Prinsipado

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Prinsipado o Principate (27 BC – 235 AD) ay ang unang yugto ng Imperyong Romano, nagsimula mula sa paghahari ni Agusto Cesar hanggang sa Krisis ng Ikatlong Siglo, kung saan is pinalitan ito ng Dominado.

Yugto[baguhin]

Sa Prinsipado, pinamumukha ng mga Emperador Romano na hindi parin natatapos ang Republikang Romano. Nanggaling ito sa Latin na princeps, na may kahulugang chief o una, ang pampolitika na aspekto na umiiral noon ay kung saan itinuturing ng mga Emperador na sila mga "nangunguna sa mga tao" o "primus inter pares/first among equals" sa mga Romano. Sa madaling salita, hindi parin itinuturing ng mga Emperador Romano ang sarili bilang emperador bagkus sila raw ay mga mataas na mamamayang Romano.