Diyos

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Zeus na punong diyos sa Griyegong mitolohiya.
Mga diyos ng relihiyong Hinduismo na sina Brahma, Vishnu at Shiva kasama ng kanilang mga konsorte.

Ang diyos(diyos) o mga diyos(gods) ay tumutukoy sa isang diyos sa monoteismo o monistong diyos sa politeismo. Ang diyos ay kalimitang iniisip bilang isang manlilikhang supernatural at tagapangasiwa ng uniberso o sansinukob. Ang mga teologo sa buong kasaysayan ay nagbigay ng iba't ibang katangian sa iba't ibang mga konsepsiyon ng diyos. Ang pinakaraniwan sa mga ito ang katangiang kinabibilangan ng omnisiyensiya(walang hanggang kaalaman o alam ang lahat ng bagay), omnipotensiya(walang hanggang kapangyarihan o magagawa ang lahat ng bagay), omnipresensiya(umiiral sa lahat ng lugar), omnibenebolensiya(sakdal sa kabutihan), at walang hanggan at kinakailangang pag-iral. Para sa mga Abrahimikong relihiyon, ang diyos ay karaniwang inilalarawan bilang may kasariang panlalake at inilalarawan bilang Ama samantalang para sa ibang relihiyon, ang diyos ay maaaring kinabibilangan ng mga lalake(diyos) at babae(diyosa).

Sa di-monoteistikong paniniwala, ang diyos ay ang preternatural na bagay may buhay na kadalasan, ngunit di palagi, may mahalagang kapangyarihan, sinasamba, tinuturing na banal o sagrado, binibigyan ng mataas na pagkilala, o ginagalang ng mga tao. Tinatawag na diyosa ang babae na diyos.

Ayon sa Bibliya at sa Kristiyanismo, ang Diyos ay magpasawalanghanggan o walang katapusan.[1]

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan ng salita

  • Espanyol — Dios
  • Latin — Deus (Deus Pater)
  • Griyego — Zeus (Zeus Pater)
  • Sanskrit — Dyaus (Dyaus Pitar/Dyauspitah)
  • Pranses — Dieu

[baguhin] Konsepto sa iba't ibang relihiyon

Walang maliwanag na kasunduan sa kalikasan ng diyos. Ang Abrahamikong mga konsepsiyon ng diyos ay kinabibilangan ng monoteistikong depinisyon ng diyos sa Hudaismo, pananaw na trinitarianismo sa Krisityanismo at konseptong Islamiko ng diyos. Kahit sa mismong libo libong mga sekta ng Kristiyanismo, ang iba't ibang sekta ito ay may iba't ibang pananaw ng kalikasan, katuruan at kalooban ng diyos. Ang dharmikong mga relihiyon ay may ibang pananaw ng diyos. Ang pananaw ng diyos sa Hinduismo ay iba iba sa rehiyon, sekta at kaste mula sa monoteistiko hanggang politeistiko hanggang ateistiko. Ang pagkadiyos ay nakilala ni Buddha partikular ang Sakra at Brahma. Gayumpaman, ang ibang may mga kamalayang entitad kabilang ang ang mga diyos ay tanging gumagampan ng sumusuportang papel sa pansariling landas ng kaligtasan. Ang mga konsepsiyon ng diyos sa mga kalaunang pagbuo ng tradisyong Mahayana ay nagbibigay ng mas kilalang lugar sa mga nosyon ng diyos.

[baguhin] Politeismo

Naniniwala sa maraming diyos at diyosa ang mga lumang relihiyon at ang modernong relihiyon ng Hinduismo. Tinatawag na politeismo ang paniniwalang ito.

Ilan sa mga kilalang mga diyos at diyosa sa mga iba't ibang relihiyon:

[baguhin] Monoteismo

Mayroon namang mga relihiyon na naniwala sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Monoteismo ang tawag sa mga taong naniniwala sa iisang Diyos. Ngunit karaniwan naniniwala din sila sa mga ibang espiritu katulad ng mga anghel at demonyo.

