Kreasyonismo
- Ang "Kreasyonismo" ay maaari ring tumukoy sa mga mito ng paglikha, o sa isang diwa hinggil sa pinagmulan ng kaluluwa. Para sa kilusan sa panitikang Kastila, tingnan ang Creacionismo.
| Part of a series on |
| Creationism |
| Types of creationism |
|
Young Earth creationism |
| Mythology and theology |
|
Creation myth |
| Creation science |
|
Baraminology |
| Controversy |
| Particular religious views |
|
Ang kreasyonismo (Ingles: Creationism) ay isang paniniwalang pampananampalataya[1] na ang sangkatauhan, ang buhay, ang Daigdig, at ang sansinukob ay mga nilikha ng isang nilalang na supernatural, na pinaka kadalasang tumutukoy sa Abrahamikong Diyos. Sa pag-unlad ng agham magmula ika-18 daantaon hanggang sa pagpapatuloy pa ng panahon, sari-saring mga pananaw ang umunlad na naglayong itugma ang agham sa salaysay ng paglikha sa Henesis.[2] Sa panahong ito, ang mga naniniwala na ang mga uri ay nakahiwalay na nilikha ay pangkalahatang tinatawag na "mga pintakasi ng paglikha" subalit paminsan-minsan silang tinatawag na mga "kreasyonista" (makapang-paglikha) sa loob ng pribadong pakikipagsulatan sa pagitan nina Charles Darwin at ng kanyang mga kaibigan. Sa pag-unlad ng kontrobersiya ng paglikha at ng ebolusyon, ang katagang "anti-ebolusyonista" (kalaban ng ebolusyon) ay naging mas pangkaraniwan, at pagdaka, noong 1929 sa Estados Unidos, ang katawagang creationism o kreasyonismo ay unang naging tiyak na kaugnay ng hindi paniniwala ng mga pundamentalistang Kristiyano sa ebolusyon ng tao at paniniwala sa isang bata pang Daigdig, bagaman ang paggamit nito ay tinutulan ng ibang mga pangkat, katulad ng mga kreasyonista ng matandang daigdig at mga kreasyonistang ebolusyonaryo, na naniniwala sa sari-saring mga diwa ng paglikha (ang "kreasyon", na creation sa Ingles).[3]
Sa ngayon, ang Amerikanong Apilyasyong Siyentipiko at ang Mga Kristiyano sa Agham na nakabase sa Nagkakaisang Kaharian ay kumikilala na mayroong iba't ibang mga opinyon sa piling ng mga kreasyonista hinggil sa paraan ng paglikha, habang ipinapahayag ang pagkakaisa ukol sa paniniwalang Kristiyano na ang Diyos ang "lumikha ng sansinukob".[4][5][6] Magmula noong dekada 1920, ang kreasyonismong literalista sa Amerika ay tumututol sa mga teoriyang pang-agham, katulad na nga nga ebolusyon,[7][8][9] na hinango mula sa likas na mga obserbasyon ng uniberso at ng buhay. Ang kreasyonistang literalista[10] ay naniniwala na ang ebolusyon ay hindi maaaring sapat na makapagsasalaysay at makapagpapaliwanag ng kasaysayan, pagkakaiba-iba, at kasalimuotan ng buhay sa Daigdig.[11] Ang mga kreasyonistang pundamentalista na may pananalig na pang-Kristiyano ay pangkaraniwang ibinabatay ang kanilang paniniwala sa isang literal na pagbasa ng paglikha na mula sa salaysay ng Henesis.[10][12] Other religions have different deity-led creation myths,[note 1][13][14][15] habang ang magkakaibang mga kasapi ng indibidwal na mga pananalig ay nagkakaiba-iba sa kani-kanilang mga pagtanggap ng mga natutuklasan sa larangan ng agham. Bilang pagkakaiba sa mga kreasyonistang literalista, pinananatili ng mga kreasyonistang ebolusyonaryo na bagaman ang ebolusyon ay tumutuon sa biyodibersidad, ang ebolusyon mismo ay kosmolohikal o pangkosmolohiyang maitutukoy na kagagawan ng isang diyos ng paglikha.[16][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ Eugenie C. Scott (with forward by Niles Eldredge) (2004). Evolution vs. Creationism: An Introduction. Berkley & Los Angeles, California: University of California Press. p. 114. ISBN 0-520-24650-0. http://books.google.com/?id=03b_a0monNYC&printsec=frontcover&dq=evolution+vs.+creationism&q. Nakuha noong 16 Hunyo 2010 Pati na ang: Westport, Connecticut: Greenwood Press. ISBN 0313321221
- ↑ Ronald L. Numbers. "The ‘Ordinary’ View of Creation". Counterbalance Meta-Library. http://www.counterbalance.net/history/ordcreat-frame.html. Nakuha noong 2010-08-11.
