Martin Luther

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Martin Luther (paglilinaw).

Si Martin Luther (Nobyembre 10, 1483-Pebrero 13, 1546) ay isang Alemang pari, propesor ng teolohiya at ikonikong pigura Repormasyong Protestante. Kanyang matinding tinutulan ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay mabibili ng salapi. Kanyang kinompronta ang tagpagtinda ng indulhensiya na si Johann Tetzel ng kanyang Ninety-Five Theses noong 1517. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng kanyang mga isinulat sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador ng Banal na Imperyo Romano na si Charles V sa Diet of Worms noong 1521 ay nagresulta sa kanyang pagkakatiwalag ng papa at kondemnasyon ng emperador bilang tagalabag ng batas.

Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kalawaw

Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran. 

Ang kanyang salin ng bibliya sa wika ng mga tao imbis na sa Latin ay naging mas mababasa ng mga tao na nagdulot ng matinding epekto sa simbahan at kulturang Aleman. Ito ay nagpalago ng pagkakabuo ng isang pamantayang salin ng wikang Aleman at nagdagdag ng ilang mga prinsipyo sa sining ng pagsasalin at nakaimpluwensiya sa pagsasalin ng bibliya sa Ingles na King James Version. Ang kanyang mga imno ay nakaimpluwensiya sa mga pag-awit sa simbahan. Ang kanyang pagpapakasal kay Katharian von Bora ay naglatag ng modelo para sa pagsasagawa ng pagpapakasal ng mga pari at pumayag sa mga protestanteng pari na magpapakasal.

Sa kanyang huling mga taon, habang nagdudusa ng ilang mga karamdaman at papabagsak na kalusugan, si Luther ay naging labis na antisemitiko at sumulat na ang bahay ng mga Hudyo ay dapat wasakin, ang mga sinagoga ng mga ito ay sunugin, ang mga salapi nito ay kompiskahin at alisan ng kalayaan. Ang mga pangungusap na ito ang nag-ambag sa kanyang katayuang kontrobersiyal.

Mga nilalaman

[baguhin] Biograpiya

Si Luther, isang anak ng minerong Saxon ay ipinanganak sa Eisleben, Alemanya. Gusto ng ama niya maging abogado ngunit ginusto niya pumasok sa monasteryong Augustinian sa Erfurt at di kalaunan ay inordinahan siya bilang pari noong 1507. Noong 1510, binisita niya ang Roma dahil sa kanyang tungkulin at bigla siyang nabigla na merong korupsyon na nagaganap sa simbahan. Pinag-aralan niya ang Bibliya ng mabuti at nagkaroon siya ng konklusyon na si Hesus ang tagapamagitan ng Diyos at tao. Matatamo lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng Biliya at pananampalataya. Tutol din siya sa mga sakramento pagkat di ito nakasulat sa Bibliya maliban sa binyag at komunyon.

Inalay ni Luther ang kanyang sarili sa buhay monastiko na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aayuno, mga mga mahabang oras ng panalangin, pilgrimahe at palagiang pangungumpisal. Kanyang kalaunang pinahayag na "kung ang sinumang ay makakarating sa langit dahil sa pagiging monghe, ako ay tiyak na isa sa mga kabilang dito". Inilarawan ni Luther ang yugtong ito ng kanyang buhay bilang isa sa mga malalim na espiritwal na kawalang pag-asa. Kanyang sinabi na "ako ay nawalan ng pakikipag-ugnayan kay kristo na tagapagligtas at taga-aliw at ginawa ko siyang tagabantay ng bilangguan at tagabitay ng aking pobreng kaluluwa".

Si Johann von Staupitz na superior ni Luther ay naghayag na si Luther ay nangangailangan ng mas maraming mga gawain upang abalahin siya sa labis na pagninilay-nilay at kanyang inutos kay Luther na magpursigi ng isang akademikong karera. Noong 1507, si Luther ay inordinahan sa pagkapari at noong 1508 ay nagsimulang magturo ng teolohiya sa University of Wittenberg. Siya'y nakatanggap ng digring batsilyer sa pag-aaral ng biblya noong Marso 9, 1508 at isa pang digring batsilyer sa mga sentences ni Peter Lombard noong 1509. Noong Oktubre 19, 1512, si Luther ay ginawaran ng doktor ng teolohiya at noong Oktubre 21, 1512 ay tinanggap sa senado ng gurong teoholikal ng University of Wittenberg kung saan siya ay tinawag sa posisyong doktor ng bibliya. Kanyang ginugol ang kanyang natitirang karera sa posisyong ito sa University of Wittenberg.

