Asya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Asya

World map showing the location of Asia.

Populasyon 4,050,404,193 (1st)[1]
Density 89.07/km² (230.7)/sq mi
Demonimyo Asyano
Bilang ng mga Bansa 48
Mga Bansa
Mga Dependent na Koloniya
Mga Rehiyon
Wika
Time Zones
Internet TLD .asia, many others
Largest Cities

Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.

Heograpiya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.

Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Mga teritoryo ng mga Bansa sa Asya at rehiyon

Mapang pisikal ng Asya (hindi kasama ang Timog-kanlurang Asya).
Pangalang ng rehiyon at
teritoryo, kasama ang watawat [2]
Lawak
(km²)
Populasyon
(Taya ng Hunyo 1, 2008)
Densidad ng Populasyon
(bawat km²)
Kabisera
Gitnang Asya:
Watawat ng Kazakhstan Kazakhstan[3] 2,346,927 15,666,533 5.7 Astana
Watawat ng Kyrgyzstan Kyrgyzstan 198,500 5,356,869 24.3 Bishkek
Watawat ng Tayikistan Tayikistan 143,100 7,211,884 47.0 Dushanbe
Watawat ng Turkmenistan Turkmenistan 488,100 5,179,573 9.6 Ashgabat
Watawat ng Uzbekistan Uzbekistan 447,400 28,268,441 57.1 Tashkent
Silangang Asya:
Watawat ng Japan Hapon 377,835 127,288,628 336.1 Tokyo
Watawat ng Republika ng Tsina Taywan[4] 35,980 22,920,946 626.7 Taipei
Watawat ng Mongolia Monggolya 1,565,000 2,996,082 1.7 Ulaanbaatar
Flag of the People's Republic of China Tsina[5] 9,584,492 1,322,044,605 134.0 Beijing
Watawat ng Hongkong Hong Kong (Tsina)[6] 1,092 7,903,334 6,688.0
Watawat ng Makaw Makaw (Tsina)[7] 25 460,823 18,473.3
Watawat ng North Korea Hilagang Korea 120,540 23,479,095 184.4 Pyongyang
Watawat ng Timog Korea Timog Korea 98,480 49,232,844 490.7 Seoul
Hilagang Asya:
Watawat ng Rusya Rusya[8] 13,115,200 140,702,092 3.0 Moscow
Timog-silangang Asya:[9]
Watawat ng Brunay Brunay 5,770 381,371 60.8 Bandar Seri Begawan
Watawat ng Cambodia Kambodya 181,040 14,241,640 70.6 Phnom Penh
Watawat ng East Timor Silangang Timor[10] 15,007 1,108,777 63.5 Dili
Watawat ng Indonesya Indonesya[11] 1,419,588 237,512,355 159.9 Jakarta
Watawat ng Laos Laos 236,800 6,677,534 24.4 Vientiane
Watawat ng Malaysia Malaysiya 329,750 25,274,135 68.7 Kuala Lumpur
Watawat ng Burma Myanmar (Burma) 678,500 47,758,224 62.3 Naypyidaw[12]
Flag of the Philippines Pilipinas 300,000 92,681,453 281.8 Maynila
Watawat ng Singapore Singgapur 704 4,608,167 6,369.0 Singapore
Watawat ng Thailand Taylandiya 514,000 65,493,298 121.3 Bangkok
Watawat ng Vietnam Biyetnam 331,690 86,116,559 246.1 Hanoi
Timog Asya:
Watawat ng Bangladesh Bangladesh 144,000 153,546,901 926.2 Dhaka
Watawat ng Bhutan Bhutan 47,000 682,321 14.3 Thimphu
Watawat ng Indiya Indya[13] 3,167,590 1,147,995,226 318.2 New Delhi
Flag of the Maldives Maldives 300 379,174 1,067.2 Malé
Watawat ng Nepal Nepal 140,800 29,519,114 183.8 Kathmandu
Watawat ng Pakistan Pakistan 803,940 167,762,049 183.7 Islamabad
Watawat ng Sri Lanka Sri Lanka 65,610 19,576,783 298.4 Colombo
Timog-kanlurang Asya:
Watawat ng Afghanistan Apganistan 647,500 32,738,775 42.9 Kabul
Watawat ng Armenya Armenya[14] 29,800 2,968,586 111.7 Yerevan
Watawat ng Azerbaijan Aserbayan[15] 46,870 3,845,127 82.0 Baku
Watawat ng Bahrain Bahrain 665 718,306 987.1 Manama
Watawat ng Cyprus Tsipre[16] 9,250 792,604 83.9 Nicosia
Palestinian flag Gaza[17] 363 1,537,269 3,315.7 Gaza
Watawat ng Heorhiya Georgia[18] 20,460 4,630,841 99.3 Tbilisi
Watawat ng Iran Iran 1,648,195 65,875,223 42 Tehran
Watawat ng Iraq Irak 437,072 28,221,181 54.9 Baghdad
Watawat ng Israel Israel 20,770 7,112,359 290.3 Jerusalem[19]
Watawat ng Jordan Jordan 92,300 6,198,677 57.5 Amman
Watawat ng Kuwait Kuwait 17,820 2,596,561 118.5 Kuwait City
Watawat ng Libano Libano 10,452 3,971,941 353.6 Beirut
Watawat ng Oman Oman 212,460 3,311,640 12.8 Muscat
Watawat ng Katar Qatar 11,437 928,635 69.4 Doha
Watawat ng Saudi Arabia Arabyang Saudi 1,960,582 23,513,330 12.0 Riyadh
Watawat ng Syria Sirya 185,180 19,747,586 92.6 Damascus
Watawat ng Turkiya Turkiya[20] 756,768 71,892,807 76.5 Ankara
Flag of the United Arab Emirates United Arab Emirates 82,880 4,621,399 29.5 Abu Dhabi
Palestinian flag Kanlurang Pampang[21] 5,860 2,611,904 393.1
Watawat ng Yemen Yemen 527,970 23,013,376 35.4 Sanaá
Kabuuan 43,810,582 4,050,404,193 89.07

