Propeta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Propeta (paglilinaw).

Ang propeta ay isang taong inaangking pinili ng Diyos upang maghatid ng mga propesiya o hula sa mga tao. Sa Tanakh at sa Bibliya, tinatawag silang "mga tagapaglingkod" ng Diyos. Kung minsan, binibigyan sila ng Diyos ng isang mensaheng hinggil sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. May dalawang uri ng mga propeta: ang tunay o mga totoong propeta at ang hindi tunay o mga huwad na propeta. Palaging nagsasabi ang tunay na mga propeta na matapat ang Diyos sa kanyang mga pangako sa tao at nangangaral sa taong magtiwala at sundin ang Diyos, samantalang nagbibigay ang hindi tunay na mga propeta ng mga mensaheng hindi naman talaga nanggagaling mula sa Diyos.

Propesiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Hudaismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Hudaismo, sa bahaging Nevi’im ng Tanakh matatagpuan at mababasa ang mga mensahe ng mga propeta.

Kristyanismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Kristiyanismo at sa Bibliya, itinuturing si Hesus bilang isang "dakilang propetang" dumating sa mundo na nagsiwalat ng kung sino ang Diyos at kung gaano kamahal ng Diyos ang tao.[1]

Sa Bibliya pa rin, karaniwang tumutukoy ang salita para sa ilang mga tao o kalalakihang binabanggit sa Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan, nabanggit din ang mga taong propetang nasa loob ng maaga pang "simbahan". Katulad na lamang ni San Juan Bautista, na tinawag ding isang propeta.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. The Committee on Bible Translation. (1984). "Prophet, reveal, revelation". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B9 at B10.
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang LSP); $2


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.