[baguhin] Simula ng repormasyon

Noong 1517, si Johann Tezel na isang prayleng Dominikano at komisyoner ng papa para sa mga indulhensiya ay ipinadala Alemanya ng Simbahang Katoliko upang magbenta ng mga indulhensiya upang makaipon ng salapi para sa muling pagtatayo ng St. Peter's Basilica sa Roma. Ayon sa teolohiya ng Romano Katoliko, ang pananampalataya lamang kahit ito pa ay pidusyaro o dogmatiko ay hindi makakapagwalang sala isang tao. Ang pagpapawalang sala ay nakabatay lamang sa gayong pananampalataya kung ito ay aktibo sa pagtulong at mabuting mga gawa. Ang benepisyo ng mabuting mga gawa ay makakamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi sa simbahan. Noong Oktubre 31, 1517, si Luther ay sumulat sa obispong si Albert ng Mainz na nagpoprotesta sa pagbebenta ng mga indulsiya. Kanyang inilakip ang kopya ng "Disputation of Martin Luther on the Power and Efficacy of Indulgences," na tinawag na The Ninety-Five Theses.

Ang doktrina ng Indulhensiya ay ang bagay na nagpagalit sa kanya. Ang pagbebenta ng Indulhensiya---ang kapatawarang ng panadaliang parusa ng mga kasalanang nagawa at kinumpisal ay pinagkakakitaan. Si Albert of Bradenburg, arsobispo ng Mainz ay sinuportahan ito.Kaya noong pinadala ang kanyang kinatawan sa Saxony, ipinaskil niya ang kanyang sikat na 95 Theses sa pintuan ng simbahan ng Wittenburg noong Oct 31, 1517. Bagamat ang iba sa kanyang mga theses ay direktang kinukutya ang polisiya ng papa, ito a nagging pansamantalang tumutol sa pagpupulong. Ang kopya nito ay mabilis kumalat sa buong Europa at nagging kontrobersyal. Nang malaman ng Saxong Dominican ito, pinaratangan siyang erehe at pinatawag sa Augsburg para sa papal legate. Tumangging bawiin ang mga sinabi laban sa Simbahan. Pumunta siya sa Wittenburg para humingi ng proteksiyon kay Frederick III. Sinabi ni Frederick na wag muna siya pumunta sa Roma upang di siya makulong o mapatay.

Noong 1510, kinumpleto ni Luther ang tatlo kanyang mga nagawa kung saan ang nilalaman noon ay kanyang mga saloobin. Sa kanyang Address to the Christian Nobility to the German Nation, hinimok niya ang mga prinsipe na magkaroon ng reporma, sa Prelude Concerning the Babylonian Captivityof the Church, initake niya ang papado at ang teolohiya ng sakramento at sa On The Freedom of the Christian Man, ipinakita ang mabuting gawa.A ng Exsurge Domine ay ipinasa noong June 15 noong parehong panahon naiyon. Binigyan siya ng 60 days para magbalik-loob at noong Enero 3, 1521 inekskomunika siya.

Si Luther ay nagsulat ng mga libro patungkol sa mgakatesisno, sermon, hymno at libu-libong mga sulat at isinalin niya ang Bibliya sa wikang Aleman. Nag-organisa ng bagong simbahan sateritoryo ng Alemanya at sinuportahan ng prinsipe. Ang mga pari ay pwede ng magpakasal Napabayaan ang mga seminaryo at kumbento. Bigla na lang humina ang kanyang suporta ng pinakilaman niya ang Knights Revolt at Peasant War. Ang Diet ay may pinalabas na kautusan na tinatawag na Edict of Worms, sinasabi na bawal basahin ang kanyang mga nailathala. Nagpakasl siya sa Cisterian na madre na nagngangalang Katharina Von Bora at nagkaroon ng anim na anak.

Noong 1545, Siya ay inatasang maglitis at Eisleben.Sa kabila ng malamig na panahon, naglakbay pa rin siya. Ang pag-aaway ay nangyari noong Pebrero 17, 1546 pero ang kanyang pamilya ay naging matatag at sa kasamaang palad namatay siya kinabukasan.

[baguhin] Antisemitismo

Ang orihinal na takip ng aklat ni Luther na "Tungkol sa mga Hudyo at kanilang mga kasinungalingan" na inilimbag noong 1543.

