Kanlurang Rusya sa hilaga at mula kasalukuyang Myanmar hanggang Iraq sa timog.

Bagamat sila'y mga pinunong walang karanasan sa pangangasiwa, hiniram nila ang mga sistemang pampulitika at pangkultura ng Tsina.

Sa paghahari nila mula sa kanilang punong lungsod ng Dadu, lalo pang hiniram ng mga Mongol ang papel at estilo ng mga emperador ng China. Gayunman, Hindi nila napagbuklod ang mga mamamayan at naging sanhi ito ng ibayong alitan. Ang mga Mongol ang nagtatamasa ng pinakamalaki samantalang sa mga Nan ang nagtatamasa ng pinakamaliit na pribelehiyo sa ilalim ng rehimen. Ipinatutupad din ito hanggang sa pagbubuwis at kodigo penal sapagkat ito ay may mapagpasyang epekto sa buong pupolasyon. Ipinagbabawal ang maraming asawa at mahirap magkaroon ng promosyon mula sa isang grupo tungo sa ibang grupo.

Istruktura ng Dinastiyang Yuan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa panahon ng Dinastiyang Yuan, Ang Tsina ay isang imperyong militar naau malawak na territoryo na itinatag ng isang naghaharing Mongol. Mabagal ang pagunlad ng ekonomiya at kultura ng Tsina at nasa napakahirap na kalagayan ang pagunlad ng konstruksyon.

Pamumuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang isang makapangyarihang estado, lumago ang ekonomiya at umunlad ang panitikan at agham. Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Mas maunlad ang pamamaraan ng agrikultura kaysa sa mga nakaraang dinastiya at sagana pa sa pagkain. Sa paggamit ng perang papel, Umunlad ang antas ng agham, matematika at astronomiya.

Isang iskolar ng kasaysayan ng China ang nagsulat:

"Dinala ng mga Mongol ang karahasan at winasak ang lahat ng aspeto ngsibiliaasyong Tsino.[Sila'y] mga manhid sa kaugaliang kultural, walang tiwala sa impluwensya at mga hangal na pinuno ng pamahalaang Tsino"

Ipinalalabas ng pahayag na ito na ang mga Mongol ay walang ibang ginawa kundi manlumpo, mandambong, mangwasak o pumatay.

Ang pananakop ng mga Mongol ay nag iwan ng danyos sa mga territoryo ng Hilaga at Timog Tsina at maraming buhay ang nawala. Ipinatanggal din ang isa sa mga haligi ng sibilisasyongbTsino, ang civil service exam at ipinagbawal hanggamg 1315. Bagamat ipinahintulot na ito, hindi ito ang garantiya ng pagkakaroon ng katungkulan sa dinastiya.

Bahagi lamng ng kanilang nasasakupan ang tingin ng mga Mongol sa Tsina. Hinati nila sa apat ang populasyon. Nangunguna ang mga Mongol na pinakamataas, pangalawa ang mga hindi Han o mga Muslim na dinala sa China upang tumulong sa pamununo sumunod ang mga Tsino sa hilaga at ang pinakamababa ay ang mga Tsino.sa timog.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pagkamatay ni Kublai Khan sa edad noong 1279 sa edad na 79, Humalili sa kanya ang kanyang apo na si Tëmur Oljeitu. Nakipagkasundo siya sa Japan at kanyang ipinanatili ang kaunlaran. Si Oljeitu ay isang bibong emperador at dahil maaga siyang pumanaw. Pumalit sa kanya ang kanyang pamangkin na si Khaishan.

Pumili si Khaishan ng mga taong walang galing sa pamahalaan at gumastos siya ng napakarangya sa pagpapatayo ng mga templo at palasyo.

Noong 1311, pagkamatay ni Khaishan, inangkin ng kanyang kapatid na si Ayrubawada ang kapangyarihan sa edad na 26 ay dahil panig siya sa mga Tsino nagkaroon ng pagtutol sa kanyang pamumuno.

Sa pagkamatay ni Ayrubawada noong 1320, humalili sa kanya ang kanyang panganay na anak na lalaki na si Shidebala na noo'y 18 taon pa lamang. Sinimulan niya ang repormang kontra katiwalian at kanyang pinanigan ang mga Buddhist kumpara sa mga Muslim. Pinatay siya noong 1323.

Humalili kay Shidebala si Yesun Temur. Ang kanyang tagasuporta ay may kinalaman sa.pagpatay kay Shidebala, lumayo siya sa mga ito at nagbalik sa kaugaliang Mongol na pantay na pagtrato sa mga relihiyon

Sa pagkamatay ni Yesun Temur noong 1328, pumalit sa kanya si Tugh Temur na noo'y 24 na taong gulang pa lamang. Bihasa siya sa Tsino at isa siyang pintor. Suportado niya ang edukasyon at namuhay siyang mapagpakumbaba. Inalis niya ang mahigit 10,000 kawani ng kanyang imperyo.

