Papa Benedicto XVI

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Benedicto XVI)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Benedicto XVI
Nagsimula ang pagka-Papa Abril 19, 2005
Nagtapos ang pagka-Papa Pebrero 28, 2013
Hinalinhan Juan Pablo II
Kahalili Francisco
Mga orden
Ordinasyon Hunyo 29, 1951
ni Michael von Faulhaber
Konsekrasyon Mayo 28, 1977
ni Josef Stangl
Naging Kardinal Hunyo 27, 1977
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakan Joseph Aloisius Ratzinger
Kapanganakan 16 Abril 1927 (1927-04-16) (87 taong gulang)
Marktl, Alemanya
Kabansaan Alemanya
Dating puwesto Archbishop of Munich and Freising (1977–1982)
Cardinal-Priest of Santa Maria Consolatrice al Tiburtino (1977–1993)
President of the International Theological Commission (1981–2005)
Prefect of the Congregation for the Doctrine of the Faith (1981–2005)
President of the Pontifical Biblical Commission (1981–2005)
Cardinal-Bishop of Velletri-Segni (1993–2005)
Dean of the College of Cardinals (2002–2005)
Cardinal-Bishop of Ostia (2002–2005)
Motto Cooperatores veritatis (cooperators of the truth)[1]
Lagda {{{signature_alt}}}
Eskudo de armas {{{coat_of_arms_alt}}}

Ang Papa Benedicto XVI, (sa Latin: Benedictus PP. XVI; Italian: Benedetto XVI, madalas na tawagin sa misang Tagalog bilang Papa Benito XVI), (ipinanganak Abril 16, 1927 bilang Joseph Aloisius Ratzinger) ang inihalal na Papa ng Simbahang Katoliko noong Abril 19, 2005, tatlong araw matapos ang kanyang kaarawan. Bilang Papa, sya rin ang Obispo ng Roma (o Arsobispo Metropolitano ng Lalawigan ng Roma), Soberano ng Estado ng Lungsod ng Vatikan, Patryarka ng Kanluran, Pirmado ng Italya, at Kataas-taasang Pontifise ng pandaigdigang Simbahang Katolikong kaugnay sa Roma, kasama ng mga Simbahang Eastern Rite na kakomunyon ng Banal na Sede. Pormal syang ginawang Papa noong Misa ng Papal Inauguration noong Abril 24, 2005.

BXVI CoA like gfx PioM.svg

Ang Santo Papa, na may 78 taong gulang, ang pinakamatandang Puno ng Simbahang Katoliko na nahalal simula kay Clemente XII noong 1730, at ang unang pontifiseng Aleman simula kay Adriano VI (1522–1523) na ipinanganak sa Nederland na dating bahagi ng Alemanya. Si Víctor II, na namatay noong 1057, ang pinakahuling papa na nanggaling mismo mula sa loob ng mga modernong hangganan ng Alemanya. Si Benedicto XVI ang ikawalong papang Aleman; si Gregorio V (996–999) ang una. Nanungkulan ang huling Benedicto, si Benedicto XV, bilang papa mula 1914 hanggang 1922 noong Unang Digmaang Pandaigdig.

Nakikita ng ilan si Benedicto bilang tradisyonalista, ang ilan naman bilang ortodokso lamang, pero sang-ayon ang halos lahat ng obserbador na isa syang mahigpit (staunch) na tagapagtanggol ng Simbahan. Katunggali siya ng homosekswalidad, kasal ng dalawang parehas ang kasarian, eutanasya (mercy killing) at aborsyon (pagpapalaglag ng sanggol mula sa sinapupunan).

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Sinundan ni:
Juan Pablo II (1978-2005)
Kronolohikong tala ng mga Papa (2005-2013) Humalili:
Francisco (2013-Kasalukuyan)


Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.