Itinuring ni Luther na ang mga hudyo ay mapamusong at mga sinungaling dahil itinanggi nila ang pagkadiyos ni Hesus. Sa parehong panahon, naniwala si Luther na ang lahat ng mga tao na lumabag sa diyos ay pareho ang responsable sa kasalanan. Noong 1523, si Luther ay nagpayo ng kabutihan sa mga Hudyo dahil sa ang layunin niya ay maakay ang mga ito sa kristiyanismo. Nang mabigo si Hitler sa kanyang pag-akay sa mga Hudyo, siya ay nagsimulang mapoot sa mga ito. Ang dalawa sa malaking kasulatan ni Luther tungkol sa mga Hudyo ang 60,000-salitang paghahayag na Von den Juden und Ihren Lügen (Tungkol sa mga Hudyo at sa kanilang mga kasinungalingan) at Vom Schem Hamphoras und vom Geschlecht Christi (Tungkol sa banal na pangalan at sa angkan ni kristo) na parehong inilimbag noong 1543 mga tatlong taon bago ang kanyang kamatayan. Isinulat ni Luther na ang mga Hudyo ay hindi na mga piniling bayan ngunit isa nang bayan ng diablo. Kanyang inilarawan ang mga Hudyo sa isang marahas at nakakalasong mga salita. Itinaguyod din Luther ang pagsunog ng mga sinagoga ng mga Hudyo, pagwasak ng mga aklat ng panalangin ng mga ito, pagbabawal sa pangangaral ang mga rabbi, pagsunggab ng mga ari-arian at salapi ng Hudyo at pagwasak ng mga tahanan nito upang ang mga "nakalalasong mga uod" na ito ay pwersahing pagtrabahuhin at patalsikin "sa lahat ng panahon".

Si Luther ang pinaka-binabasang may akda ng kanyang heneresyon at siya ay nagkamit ng katayuang propeta sa Alemanya.[1] Ayon sa nananaig na pananaw ng mga historyan, ang anti-Hudyong retoriko ni Luther ay may malaking naiambag sa pagbuo ng antisemitismo sa Alemanya[2] at sa pagitan ng mga taong 1930 at 1940 ay nagbigay ng ulirang saligan sa pag-atake sa mga Hudyo ng partido Nazi ni Adolf Hitler.[3] Ayon din sa mga historyan, ang halos bawat mga anti-hudyong aklat na inilimbag noong panahon ng Nazi sa Alemanya ay naglalaman ng mga sanggunian at sipi mula kay Luther.

Si Bishop Martin Sasse, na pangunahing tao ng simbahang Protestante ay naglimbag ng kompendium ng mga kasulatan ni Luther sa sandaling pagkatapos ng Kristallnacht na isinagawa ng Nazi laban sa mga Hudyo. Pinuri ni Sasse ang pagsunog ng mga sinagoga at ang koinsidensiya ng araw na ito sa kaarawan ni Luther na kanyang isinulat sa panimula ng kasulatang ito: "Noong Nobyembre 10, 1938, sa kaaarawan ni Luther, ang mga sinagoga ay nasusunog sa Alemanya". Hinikayat rin ni Sasse na pakinggan ng mga Aleman ang mga salita "ng pinakadakilang antisemitiko nang kanyang panahon at tagapag-babala ng kanyang mga kapwa Aleman laban sa mga Hudyo".[4]

[baguhin] Sanggunian

  1. The assertion that Luther's expressions of anti-Jewish sentiment have been of major and persistent influence in the centuries after the Reformation, and that there exists a continuity between Protestant anti-Judaism and modern racially oriented anti-Semitism, is at present wide-spread in the literature; since the Second World War it has understandably become the prevailing opinion." Johannes Wallmann, "The Reception of Luther's Writings on the Jews from the Reformation to the End of the 19th century", Lutheran Quarterly, n.s. 1 (Spring 1987) 1:72–97.
  2. Berger, Ronald. Fathoming the Holocaust: A Social Problems Approach (New York: Aldine De Gruyter, 2002), 28; Johnson, Paul. A History of the Jews (New York: HarperCollins Publishers, 1987), 242; Shirer, William. The Rise and Fall of the Third Reich, (New York: Simon and Schuster, 1960).
  3. Grunberger, Richard. The 12-Year Reich: A Social History of Nazi German 1933–1945 (NP:Holt, Rinehart and Winston, 1971), 465.
  4. Bernd Nellessen, "Die schweigende Kirche: Katholiken und Judenverfolgung," in Buttner (ed), Die Deutchschen und die Jugendverfolg im Dritten Reich, p.265, cited in Daniel Goldhagen, Hitler's Willing Executioners (Vintage, 1997)

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo

Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika