Espanya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Espanya (paglilinaw).
Kaharian ng Espanya
Reino de España
Watawat
Pambansang Kasabihan: "Plus Ultra"  (Latin)
"Lampas pa sa lalong malayo"
Pambansang Awit: "Marcha Real"  (Kastila)[note 1] "Martsang Makahari"
Kinaroroonan ng  Espanya  (luntiang maitim)

– sa lupalop ng Europa  (luntiang maputi & dark grey)
– sa Unyong Europeo  (luntiang maputi)  —  [Gabay]

Kabisera Madrid
40°26′N 3°42′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod kabisera
Opisyal na wika Kastila[note 2]
Kinikilalang rehiyonal na wika Aranes, Basko, Katalan/Balensiyano at Galisyano
Pangkat etniko  88.7% Kastila, 11.3% Iba pa (Rumanya, Morokano, Ekwadoryano, Kolombiyano, Britaniko)[1][2]
Pangalang-
turing
Spanish, Spaniard sa wikang Ingles
Pamahalaan Demokrasyang parliyamentaryo at Monarkiyang pangsaligang batas
 -  Hari Juan Carlos I
 -  Punong Ministro Mariano Rajoy (PP)
Pormasyon Ika-15 daantaon 
 -    Dinastiko 1479 
 -    de facto 1516 
 -    de jure 1716 
 -    Demokrasyang konstitusyonal 1978 
Lawak
 -  Kabuuan 504,030 km2 (Ika-51)
195,364 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.04
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2012 47,102,430 (Ika-27)
 -  Kakapalan 90 katao/km2 (Ika-106)
231/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $1,397 trilyon[3] 
 -  Bawat kapita $30,620[3] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $1,611 trilyon[3] 
 -  Bawat kapita $35,331[3] 
Gini (2005) 32[4] 
TKT (2006) Green Arrow Up Darker.svg 0.949 (mataas) (Ika-16)
Pananalapi Euro ()[note 3] (EUR)
Pook ng oras CET[note 4] (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Anyo ng Petsa dd.mm.yyyy (Spanish; CE)
Nagmamaneho sa kanan
Internet TLD .es[note 5]
Kodigong pantawag 34

Ang Kaharian ng Espanya[5] (internasyonal: Kingdom of Spain; Kastila: Reino de España) ay isang bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa. Sinasaklaw nito ang Tangway ng Iberya kasama ng Portugal at Gibraltar. Ang hangganan nito sa hilagang-silangan, sa bulubunduking Pyrenees, ay ang Pransiya at ang maliit na prinsipado ng Andorra. Kasama sa territoryo nito ang Kapuluang Balear sa Dagat Meditereo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko, ang mga lungsod ng Ceuta at Melilla sa hilagang Afrika, at ilang maliliit at di pinananahanang pulo sa Meditereo sa tabi ng Kipot ng Hibraltar, gaya ng Islas Chafarinas, Peñón de Vélez de la Gomera, Peñón de Alhucemas, at Isla Perejil.

Ang mga sinaunang modernong tao ay dumating sa tangway ng Iberia noong tinatayang 35,000 taong nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BCE, at lumaon ang rehiyon ay binansagang "Hispania". Noong Gitnang Panahon sinakop ito ng mga tribong Germaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Reyes Catolicos at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, Reconquista, ng tangway ng Iberia mula sa mga Moro noong 1492. Naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya sa unang bahagi ng modernong panahon, isa sa ilang mga bansang sumakop sa Bagong Daigdig at ipinamana ang Wikang Kastila, na naging dahilan upang maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig ayon sa nominal na GDP. May mataas din na antas ng pamumuhay ang bansa na ika-sampung pinakamataas na kalidad ng buhay sa daigdig noong 2005.

