Epiko ni Gilgamesh
Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang sinaunang kalipunan ng mga kuwento nagmula sa Mesopotamya ng Gitnang Silangan. Hindi nakikilala ang sumulat nito ngunit naganap ang mga pangyayari ng mga salaysay noong mga 2000 BK, bagaman maaaring mas bumabalik pa sa mga 3000 B. Unang naipasa ang mga kuwento sa pamamagitan ng paglalahad na pasalita lamang hanggang sa maisulat sa mga ibabaw ng mga tablang yari sa putik nang lumaon.[1]
Mga nilalaman |
[baguhin] Paglalarawan
Naglalahad ang epikong ito ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning si Gilgamesh, isang hari sa Babilonya. Isinasaad din ang tungkol kay Enkidu, ang kaibigan ni Gilgamesh. Mayroong limang kuwento sa Epiko ni Gilgamesh. Kabilang dito ang kuwentong hinggil sa isang malaking pagbaha at sa kung paanong nakaligtas ang isang mag-anak sa pamamagitan ng paggawa ng isang arko. Naging batayan ang partikular na kuwentong ito ng kuwentong Arko ni Noe, kaugnay ng Malaking Baha, na matatagpuan sa Lumang Tipan ng Bibliya.[1]
[baguhin] Impluwensiya sa Bibliya
[baguhin] Adan at Eba
Ang Epiko ni Gilgamesh ay naglalaman ng episodyong walang dudang umimpluwensiya sa mga may-akda ng aklat ng Genesis. Ang pagkakatulad sa pagitan ng mga kwento ni Enkidu at Shamhat sa Epiko ni Gilgamesh kay Adan at Eba ay matagal nang nakilala ng mga skolar.[2] Ang pagkakatulad sa pagitan ng kwento ni Enkidu at Shamhat sa Epiko ni Gilgamesh at ni Adan at Eba sa Aklat ng Genesis ang sumusunod:
- Sa Epiko ni Gilgamesh, ang isang isang hubad na sinaunang lalakeng si Enkidu ay nilikha mula sa lupa ng diyos na si Anu at inilagay sa edin. Sa Genesis, si Adan ay nilikha mula sa lupa at iniligay sa eden. Ang Enkidu ay nangangahulugang "panginoon ng mabuting lupa"(lord of the good earth) samantalang si Adan ay ginawang panginoon ng mga nilalang na tinawag na mabuti(Gen 1:24-31).
- Sa Epiko ni Gilgamesh, ang mga hayop ang kasama ni Enkidu sa edin. Sa Genesis, ang mga hayop ang kasama ni Adan sa eden.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, si Enkidu ay tinukso ng babaeng si Shamhat na isang patutot ng templo. Sa Genesis, si Adan ay tinukso ng babaeng si Eba.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, nalaman ni Enkidu na masamang maging hubad pagkatapos makipag-ugnayan kay Shamhat. Sa Genesis, nalaman ni Adan na masamang maging hubad pagkatapos tuksuhin ni Eba.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, sinisi ni Enkidu si Shamhat sa kanyang nalalapit na kamatayan at kawalan ng kamusmusan(innocence). Sa Genesis, sinisi ni Adan si Eba sa kanyang kawalan ng kamusmusan at siya ay mamamatay pagkatapos tuksuhin ni Eba na kumain ng ipinagbabawal na prutas.
Mababasa rin sa Epiko ni Gilgamesh na sa paghahangad ni Utnapishtim ng imortalidad(walang hanggang buhay), siya ay sinabihang may umiiral na halaman sa ilalim ng dagat na may katangiang magpabatang muli sa mga matanda. Si Gilgamesh ay sumisid sa dagat at inakyat ang halaman. Gayunpaman, ang halaman ay ninakaw habang siya ay naliligo. Ang magnanakaw na nagnakaw ng halaman ng walang hanggang kabataan(everlasting youth) mula sa kanya ay walang iba kundi ang ahas(serpent).[3]
Ang impluwensiya ng mga mitong Babylonian sa Israel ay hindi kataka taka dahil ang imperyong Babylonia ay napaka-impluwensiyal sa buong sinaunang Malapit na Silangan sa loob ng tatlong libong taon at ang Israel ay sinakop ng imperyong ito noong 587 BCE.
[baguhin] Arko ni Noe
Ayon sa mga modernong skolar ng Bibliya, ang kwento ni Noe sa Bibliya ay direktang binase o kinopya sa kwentong Babilonia na Epiko ni Gilgamesh na mas naunang isinulat sa Bibliya. [4] [5] Ang storya ni Noe ay isang pinagtagni-tagning teksto na ang ilang mga bahagi ay nagmula sa pinagkunang Jahwist( at ang ilan sa pinagkunang Saserdoteng teksto(priestly).[6] [7] Ang bersiyong Jahwist ay bumago sa teksto ng Babilonia upang ito ay umaayon sa teolohiyang monoteistiko.[4] Ang Epiko ni Gilgamesh ay naglalaman ng storya ni Ut-Napishtim na inutusan ng dios na si Ea na gumawa ng arko upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang delubyo(baha) na ipapadala ng dios na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang baha, si Ut-Napishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni Ut-Napishtim ay lumapag sa Bundok Nisir(kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Ut-Napishtim ay naghandog naman ng tupa at naamoy ng mga dios ang mabangong samyo nito.
[baguhin] Tingnan din
- Aklat ng Genesis
- Enûma Eliš
- Malaking Baha(para sa iba pang mga kwento ng delubyo)
- Lungsod ng Ur
- Mesopotamia
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who Wrote The Epic of Gilgamesh?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 72.
- ↑ Gmirkin, Russell, "Berossus and Genesis, Manetho and Exodus.., Continuum, 2006, p. 103. See also Blenkinsopp, Joseph, "Treasures old and new.." Eerdmans, 2004, pp. 93-95.
- ↑ http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab11.htm
- ↑ 4.0 4.1 Van Seters, p.120
- ↑ source Genesis Noah flood narrative&f=false Rendsberg, p.120
- ↑ Campell&O'Brien, p.213
- ↑ Nicholson, p.120