Dakilang Constantino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Constantino (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang San Constantino (paglilinaw).
Constantino
Ika-57 Emperador ng Imperyo Romano

Ulo ng estatwa ni Constantino sa Capitoline Museums. [1]
Paghahari 25 Hulyo 306 CE – 29 Oktubre 312 CE[notes 1]
29 October 312 – 19 September 324[notes 2]
19 September 324 – 22 May 337[notes 3]
Buong pangalan Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus
Kapanganakan 27 Pebrero ca. 272[2]
Lugar ng kapanganakan Naissus, Moesia Superior, kasalukuyang Serbia
Kamatayan 22 Mayo 337 (edad 65)
Lugar ng kamatayan Nicomedia
Sinundan Constantius I
Kahalili Constantine II
Constantius II
Constans I
Konsorte Minervina, namatay o nadiborsiyo bago ang 307
Fausta
Supling Constantina
Helena
Crispus
Constantine II
Constantius II
Constans
Dinastiya Dinastiyang Constantinian
Ama Constantius Chlorus
Ina Helena

Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus[3] (27 Pebrero c. 272[2] – 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Konstantino I, Constantino ang Dakila, o (sa Silanganing Ortodokso, Ortodoksong Koptiko, Ortodoksong Oryental at Bisantinong Katolikong mga Kristiyano) San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milan noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.

Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si Helena ng Konstantinople bilang mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng Simbahang Latin (sa ritong Latin), na kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang Constantino bilang mga santo, pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa Kristiyanismo.

Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul.


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Jás Elsner, Imperial Rome and Christian Triumph, 64, fig.32
  2. 2.0 2.1 Nag-iiba-iba ang mga petsa ngunit mas ginagamit ng makabagong mga historyador ang c. 272". Lenski, "Reign of Constantine" (CC), 59.
  3. Sa Latin, ang opisyal na pang-imperyong pamagat ni Constatino I ay IMPERATOR CAESAR FLAVIVS CONSTANTINVS PIVS FELIX INVICTVS AVGVSTVS, Imperator Caesar Flavius Constantine Augustus, the pious, the fortunate, ang hindi nagapi. Pagkaraan ng 312, idinagdag niya ang MAXIMVS ("ang pinakadalika"), at pagkalipas ng 325, pinalitan niya ang "hindi nagapi" ng VICTOR, dahil nakapagpapaalala ang invictus ng Sol Invictus, ang Diyos ng Araw.
Dakilang Constantino
Kapanganakan: 10 Pebrero 272 Kamatayan: 22 Mayo 337
Regnal titles
Sinundan:
Constantius Chlorus
Emperador Romano
306–337
kasama ni Galerius, Licinius at Maximinus Daia
Susunod:
Constantius II,
Constantine II
and Constans


Maling banggit (Umiiral na ang tatak na <ref> para sa pangkat na pinangalanang "notes", subalit walang natagpuang katumbas na tatak na <references group="notes"/>); $2