Indiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag ikalito sa Republika ng Indiyanong Batis.
Wikipedia:Mga napiling artikuloNapiling Artikulo
Republika ng Indiya
भारत गणराज्य
Bhārat Ganarājya
Pambansang Kasabihan: Satyamēva Jayatē
(Sanskrit: Katotohanan lamang ang nagtatagumpay) [1]
Pambansang Awit: Jana gana mana
Sanskrit: Ang pinuno ng mga pag-iisip ng mga tao
Kabisera Bagong Delhi
28°34′N 77°12′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Mumbai
Opisyal na wika Hindi, Inggles, at 21 pang ibang wika (tignan mga opisyal na pangalan ng India para sa mga wika)
Pamahalaan Republikang pederal
 -  Pangulo Pranab Mukherjee
 -  Punong Ministro Manmohan Singh
Kalayaan mula sa pagiging kolonya ng Britanya 
 -  Ipinahayag 15 Agosto 1947 
 -  Republika 26 Enero 1950 
Lawak
 -  Kabuuan 3 287 590 km2 (Ika-7)
1,269,346 sq mi 
 -  Tubig (%) 9.56
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2008 1,147,995,904 (Ika-2)
 -  Senso ng 2001 1 027 015 247 
 -  Kakapalan 329/km2 (Ika-31)
852.1/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $2.965 trillion[2] (4th)
 -  Bawat kapita $2,563[2] (165th)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $1.100 trillion[2] (12th)
 -  Bawat kapita $941[2] (132nd)
Pananalapi Rupi (Rs.)1 (INR)
Pook ng oras IST (UTC+5:30)
 -  Tag-araw (DST) hindi inoobserba (UTC+5:30)
Internet TLD .in
Kodigong pantawag 91
1 Re. ang pang-isahan
Para sa ibang gamit, tingnan ang India (paglilinaw).

Ang Republika ng Indiya[3] o Republika ng Indiya[3] (internasyonal: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo.

Ang mga karatig-bansa ng Indiya ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh.

Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras).

Paglalarawang Heograpikal[baguhin]

Ang Indiya ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km/ 5124695.29747milya.[4] Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Ang coastline ng Indiya at 7517 milya [5]

Kasaysayan[baguhin]

Unang Kabihasnan[baguhin]

Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.

Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.

Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.May mga Imperyong umusbong dito ito ay ang mga

  • Imperyong Maurya
  • Imperyong Mogul [6]

Imperyong Maurya[baguhin]

Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo BCE bilang Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka.[7] Ang mga naging hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan.

Imperyong Mughal[baguhin]

Sa pagsugod ng mga muslim mula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo hanggang ika-12 siglo, halos ang buong Hilagang Indiya ay pinamumunuan ng isang Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim.[8][9] Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha. Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang subcontinent.

Kolonya ng mga Europeo at Paglaya[baguhin]

Nasakop ng mga Europeo nang ika-16 siglo ang Indiya. Ang namahala sa kolonyang ito ay ang East India Company at pagkatapos ng Rebolusyong Sepoy, direktang namahala na ang Empress ng Britanya at isinama ang India sa Imperyong Britanya.[10]

Si Mahatma Gandhi (kanan) kasama si Jawaharlal Nehru, 1937. Si Nehru ang naging unang ministrong pinuno noong 1947.

Nang ika-20 siglo, isang malawakang kilos para sa kalayaan ay pinangunahan ni Mahatma Gandhi. Nagkaron ng civil disobedience bilang protesta. Nakalaya din ang Indiya noong 15 Agosto 1947, pero ang rehiyon na pinamumunuan ng mga muslim ay humiwalay at itinatag ang Pakistan. Noong 26 Enero 1950, naging isang opisyal na republika ang India at nagkaroon ng sariling saligang-batas. Ang Indiya ay nagkakaroon ng mga problema sa kahirapan, terrorismo, digmaan ukol sa relihiyon, diskriminasyon sa mga mabababa sa caste at naxalismo.

Pananampalataya[baguhin]

Hinduismo[baguhin]


Ang pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa Indiya. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Ang lokasyon ng Indiya sa isang globo.

Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa Indiya. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

Buddhismo[baguhin]

Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.

Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2)ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" (Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

Pamahalaan[baguhin]

Ang konstitusyon ay sinasabi na ang Indiya ay isang sosyalistang demokratikong republika.[11]

Ang kasalukuyang pangulo ng Indiya, si Pratibha Patil.

Ang Pangulo ng Indiya ay ang pinuno ng estado [12] elected indirectly by an electoral college[13] na hinahalal ng isang pinununuaan na tinatawag na Electoral College para sa isang 5-taon termino. Ang pininong ministro ay ang pinuno ng pamahalaan at siya rin ang humahawak sa kapangyarihang-executive. Siya ay dapat pinili ng pangulo at sinusuportahan ng partidong pampolitika (political party). Ang Kongresong Nasyonal ng Indiya ang namamahala sa lehislatura ng Indiya. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng Indiya ay si Pratibha Patil, na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng Indiya. Ang tirahan o palasyo ng mga pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan.

Ang Indiya ay itinuturing na pinaka-mataong demokrasya sa mundo.[14][15]

Ambag ng India sa Kabihasnan[baguhin]

Ang India ay duyan din ng kabihasnan at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan, relihiyon, at agham. Ilan sa mga ambag ng India ay:

Relihiyon[baguhin]

Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon —— Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation. Ang tawag ng mga Jain sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa o kapayapaan (non-violence sa Ingles).

Pilosopiya[baguhin]

Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

Panitikan[baguhin]

Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig(Bhagavad Gita).

