Taylandiya

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
ราชอาณาจักรไทย
Racha-anachakra Thai
Kingdom of Thailand
Kaharian ng Taylandiya
Mottonone
Pambansang awitPhleng Chat
Kabisera
(at Pinakamalaking lungsod)
Bangkok
13°44′N 100°30′E / 13.733, 100.5
Opisyal na wika Thai
Pamahalaan Parliamentary democracy at Constitutional Monarchy
 -  Hari Rama IX
 -  Punong ministro Abhisit Vejjajiva
Pagkabuo
 -  Kaharian ng Sukhothai 1238–1368 
 -  Kaharian ng Ayutthaya 1350 
 -  Kaharian ng Thonburi 1767 
 -  Kaharian ng Rattanakosin Abril 6, 1782 
 -  Constitutional Monarchy Hunyo 24, 1932 
Lawak
 -  Kabuuan 513,115 km2 (ika-49)
198,115 sq mi 
 -  Tubig (%) 0.4%
Populasyon
 -  2005 estimate 65,444,371 (19th)
 -  2000 census 60,916,441 
 -  Densidad 127/km2 (59th)
328.9/sq mi
GDP (PPP) 2005 estimate
 -  Total $559.5 billion (20th)
 -  Per capita $8,542 (72nd)
Pananalapi ฿ Baht (THB)
Sona ng oras (UTC+7)
 -  Summer (DST)  (UTC+7)
Internet TLD .th
Kodigong pantawag 66

Ang Kaharian ng Taylandiya[1] ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng Laos at Cambodia sa silangan, the Gulpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang Mayo 11, 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang mga kultura na umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.

Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 - hanggang ika-15 siglo.

Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharina ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayuthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayuthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.

Ang kapangyarihang Europeo ay simulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisaang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.

Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980.

Noong 1997, ang Thailanday tinamaan ng krisis pinansyal ng Asya ay ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa ang krisis.

[baguhin] Pulitika at Pamahalaan

Ang Hari ay may kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang hari, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol ng Budhismo sa Thailand.

Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulungan ng parliyamento, na kadasalang pinuno ng partido ng mayorya. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).

Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.

[baguhin] Pagkakahating Administratibo

Pangunahing lathalain: Pagkakahating Administratibo ng Taylandiya

Ang Thailand ay nahahati sa 75 mga lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. May 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya, na ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Tahi ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 lalawigang bansa ang Thailand.

Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 maas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Nakhon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:

Mga lalawigan ng Taylandiya

[baguhin] Gitnang Taylandiya

  1. Ang Thong
  2. Phra Nakhon Si Ayutthaya
  3. Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon), Espesyal na pinamamahalang Distrito [1]
  4. Chai Nat
  5. Kanchanaburi [2]
  6. Lop Buri
  7. Nakhon Nayok
  8. Nakhon Pathom [1]
  9. Nonthaburi [1]
  10. Pathum Thani [1]
  11. Phetchaburi [2]
  12. Prachuap Khiri Khan [2]
  13. Ratchaburi [2]
  14. Samut Prakan [1]
  15. Samut Sakhon [1]
  16. Samut Songkhram [2]
  17. Saraburi
  18. Sing Buri
  19. Suphan Buri

[baguhin] Silangang Taylandiya

  1. Chachoengsao
  2. Chanthaburi
  3. Chonburi
  4. Prachinburi
  5. Rayong
  6. Sa Kaeo
  7. Trat

[baguhin] Hilagang Taylandiya

  1. Chiang Mai
  2. Chiang Rai
  3. Kamphaeng Phet
  4. Lampang
  5. Lamphun
  6. Mae Hong Son
  7. Nakhon Sawan
  8. Nan
  9. Phayao
  10. Phetchabun
  11. Phichit
  12. Phitsanulok
  13. Phrae
  14. Sukothai
  15. Tak
  16. Uthai Thani
  17. Uttaradit

[baguhin] Hilagang Silangang Taylandiya

  1. Amnat Charoen
  2. Buri Ram
  3. Chaiyaphum
  4. Kalasin
  5. Khon Kaen
  6. Loei
  7. Maha Sarakham
  8. Mukdahan
  9. Nakhon Phanom
  10. Nakhon Ratchasima
  11. Nong Bua Lamphu
  12. Nong Khai
  13. Roi Et
  14. Sakon Nakhon
  15. Si Sa Ket
  16. Surin
  17. Ubon Ratchathani
  18. Udon Thani
  19. Yasothon

[baguhin] Timog Taylandiya

  1. Chumphon
  2. Krabi
  3. Nakhon Si Thammarat
  4. Narathiwat
  5. Pattani
  6. Phang Nga
  7. Phatthalung
  8. Phuket
  9. Ranong
  10. Satun
  11. Songkhla
  12. Surat Thani
  13. Trang
  14. Yala

[baguhin] Heograpiya

Ika-49 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Thailand na may kabuuang sukat na 513,000 km². Maaaring ihambing ito sa laki ng Espanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ng California ng Estados Unidos.

Ang Thailand ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok sa Doi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ng Ilog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid na Kra Isthmus na lumalaki habang patungong tangway ng Malay.

[baguhin] Demograpiya

Karamihan sa populasyon ng Taylandiya ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taong Tai. Ang ilan sa kanila ay ang, taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang hai o Isan o Lao, Ang taga-Hilagang Thai, at ang mga taga-Katimugang Thai. Ang mga taga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Thailand at bahagya lamang ang mga taga Hilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ng Gitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal na diyalekto.

Ang Wikang Thai ay ang pambansang wika ng Thailand, na isinusulat sa sarili nitong alpabeto, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal na diyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ng Isan o Mon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.

[baguhin] Edukasyon

Pangunahing lathalain: Edukasyon sa Thailand
Mga mag-aaral ng Mababang Paaralan sa Thailand

Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maaayos na sistemang pam-paaralan ng kindergarten, mababang paaaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na Baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 Baitang.

[baguhin] Mga sanggunian

  1. De Dios, Reynaldo [Tagalog] at Afenir [Ilokano]. (2005). "Taylandiya". English-Tagalog-Ilokano Vocabulary.

Mga pansariling kagamitan
Sa ibang wika