Lumang Tipan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang kahong ito: tingnan · usapan · baguhin

Mga Tipan ng Bibliya

Ang Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng Apokripa at ng Bagong Tipan. Tinatawag din itong Matandang Tipan, Matandang Testamento, at Lumang Testamento.[1] Sa Ingles, tinatawag na testament ang salitang tipan[1] kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan"[1], at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano.[2] Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo. Ayon kay Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang Batas o Pentateuco, ang Mga Propeta, at ang Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya, samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo.[3] Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.[3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Biblical testament (testamentong biblikal, tipang pambibliya): tipan, testamento, testament, covenant, kasunduan, solemn agreement (mataimtim na kasunduan o kontrata); Lumang Tipan, Matandang Tipan, Lumang Testamento, Old Testament; Bagong Tipan, Bagong Testamento, New Testament". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. "Bible, Old Testament". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Talababa 44". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1557.


Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]



BibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.