Aklat ni Isaias

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang kahong ito: tingnan · usapan · baguhin

Ang Aklat ni Isaias[1] o Aklat ni Isaiah ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang ebanghelikong si Isaias.[1]

Si Isaias[baguhin]

Katauhan[baguhin]

Si Isaias ang itinuturing na pinakadakilang propeta sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nangangahulugang "Panginoon ay nagliligtas" sa wikang Ebreo. Tinatawag siya ng Diyos sa pagkapropeta noong taon ng kamatayan ni Haring Ozias, noong 738 BK.[1] Natanggap niya ang katungkulang humula mula sa Diyos sa loob ng templo ng Herusalem sa pamamagitan ng isang pangitain.[2] Naging tungkulin ni Isaias ang akitin ang sambayanang Juda para manumbalik sa Diyos sapagkat kung hindi nila gagawin ito parurusahan sila ng Diyos.[1] Namuhay siya noong mga mahalagang panahon kung kailan sinakop ng Asiria ang Israel at kung kailan naging isang tributaryo o "nagbibigay ng buwis" sa Asiria ang Juda at nanganganib ring lubos na masakop ng Asiria.[2] Ipinagpatuloy niya ang tungkuling ito hanggang sa sumapit ang mga paghahari nina Joatan, Acaz, at Ezequias. Marami siyang naging mga hula hinggil sa Mesias na si Hesukristo. Tinatawag na propesiya ang mga ganitong uri ng hula. Ayon sa alamat ng mga Hudyo, ipinapatay si Isaias ng haring si Manases.[1]

Estilo at impluho ng pagsulat[baguhin]

Dahil sa estilo ni Isaias bilang manunulat, at maging dahil sa sariwang paglalarawan ng mga kaganapan, itinuturing siyang isang makatang henyo sa larangan ng panitikang pambibliya. Isa rin siyang tanyag na pambansang pigura, partikular na sa mga usapin at gawaing pambayan. Sa kapanahun ng Bagong Tipan, karaniwang ipinaliwanag ng mga Kristiyanong manunulat na tumutukoy sa makasaysayang si Kristo ang mga propesiya ni Isaias tungkol sa pagdating ng Mesias.[2]

Sa Nagkakaisang mga Bansa[baguhin]

Ang taludtod mula sa Isaias 2:4 na ginagamit ng Nagkakaisang mga Bansa, at nakapaskel sa pader ng isang muog malapit sa himpilan nito sa Lungsod ng New York.

Hinango ng Nagkakaisang mga Bansa ang paggamit ng isang hindi opisyal na paglalahad ng misyong pang-organisasyon, na nasa wikang Ingles, mula sa Isaias 2:4 na naglalaman ng ganitong mga pananalita:

Siya ang huhukom sa mga bansa at hahatol sa maraming bayan, at gagawing sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat. Hindi na sila gagamit ng patalim, ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.[1]

Nagsasabi ito sa Ingles ng ganito:

And he shall judge between the nations, and shall reprove many peoples: and they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruninghooks: nation shall not lift up sword against nation, neither shall they learn war any more.[3]

Ang mga sumusunod ang mismong hinango ng Nagkakaisang mga Bansa, at nakaukit sa tinatawag na Pader ni Isaias sa isang muog malapit sa himpilan nito sa Lungsod ng New York:

Sa Ingles:

They shall beat their swords into plowshares. And their spears into pruning hooks. Nation shall not lift up sword against nation. Neither shall they learn war any more.[3][4]

Na katumbas sa Tagalog na:

Gagawin (nilang) sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat. Hindi na sila gagamit ng patalim, ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.[1]

Hinggil sa Mesias[baguhin]

Mababasa sa mga kabanata 7 hanggang 12 ang hinggil sa pagsilang ng Mesias mula sa isang birhen[5], samantalang makikita naman sa ang tungkol sa paghihirap ng "Lingkod ng Panginoon" na larawan ng Manunubos sa mga kabanata 51 hanggang 53.[1]

Mga bahagi[baguhin]

Binubuo ang Aklat ni Isaias ng mga sumusunod na mga bahagi:[1]

