Banal na Santatlo

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bahagi ito ng serye hinggil sa
Kristiyanismo
Christian cross.svg

Kasaysayan ng Kristiyanismo
Mga Alagad
Mga kapulungang ekumenikal
Malakihang Pagkakapangkat
Pagbabago

Trinidad
Diyos Ama
Kristo Anak ng Diyos
Banal na Espiritu

Bibliya
Lumang Tipan
Bagong Tipan
Apokripa
Mga Ebanghelyo
Sampung Utos
Pangaral sa Bundok

Teolohiyang Kristiyano
Pagliligtas · Biyaya
Pananampalatayang Kristiyano

Simbahang Kristiyano
Katolisismo
Ortodoksiya
Protestantismo

Mga denominasyong Kristiyano
Mga kilusang Kristiyano
Ekumenismong Kristiyano

Ang Pamosong Aykon ng Santisima Trinidad

Ang Banal na 'Santatlo, Isang Tatlo, o 'Santatlo (Griyego: Trias; Kastila:Trinidád; Tagalog: "Tatlong Kaisahán") ang paniniwala sa nagiisang Diyos na ipinakikilala ng nakararaming Kristiyano. Ayon sa doktrina, ang Diyos ay isang entidad na sabay-sabay na pumapasatao sa loob ng tatlong magkakaibang Persona: ang Ama, ang Anak (si Hesukristo), at ang Banal na Espirito (Espiritu Santo).

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulán

Sa kasaysayan, ang paniniwala sa Trinidad ay maibabalik sa panahong 325 at 500. Ang una ay ang panahon ng pagkakasulat ng Artikulo ng Paniniwala noong isinakatuparan ang Unang Konseho ng Nisea, samantalang ang huli naman ay ang unag pagsubok na "mai-standardized" ang paniniwala sa harap ng mga dipagkakasundo sundo ng mga pananaw. Ang mga kredong ito ay binuo at niratipika ng sinaunang Simbahan noong ikatatlo at ikaapat na dekada bilang tugon sa teolohiyang erehiya o tiwalî.

Ang Kredong Nicene, na siyang klasikong pormulasyon ng mga doktrina, ay gumamit ng salitang "homoousia" (Griyego: "magkasing-sustansiya") na iba sa pagkakabaybay ng salitang "homoiousia", na nangangahulugan ng pagkakapareho, ngunit hindi magkasing-sustansiya. Ang mga argumento ukol sa pagkatao't pagkadiyos ni Kristo at posisyon niya sa 'Santatlo ang naging dahilan ng pagtatalo ng mga iskolar at pagkakabuklod-buklod o sanga-sanga ng iba't ibang mga teolohiya.

Samantala ang Kredong Niseno-Konstantinopolo na may 381 na bersyon ay patuloy pa rin ina sinangayunan ng Simbahang Orthodox. Sinasángayunan din ng Simbahang Romano Katoliko ito dagdag ang "Saknóng Filioque" at patuloy pa ring sinusunod ng maraming (ngunit hindi lahat) Protestante. Nakasaad dito na bilang kasing-sustansiya ng Ama at Anak, naghumayo ang Banal na Espirito hindi lamang sa Ama kundi mula rin sa Anak:

Orihinál na Griyego: Καὶ εἰς τὸ Πνεῦμα τὸ Ἅγιον, τὸ κύριον, τὸ ζωοποιόν, τὸ ἐκ τοῦ Πατρὸς ἐκπορευόμενον (At sa Espirtu Santo, ang Panginoón, ang Nagbibigay-buhay, na Siyang sa Ama'y nagmumulâ.)

May dagdag sa Latín: Et in Spiritum Sanctum, Dominum, et vivificantem: qui ex Patre Filioque procedit (At sa Espirtu Santo, ang Panginoón at nagbibigay-buhay, na Siyang mulà sa Ama at sa Anak' tumutulóy.)

Ang "Trinidád" ay ginagamit na waring ito ay iisa lamang ng pakahulugan. Sa katotohanan, ang Godhead ay may mas malawak na gamit at paksain, tulad ng ideya kung paano ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay nagkakaugnay ugnay sa isat isa.

[baguhin] Ang Iskriptura at Tradisyon

Ang ngalang "'Santatló" ay may literal na kahulugang "katatluhan". Ang salitang ito ay hindi kailanman lumabas sa bibliya maging sa mga salin nito. Hindi ito ginagamit sa kasaysayan bago ng una itong gamitin ni Tertullian sa kaniyang Latin na sulating: tres Personae, una Substantia (Salin, Tatlong Persona, Isang "Substance"). Pinananatili ang Latin na pamagat dahil sa kawalan ng ebidensya kung ang akdang ito ay naisalin sa Tagalog o Filipino. Ito rin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng salitang tinutukoy sa Griyegong "Treis Hypostases, Homousious" noong ikatlong daang taon. Ito ay ang paniniwala ni Marcellus ng Ancyra, sa kaniyang "One the Holy Church, 9";

  • "Valentinus, the leader of a sect, was the first to devise the notion of three subsistent entities (hypostases), in a work that he entitled On the Three Natures. For, he devised the notion of three subsistent entities and three persons — father, son, and holy spirit." [1]

Naniniwala pa rin ang mga Kristiyanong naniniwala sa Trinidad, na kahit na ang salita ay moderno, maging ang mga pormula nito, ito pa rin ay pinaniniwalaang doktrinang nakapaloob sa Bibliya at ng mga kredo, at ng mga tradisyon. Isang halimbawa ay ang sinasabi sa Henesis 18:1-16. Ang iba naman ay naniniwala na ito ay nasa Ebanghelyo. Isa pa rin ang Comma Johannew, ngunit ito ay pinaniniwalaan ding isang "forgery"

[baguhin] Bautismong Trinitarian

Sa Bibliya, ang Mateo 28:19 ang pinaniniwalaang isa sa ugat ng paniniwala sa Trinitarian. Ito ang sya ring ginagamit na pormula sa pagbibinyag.

  • "Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu."

[baguhin] Kinukwestiyon ang Trinidad

Sa kabila ng malawakang pagtanggap ng paniniwalang Trinidad lalo na ng Sangkakristiyanuhan, may iilan pa ring mga pangkat ang hindi naniniwala dito. Kabilang sa mga ito ang Saksi ni Jehova, Mga na naniniwalang si Jehova ang Ama, si Jesus ang Anak at ang banal na espiritu ay ang di-nakiktang puwersa ng Diyos. Nariyan din ang mga Iglesia ni Kristo ngunit di-tulad ng Mga Saksi, hindi nila matanggap ang pangalan ng Ama na Jehova.Ang ganitong paniniwala ay maiuugnay sa aral ng kautusan at hindi nagpapasakop sa mabuting balita ng kaligtasan na sumasailaim o nasasaklawan ng biyaya ng DIOS.

[baguhin] Ang Dios Ay Trinidad, Triune o Isa?

Ang DIOS(AMA) ay nag-iisa noong panahong wala pa ang lahat ng mga bagay, Mga bagay na nakikita man o/at hindi.(Awit 93:2, Genesis 21:13, Isaias 57:15) Siya (ang AMA) ay isang Espiritù(Juan 4:24). Siya ay nag-salita(Juan 1:1) ang kaniyang pasimulang salita o ang unang tinig na nanulas sa kaniyang bibig ay naging isang umiiral na Dios(Juan 1:2). Ito ngang Tinig ay isang “Being” o Umiiral na Persona.(Genesis 3:8) [Ipina-uunawang ang salitang persona na ginamit ay isang salitang pang-ukol upang ipantukoy sa isa na pinag-uusapan.] Ang Tinig o Salita ay isang buhay na Umiiral(Hebreo 4:12), Siya ang sa ngayon ay ang tinatawag na ANAK. Kung ang Tinig ng Ama ay naging isang Dios o Makapangyarihang umiiral na persona, Samakatuwid bagà ay dalawa ang Dios? Tunay na hindi! Ito ay sapagka’t ang Dios(AMA) ay pumaloob o puma-sa personang ito, alalaon baga’y sa ANAK(Juan 14:10). Kung kaya tumpak ang pagkasabi: ako at ang Ama ay iisa. (Juan 10:30) Iisa sapagka’t sila ay nagkakalakip, gaya nang unang araw na lalangin ang tao; siya ay iisa sapagka’t hindi pa na-iwawalay mula sa kaniyang tadyang ang naging isang babae(Genesis 2:21, 5:2). Tunay nga ang pagka-sabi patungkol sa tao: sa wangis ng dios siya nilalang.(Genesis 5:1, 1:27) Subalit kumusta naman ang Espiritù Santo? Hindi bagà ito ay isa na tinutukoy na ikat-long persona ayon sa tradisyong turo ng pinaka-malaking bahagi ng sangka-Kristiyanuhan? Sapagka’t mapapansin sa talata ng Mateo 28:19 na tila bagà may binabanggit na tatlo o talong persona na umiiral. Tangi pa roon, bagaman at ang Ama ay isang Espiritù ay tinukoy din na siya ay mayroong Espiritù(Isaias 61:1). Tunay nga na may isa pang umiiral na persona ang Espiritù Santo.(Genesis 1:2) Ngunit nangangahulugan ba ito na tatlo na ang Dios? Tunay na hindi! Sapagka’t kung mapapangsin ang sanaysay sa itaas ay pinatunayan ng Kasulatan na iisa ang Dios bagaman at tila bagà dalawa(ang Ama at ang Anak)ang nabanggit. Ngunit sa usapin tungkol sa Espiritù Santo bigyang pansin lamang ang demonstrasyon o paghahayag sa pamamagitan ng Bautismo na isinagawa ni Juan Bautista, dito’y mapapag-tanto na ang tatlong persona ay iisang Dios. Mapag-uunawa na tatlo nga ang persona o umiiral ngunit ito ay iisa. Gaya naman ng [isang]tao na kaniyang larawan, binubuo ng: espiritù, kaluluwà, katawan. Tatlo ang binabanggit subalit siya ay iisa.(1Tesalonica 5:23)

Ganito ang ilustrayon o paglalarawan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan:
Ang Anak o ang Salita na naging tao (Juan 1:14) ay binautismuhan ayon sa Kasulatán (Lukas 3:21), Nang mga sandaling iyon Ang Ama ay nag-salita: Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod. (Marcos 1:11) At samantalang nagaganap ito ang Espiritù Santo naman ay napasa-kaniya na ayon sa talata ay ganito ang pangyayari: At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.(Juan 1:32) Kung mumuniing mainam, Matapos na dumapo ang Espiritù sa kaniya ito ay hindi na iniulat na muli pang humiwalay o umalis gaya nang nangyari naman kay Haring Saul na hiniwalayan ng Espiritù ng Dios(1Samuel 16:14), sa halip ang sabi ng Kasulatan ay: At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang,(Lucas 4:1)

Kung gayon tumpak ang mga pahayag na Ang Ama at ang Espiritù Santo ay nananahan sa Anak at ang Anak ay suma-sa Ama; Tunay na walang pag-aalinlangan at hindi mapapasubalian na ang Ama at ang Anak at ang Espiritù Santo, ang Diyos ay iisa. Kaya nalalaman natin kung kanino i-uukol ang marapat na pagsamba na kasuwato ng mga pahayag sa Banal na Biblia.

Isang talata sa Biblia ay 'di nailimbag sa Biblia Tagalog 1905 sa 'di-malinaw na kadahilanan. Tignan sa I Juan 5:7 sa King James Version: "For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word and the Holy Ghost; and these three are One." (Sapagkát mayroóng tatlo na may talà sa langit: ang Ama, ang Salità, at ang Banal na Espirito; at ang tatóng ito ay nasa Kaisahán.)

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo

Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika