Moldavia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Moldova)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Moldavia (paglilinaw).
Watawat ng Republika ng Moldoba.
MoldRelief.jpg

Ang Republika ng Moldova o Republika ng Moldoba (Moldavia;[kailangan ng sanggunian] internasyunal o konbensyunal na mahabang anyo sa Ingles: Republic of Moldova; konbensyunal na maikling anyo: Moldoba o Moldova), opisyal na lokal na mahabang anyo o nasa wikang Moldobano: Republica Moldova) ay isang bansang walang pampang o bansang napapaligiran ng ibang mga lupaing hindi nito sakop sa Silangang Europa, at nakalagay sa pagitan ng Romanya sa kanluran at Ukranya sa hilaga, silangan at timog. Ipinahayag nito ang sarili bilang isang estadong nagsasarili na may kaparehong mga hangganang katulad ng sa Moldobanong SSR noong 1991, bilang bahagi ng paglalansag ng Unyong Sobyet. Isang piraso ng pandaigdigang kinikilalang teritoryo ng Moldoba sa silangang pampang ng Ilog Dniester ay napailalim sa kontrol na de facto ng tumiwalag na pamahalaan ng Transnistria magmula pa noong 1990.

Ang bansa ay isang parlamentaryong republika at demokrasya na may isang pangulo bilang ulo ng estado at punong ministro bilang ulo ng pamahalaan. Ang Moldoba ay kasapi sa Nagkakaisang mga Bansa, Konseho ng Europa, WTO, OSCE, GUAM, CIS, BSEC at iba pang mga samahang pandaigdigan. Sa kasalukuyan, naghahangad ang Moldoba na makasali sa Unyong Europeo,[1] at nagpatupad na ng Planong Gawain na pang-unang tatlong taon sa loob ng balangkas ng ENP.[2]


Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.