Papa Gregorio I

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Santo Papa Gregorio I.

Si Santo Papa Gregorio I (c. 540 – 12 Marso 604) ay nagsilbing Papa at tagapamamahala ng Simbahang Katoliko mula 3 Setyembre, 590 hanggang sa kanyang kamatayan. Kilala rin siya bilang San Gregorio I o San Gregorio ang Dakila. Sa Silanganing Ortodoksiya, tinatawag siyang Gregorio ang Diyalohista dahil sa kanyang Mga Diyalogo, mga sulating nasa estilo ng diyalogo. Dahil dito, nakatala rin siya bilang Gregory Dialogus sa mga salin ng mga tekstong ortodokso patungong Ingles. Siya ang una sa mga papa na nagmula sa monastiko pinanggalingan. Isa siyang Duktor ng Simbahan at isa sa anim na Latinong mga Ama. Pagkaraan ng kanyang pagsakabilang buhay, daglian siyang ginawaran ng kanonisasyon.[1] Siya ang santong patron ng mga guro. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing Setyembre 3.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Gregory I". The Oxford Dictionary of the Christian Church. (2005). Ed. F.L. Cross. New York: Oxford University Press.



SantoKatolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.