Ang mga Hudyo, Muslim at Kristiyano ay naniniwala sa iisang Diyos. Para sa Hudaismo, ito ay si Yahweh. Para sa Islam, ito ay si Allah. Para sa karamihan ng mga sektang Kristiyano, ang isang Diyos na ito ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na Persona na tinatawag na Banal na Santatlo o doktrina ng Trinidad — ang Ama, Anak (si Hesus), at ang Espiritu Santo na magkakapantay. May ilang mga sektang Kristiyano na hindi naniniwala dito gaya ng Mga Saksi ni Jehova na naniniwalang ang Ama lamang, si Jehova ang tanging tunay na Diyos, si Hesus ang kaniyang Anak (hindi kapantay ng kaniyang Ama), ang banal na espiritu o di-nakikitang puwersa ng Diyos na Jehova. Para sa mga Oneness ang ama, anak at espirut santo ay mga manipestasyon lamang ng isang diyos. Ayon sa Iglesia Ni Cristo, ang tanging diyos ang Ama at si Hesus ay isang tao lamang.

[baguhin] Ateismo at agnotisismo

Ang ateismo ang posisyon na naniniwalang hindi umiiral ang diyos. Ang positibong ateismo ang terminong ginagamit upang ilarawan ang anyo ng ateismo na nagsasaad na walang mga diyos ang umiiral. Ang negatibong ateismo ay tumutukoy naman sa ateismo kung saan ang isang tao ay hindi naniniwala sa pag-iral ng anumang diyos ngunit hindi positibong naghahayag na walang diyos. Ang malakas(strong atheism) at matigas(hard atheism) ay alternatibong termino para sa positibong ateismo samantalang ang mahinang ateismo(weak atheism) at malambot na ateismo(soft atheism) ay mga alternatibong termino para sa negatibong ateismo.

Ang agnotisismo naman ang posisyon na naniniwalang hindi matitiyak kung mayroong diyos o wala. Wala namang pakialam kung may diyos o wala ang mga apateista.

[baguhin] Mga argumento panig at laban sa pag-iral ng Diyos

Ang mga sumusunod ang mga argumentong iminungkahi upang patunayan o pabulaanan ang diyos sa buong kasaysayan ng tao.

