Pumunta sa nilalaman

Demeter

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Demeter.

Si Demeter ay ang pangatlong kapatid na babae ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang diyosa ng mga butilya o buto ng halaman o pananim, kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura. Batay sa mitolohiya ng mga Griyego, siya ang nagturo sa mga tao kung paano magtanim at magsaka. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Ceres o Seres, na pinagmulan ng salitang Ingles ng angkak, ang cereal.[1]

Bilang diyosa ng pag-ani, kalimitan siyang inilalarawan bilang isang babaeng may bigkis ng ginintuang mga mais. Sinasamba siya ng lahat ng mga uri ng taong nagtatanim at umaani. Siya ang ina ni Persephone.[2]

Batay sa mitolohikong salaysay, tinangay ni Hades si Persephone nang makita itong nangunguha ng mga bulaklak. Sinunggaban ni Hades si Persephone at saka isinakay sa kanyang karong pangdigma. Isang dahilan ng pagtangay ni Hades kay Persophone ang pagkakaroon nito ng kabigha-bighaning kagandahan. Pangalawang dahilan ang upang gawin itong reyna niya. At pangatlo, upang magbigay si Perspehone ng liwanag sa madilim na kaharian ni Hades na nasa Mundong Ilalim.[2]

Dahil sa pagtuklas na nawawala si Persephone, namighati si Demeter. Nagdala ang kanyang kalungkutan ng tag-lamig na may pag-ulan ng yelo o niyebe sa mundo. Dahil sa tag-lamig, nagkaroon ng panahon ng pagkakait sa tao at iba pang mga nilalang ng mga bungang nagmumula sa pag-ani.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Demeter, Ceres". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Demeter, Ceres; Persephone, Proserpina". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 359.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.