Matapos ang pagkamatay ni Tugh Temur, Naluklok sa trono si Toghon Temur na noo'y 13 taong gulang pa lamang. Emperador lamang siya sa pangalan ngunit ang kanyamg mga ministro ang nagdidikta at nakikialam.sa mga usaping pampamahalaan at dahil lubhang nababahala ang kanyang ministro sa panghihina ng mga Mongol sa Tsina, ipinag-utos ng kanyang ministrong si Bayan  !ang paghihiwalay ng mga Tsino sa mga Mongol sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Tsino na matuto ng wikang Mongol. Pagaasawa ng magkaibang lahi at pagkumpiska sa mga kagamitang metal at sandata ng mga Tsino. Maging ang pagkukuwento at opera ay naging paglabag din at marami sa mga Tsino ang ipinapatay.

Naghimagsik ang mga Tsino sa ilalim ng kanyang pamumuno ay dahil nagkakaiba ang mga Tsino at Mongol sa pananalita, pananamit at kaugalian, itinuring ng mga Tsino na barbaro ang mga Mongol

Bumaba ang kakayahan ng mga Mongol sa pakikidigma. Ang ilan ay gumamit ng alipin sa pagsasaka upang mabuhay. Ang ilan sa mga ito ay nabigong maging magsasaka ay nawalan ng lupain. Ang iba ay naging palaboy habang ang mga opisyal ng hukbo ay nanatili sa pagiging aristokrata kumpara sa mga sundalong Mongol.

Noong 1346, Pumutok ang epidemya sa mga Mongol sa Crimea at kumalat sa mga Mongol sa Tsina. Dumagdag pa ang pagbaha na nagpalubha sa sitwasyon ng bansa. Sa kabila ng pamumuno ng mga Mongol, kahit mas marami sila, hindi sila handa sa pakikipagdigma sa mga rebelde. Nakontrol ng mga militar ang pamahalaan habang si Toghon Temur naman na noo'y nasa huling bahagi ng dalawampu ang edad ay patuloy sa kanyang mahalay na pamumuhay at pagdarasal kasama ang mga monghe sa Tibet. Ang pariwarang pamumuhay ng emperador at ang debosyon sa Buddhismo ang siyang nagpalala ng reklamo ng mga Confucianista. Sa kabila ng pagigong deboto ng Buddhismo, Hindi rin sang ayon ang mga Buddhist kay Toghon Temur.

Habang kasalukuyan pang namumuno si Toghon Temur at habang patuloy sa paghihimagsik ang mga rebelde noong kalagitnaan ng 1350. Nagkawatak watak ang mga Mongol dahil sa hindi masugpong rebelyon.

Tingnan din: Ukhaantu Khan

Himagsikan at Pagbagsak[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1340 at 1350, dahil sa katiwalian, alitang panloob at sunod-sunod na kalamidad.Noong 1350, dahil sa hindi masugpong rebelyon ng mga sekta ng relihiyon at mga bandido ay nagkawatak-watak ang mga Mongol Noong 1352, Nagkaroon ng himagsikan sa Guangzhou sa pamumuno ng dating pulubi ngunit nais maging monghe sa katauhan ni Zhu Yuanzhang. Umalis siya ng templo at sumali sa himagsikan ngunit naging pinuno dahil sa taglay na kakaibang katalinuhan.

Lumaganap ang kaguluhan at himagsikan sa buong China. Dahil ipinagbawal ni Zhu Yuanzhang ang pandarambong ng kanyang mga hukbo,pinanigan siya ng mga tao. Napasakamay ni Zhu ang Nanjing noong 1356 at dito inilipat ang kabisera. Tinulungan siya ng mga iskolar na Confucian at tinalo ang iba pang mga rebelde. Noonh 1368, pinalawak ni Zhu ang pamumuno hanggang Guangzhou at nang taon ding yaon Tumakas si Toghon Temur papuntang Karakorum at doon na namatay noong 1370 samantalang ang karamihan sa mga Mongol at gustong magpaiwan at napasama sa populasyon ng Tsina. Dinambong ni Zhu Yuanzhang ang Beijing at noong 1387, matapos ang tatlumpong taon ng digmaan ay napalaya ang Tsina sa kamay ng mga Mongol na naging hudyat ng pagtatatag ng bagong dinastiya--ang Dinastiyang Ming.

Mga Sangguniang Pang Internet[baguhin | baguhin ang batayan]

[1]

  1. F. Smitha, China from Mongol rule to the Ming (http://www.fsmitha.com/h3/h12chlm.htm)