Hades

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Hades at ang kanyang asong may tatlong ulo, si Cerberus.
Si Hades habang nasa Mundong Ilalim.

Si Hades ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim. Kapantay siya ng mga diyos ng Olimpo o labindalawang Olimpiyano.[1][2] Isa siya sa mga anak ni Kronos. Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya magpakailanman nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2] Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1]

Nag-aari siya ng isang masalamangkang kalubkob o helmet, na nakapagdurulot ng pagka hindi nakikita o pagkawala kapag isinusuot ito.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Hades, Pluto". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 357.
  2. 2.0 2.1 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya. (2005). "Hades, Pluto". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.