Adan at Eba
Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba[1] ang unang lalaki at unang babae -- mga unang tao -- at mga magulang ng sangkatauhan. Si Adan ang pinakaunang tao at ama ng sangkatauhan, at si Eba ang pangalawang tao at ina ng sangkatauhan. Nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok sa lupa ayon sa wangis o kalarawan ng Diyos. Nagmula ang pangalang Adan o Adam mula sa wikang Ebreong nangangahulugang "buhay." Nilikha naman ng Diyos si Eba mula sa mga tadyang ni Adan. Hinango ang katawagang Eba mula sa salitang Ebreong may kahulugang "ina ng lahat ng mga may buhay" o "ina ng lahat ng mga nabubuhay." Iniligay ng Diyos sina Adan at Eba sa Halamanan ng Eden subalit napalayas sapagkat kinain nila ang ipinagbabawal na bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan.[1] Ayon kay Jose C. Abriol, bahagi lamang ng Eden ang halamanan ng Eden kaya pagkaraan ng pagkakasala nina Adan at Eba ay "naroroon pa rin sila sa Eden ngunit sa labas na ng halaman."[2]
Si Adan (Ingles: Adam, Kastila: Adan, Ebreo: אָדָם: ʼĀḏām, alabok; alikabok; tao; sangkatauhan; Arabe: آدم, ʼĀdam; Ge'ez: አዳ) at si Eba (Ingles: Eve, Kastila: Eva, Ebreo: חַוָּה, Ḥawwā, "isang nabubuhay"; Arabe: حواء, Ḥawwāʼ; Ge'ez: ሕይዋን, Hiywan) ang itinuturing na unang lalaki at babaeng nilikha ng Diyos sa mga pampananampalatayang mga aklat na Tora, Bibliya at Kuran.
Lumilitaw sa maraming mga aklat sina Adan at Eba sa marami pang mga aklat bukod pa sa Henesis, katulad ng sa Kuran, ang Buhay nina Adan at Eba, ang Talmud, at mga tekstong Nostiko. Kung minsan, kabilang na tinutukoy sa tradisyong Hudyo ang iba pang mga asawa ni Adan bukod kay Eba. Ihinarap ni Pablo ng Tarsus si Hesukristo bilang ang "bagong Adan" na nagdadala ng buhay imbis na kamatayan. Sinasagisag ng ahas sa Halamanan ng Eden si Satanas sa teolohiyang Kristiyano, at ang Pagbagsak (ang pagkain ng pinagbabawal na bunga) ang nagtatag at naglunsad ng kasalanang orihinal ng tao. Itinuturing ng mga Muslim na si Adan ang pinakaunang mga propeta ng Islam.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pinagmulan ng kwento
Ang kwento ni Adan at Eva at ng hardin ng Eden ay sinasabi ng mga skolar na hinango sa mas naunang mga mito(myths) na Sumerian at Akkadian.[3] [4][5] Ayon sa mitong Sumerian(Sumerian myth), ang tanging nagkukulang sa paraisong Dilmun(na pinaniniwalaang ang bansang Bahrain sa kasalukuyan) ang sariwang tubig. Ang diyos na si Enki(o Ea) ay nag-utos kay Utu na diyos-araw(sun-god) na magdala ng sariwang tubig mula sa mundo(earth) upang diligan ang hardin. Sa mito ni Enki at Ninhursag, isinalaysay na ang diyosang-ina na si Ninhursag ay nagsanhi sa walong mga halaman na lumago sa hardin ng mga diyos. Si Enki ay nagnais na kumain ng mga halamang ito at ipinadala ang kanyang sugo(messenger) na si Isimud na kunin ang mga ito. Kinain ni Enki ang mga ito ng isa isa at sa galit ni Ninhursag ay naghayag ng sumpang kamatayan kay Enki. Bilang resulta ng sumpang ito ni Ninhursag kay Ennki, ang walo sa mga organo ng katawan ni Enki ay inatake ng sakit at siya ay nasa sakit ng kamatayan. Ang mga dakilang diyos ay nasiphayo at si Enlil na hepeng diyos(pinunong diyos) ay walang kapangyarihang makatulong. Si Ninhursag ay hinikayat na bumalik at ayusin ang sitwasyon. Si Ninhursag ay lumikha ng walong mga diyosa ng kagalingan(healing) na nagpagaling sa bawat may sakit na mga bahagi ng katawan ni Enki. Ang isa sa mga bahaging ito ang tadyang(rib) ng diyos at ang diyosang nilikha upang mangasiwa sa tadyang ay pinangalanang Ninti na nangangahulugang "babae ng tadyang".
Ang pagkakatulad sa pagitan ng mitong Sumerian at ng Aklat ng Genesis ang sumusunod:
- Ang lugar na pinangyarihan sa parehong ito ay isang hardin ng paraiso.
- Ang pagdidilig sa mga hardin ng tubig mula sa mundo.
- Ang pagkain ng ipinagbabawal na mga prutas ni Adan at Eba sa Aklat ng Genesis at ng diyos na si Enki sa mitong Sumerian.
- Ang sumpa sa tao(mga tao) na kumain ng ipinagbabawal na prutas.
- Ang paglikha ng babae mula sa tadyang ng lalake sa Genesis at ang paglikha ng babae upang pagalingin ang tadyang ng lalake sa mas naunang kwentong Sumerian.
- Ang pangalan ng babae ay nalikha. Sa Aklat ng Genesis, ang Eba o sa orihinal na semitikong anyong Hawah ay nangangahulugang "buhay". Sa mitong Sumerian, ang salitang ti mula sa pangalang Ninti ay may dalawang kahulugan. Ito ay maaaring mangahulugang "tadyang"(rib) o "buhay" kaya ang Ninti ay maaaring pakahulugang "babae ng tadyang" o "babae ng buhay".
Bukod dito, ang mitong Babylonian, na Epiko ni Gilgamesh ay naglalaman rin ng episodyong walang dudang umimpluwensiya sa mga may-akda ng aklat ng Genesis. Ang pagkakatulad sa pagitan ng mga kwento ni Enkidu at Shamhat sa Epiko ni Gilgamesh kay Adan at Eba ay matagal nang nakilala ng mga skolar.[6] Ang pagkakatulad sa pagitan ng kwento ni Enkidu at Shamhat sa Epiko ni Gilgamesh at ni Adan at Eba sa Aklat ng Genesis ang sumusunod:
- Sa Epiko ni Gilgamesh, ang isang isang hubad na sinaunang lalakeng si Enkidu ay nilikha mula sa lupa ng diyos na si Anu at inilagay sa edin. Sa Aklat ng Genesis, si Adan ay nilikha mula sa lupa at iniligay sa eden. Ang Enkidu ay nangangahulugang "panginoon ng mabuting lupa"(lord of the good earth) samantalang si Adan ay ginawang panginoon ng mga nilalang na tinawag na mabuti(Gen 1:24-31).
- Sa Epiko ni Gilgamesh, ang mga hayop ang kasama ni Enkidu sa edin. Sa Aklat ng Genesis, ang mga hayop ang kasama ni Adan sa eden.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, si Enkidu ay tinukso ng babaeng si Shamhat na isang patutot ng templo. Sa Aklat ng Genesis, si Adan ay tinukso ng babaeng si Eba.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, nalaman ni Enkidu na masamang maging hubad pagkatapos makipag-ugnayan kay Shamhat. Sa Aklat ng Genesis, nalaman ni Adan na masamang maging hubad pagkatapos tuksuhin ni Eba.
- Sa Epiko ni Gilgamesh, sinisi ni Enkidu si Shamhat sa kanyang nalalapit na kamatayan at kawalan ng kamusmusan(innocence). Sa Aklat ng Genesis, sinisi ni Adan si Eba sa kanyang kawalan ng kamusmusan at siya ay mamamatay pagkatapos tuksuhin ni Eba na kumain ng ipinagbabawal na prutas.
Mababasa rin sa Epiko ni Gilgamesh na sa paghahangad ni Utnapishtim ng imortalidad(walang hanggang buhay), siya ay sinabihang may umiiral na halaman sa ilalim ng dagat na may katangiang magpabatang muli sa mga matanda. Si Gilgamesh ay sumisid sa daga at inakyat ang halaman. Gayunpaman, ang halaman ay ninakaw habang siya ay naliligo. Ang magnanakaw na nagnakaw ng halaman ng walang hanggang kabataan(everlasting youth) mula sa kanya ay walang iba kundi ang ahas(serpent).[7]
Ang impluwensiya ng mga mitong Babylonian sa Israel ay hindi kataka taka dahil ang imperyong Babylonia ay napaka-impluwensiyal sa buong sinaunang Malapit na Silangan sa loob ng tatlong libong taon at ang Israel ay sinakop ng imperyong ito noong 587 BCE.
Ayon sa historyan na si Mario Liverani, ang pagkakatulad ng mitong(myth) Babylonian ni Adapa[8] at Adan sa Aklat ng Genesis ang mga sumusunod:[9]
- Sa mito ni Adapa, sa pamamagitan ng pamamagitan(intervention) ng diyos na si Ea, si Adapa ay nagkamit ng kaalaman tungkol sa langit at lupa. Sa Aklat ng Genesis, sa pamamagitan ng pamamagitan(intervention) ng ahas, si Adan ay nagkamit ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
- Sa mito ni Adapa, kung si Adapa ay bilang panauhin ng mga diyos ay tumanggap sa pagkain at inumin ng buhay, siya ay magiging imortal(walang kamatayan) tulad ng mga diyos. Sa Aklat ng Genesis, kung si Adan ay kumain sa puno ng buhay, siya ay magiging imortal(walang kamatayan) tulad ng diyos.
- Sa mito ni Adapa, si Anu ay naghandog ng oportunidad kay Adapa ngunit ang pagtanggi nito ay pumayag kay Anu na pabalikin ito sa lupa. Sa Aklat ng Genesis, upang pigilan ng diyos na si Yahweh ang imortalidad ni Adan, kanya itong itinaboy sa paraiso(eden) at ipinadala sa lupa.
- Sa mito ni Adapa, bilang prototipo(prototype o modelo) ng pagkasaserdote(priesthood) ay gayunpaman nagpanatili ng mga pribilehiyo ng isang saserdote na pagkakatanggap sa bahay na pang-diyos, pakikipag-ugnayan sa mga diyos, kaalaman ng mga ritwal at patakaran ng puridad at nakapagpapalayas ng demonyo na kapangyarihan ng mga salita. Ang pagiging epektibo ng kanyang sumpa(curse) laban sa Timog Hangin(South Wind) ay kaugnay sa mga pangsaserdoteng eksorsismo(pagpapalayas ng demonyo) na nasa pragmentong D. Sa Aklat ng Genesis, si Adan bilang prototipo ng sangkatauhan(mankind) ay nagkamit sa anyo ng mga sumpa(curse) na hirap ng pagbubungkal sa pagkuha ng pagkain at kahirapan ng panganganak o ang imortalidad ng sangkatauhan at hindi ng indibidwal na imortalidad.
[baguhin] Pananaw relihiyoso
Sa pakikipagdebate sa biologong si Richard Dawkins noong Abril 2012, inamin ng Romano Katolikong Kardinal na si George Pell na ang kwento ni Adan at Eba ay isa lamang sopistikadong mito(myth) upang ipaliwanag ang pagdurusa at kasamaan kesa isang katotohanang siyentipiko.[10]
[baguhin] Tingnan din
[baguhin] Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Adam and Eve". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
- ↑ Abriol, Jose C.. (2000). "Genesis 2, talababa bilang 8". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- ↑ S. G. F. Brandon, Creation Legends of the Ancient Near East
- ↑ Graves & Patai, Hebrew Myths: p21-23
- ↑ Hooke, Middle Eastern Mythology: p41-45 & p119-120
- ↑ Gmirkin, Russell, "Berossus and Genesis, Manetho and Exodus.., Continuum, 2006, p. 103. See also Blenkinsopp, Joseph, "Treasures old and new.." Eerdmans, 2004, pp. 93-95.
- ↑ http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab11.htm
- ↑ http://www.sacred-texts.com/ane/adapa.htm
- ↑ Myth and Politics in Ancient Near Eastern Historiography, Mario Liverani, pp.21-23
- ↑ http://www.theaustralian.com.au/news/nation/adam-and-eve-thats-just-mythology-says-pell/story-e6frg6nf-1226322379822