[baguhin] Mga argumento para sa pag-iral ng Diyos

  • Argumentong kosmolohikal - Ang argumento na nag-aangking ang lahat ng bagay sa sansinukob ay may pinagmulan at ang "unang pinagmulan" ng lahat ng bagay ay ang Diyos.
  • Argumentong Teleolohikal - Ang argumento na nag-aangking ang uniberso ay kinakikitaan ng sinsasabi ng mga teistang kaayusan at disenyo.
  • Argumentong ontolohikal - Ang argumentong mula sa lohika at katwiran kesa sa empirikal na ebidensiya. Ito ay unang binuo ni Anselm noong huli nang ika-11 siglo CE na nagsasaad na ang diyos ay isang wala nang higit pang maiisip. Ang ibig sabihin nito, ang diyos ay umiiral kung atin siyang maiisip(o malilikha). Noong ika-17 siglo CE, si Rene Descartes ay nagbigay rin ng kanyang bersiyon ng argumentong ito. Kanyang isinaad na ang diyos ang pinakaperpektong(pinakadakilang) maiisip; Mas perpekto(mas dakila) na umiral kesa hindi umiral, kaya ang diyos ay dapat umiral. Noong ika-18 siglo CE, sa kanyang Critique of Pure Reason, si Immanuel Kant ay nagbigay ng pagtutol sa argumentong ito: ang tanging konsepto ng diyos ay hindi kinakailangan ng kanyang pag-iral. Bagaman maaring maisip ang diyos na mayroong katangiang gaya ng makapangyarihan sa lahat, ang pag-iral ay hindi pag-aari ng isang bagay.
  • Argumentong antropiko - Ang argumentong ang mga obserbasyon sa pisikal na uniberso ay dapat umaangkop sa may kamalayang buhay na nagmamasid dito. Ito ay nagsasaad na ito ay kinakailangan dahil kung ang buhay ay imposible, walang makakaalam nito. Ang isang sinasabing pagsubok ng argumentong ito ay humanap ng buhay sa mga uniberso(universes) na iba sa uniberso na kinalalagyan ng planetang mundo(earth). Ang isang karaniwang kristisimo ng argumentong ito ay isa itong madaling deus ex machina na pumipigil sa paghahanap ng mga pisikal na paliwanag. Ayon sa ateistang teoretikal na pisikong si Roger Penrose, "ito ay kagawiang inuudyok ng mga teorista kapag wala silang isang mabuting sapat na teoriya upang ipaliwanag ang mga napagmasdang katotohanan". Ayon din sa mga kritiko ng argumento ito, ito ay hindi isang siyentipikong pahayag kundi isa lamang pilosopikal na pahayag. Ang teoriyang tali(string theory) ay humuhula ng isang malaking bilang ng mga posibleng uniberse(universes) na tinatawag na "backgrounds" o "vacua" na posibleng may iba't ibang mga pisikal na batas. Ang hanay ng mga vacua na ito ay kalimitang tinatawag na multiberso(multiberso) o "anthropic landscape" o "string landscape." Ang parehong kritisismo ay ipinukol sa multiberso bagaman ang ilan ay nangangatwiran na ito ay gumagawa ng mapapamaling(falsifiable) mga prediksiyon.
  • Argumentong moral - Ang argumento na nagsasabing ang obhektibong moralidad ay nakasalalay lamang sa Diyos.
  • Argumentong transendental - Ang argumento na nagsasabing ang lohika, agham, etika, at iba pa ay walang saysay sa kawalan ng pag-iral ng Diyos.
  • Argumento mula sa mga pangyayaring historikal - Ang mga kasaysayan sa mga aklat gaya ng Bibliya, Qur'an, Vedas at Aklat ng Mormon ay nagpapatotoong umiiral ang Diyos.
  • Argumentong induktibo
  • Argumento mula sa patotoo - Mga patotoong milagro na nararanasan ng mga mananampalataya.
  • Argumento mula sa sariling karanasan - Mga karanasang espiritwal na nararanasan ng mga mananampalataya na nasa kanila ang diyos o espiritu ng diyos. Maraming mga mananampalataya ng iba't ibang sekta ay naniniwalang inuudyukan sila ng diyos upang isagawa ang kalooban nito gaya halimbawa ng pangangaral ng mga telebanghelista sa telebisyon, mga ekstremistang Muslim, mga teroristang Kristiyano etc.[2]

[baguhin] Mga argumento laban sa pag-iral ng Diyos

  • Argumento mula sa magkakakontrang pahayag - Ang argumentong nag-aangking ang iba't ibang pahayag sa mga aklat ng iba't ibang relihiyon gaya ng Bibliya, Qur'an, Aklat ng Mormon, Vedas etc. ay kinapapalooban ng mga kontradiksyon at magkakakontrang salaysay. Bukod dito, pinabubulaanan din ng mga arkeologo ang marami sa mga storyang nakasulat dito.[3][4][5][6][7][8]
  • Problema ng kasamaan sa mundo - Ang argumento na nagsasaad na ang isang "mabuti"(omnibenevolent) at mahabaging Diyos ay hindi pahihintulutan ang kasamaan at pagdurusa na umiral sa mundo. Gayundin, ang isang "makapangyarihan"(omnipotent) ay may kakayahang wakasan ang mga pagdurusa sa mundo. Dahil sa umiiral ang mga kasamaan, mga natural na kalamidad, mga aksidente, mga pagdurusa, mga batang namamatay sa gutom, mga Muslim, Kristiyano at iba pang tagasunod ng relihiyon na namamatay sa karamdaman, ang diyos na mabuti(omibenebolente) at makapangyarihan(omnipotente) ay hindi umiiral.
  • Argumento mula sa palpak na disenyo - Ang argumento na nagsasaad na maraming bagay sa sansinukob ay kinakikitaan ng palpak na disenyo.
  • Argumento mula sa kawalang paniniwala - Ang argumento na nagsasaad na kung ang diyos ay umiiral at nais nitong paniwalaan siya ng mga tao, ito ay magbibigay ng mga sitwasyon o ebidensiya na magiging dahilan upang maniwala sa kanya ang lahat ng tao. Dahil sa maraming mga hindi naniniwala sa diyos(ateista) dahil sa kawalang ebidensiya gaya halimbawa ng mga siyentista[9], kung gayon ang diyos ay hindi umiiral. Ayon sa kosmolohista at pisikong si Stephen Hawking noong 2010, ang uniberso ay hindi nilikha ng diyos.[10] Ayon kay Hawking, ang Big Bang ay sanhi ng batas ng grabidad kesa ng interbensiyon ng diyos.[10]
  • Argumentong deduktibo
    • Pinakahuling Boeing 747 na gambit - Ang argumentong ito ay isang kontra-argumento sa argumento mula sa disenyo ng mga naniniwala sa diyos. Ang argumento mula sa disenyo ay nagsasaad na ang isang komplikado at maayos na straktura ay dapat dinesenyo. Ang pinakahuling Boeing 747 na gambit ay nagsasaad na kung ang diyos ang responsable sa paglikha ng uniberso dahil ito ay komplikado, kung gayon ang diyos ay isa rin komplikado gaya ng nilikha nito at ang diyos na ito na dumisenyo ng uniberso ay nangangailangan din ng tagapagdisenyo nito na tutungo sa walang hanggan(ad infinitum). Bukod dito ang pinakahuling Boeing 747 na gambit ay nagpapakita rin na ang diyos ang hindi pinagmulan ng kompleksidad, kundi isa lamang pagpapalagay ng mga teista(theist o naniniwala sa diyos) na ang kompleksidad ay umiiral.
    • Paradokso ng Omnipotensiya - Ang paradokso na nagsasaad na kung ang isang entidad ay omnipotente(magagawa ang lahat ng bagay), kung gayon ito ay makakagawa ng bagay na hindi nito magagawa kaya hindi nito magagawa ang lahat ng bagay. Halimbawa, ang entidad na omnipotente ay dapat makagawa ng isang bato na hindi nito kayang buhatin. Kung makakagawa ito ng batong hindi nito kayang buhatin, kung gayon, hindi magagawa ng diyos ang lahat ng bagay.
    • Problema ng impyerno - Ang argumento na nagsasaad na dahil ang konsepto ng impyerno na ayon sa ilang relihiyon ay isang lugar na nilikha ng diyos upang pagbulidan ng mga masasama at ng mga hindi tagasunod ng diyos na ito sa kawalang hanggan(eternity), ang diyos na ito ay hindi mahabagin o mapagpatawad. Ang konsepto ng isang mahabagin, mapagpatawad, at mabuti ayon sa mga Abrahimikong relihiyon na Kristiyanismo at Islam ay sumasalungat din sa konsepto ng impyerno sa mga relihiyong ito. Bukod dito, ang impyerno ay isang hindi makatarungan at hindi patas na parusa dahil kung ang lahat ng kasalanan, maliit man o malaki ay magbubulid sa isang tao sa impyerno, ang mga tao gaya ni Hitler na pumatay ng higit kumulang na 11 milyong mga katao[11] at ang isang tao na hindi pumatay ng tao ngunit nagsinungaling ay parehong ibubulid sa impyerno sa walang hanggan. Eto ay salungat sa konsepto ng hustisya ng tao na ang parusa gaya ng pagkabilanggo o kamatayan ay angkop sa sidhi ng nagawang kasalanan.