Etimolohiya[baguhin]

Ang pinagmulan ng pangalang Hispania, kung saan hango ang kasalukuyang pangalang España, ay hindi tiyak at maaaring hindi alam dahil sa kakulangan ng mga sapat na katibayan. Ang Hispania ay maaaring hango sa padulang paggamit ng salitang Hesperia, na ipinakikita sa pagtingin ng mga Sinaunang mga Griyego sa Italya bilang "Lupang kanluran" o "lupang nilulubugan ng araw" (Ang Hesperia, o Ἑσπερία sa Wikang Griyego) pati sa Espanya, na bahagi ng dulong kanluran, bilang Hesperia ultima.[6]

Maaari rin hango ito sa salitang Puniko na I-Shpania (אי שפניא), na nangangahulugang "pulo ng mga kuneho", "lupain ng mga kuneho", isang pagtukoy sa pook ng Espanya sa dulo ng Mediterano.[7] May mga nagsasabi din na ang "Hispania" ay hango sa salitang Basque na Ezpanna na may kahulugang "dulo" o "hangganan", na tumutukoy sa pook ng tangway ng Iberia sa timog kanluran ng kontinenteng Europeo.[6]

Kasaysayan[baguhin]

Ang España ay may malawak at kumplikadong kasaysayan. Sa ilalim ng Imperyong Romano, ang Hispania, ang kabuuan ng Iberian Peninsula, ay umunlad at naging isa sa mga pinakaimportanteng rehiyon ng Imperyo. Noong unang parte ng Gitnang Panahon, ito ay napasakamay ng mga tribong Germanic. Sa kalaunan, halos ang buong peninsula ay napasailalim sa mga pinunong Muslim. Sa isang mahabang proseso, nagawang mapatalsik ng mga kahariang kristiyano sa hilaga unti-unti ang mga Muslim, na tuluyan nang napawi noong 1942. Sa taon ding iyon, narating ni Columbus ang Amerika. Ang España ay naging pinakamakapayangyarihang kaharian sa Europa noong ika-labing-anim at ika-labimpitong siglo, ngunit ang patuloy na mga giyera at iba pang mga problema ay nagdulot ng pagbaba ng estado nito. Sa kalagitnaan ng ika-dalawampung dantaon, may nabuong diktaturya, kung saan ito ay nakaranas ng maraming taon ng pananamlay, at nang lumaon, ay isa rin namang ekonomikong pagkabuhay. Noong 1986, ito ay sumapi sa European Union at nakaranas ng pang-ekonomiko at pang-kultural na renaissance.

Ang Imperyong Romano at ang Pagsalakay ng mga Tribong Germanic[baguhin]

Noong ikalawang Digmaang Puniko, sinakop ng mga Romano ang ilang kolonya ng Carthage sa hinaba-haba ng Mediterraneo (simula 210 BC hanggang 205 BC). Ito ay nagbigay-daan sa pagkontrol ng Roma sa halos kabuuan ng Tangway Iberiko - isa pamamahalang nagtagal sa loob ng limandaang tao.

Isinaayos ng mga Romano ang mga lungsod, na tulad ng Lisbon at Tarragona na noon ay nakataguyod na, at itinayo rin nila ang Zaragoza, Mérida, Valencia, León, Badajoz, at Palencia. Ang ekonomiya ng peninsula ay lumago sa pamumunong ito. Ang Hispania, ang katawagang lumaganap para sa tangway na ito, ay nagsilbi bilang kamalig ng mga romanong merkado, habang ang mga puwerto nito ay nagluwas ng ginto, lana, olive oil, at alak. Ang produksiyong pang-agrikultura ay lumaki dahil sa mga proyektong irigasyon. Ang mga emperador Trajan at Theodosius I, at ang pilosopong si Seneca ay ipinanganak sa Hispania. Ang Kristiyanismo ay ipinakilala sa Hispania ika-isang dantaon CE, at ang pagkilala dito ay nag-ibayo sa ika-dalawang dantaon CE. Ang karamihan sa mga kasalukuyang lenggwahe at relihiyon ng España, at ang batayan ng mga batas nito, ay nahahango sa kapanahunang ito.

Ang mga unang tribong Germanic na lumusob sa Hispania ay dumating noong ika-limang siglo, samantalang ang Imperyong Romano ay humihina. Ang mga Visigoths, Suebi, Vandals, at Alans ay sumipot sa España sa pamamagitan ng pagtawid sa bulubunduking Pyrenees. Ang mga romanisadong Visigoths ay pumasok sa Hispania nnong 415. Matapos ang pagsasakristiyanismo ng kanilang monarkiya, ang mga kaharian ng mga Visigoths ay pinaligiran ang malaking bahagi ng Tangway Iberiko pagkatapos nilang masakop ang mga teritoryang Suebic sa hilagang-kanluran at Silangang Romano (Bizantino) sa timog-silangan.

Pagbagsak ng Pamumunong Muslim at ang Pag-iisa[baguhin]

Imperyong Espanyol[baguhin]

Ang imperyong Espanyol ay isa sa pinakamalawak na imperyo sa kasaysayan at isa sa mga unang imperyong pandaidigan. Noong siglo 15 at 16, ang Espanya ang taga-pagtaguyod ng pagdaigdigan ekplorasyon at pananakop ng Europa. Binuksan ng Espanya ang kalakalan sa mga karagatan - sa Dagat Atlantico sa pagitan ng Espanya at Amerika, at sa Dagat Pacifico sa pagitan ng Asya-Pacifico at Mexico sa pamamagitan ng Filipinas. Ibinagsak ng mga conquistador ang sibilisasyong Azteca, Inca at Maya at malaya nitong inangkin ang malawak na lupalop ng Timog at Hilagang Amerika. May isang panahong nasa tugatog ito sa pangingibabaw ng lakas nito sa mga karagatan dahil sa kanyang hukbong pandagat at pangingibabaw ng hukbong sandatahang tercios nito sa larangan ng mga sagupaan sa Europa. Nagtamasa ng ginintuang edad sa kultura ang Espanya noong siglo 16 at 17.

Mula sa kalagitnaan ng siglo 16, ang mga minahan ng ginto at pilak sa Amerika ang nagtaguyod sa lakas militar ng koronang Habsburgo ng Espanya sa mahabang sunud-sunod ng pakikidigma nito sa Europa at Hilagang Africa. Natamo ng imperyong Espanya ang pinakamalawak nitong teritoryo sa mundo noong siglo 17 at 18, datapuwat nagsimula itong humupa sa pabago-bagong kapalarang pangmilitar at pangkalakalan mula ng mga 1640. Mula sa mga bagong karanasang ito ng pahirap at pagdurusa sa pagpapalawak ng imperyo, nagbalangkas ang mga eskolar na Espanyol ng mga makabagong kaisipan tungkol sa batas natural, kasarinlan, batas pandaigdig, digmaan at ekonomika – gayundin ang pagkuwestyon sa katarungan ng imperyalismo – sa magkakalapit ng paaralang pang-isip na tinawag ng Eskwela ng Salamanca.

Ang patuloy na pakikibaka ng Espanya sa mga karibal na lakas ay nagdulot ng sigalot teritoryal, komersiyal at panrelihiyon na nang lumaon ay nagdulot sa mabalagal na paghupa ng kapangyarihan nito sa simula kalagitnaan ng siglo 17. Madalas ang pakikidigma nito sa imperyong Otomano sa Mediterraneo; sa Europa, ang Francia ay naging kasinglakas nito. Sa karagatan, unang karibal nito ang Portugal na sinundan ng mga Ingles at Holandes. Dagdag pa rito, ang mga piratang Ingles, Holandes at Frances sa karagatan, ang malawak na pagtulong ng militar nito sa kanyang mga nasasakupan, ang pagtaas ng katiwalian sa gobyerno, at hindi pagsulong pang-ekonomiya na dulot ng tustosing militar nito ang sa dakong huli ay nagdulot sa paghina ng imperyo.

Natapyas ang imperyo nito sa Europa sa Kapayapaan sa Utrecht (1713) na nag-alis sa Espanya ng mga natitira nitong teritoryo sa Italia at Mabababang Bansa (Nederlands). Nang lumaon bumuti ang kapalaran nito ngunit naging segunda lamang ito sa politika sa Europa.

Gayunpaman, napanatili at napalawak nito ang kanyang imperyo sa labas ng Europa hanggang siglo 19 nang magulantang ito sa Digmaang Peninsular na nagbunsod sa deklarasyon ng kalayaan sa Quito (1809), Colombia (1810), Venezuela at Paraguay (1811) at sunod-sunod na rebolusyon na naghiwalay sa mga teritoryo nito sa Amerika. Napanatili nito ang ilang mahahalagang bahagi ng imperyo sa Caribe (Cuba at Puerto Rico); Asya (Filipinas), at Oceania (Guam, Micronesia, Palau, at Hilagang Marianas) hanggang sa pagdating ng Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. Ang pagsali ng Espanya sa Agawan sa Africa ay maliit lamang: hawak na nito ang Hispanong Morocco hanggang 1956 at ang Hispanong Guinea at Hispanong Sahara ay hawak hanggang 1968 at 1975 sa magkasunod na nabanggit. Ang Isla Canaria, Ceuta, Melilla ay mga dibisyong administratibo na magpahanggang ngayon ay bahagi ng Espanya, at ang Isla de Alborán, Isla Perejil, Islas Chafarinas, Peñón de Alhucemas, at Peñón de Vélez de la Gomera ay mga teritoryong bahagi pa rin ng Espanya. Gayundin, ayon sa UN, ang “Hispanong Sahara/Kanlurang Sahara” na inangkin ng Morocco noong 1976 ay teknikong nasa ilalim ng Administrasyong Espanyol hanggan ngayon.

Politika[baguhin]

Pamahalaan ng España[baguhin]

Ang España ay may porma ng gobyernong monarkiyang konstitusyonal, kung saan may minamanang monarkiya at isang bicameral parliament, ang Cortes Generales.Ang sangay ehekutibo ay binubuo ng Konseho ng mga Ministro na pinangunguluhan ng Presidente ng Gobyerno, na iminungkahi ng monarko at hinalal ng National Assembly.

The sangay lehislatibo ay binubuo ng Congress of Deputies na may 350 mga miyembro, na pinili batay sa popular na botong may angkop na representasyon upang maglingkod ng apat na taong termino, at ng Senado na may 259 seats, kung saan 208 ay tuwirang hinalal at 51 ang ninombrahan ng rehiyonal na lehislatura sa tungkuling nagtatagal ng apat na taon.

Konstitusyong Espanyol[baguhin]

Ang 1978 Saligang Batas ng España ay isang kulminasyon ng pagtungo ng España sa demokrasya.

Ugnayang Panlabas ng España[baguhin]

Pagkatapos ang pagbalik ng demokrasya kasunod ng pagkamatay ni Franco noong 1975, ang naging pangunahing layunin ng patakarang panlabas ng España ay ang kumawala sa diplomatic isolation at palawakin ang diplomatikong ugnayan nito, pumasok sa European Community, at itakda ang ugnayang pangseguridad nito sa iba.

Pagkahati[baguhin]

Tingnan ang Mga awtonomong pamayanan at lungsod ng Espanya.

Mga sanggunian[baguhin]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Spain ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

Mga tala[baguhin]

  1. Nagsisilbi rin bilang Awiting royal
  2. Sa ilang nagsasarili komunidad, Aranes (Okitano), Basko, Katalan/Balensiyano, at Galisyano ay co-opisyal na wika. Asturiano at Leones ay opisyal na kinikilala
  3. Bago sumapit ang 1999 (naaayon sa batas, 2002) : Pesetang Kastila.
  4. Maliban sa Kapuluang Kanaryo, na nasa loob ng sona ng oras ng WET (UTC, UTC+1 sa tag-araw).
  5. Ginagamit din ang dominyong .eu, dahil isinasalo ito sa iba pang mga estadong kasapi sa Unyong Europeo. Gayundin, ang dominyong .cat ay ginagamit sa mga teritoryong nagsasalita ng Catalan.

Mga kawing panlabas[baguhin]