Kabilang buhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa pelikula sa Pilipinas, pumunta sa Sa Kabilang Buhay.

Ang kabilang buhay (Ingles: afterlife, life after death, the hereafter) ay ang pinaniniwalaang yugto sa buhay ng isang tao pagkatapos ng isang katangi-tanging pangyayari, partikular na pagkaraan ng kamatayan[1] o pagkatapus na pagkatapos mamuhay sa mundo. Tinatawag din itong sa kabilang buhay, kabilang daigdig, buhay pagkaraang mamatay, o buhay pagkaraan ng kamatayan.[1] Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na nangyayari pagkaraan ng kamatayan ayon sa iba't ibang mga aral ng kani-kanilang mga relihiyon. May ilang mga pananampalatayang naniniwala sa reinkarnasyon o ang pagbabalik sa buhay na nasa ibang katawan. Kinabibilangan ito ng Budismo at Hinduismo. May ibang mga relihiyong naniniwalang napupunta ang tao sa ibang pook pagkaraang mamatay, katulad ng langit, limbo, purgatoryo, at impiyerno. Kabilang sa mga ito ang Kristiyanismo, Katolisismo, Hudaismo, at Hainismo. May iba pang mga relihiyon na naniniwalang nagbabago ang mga tao at nagiging mga espiritung tinatawag na mga multo, aswang, o guni-guni.[2]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Afterlife, kabilang buhay; hereafter". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Ghost". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Ghost, isinalin bilang multo, aswang, at guni-guni.


PananampalatayaMitolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.