Imperyong Romano
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang Imperyong Romano ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.[4] Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang walang hanggang diktador o Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).
Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglaterra at Francia, Italia, Albania, at Grecia, ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Ciria, Libanon, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.
Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang ibagsak ang 14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulo Augusto na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di nahahating Imperyo o Classical Roman Empire kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang Imperyo Romano ng Silangan, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.
Mga nilalaman |
[baguhin] Ang Pag-inog ng Imperyong Roma
Tradisyonal na ipinakikita ng mga mananalaysay ang pagkakaiba sa pagitan ng Principado, ang panahon na sumunod kay Augusto hanggang sa Krisis ng Siglo 3, at Dominado, ang panahon mula kay Diocleciano hanggang the katapusan ng imperyo sa kanluran. Ayon sa pagkakaibang ito, noong Principado (mula sa salitang Latin na princeps, “unang mamamayan”) ang katotohanan ng absolutismo ay pormal na nakakubli sa pormang gobyernong republikano habang noon namang Dominado (mula sa salitang dominus “panginoon” o “may-ari”) lantad ang imperyong kapangyarihan na may koronang ginto at mabulaklak na pang-imperyong rituwal. Kamakailan, itinatag ng mga mananalaysay na ipinahihiwatig ang situwasyon ito: ang ilang porma ay nagpatuloy hanggang panahong Bizintino, libong taon matapos itong lalangin. Ang pagpapakita ng imperyong kortes ay karaniwan na sa simula pa man ng Imperyo.
[baguhin] Ang Senado
Habang patuloy parin nagkikita ang Asembliya ng Roma pagkatapos itatag ang impeyo, ang kanilang kapangyarihan ay nilipat sa Senado Romano, kaya ang mga batas-senado (senatus consulta) ay nakukuha ng kapangyarihan matupad bilang tunay na batas.
[baguhin] Ang Mga Emperador (Pagkatapos ng Republikang Romano)
Walang tiyak na sagot tungkol sa kung sino talaga ang unang emperador ng Roma. Sa ilalim ng teknikal na pananaw, hindi malinaw na may “unang emperador,” sa dahilang hindi ito isang opisyal ng puwesto sa sistemang batas Romano – sa halip, ito ay pagsasanib ng mga magkakaibang puwesto.
[baguhin] Julius Caesar
Si Julio Cesar/Julius Caesar ay isang Diktador Perpetuidad (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.
[baguhin] Octavio (Augustus Caesar)
Si Octavio, na apo sa pamangkin, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng Augustus – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si Pompey ay ginawaran din ng titulong ito.
Dagdag pa rito, si Augusto Cesar (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble(oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging Pontifex Maximus si Augusto matapos mamatay si Marcus Aemilius Lepidus noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.
Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina Marco Antonio at Cleopatra. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni Cesario. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at politikal. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen.
Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong imperator “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador.
Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang pamumuno ng Julio-Claudio ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay Emperador Nero noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, de facto, hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser).
Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Pang-Praetoria.
Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si Lucius Cornelius Sulla, maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan niya sa Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana.
Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsyang ito na probinsyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.
Sa harap ng Senado na may kontrol sa panalapian, iniutos ni Augusto na ang mga buwis ng lalawigan sa Imperyo ay dapat dalhin sa Fiscus na pinamumunuan ng mga taong pinili at sumasagot lamang kay Augusto. Ang mga kita sa mga lalawigang senatorial ay patuloy na ipinadadala sa Aerarium na nasa ilalim ng superbisyon ng Senado. Dahil dito mas mayaman si Augusto kaysa Senado na mas magandang magbayad ng salarium (suweldo) sa mga lehiyonaryo upang seguradohin ang kanilang katapatan. Sineguro ito ng lalawagang imperyo ng Romanong Ehipto na napakayaman at pinakamahalagang supplier ng butil na pagkain sa buong imperyo. Ang pagdalaw ng mga senador sa probinsyang ito ay ipinagbabawal dahil ipinalalagay na pansariling kaharian ito ng emperador. Nagbitiw si Augusto sa kanyang pagkakonsulado noong 23 BC nanatili ang kanyang puwestong imperium consular na humantong sa pangalawang kompromiso sa pagitan ni Augusto at ng Senado na tinawag na Pangalawang Pagkakaunawaan. Ginawaran si Augusto ng kapangyarihan ng isang tribunicia potestas kahit na walang titulo ngunit nagbigay sa kanya na tumawag ng miting ng Senado at bayan kailan nya naisin upang pag-usapan ang mga usaping ihaharap, i-veto ang mga aksyon ng Asemblea o Senado, mamuno sa eleksyon, at karapatang magsalita sa pagbubukas ng anumang miting. Kalakip sa tribunisyang autoridad ni Augusto ay mga kapangyarihang karaniwang reserbado sa censor Romano – kasama ang karapatang mag-supervise ng moralidad ng bayan at suriin ang mga batas upang siguradohing ito ay kapakanan ng publiko, gayundin ang magtakda ng census at tumiyak sa kasapian ng Senado. Walang tribunal sa Roma ang may katulad na kapangyarihang ito, at wala ring nakalipas na pangyayari sa loob ng sistemang Romano ang pagsasanib ng mga kapanyarihan tribunal at ng isang censor sa isang puwesto. Ni hindi nahalal sa Augusto sa tanggapan ng Censor. Hindi pa nababatid kung ang kapangyarihang censor na iginawad by Augusto ay bahagi ng kanyang tibunisyang autoridad o kanya lamang kinamkam ito.