  • Mga Hula sa Juda at Israel (1-12)
  • Mga Hula Laban sa mga Bansang Hentil (13-23)
  • Apokalipsi ni Isaias (24-27)
  • Tungkol sa Parusa ng Samaria at Herusalem at Pagkubkob ng Asiria (28-39)
  • Pagkakaligtas ng Israel sa Babilonia (40-48)
  • Iniligtas ng Lingkod ng Panginoon ng Israel (49-66)

Paglalarawan[baguhin]

Nagbibigay ng babala ang unang hati ng aklat sa mga makasalanan ng Israel at Juda na parurusahan ng Diyos ang kanilang kawalan ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga taga-Asiria. Bagaman ganito, tinatanaw rin ng aklat ang paghahari ng isang "Prinsipe ng Kapayapaan."[2]

Sa ikalawang hati ng aklat, inilahad ang pinakadakila at pinakamahalagang kaganapan sa kapanahunan ni Isaias: ang paglusob ni Senaquerib[1] (kilala bilang Sennacherib sa Ingles[2]) noong 701 BK at kung paano pinanatiling ligtas ng Diyos ang Israel.[2]

Sa huling hati ng libro, binigyang diin ni Isaias ang paghahari at pagiging maawain ng Diyos. Dito ipinahayag ni Isaias na pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng Israel upang magkaroon ng wakas ang mga paghihirap ng mga mamamayan.[2]

Komposisyon[baguhin]

Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo at Kristiyano, ang buong Aklat ni Isaias ay isinulat ni propeta Isaias noong ika-8 siglo BCE. Gayunpaman, ang mga modernong skolar ng Bibliya ay nagbigay konklusyon na ang aklat na ito ay hindi maaaring isinulat ng isang may-akda.[6]:p.1[7] Ang mga obserbasyon na tumungo sa konklusyong ito ang sumusunod:[8]

  • Mga propesiya → Ang mga talata ng Isaias 40–66 ay tumutukoy sa mga pangyayaring hindi nangyari sa sinasabing panahon ni Isaias gaya ng pag-akyat ng Imperyo Babilonia bilang pandaigdigang kapangyarihan, ang pagkakawasak ng Herusalem ng Imperyo Babilonia, at ang pag-akyat ni Cirong Dakila na mga ebidensiya nang kalaunang komposisyo ng aklat na ito.[9] R. N. Whybray uses these passages to pinpoint the period of Deutero-Isaiah's activity to 550–539 BCE).[10]
  • Anonimidad → Ang paggamit ng pangalang Isaias ay biglaang huminto pagkatapos ng Kapitulo 39.
  • Istilo → May biglaang pagbabago sa istilo at teolohiya pagkatapos ng Kapitulo 40.[11] Maraming mga mahahalgang salita at parirala na matatagpuan sa isang seksiyon ay hindi matatagpuan sa ibang mga seksiyon.[12]
  • Sitwasyong historikal → Ang sitwasyong historikal ay dumaan sa tatlong mga yugto: Sa mga kapitulo 1-39, ang may-akda nito ay nagsasalita ng paghatol na babagsak sa mga masasamang Israelita. Sa mga kapitulo 40-55, ang pagkakawasak ng Herusalem at Templo nito noong 587 BCE ay tinrato bilang nagganap nang katotohanan at ang pagbagsak ng Imperyong Babilonia ay tinrato bilang nalalapit na banta. Sa mga kapitulo 56-66, ang pagbagsak ng Imperyo Babilonia ay nasa nakaraan na(past).[12]

Dahil sa mga ebidensiyang ito, hinati ng mga skolar ang aklat na ito sa tatlong mga bahagi: [13]

  • Kapitulo 1 hanggang 39 (na tinerminuhang Unang Isaias, Proto-Isaias o Orihinal na Isaias): ito ay akda ng orihinal na nagpakilalang propetang Isaias na nasa sa Herusalem sa pagitan ng 740 at 687 BCE.[14]
  • Kapitulo 40 hanggang 55 (na tinerminuhang Ikalawang Isaias o Deutero-Isaias): ito ay isinulat ng isang hindi kilalang may-akda na namuhay sa Babilonia sa huli nang pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita.[13]:418
  • Kapitulo 56 hanggang 66 (na tinerminuhang Ikatlong Isaias o Trito-Isaias): ito ay isinulat ng mga hindi kilalang alagad na naghahangad na ipagpatuloy ang akda ni Isaias pagkatapos ng pagkakatapos ng mga Israelita sa Babilonia. [13]:444 (Ang ilang mga skolar ay nagmungkahing ang Kapitulo 55-66 ay isinulat ng Deutero-Isaias pagkatapos ng pagbagsak ng Babilonia)[15]:p. 561

