Mundo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Whole world - land and oceans 12000.jpg

Mundo (sa Ingles: world) ang pangalan sa daigdig, base sa pangtaong punto de bista. Kalimitan ipinahiwatig nito ang sumatotal ng mga karanasan ng mga tao, mga nangyayari at kasaysayan o kondisyon ng mga tao. Sa ngayon, mahigit sa 6.6 bilyon ang mga naninirahan sa mundo sa mahigit 200 na bansa.

Ang Daigdig[baguhin]

Ang Daigdig naman ang tawag sa planeta bilang isang pisikal na konsepto, para maiba sa iba pang planeta sa sistemang solar at sa iba pang mga proseso sa astronomiya at heolohiya.

Ang daigdig ay ang ikatlo na planeta mula sa araw. Ito ay umiinog sa araw nang 365 1/2 araw na bumubuo naman sa isang taon. Ang layo nito sa araw ay 93,000,000 milya. Dalawang planeta, ang Venus at Mercury, ay mas malapit sa araw. Mayroon itong isang satalayt, ang buwan. Ang buwan ay umiinog sa daigdig nang isang beses sa loob ng 28 araw.

Sa lahat ng planeta na nasa Sistemang Solar, ang Daigdig lamang sa ngayon ay ang nag-iisang planeta na may buhay, sapagkat, ito ay may karagatan ng tubig at atmosperang gawa sa oxygen.

Mga kontinente ng mundo[baguhin]

Tingnan din[baguhin]


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.