Kasama sa autoridad tribunal, ginawaran din si Augusto ng kapangyarihang imperium sa loob ng lungsod ng Roma. Ang sandatahang lakas ng lungsod na dati ay nasa ilalim na kontrol ng prefecto ay ngayon ay nasa pag-iisang kapangyarihan ni Augusto. Dagdag dito, ginawaran si Augusto ng imperium proconsulare maius (kapangyarihan sa lahat ng prokonsulado), ang karapatang makialam sa alinmang probinsya at pabulaan ang mga desisyon ng sinumang gobernador. Sa kapangyarihang maius imperium, si Augusto lamang ang taong makapaggagawad ng tagumpay sa isang matagumpay na heneral dahil sa lamang ang lider ng buong sandatahang lakas Romano.
Ang mga repormang ito ay kakaiba sa mata ng kaugalian ng republikang Romano dahil ang Senado ay hindi na binubuo ng mga aristokratikong republikano na may malakas na loob upang ipapatay ang Cesar. Marami sa mga senador ay namatay noong Digmaang Sibil at ang mga puno ng mga konserbatibong Republikano sa senado tulad nina Cato at Cicero ay malaon nang patay. Pinatalsik na ni Octavio ang mga natitirang pinaghihinalaang elemento sa Senado. Kanya na ring inilagay ang kanyang mga aristokratang kinatawan dito. Hindi pa rin nalalaman kung gaano kalaya ang Senado sa mga transaksyon nito at anong mga patagong pag-aayon ang nangyari.
Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni Publius Quinctilius Varus ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.
[baguhin] Mga talasanggunian
| Kinabibilangan ng artikulo o seksyon na ito ang isang tala ng sanggunian o mga ugnay panlabas, ngunit nananatiling hindi malinaw ang pinagbatayan dahil kulang ito ng mga pagbanggit sa loob ng teksto. Maaari mo itong pagbutihin sa pagbigay ng mas tumpak na mga banggit kung saan kailangan. |
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D.". Social Science History 3 (3/4): 125. doi:10.2307/1170959.
- ↑ John D. Durand, Historical Estimates of World Population: An Evaluation, 1977, pp. 253-296.
- ↑ Roman Empire -- Britannica Online Encyclopedia. www.britannica.com. Hinango noong Hulyo 9, 2008.
- ↑ "Roman Empire," Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2008
[baguhin] Mga bibliyograpiya
- John Bagnell Bury, A History of the Roman Empire from its Foundation to the death of Marcus Aurelius, 1913
- J. A. Crook, Law and Life of Rome, 90 BC–AD 212, 1967, ISBN 0-8014-9273-4
- Suzanne Dixon, The Roman Family, 1992, ISBN 0-8018-4200-X
- Donald R. Dudley, The Civilization of Rome, 2nd ed., 1985, ISBN 0-452-01016-0
- Edward Gibbon, The History of the Decline and Fall of the Roman Empire, (1776–1788)
- Peter Heather The Fall of the Roman Empire, 2005, ISBN 0-330-49136-9
- A.H.M. Jones, The Later Roman Empire, 284–602, 1964, ISBN 0-8018-3285-3
- Andrew Lintott, Imperium Romanum: Politics and administration, 1993, ISBN 0-415-09375-9
- Ramsay Macmullen, Roman Social Relations, 50 BC to AD 284, 1981, ISBN 0-300-02702-8
- Michael Rostovtzeff, The Social and Economic History of the Roman Empire 2nd ed., 1957
- Santo Mazzarino. The end of the ancient world. New York, Alfred A. Knopf, 1966, (West Hanover : Halliday Lithograph corp.) English translation by George Holmes
- Ronald Syme, The Roman Revolution, 1939, ISBN 0-19-280320-4
- Colin Wells, The Roman Empire, 2nd ed., 1992, ISBN 0-00-686252-7
- Fergus Millar, A Greek Roman Empire: Power and Belief under Theodosius II (408-450). Sather Classical Lectures, Vol. 64. Berkeley: University of California Press, 2006. Pp. 279. ISBN 0-520-24703-5
- McDonnell/MacDonnell, Roman Manliness: Virtus and the Roman Republic
[baguhin] Mga talaugnayang panlabas
- Detailed history of the Roman Empire
- Roman Empire Chronology World History Database
- Interactive Map of the Roman Empire from resourcesforhistory.com
- The Tabula Peutingeriana, a Medieval copy of a Roman map of the Roman Empire
- Rome Unleashed—Roman History Link
- www.roman-empire.net An extensive site on the Roman Empire.
- Grout, James, Encyclopaedia Romana
- J. O'Donnell, Worlds of Late Antiquity website: links, bibliographies: Augustine, Boethius, Cassiodorus etc.
- Portrait gallery of Roman emperors
- Complete map of the Roman Empire in year 100
- The Roman Empire in the First Century from PBS. Resources about Emperors, poets and philosophers of Rome, life in the 1st century AD, and an "Emperor of Rome" game
- Durnovaria town house pictures
- Historical Atlas
- Prätorianer—Die Geschichte des römischen Reiches German website about the history of the Roman empire
- The Roman Law Library By Professor Yves Lassard and Alexandr Koptev
- Roman Glory Military site
- Timeline of the Roman Empire and its split on WikiTimeScale.org
- BBC Romans for Children
- UNRV Roman History