Ito ay nagpapahiwatig na ang sekwensiya ng bago ang pagkakatapon(pre-exilic), pagkakatapon(exilic) at pagkatapos ng pagkakatapon(post-exilic) ay medyo nakaliligaw dahil ang labis na pagbabago o editing ay nangyari sa lahat ng mga seksiyong ito. [16]:p.183

Walang katiyakan kung paanong ang mga seksiyong Deutero-Isaias at Trito-Isaias ay naidugtong sa orihinal na Isaias. Ang dalawang magkalabang mga teoriya ng skolar ay ang Deutero-Isaias ay isinulat bilang pagpapatuloy ng Proto-Isaias o ito ay isinulat nang hiwalay at naidugtong sa unang seksiyon sa kalaunang panahon. [17]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 1.9 Abriol, Jose C.. (2000). "Isaias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Reader's Digest. (1995). "Isaiah". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
  3. 3.0 3.1 Isaiah 2:4, English Revised Version, On-line Parallel Bible, SriptureText.com/Biblos.com
  4. Statement by the United Nations Secretary-General Before the Special Commemorative Meeting of the General Assembly Honouring 50 Years of Peacekeeping, 50 Year of United Nations Peacekeeping Operations, 1948-1998, UN.org, Oktubre 6, 1998: (...) Isaiah's words - "they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruninghooks; nation shall not lift up sword against nation; neither shall they learn war anymore" - will never be more than an ideal for humanity. (...)
  5. "Isaias 7:14". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. (2006). The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739.
  6. Sweeney, Marvin A., Isaiah 1–4 and the post-exilic understanding of the Isaianic tradition, Beiheft zur Zeitscrift für die alttestamentliche Wissenschaft 171. Berlin & New York: de Gruyter, 1988 ISBN 0-89925-404-7.
  7. For an example of the Jewish tradition concerning the composition of Isaiah in antiquity, see Josephus' Antiquities of the Jews XI, ch.1 . Josephus says that the statements about Cyrus the Great were indeed prophecies by Isaiah, but were themselves motivation for Cyrus to bring them to fulfillment as self-fulfilling prophecies. Further, Josephus says, Cyrus used the prophecies to justify and glorify his actions as divine will. For an example of the Christian tradition in antiquity, see Eusebius as reported in Hollerich, Michael J., Eusebius of Caesarea's Commentary on Isaiah: Christian exegesis in the age of Constantine (Oxford University Press, 1999), pp. 138-142. Hollerich also writes on Josephus' account.
  8. Creelman, Harlan (1917). An Introduction to the Old Testament. The Macmillan company. pp. 172. 
  9. Eng, Milton, "What's in a Name? Cyrus and the Dating of Deutero-Isaiah" in Kaltner & Stulman (eds.), Inspired Speech: Prophecy in the Ancient Near East (T&T Clark International, 2004), pp. 216-224.
  10. [1] Whybray, Roger Norman, The second Isaiah, Sheffield, England: Sheffield Academic Press, 1983 ISBN 0-567-08424-8, pp. 11–12.
  11. Bromiley, Geoffrey W. (1982). The international standard Bible encyclopedia. pp. 895–895. ISBN 978-0-8028-3782-0. 
  12. 12.0 12.1 Mercer dictionary of the Bible
  13. 13.0 13.1 13.2 Boadt, Lawrence (1984). Reading the Old Testament: An Introduction. ISBN 978-0-8091-2631-6. 
  14. "Introduction to the Book of Isaiah". United States Conference of Catholic Bishops. http://www.nccbuscc.org/nab/bible/isaiah/intro.htm. Nakuha noong 2007-04-29. 
  15. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Kugel); $2
  16. Blenkinsopp, Joseph, A history of prophecy in Israel, Louisville, Kentucky: Westminster John Knox, revised edition,1996 ISBN 0-664-25639-2
  17. Petersen, David L., "The prophetic literature: an introduction" (Westminster John Knox, 2002) p.48

Mga panlabas na kawing[baguhin]