Musika, Sining, at Arkitektura[baguhin]

Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang ambag sa daigdig. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.

Talaksan:Taj Mahal in Marso 2004.jpg
Ang Taj Mahal ay ipinagawa ni Shah Jahan ng Imperyong Mughal upang magsilbing libingan ng kanyang asawa si Mumtaz Mahal. Ito ay matatagpuan sa Agra, India.

Mga matataong lungsod[baguhin]

Mga Lungsod ayon sa Populasyon
Rango Pangunahing Lungsod Estado Populasyon Rango Pangunahing Lungsod Estado Pop. tingnan · usapan · baguhin
1 Mumbai (Bombay) Maharashtra 13,662,885 11 Jaipur Rajasthan 2,997,114
2 Delhi Delhi 11,954,217 12 Lucknow Uttar Pradesh 2,621,063
3 Kolkata West Bengal 7,780,544 13 Nagpur Maharashtra 2,359,331
4 Hyderabad Andhra Pradesh 6,893,640 14 Indore Madhya Pradesh 1,768,303
5 Bangalore Karnataka 5,180,533 15 Patna Bihar 1,753,543
6 Chennai Tamil Nadu 4,562,843 16 Bhopal Madhya Pradesh 1,742,375
7 Ahmedabad Gujarat 3,867,336 17 Thane Maharashtra 1,673,465
8 Pune Maharashtra 3,230,322 18 Ludhiana Punjab 1,662,325
9 Surat Gujarat 3,124,249 19 Visakhapatnam Andhra Pradesh 2,845,938
10 Kanpur Uttar Pradesh 3,067,663 20 Vijayawada Andhra Pradesh 1,961,152
2008 estimation[16] [17]

Sanggunian[baguhin]

  1. "State Emblem -Inscription". National Informatics Centre(NIC). http://www.india.gov.in/knowindia/state_emblem.php. Nakuha noong 2007-06-17. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "India". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2008/02/weodata/weorept.aspx?sy=2004&ey=2008&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=534&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=&pr1.x=38&pr1.y=9. Nakuha noong 2008-10-09. 
  3. 3.0 3.1 "Hango mula sa baybay sa Indian [Tagalog] at Indiyan [Tagalog], para sa Indian [Ingles]". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  4. "Total Area of India" (PDF). Country Studies, India. Library of Congress – Federal Research Division. Disyembre 2004. http://lcweb2.loc.gov/frd/cs/profiles/India.pdf. Nakuha noong 2007-09-03. "The country’s exact size is subject to debate because some borders are disputed. The Indian government lists the total area as 3,287,260 square kilometers and the total land area as 3,060,500 square kilometers; the United Nations lists the total area as 3,287,263 square kilometers and total land area as 2,973,190 square kilometers." 
  5. Kumar, V. Sanil; K. C. Pathak, P. Pednekar, N. S. N. Raju (2006). "Coastal processes along the Indian coastline" (PDF). Current Science 91 (4): 530–536. http://drs.nio.org/drs/bitstream/2264/350/1/Curr_Sci_91_530.pdf. 
  6. Mercado, Michael (2007). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Araling Panlipunan Serye Aklat II. St. Bernadette Publishing Corporation. ISBN 978-971-621-448-2. 
  7. Jona Lendering. "Maurya dynasty". http://www.livius.org/man-md/mauryas/mauryas.html. Nakuha noong 2007-06-17. 
  8. "The Mughal Legacy". http://www.edwebproject.org/india/mughals.html. 
  9. "Ang Mugahal na mundo : Ang Huling Ginintuang Panahon ng India". http://www.easternbookcorporation.com/moreinfo.php?txt_searchstring=13880. 
  10. "History : Indian Freedom Struggle (1857–1947)". National Informatics Centre (NIC). http://india.gov.in/knowindia/history_freedom_struggle.php. Nakuha noong 2007-10-03. "And by 1856, ang pagsalakay ng mga British ay na-established." 
  11. Pylee, Moolamattom Varkey (2004). "The Longest Constitutional Document". Pamahalaang Konstitutional sa India (2nd edition ed.). S. Chand. p. 4. ISBN 8121922038. http://books.google.com/books?id=veDUJCjr5U4C&pg=PA4&dq=India+longest+constitution&as_brr=0&sig=ZpqDCkfUoglOQx0XQ8HBpRWkRAk#PPA4,M1. Nakuha noong 2007-10-31. 
  12. Sharma, Ram (1950). "Cabinet Government in India". Parliamentary Affairs 4 (1): 116–126. 
  13. "Election of President". The Constitution Of India. Constitution Society. http://www.constitution.org/cons/india/p05054.html. Nakuha noong 2007-09-02. "The President shall be elected by the members of an electoral college" 
  14. "Country profile: India". BBC. 9 Enero 2007. http://news.bbc.co.uk/1/hi/world/south_asia/country_profiles/1154019.stm. Nakuha noong 2007-03-21. 
  15. "Mayo 1 billion na tao sa Pinakamalaking Demokrasya ng Mundo nang Araw ng Kalayaan". United Nations Department of Economic and Social Affairs. United Nations: Population Division. http://www.un.org/esa/population/pubsarchive/india/ind1bil.htm. Nakuha noong 2007-12-06. 
  16. World Gazetteer sa Internet
  17. "Country Profile: India" (PDF). Library of Congress - Federal Research Division. Disyembre 2004. http://lcweb2.loc.gov/frd/cs/profiles/India.pdf. Nakuha noong 2007-06-24. 

Kaugnay na artikulo[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]