- ↑ Ronald L. Numbers. "Antievolutionists and Creationists". Creationism History. Counterbalance Meta-Library. http://www.counterbalance.net/history/anticreat-frame.html. Nakuha noong 2007-08-15.
- ↑ "A Spectrum of Creation Views held by Evangelicals". American Scientific Affiliation. http://www.asa3.org/ASA/topics/Evolution/index.html. Nakuha noong 2007–10–18. "Lahat ng mga Kristiyanong nasa mga agham ay nagpapatunay na ang pangunahing gampaniin ng Logos sa paglikha at pagpapanatili ng sansinukob. Sa paghahanap upang mailarawan kung paano nagkaroon ng kamangha-manghang daigdig, isang samu't saring mga pananaw ang lumitaw sa loob ng huling dalawang daang mga taon dahil sa nagpapatuloy na mga kadalubhasaang pambibliya at pang-agham na nagbigay ng mas malalim na pagkaunawa sa salita ng Diyos at sa mundo."
- ↑ Ronald L. Numbers (1998). Darwinism Comes to America. Harvard University Press. ISBN 9780674193123. http://books.google.com/books?id=drk3zykoEy4C&pg=PA55&dq=definition+of+creationism#v=onepage&q=definition%20of%20creationism&f=false. Nakuha noong 2007–10–18. "Ang mga kreasyonista ng kasalukuyang araw ay hindi nagkakasundo hinggil sa kung ano ang nalikha ayon sa Henesis."
- ↑ Ruth Bancewicz. "Making your mind up about the HOW of creation". Christians in Science. http://www.cis.org.uk/resources/articles/making-your-mind-up-about-the-how-of-creation. Nakuha noong 2007–10–18. "Ngunit ang mga Kristiyano ay madalas na hindi nagkakasundo ukol sa PAANO. Mayroong tatlong pangunahing mga punto ng pananaw na pinanghahawakan ng mga Kristiyanong ebanghelikal na tumatangan sa isang mataas na pananaw ng Banal na Kasulatan. Ang teistikong ebolusyonismo ay isang pagtanggap ng ebolusyon bilang pinaka pangkasalukuyang makaagham na paglalarawan ng paraan ng paggawa ng Diyos sa mundo. Ito ang nangingibabaw na punto ng pananaw sa piling ng mga Kristiyano na masigla sa akademikong agham o teolohiya (tingnan ang mga sangguniang bilang 1, 2, at 3). Ang Kreasyonismo ng Bata Pang Mundo ay isang pagtanggi ng agham na nasa pangunahing agos, bilang pagpabor sa isang interpretasyon ng salaysay sa Henesis na literal na inuunawa ang 6 na mga araw ng paglikha (tingnan ang mga sanggunian bilang 4 at 5). Ang Disenyong Intelihente ay kumakatawan ng maraming mga pananaw. Kaiba sa ebolusyong Teistiko o Kreasynosismo ng Bata Pang Daigdig, hindi nito pinagtutuunan ang interpretasyong pambibliya (tingnan ang mga sanggunian bilang 6, 7, at 8). Madalas itong tinatanaw bilang "panggitnang salingan" (panggitnang sandigan) para sa mga Kristiyano, dahil sa isang pagkakahalu-halo ng mga kadahilanang pangteolohiya, pampilosopiya, at pang-agham. Karamihan sa mga tagapagtaguyod ng disenyong intelihente ang tatanggap sa lumang daigdig o matandang daigdig (c. 4.5 bilyong mga taon), subalit tatanggi sa teoriya ng ebolusyon dahil sa dalawang mga dahilan: 1) na walang sapat na katibayan para sa ebolusyon, at 2) ang masasalimuot na mga sistemang pambiyolohiya ay mga katunayan para sa isang tagapagdisenyo. Ang Kilusan ng Disenyong Intelihente ay gumagamit din ng ebidensiya para sa pagpipino ng tono ng kosmolohiya na pinag-uusapan ng maraming mga ebolusyonistang teistiko, kung kaya't may ilang karaniwang salingan o sandigan dito."