Mga Bansang Nagbago ng Pangalan

Maraming bansang Asyano ang nagpalit ng pangalan dahil sa pagbabago ng pamahalaan, pagbago ng pinuno o kalayaan mula sa ibang bansa.

Dating Pangalan Taon Kasalukuyang Pangalan
Dominyon ng India, dating Briton na Indya 1950 Republika ng India
East Bengal province 1905-1911 and 1947-1955
1955-1971
1971
East Pakistan state
Bangladesh, People's Republic of
Democratic Kampuchea 1975 Cambodia, Kaharian ng
Dinastiyang Qing 1912
1949
China, Republic of
China, People's Republic of
Portuguese Timor 1975
2002
Timor Timur (province of Indonesia)
East Timor, Democratic Republic of
Dutch East Indies 1949 Indonesia, Republika ng
Persia 1935
1979
Iran,
Iran, Islamikong Republika ng
Transjordan 1946 Jordan, Kaharian ng
Kirghiz SSR (USSR) 1991 Kyrgyzstan, Republika
Malaya, North Borneo, Sarawak and Singapore, Georgia 1963
1965
Malaysia (including Singapore)
Malaysia and Singapore
Burma 1989 Myanmar, Unyon ng
Muscat 1971 Oman, Sultanate ng
Dominion of Pakistan 1947-1956
1956-1970
1971
West Pakistan, Islamic State of
Pakistan, Islamikong Republika ng
Islas de San Lorenzo, Spanish East Indies, Philippine Islands, Las Islas Filipinas 1965 Pilipinas, Republika ng
Hejaz-Nejd, The Kingdom of 1932 Saudi Arabia, Kaharian ng
Aden 1970 South Yemen, People's Republic of
Ceylon 1972 Sri Lanka, Democratic Socialist Republic of
Tajik SSR (USSR) 1991 Tajikistan, Republika ng
Siam 1939 Thailand, Kaharian ng
Imperyong Ottoman 1923 Turkey, Republika ng
urkmen SSR (USSR) 1991 Turkmenistan
Trucial Oman & Trucial States 1971 United Arab Emirates
French Indo-China 1949 Cambodia, Laos and Vietnam
Yemen, People's Democratic & Southern Yemen 1990 Yemen, Republika ng

Mga Relihiyon

Ang Asya ay kung saan nagmula ang Budismo, Hinduismo at iba pang Indiyanong at Tsinong relihiyon. Ito rin kung saan nagsimula ang relihiyong Hudaismo, Kristyanismo, Islam at iba't ibang Abramikong paniniwala.

Kasaysayan

Ang Asya bago ang Imperyong Mongol

Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at Europeo sa kapatagan.

Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat. Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at sa Tsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad ng matematika at ang mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.

Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.

Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. Ang Caucasus, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

9000 BC–4500 BC

Isang templo sa lugar ng dakong timog-silangang Turkiya sa Göbekli Tepe na napetsahan noong 10000 BC ay nakikita bilang ang simula ng kulturang "Neolitiko 1". Ang lunang ito ay binuo ng nga pagala-galang mangangaso-maniningil dahil walang permanenteng pabahay sa paligid. Itong lunan ng templo ay ang pinakalumang kilalang ginawa ng tao bilang sambahan. Noong 8500 BC hanggang 8000 BC, ang mga sakahan ay nagsimulang lumaganap sa Anatolia, Hilagang Africa at Hilagang Mesopotamia.

Ang sinaunang-panahong lugar ng Beifudi malapit sa Yixian sa Hebei, Tsina, ay naglalaman ng mga reliko ng isang kultura na may kasabay na ang Cishan at Xinglongwa kultura noong 7000 hanggang 8000 BC, ang mga Neolitikong kultura sa silangan ng Taihang Mountains, ay bumuo ng mga arkeolohikong puwang sa pagitan ng dalawang Hilagang kulturang Intsik. Ang kabuuang lugar na nahukay ay higit sa 1,200 metro kuwadrado at ang mga koleksyong Neolitiko ay natuklasan sa lugar na binubuo ng dalawang uri.[22]

Noong 5500 BC ang kulturang Halafian ay nagpakita sa Levant, Libano, Palestina, Sirya, Anatolia at hilagang Mesopotamia, batay sa agrikultura sa tuyong lupa.

Sa timog Mesopotamya ay ang mga inaanod na kapatagan ng Sumer at Elam. Dahil diyan ang maliliit na patak ng ulan sa sistema ng patubig ay kinakailangan. Ang kulturang Ubaid ay lumaganap noong 5500 BC.

Panahon ng Bronse

Ang Panahong Calcolitico (Chalcolithic) ay nagsimula noong 4500 BC. Pagkatapos, nagsimula ang Panahon ng Tansong Pula noong 3500 BC, at pinalitan ang mga kulturang Neolitiko. Ang Tsina at Vietnam ay sentro rin ng paggawaang-metal. Noon pa mang Panahong Neolitiko, ang unang mga bronseng dram, na tinatawag na Dong Son Drums ay nahukay sa paligid ng rehiyon ng Red River Delta sa Biyetnam at Timog Tsina. Iniuugnay ito sa sinaunang-panahong kulturang Dong Son ng Biyetnam.

Sa Ban Chiang, Taylandiya (Timog-silangang Asya), ang mga artipaktong tanso ay natuklasan noong 2100 BC.

Sa Nyaunggan, Burma, ang mga kagamitang tanso ay nahukay kasama ng mga artepaktong seramika at bato. Ang pagpepetsa ay kasalukuyang malawak pa rin (3500-500 BC).

Panahon ng Bakal

Ang dinastiyang Achaemenid ng Imperyo ng Persia, na itinatag ni Haring Cirong Dakila (Cyrus), ay naghari sa Gresya at Turkiya sa Ilog Indus at Gitnang Asya noong ikaanim hanggang ikaapat na siglo BC. Sinakop ito ni Alejandrong Dakila (Alexander) noong ikaapat na siglo BC. Ang Imperyong Romano ay mamamahala sa bahagi ng Kanlurang Asya. Ang mga dinastiyang Seleucido (Seleucid), Partian at Sassanian ng Persiya ay namayani sa Kanlurang Asya sa maraming siglo. Maraming mga sinaunang sibilisasyon ay naaapektuhan sa pamamagitan ng Daang Seda, na iniuugnay ang Tsina, Indya, Gitnang Silangan, at Europa. Ang relihiyon ng Hinduismo at Budismo, na nagsimula sa Indya, ay isang mahalagang impluwensiya sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.

Gitnang Panahon

Ang mga Kalipang Islamiko at iba pang estadong Muslim ay kinuha ang Gitnang Silangan, Caucasus at Gitnang Asya sa panahon ng pananakop ng Muslim noong ikapitong siglo, at pinalawak na sa subkontinenteng Indian at kapuluan ng Malay. Ang Imperyong Monggol ay sumakop sa isang malaking bahagi ng Asya noong ikalabintatlong siglo, at pinalawak mula sa Tsina hanggang sa Europa.

Hindi si Marco Polo ang unang taga-kanluran na naglakbay sa Silangan at bumalik na may kamangha-manghang mga kuwento ng mga iba't-ibang kultura nito, ngunit ang kanyang mga ulat na inilathala sa huling bahagi ng ika-13 at unang bahagi ng ika-14 siglo ay ang kauna-unahang malawak na babasahin sa buong Europa.

Dinaig ng Medyebal Asya ang Kanluran sa pagbuo ng digma, komunikasyon at agham. Ang pulbura ay malawak na ginamit mula pa noong ika-11 siglo at sila ay gumagamit ng naigagalaw na uri ng paglilimbag limang daang taon bago ginawa ni Gutenberg ang kanyang palimbagan. Ang Budismo, Taoismo, at Confucianismo ay ang nangingibabaw na mga pilosopiya ng Malayong Silangan sa panahon ng Gitnang Panahon.

Ang Medyebal Asya ay ang kaharian ng mga Khan. Si Genghis Khan ay kumontrol sa maraming lupain. Nabuo niya ang kanyang kapangyarihan sa pagsasanib ng mga hiwalay na mga tribung Monggol bago palawakin ang kanyang kaharian sa timog at kanluran. Siya at ang kanyang apong lalaki, si Kublai Khan, ay kinokontrol ang mga lupain sa China, Burma, Gitnang Asya, Rusya, Iran, Gitnang Silangan, at Silangang Europa. Mga pagtaya na ang sandatahang Monggol ay bumawas ang populasyon ng China sa pamamagitan ng halos isang katlo. Pagano si Genghis Khan. Ang kanilang kultura madalas nagdusa sa napakarahas na paggamot mula sa sandatahang Monggol. Ang sandatahang Khan ay humunhon bilang malayong kanluran bilang Jerusalem bago bumagsak noong 1260.

Ang Panahong Gitna ay isang hindi maunahang panahon para sa mga Intsik sa seramika at pagpipinta. Ang mga obra maestrang arkitekturang Medyebal tulad ng Angkor Wat sa Cambodia, ang Great South Gate sa Todaiji, Hapon, at ang Tien-Ning Templo sa Peyping, Tsina ang ilan sa mga tulong ng ibang konstruksyon mula sa panahon na ito.

Ang Kamatayang Itim, kung saan ay wawasak sa Kanlurang Europa ay nagsimula sa Asya, kung saan ito umubos malaking populasyon sa Tsina noong 1331. Ang Tsina ay lumaganap muli noong huling mga taon ng medyebal panahon sa panahon ng pagsikat ng Dinastiyang Ming. Sa bansang Hapon ang mga ito ay nakita noong Gitnang Panahon ang isang pagbabalik sa tradisyunal na pananampalatayang Shinto at ang patuloy na pagiging popular ng Budismong Zen.

Modernong panahon (1500-kasalukuyan)

Ang Imperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noong ika-17 siglo, at kokontrol ng Siberya at karamihan ng Gitnang Asya sa ika-19 siglo. Ang Imperyong Ottoman ay kinokontrol ang Turkiya at ang Gitnang Silangan mula ika-16 na siglo pataas. Noong ika-17 siglo, ang Manchu ay sinakop ang Tsina at itinatag ang Dinastiyang Qing, bagaman ito ay sa tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.

Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya noong 1900s, tulad ng Indyang Ingles, Indotsinang Pranses at Macau at Goa ng Portuges. Ang Great Game sa pagitan ng Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. Ang Trans-Siberian Railway, na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong 1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ng Persiya, Taylandiya at karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, ang Imperial Japan ay pinalawak na sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon ng Digmaang Malamig, sa hilagang bahagi ng Asya ay komunista na kinokontrol ang Unyong Sobyet at People's Republic of China, habang ang kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad ng CENTO at SEATO. Ang mga away tulad ng Digmaang Korea, Digmaang Vietnam at pagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay nagdala sa Hapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isang palatandaan na kilala bilang pang-ekonomiyang himala matapos ang digmaan sa Hapon. Ang tunggaliang Arabe-Israelita ay may dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ng Gitnang Silangan. Pagkatapos ang pagbagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, maraming mga bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang tren noong ika-19 na siglo. Si John Castro ang nakaimbento ng tren(Thomas & Friends). Siya ay nag-aaral sa Harvard University.

Talababa

  1. List of continents by population
  2.   Rehiyong kontinental ayon sa pag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaring en:sa Asya at isa sa mga sumusunod: Europa, Aprika, o Oceania.
  3.   Minsan ay itinuturing na bansang transkontinental ang Kazakhstan sa Gitnang Asya at Silangang Europa; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  4.   Ang pigura ay para sa pook sa ilalim ng de facto kontrolado ng pamahalaang Republic of China (ROC). Inaanking buo ng PRC; tingnan ang estadong pampolitika ng Taiwan.
  5.   Ang kasalukuyang estado ay pormal na kilala bilang People's Republic of China (PRC). Ang mga pigura ay para lamang sa mainland China at hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at Taiwan.
  6.   Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
  7.   Ang Macau ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
  8.   Malawakang itinuturing ang Russia na isang bansang transkontinental sa Silangang Europa (UN region) at Hilagang Asya; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  9. Hindi kabilang ang Christmas Island at Cocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasa Karagatang Indian sa timog-kanluran ng Indonesia).
  10.   Ang East Timor ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania.
  11.   Ang Indonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania; hindi kasama sa pigura ang Irian Jaya at Maluku Islands, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesia/Australasia).
  12.   Ang kabeserang administratibo ng Myanmar ay opisyal na inilipat mula Yangon (Rangoon) sa isang militarised greenfield na nasa kanluran ng Pyinmana noong Nobyembre 6, 2005.
  13.   Kasama ang Jammu at Kashmir, isang pinagtatalunang teritoryo ng India, Pakistan, at ng PRC.
  14.   Ang Armenia ay minsang itinuturing na isang bansang transkontinental: pisikal na matatagpuan ito sa Kanlurang Asya, ngunit mayroon itong historikal at sosyopolitikal na koneksyon ito sa Europa.
  15.   Ang Azerbaijan ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging ansa Asya lamang. Kasma sa pigura ang Nakhchivan, isang nagsasariling exclave ng Azerbaijan na pinalilibutan ng Armenia, Iran, at Turkey.
  16.   Ang pulo ng Cyprus ay minsang itinuturing na isang teritoryong transkontinental: sa Eastern Basin ng Dagat Mediterranean timog ng Turkey, ito ay may historikal at sosyopolitikal na koneksyon sa Europa. Ang Turkish Republic of Northern Cyprus (TRNC), na iba sa de jure na Republic of Cyprus sa timog, ay kinilala lamang ng Turkey.
  17.   Ang Gaza at West Bank, na tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay mga teritoryo na bahagyang sakop ng Israel ngunit nasa de facto na sa ilalim ng administrasyon ng Palestinian National Authority.
  18.   Ang Georgia ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  19. Noong 1980, ang Jerusalem ay ipinahayag na pinagsanib na kabesera ng Israel, pagkaraan ng annexation ng East Jerusalem sa panahon ng 1967 Six-Day War. Hindi ito kinikilala ng United Nations at maraming bansa, kaya maraming bansa ang nagtatayo ng embahada sa Tel Aviv na lamang.
  20.   Ang Turkey ay pangkahalatang itinuturing an isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Timog Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang, at hindi kasama ang buong Istanbul.
  21.   Ang West Bank at Gaza, tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay teritoryong sakop ng Israel ngunit nasa de facto na administrasyon ng Palestinian National Authority.
  22. "New Archaeological Discoveries and Researches in 2004 — The Fourth Archaeology Forum of CASS". Institute of Archaeology — Chinese Academy of Social Sciences. http://www.kaogu.cn/en/detail.asp?ProductID=982. Hinango noong 2007-09-18.