Alemanya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Federal Republic of Germany
Republikang Pederal ng Alemanya
Bundesrepublik Deutschland
Pambansang Awit: Das Lied der Deutschen (ikatlong stanza)
tinatawag ding Einigkeit und Recht und Freiheit
Kinaroroonan ng  Alemanya  (kahel)

– sa Europe  (kamelyo & puti)
– sa the Nagkakaisang Europeo  (kamelyo)  —  [Gabay]

Kabisera Berlin
(Siya na ring pinakamalaking lungsod)
52°31′N 13°24′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Aleman1
Pamahalaan Parlamentaryong republikang pederal
 -  Pangulo Joachim Gauck
 -  Kansilyer Angela Merkel (CDU)
Pagkabuo
 -  Silangang Francia 843 
 -  Banal na Imperyong Romano 962 
 -  Kumpederasyong Aleman Hunyo 8, 1815 
 -  Imperyong Aleman Enero 18, 1871 
 -  Republikang pederal Mayo 23, 1949 
 -  Muling pagkakaisa Oktubre 3, 1990 
Lawak
 -  Kabuuan 357,021 km2 (ika-63)
137,858 sq mi 
 -  Katubigan (%) 2.416
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2007 82,400,996 (ika-14)
 -  Senso ng 2000 82,797,408 (taya ng Hulyo 2000) 
 -  Kakapalan 230.9/km2 (ika-50)
598.5/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2006
 -  Kabuuan $2.585 trilyon (ika-5)
 -  Per capita $31,400 (ika-17)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2006
 -  Kabuuan $2.89 trilyon (ika-3)
 -  Per capita $35,072 (ika-19)
Gini (2000) 28.3 (low
TKT (2004) Increase 0.932 (high) (ika-21)
Salipi Euro () (EUR)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Internet TLD .de
Kodigong pantawag 49

Ang Alemanya[1] (internasyonal: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasama sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Denmark at ng Dagat Baltic sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamalaking populasyon na kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, Alemanya ay ang pangalawang pinaka-popular na destination paglipat sa mundo.[2]

Sa kabuuan ng kanyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Germaniko noong mga 100 AD.


Ito ay nabuo lamang bilang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany) na nakilala bilang Kanlurang Alemanya (internasyonal: West Germany) at Demokratikong Republika ng Alemanya (internasyonal: German Democratic Republic) na nakilala naman bilang Silangang Alemanya (internasyunal: East Germany). Noong Oktubre 3, 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Kasaysayan[baguhin]

Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lang ang kaalaman sa dating Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Germanic ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.

Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo

Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikat ng kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Denmark at Austria. Sa mga huling taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.

Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.

Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.

Pagkakahati[baguhin]

Labing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:[3]

  1. Baden-Wurtemberg (Stuttgart)
  2. Baviera (Múnich)
  3. Berlin (Berlin)
  4. Brandeburgo (Potsdam)
  5. Bremen (Bremen)
  6. Hamburgo (Hamburgo)
  7. Hesse (Wiesbaden)
  8. Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania (Schwerin)
  9. Mababang Sahonya (Hanóver)
  10. Hilagang Renania-Westfalia (Düsseldorf)
  11. Renania-Palatinado (Maguncia)
  12. Sarre (Sarrebruck)
  13. Sahonya (Dresde)
  14. Sahonya-Anhalt (Magdeburgo)
  15. Schleswig-Holstein (Kiel)
  16. Turingia (Erfurt)

Tignan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]


Mga kawing panlabas[baguhin]