- ↑ "NCSE : National Center for Science Education - Defending the Teaching of Evolution in Public Schools.". Creationism. 2008. http://ncse.com/creationism. Nakuha noong 2009-06-22.
- ↑ Bilang halimbawa, ang Paglilitis kay Scopes noong 1925 ang nagdala ng kreasyonismo at ebolusyon sa mapagtunggaling kapaligiran ng Amerikanong sistema ng katarungan. Balitang-balita ang paglilitis na ito, at nagsilbing isang katalista para sa mas malawak na kontrobersiya ukol sa paglikha at sa ebolusyon; Giberson & Yerxa (2002), pp. 3-4.
- ↑ Ang katayuan ng ebolusyon bilang isang "teoriya" ay nagkaroon ng isang tanghal na gampanin sa pagtatalo hinggil sa paglikha at ebolusyon. Sa terminolohiyang pang-agham, ang "mga teoriya ay mga kayarian ng ideya na nagpapaliwanag at nagpapaunawa ng mga katotohanan". Kung gayon, nauunawaan na ang ebolusyon ay isang katotohang pang-agham at isa ring teoriya. Sa kabaligtaran, nang ang mga literalistang kreasyonista ay tumukoy sa ebolusyon bilang isang teoriya, kadalasan nilang ibig sabihin na binibigyang katangian nila ang ebolusyon bilang isang "hindi perpektong katotohanan", na kumukuha mula sa bernakular na kadiwaan ng "teoriya" bilang isang "bahagi ng isang hirarkiya ng pagtitiwala na patakbong nahuhulog sa burol magmula sa katotohanang hanggang sa teoriya, hanggang sa paghula"; Gould SJ (Mayo 1981). Evolution as fact and theory. Nakuha noong 12 Abril 2010; Moran L (2002). Evolution is a fact and a theory. Nakuha noong 12 Abril 2010. Orihinal na akdang nailathala noong 1993.
- ↑ 10.0 10.1 Campbell D (2006, 21 Pebrero). "Academics fight rise of creationism at universities". The Guardian. Nakuha noong 07 Abril, 2010.
- ↑ Para sa pambiyolohiyang pagkakaunawa ng kompleksidad o kasalimuotan, tingnan ang Ebolusyon ng kompleksidad. Para sa isang perspektibong kreasyonista, tingnan ang Kasalimuotang hindi mababawasan.
- ↑ Ronald L. Numbers. "Creationism History: Topic Index". Counterbalance Meta-Library. http://www.counterbalance.net/history/intro-frame.html. Nakuha noong 2009-06-22.
- ↑ Dundes, Alan (Taglamig, 1997). "Binary Opposition in Myth: The Propp/Levi-Strauss Debate in Retrospect". Western Folklore (56): 39–50.
- ↑ Dundes, Alan (1984). Introduction. Sacred Narrative: Readings in the Theory of Myth. Alan Dunes. (patnugot). University of California Press.
- ↑ Dundes, Alan (1996). "Madness in Method Plus a Plea for Projective Inversion in Myth". Myth and Method. Pinatnugutan nina Laurie Patton at Wendy Doniger.. Charlottesville: University of Virginia Press.
- ↑ See, e.g., Corey MA (1993). "Making sense of the 'coincidences'". In MA Corey, God and the new cosmology: The anthropic design argument (pp. 157-174). Lanham, MD: Rowman & Littlefield.
[baguhin] Mga tala hinggil sa terminolohiya
- ↑ Habang ang katagang mito ay kadalasang kolokyal na ginagamit upang tumukoy sa "isang hindi totoong kuwento", ang artikulong ito ay gumagamit ng kataga ayon sa pang-akademyang kahulugan na "isang banal na salaysay na nagpapaliwanag kung paano nagkaroon at nalikha ang mundo at ang sangkatauhan sa kanilang pangkasalukuyang kaanyuhan" (Dundes A, 1996. "Madness in method plus a plea for projective inversion in myth". Nasa LL Patton & W Doniger (mga patnugot), Myth & method. Charlottesville: University Press of Virginia pp. 147-162).