    • Argumento mula sa malayang-kalooban - Ang argumentong ito ay nagsasaad na ang isang omnisiyenteng(alam ang lahat ng bagay) diyos na may malayang kalooban(free will) at nagbigay rin ng malayang-kalooban sa kanyang mga nilalang ay magkasalungat. Kung alam "na" ng diyos ang hinaharap(future), ang diyos o mga nilalang nitong may malayang kalooban ay hindi makakapagpasya ayon sa kalooban nito dahil alam na ng diyos ang lahat ng mangyayari o samakatuwid ay nakatakda na ang hinaharap at ang diyos o mga nilalang nito ay susunod lang sa nakatakda ng mangyayari sa hinaharap.
    • Kontra-argumento sa argumentong kosmolohikal - Ang argumentong nagpapamali sa premiso ng mga naniniwala sa diyos na dahil sa ang lahat ng bagay ay dapat may pinagmulan at ang uniberso ay hindi maaaring umiral ng walang dahilan, ang pinagmulan ng unibero ay ang diyos. Ngunit kung ang lahat ng bagay ay may pinagmulan, ang diyos ay dapat ding may pinagmulan at ang pinagmulan ng diyos ay may pinagmulan din etc na tutungo sa walang hanggang regreso(infinite regress)
    • Teolohikal na kawalang-kognitibismo - ang argumento na nagpapakitang ang konsepto ng diyos ay hindi mapapatunayan ng mga pagsubok pang-agham(scientific tests).
  • Argumentong induktibo
    • Ang ateista-eksitensiyalistang argumento para sa hindi pag-iral ng isang perpektong sentiyenteng(may kamalayan) entidad na nagsasaad na kung ang eksistensiya(pag-iral) ay nauuna sa esensiya(katangian na nagbibay ng pagkakakilalan o identity ng isang entidad o bagay), nangangahulugan lang sa kahulugan ng salitang "sentiyente"(may kamalayan) na ang isang sentiyenteng entidad ay hindi maaaring maging kumpleto o perpekto. Ito ay tinalkay ni Jean-Paul Sartre sa "Being and Nothingness". Ang pariralang ginamit ni Sartre ay ang diyos ay isang pour-soi(entidad para sa sarili nito; isang kamalayan) na isa ring en-soi(entidad sa sarili nito; isang bagay) na isang kontradiksiyon sa mga termino. Ang argumentong ito ay inulit ni Salman Rushdie sa kanyang nobelang Grimus na ang isang isang kumpleto ay patay rin.
    • Ang "walang dahilan" na argumentong nagpapakita na ang isang omnipotente(walang limitasyon ang kapangyarihan) at omniseyenteng(alam lahat ng bagay) entidad ay walang anumang dahilan na gumawa ng anumang bagay lalo na ng paglikha ng uniberso dahil ang entidad na ito ay walang pangangailangan, kagustuhan, mga pagnanais dahil ang mga konseptong ito ay subhektibong(ayon sa pansariling opinyon) pantao. Dahil sa ang uniberso ay umiiral, ito ay nagpapakita ng kontradiksiyon kaya ang isang omnipotenteng diyos ay hindi maaring umiral.
    • Ang induksiyonng historikal na argumentong nagbibigay ng konklusyon na dahil ang karamihan sa mga teistikong(naniniwala sa diyos) relihiyon sa buong kasaysayan gaya ng "lumang relihiyon ng Ehipto"(ancient Egyptian religion) at "lumang relihiyon na Griyego"(ancient Greek religion) at ang mga diyos nito ay sa huli itinuring na hindi totoo o mali, ang lahat ng mga teistikong relihiyon kabilang ang mga kasalukuyang relihiyon ay malamang hindi totoo o hindi tama sa pamamagitan ng induksiyon.
  • Mga subhektibong(ayon sa pansariling opinyon) argumento - Gaya ng mga subhektibong mga argumento na ginagamit para patunayan ang pag-iral ng diyos, ang mga subhektibong argumento laban sa isang supernatural ay nakabatay sa mga testimonya o mga karanasan ng mga saksi.
    • Ang argumento ng saksi ng kawalang diyos ay nagbibigay ng kredibilidad sa personal na pagsaksi sa buong kasaysayan ng mga indibidwal na hindi naniniwala(ateista) o may malakas na pagdududa sa pag-iral ng isang diyos. Ang mga ateistang ito ay nagpapatotoo na kahit humingi sila ng direktang ebidensiya mula sa diyos, ang diyos ay hindi nagbibigay ng ebidensiya o kahit man lang magpakita sa mga ateistang ito. Bukod dito, maraming mga ateista gaya ng mga sekular na humanista at pilantropista ang nagpapatotoong, ang pamumuhay ng etikal at pagtulong sa kapwa ay hindi nangangailangan ng paniniwala sa diyos.[12]
    • Ang argumento ng mga magkakasalungat na relihiyon na nagsasaad na ang mga relihiyon na naniniwala sa diyos at naniniwala na ang kanilang relihiyon ay "tanging" tama at totoo ay nagbibigay ng magkakakontrang mga salaysay kung sino at kung ano ang kagustuhan ng diyos. Bukod dito ang mga relihiyong ito ay naniniwalang ang mga "katunggaling" relihiyon ay mali. Karaniwan din sa mga relihiyon ito ang pagpapatotoo ng kanilang relihiyon sa pamamagitan ng testimonya ng mga na-akay sa relihiyon ito mula sa ibang relihiyon o sekta. Halimbawa, ang mga dating-Muslim(ex-Muslim) na lumipat sa Kristiyanismo ay ginagamit na patotoo ng mga kristiyano sa pagiging totoo ng Kristiyanismo. Sa parehong paraan, ang mga dating-Kristiyano na lumipat sa Islam ang ginagamit na patotoo ng mga Muslim na totoo ang Islam. Kung ang mga "pinaniniwalaang" mga milagro na nangyari sa isang relihiyon o sekta ay patunay na tama/totoo ang relihiyon/sektang ito, kung gayon ang "lahat" ng relihiyon na nag-aangkin ng mga milagro gaya ng Romano Katoliko, Born Again, Mormon, Islam,[13] Hinduismo,[14] Hudaismo,[15][16] Budismo[17] etc. ay totoo at tama rin. Dahil sa ang magkakasalungat na mga salaysay ay hindi tama, ang lahat ng relihiyon ay hindi tama.
    • Ang argumento ng pagkasiphayo na nagsasaad na kung hihingi o mananalangin ng tulong o proteksiyon sa diyos ng relihiyon, walang nangyayari sa panalanging ito kahit sinasabi ng mga relihiyong ito na ang diyos ay nangakong iingatan ang mga tagasunod nito(halimbawa tignan ang Mateo 7:7, Hebreo 13:5, Deut 31:6, Surah 47:7). Kahit sa kabila ng mga pananalangin/pagdarasal at pagsamo ng mga deboto o tagasunod ng mga relihiyong ito gayundin ng mga bata ay dumaranas pa rin ang mga ito ng kamatayan dahil sa kagutuman,[18] karamdaman gaya ng kanser at atake sa puso at namamatay sa sakit na ito,[19][20] mga natural na kalamidad, mga pagdurusa, mga aksidente at iba pang mga problema at panganib.
  • Argumento mula sa parsimonya - Ang argumento na gumagamit ng Occam's razor at nagsasaad na dahil ang mga natural(hindi supernatural) na mga teoriya ay sapat na naipapaliwanag ang pagkakalikha ng isang relihiyon at ang paniniwala sa mga diyos, ang aktiwal na pag-iral ng gayong mga supernatural na ahente ay malabis at dapat itakwil malibang mapatunayang kailangan upang maipaliwanag ang phenomenon na ito.
  • Agumento ng analohiya ng tsarera(teapot) ni Russel na nangangatwirang ang bigat ng pagpapatunay(burden of proof) ng pag-aangking may diyos ay nakahimlay sa mga teista(naniniwala sa diyos) imbis na sa mga ateista.
  • Dilema ni Euthyphro - Ang argumentong ginagamit upang pabulaanan ang moralidad ng mga relihiyon. Ito ay nagsasaad na kung ang isang kautusan ay moral dahil ito ay inutos ng diyos, kung gayon ang moralidad ay batay lamang sa kagustuhan ng diyos. Kung inutos ng diyos ang genocide at pang-aalipin, ito ay ituturing na moral gaya halimbawa sa 1 Samuel 15:3, Levitico 25:44-47, Efeso 6:5 etc. Kung ang isang kautusan ay inutos ng diyos dahil ito ay moral, kung gayon ang diyos ang hindi pinagmulan ng moralidad kundi taggagamit lang nito.

[baguhin] Mga sanggunian

[baguhin] Tignan din

[baguhin] Panlabas na kawing

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo

Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika