Karagatang Indiyano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Karagatang Indiyano, hindi kabilang ang rehiyon ng Antartika.

Ang Karagatang Indiyano ay ang pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20% ng tubig sa ibabaw ng Daigdig.[1] Napapaligiran ito ng Asya (kabilang ang subkontinenteng Indiyano, na kung saan pinangalan ito); Aprika sa kanluran; Indotsina, ang mga Pulo ng Sunda, at Awstralya sa silangan; at ang Silangang Karagatan (o Antartika sa tradisyon) sa timog. Isang bahagi ng pumapalibot sa lahat na Karagatan ng Daigdig, gumuguhit ang Karagatang Indiyano mula sa Karagatang Atlantiko sa 20° silangang meridiyano na tumatakbo timog mula sa Tangway ng Agulhas,[2] at mula sa Pasipiko sa 147° silangang meridiyano. Nasa tinatayang 30° hilaga sa Persiyanong Gulpo ang pinakahilagang hanggan ng Karagatang Indiyano at, samakatuwid, walang simetriyang sirkulasyon. Halos 10,000 kilometro (6,200 milya) ang lawak ng karagatang ito sa mga katimugang dulo ng Aprika at Awstralya; may lawak itong 73,556,000 kilometro kuwadrado(28,400,000 milya kuwadrado), kasama ang Dagat na Pula at Persiyanong Gulpo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.