Pahayagan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tindahan ng pahayagan.

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang kauna-unahang naimprentang perydiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.

Nilalaman[baguhin]

Street Scene - Salta - Argentina.jpg

Pangkalahatan ang nilalaman nito. Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaaring ito ay mga pangyayari sa politika, balita sa ibang bansa, kalakalan, kultura, palakasan, at mga opinyon (alinman sa editoryal, kolum o guhit-larawang pampolitika). Ang mga Peryodiko ay kadalasang gumagamit ng mga larawan upang ipakita ang mga kuwento.

Ang iba pang maaaring ilagay sa peryodiko/pahayagan ay:

Tingnan din[baguhin]